×

Penana
search
Loginarrow_drop_down
Registerarrow_drop_down
Please use Chrome or Firefox for better user experience!
  • Writer
    Aneat
    Aneat
    malayo sa pagiging normal, bagong maskara bawat araw, ginaya't hulmado galing sa ibang tao, pero ang mahalaga ay humihinga parin ako, kahit papaano.
    See more
Pangungusap na naisip at sinulat
PG
0
0
0
286
0

swap_vert

Wala lang, bored ako eh.
Sep. 8: 2:15 pm

Dami naming nakapila dito sa kwartong kay lamig dahil sa aircon. Sa aking estima, siguro nasa sisenta katao kami dito. Kung mapapansin, ang bawat isa ay aligaga sa kani-kanilang sarili, may mga naglalaro ng mobile games, ang iba naman ay nagre-retouch ng kani-kanilang make-up, at meron din namang iba na nakikipag-chat thru messenger. Bakit kami nakapila kamo? Kasi magpapasukat kami. September 18: deadline ng uniporme naming gagamitin sa pasukan. Bilang isang electrician helper sa gabi, medyo hassle sakin ang pumila ng ganitong katagal. Isipin mo napasulat ako sa kabagutan ko dito. Unti-unti namang umuusad ang pila, pero ayun din ang rason bakit mabagal, kasi unti-unti nga lang. Ano kayang nasa isip nitong mga nagsusukat sa amin? Biruin mo kung gaano karaming tao ang sinusukatan at nahahawakan nila. Di lang itong kwarto nga pala na ito ang mga magpapagawa ng uniporme, may dalawang room pa pala na puno ng tao para magpasukat. Isang libo't dalawang daan at limampu ang presyo ng pares ng polo at pantalon na itatahi nila para sa amin, mura na kaya iyon? Sa aking sarili, napaisip ako na may kamahalan dahil dalawang araw na sahod ko kaagad yung katumbas para sa isang pares ng uniporme. Siguro kung di lang ako nadiskarel sa pag-aaral noong pandemic, edi sana wala ako dito, baka graduate pa nga. Relapse malala nanaman. Siguro tapusin ko na 'tong log ko bago pa ako mag-mental breakdance sa gitna ng pilang pasukatan para sa uniporme.

Akala ko construction lang.
Sep. 10: 12:29 am

Pag iniisip ko ang kita ng isang trabaho, dalawang konsepto ang palaging nag-iiringan. Kesyo "ang baba naman ng sinasahod nya, kung [ibang propesyon] ang kinuha niya, edi sana mas malaki ang kikitain niya, mas maluwag pa ang buhay" at "di niya pipiliin ang trabahong ito kung di nya to gusto at kung di sya nabubuhay nito". Pero yung pangalawang punto ay kinekwestyon pa ng "baka kasi ito lang ang kaya niya kaya ganito siya". Tila ba nagmimistula akong husgado sa mga propesyong kinukuha ng mga di ko kilalang tao. Alam kong di maganda yung ganitong takbo ng utak pero di ko mapigilan. Isa sa mga propesyon na kinilatis ko ay ang construction. Madalas minamaliit ng ibang tao, pero 'di kayang gawin ng karamihan. Ang sahod ng isang construction worker ay nakabase din syempre sa kanilang skill, base sa mga nakikita kong payslip sa mga kasamahan ko ngayon sa SM North Edsa Gootopia, naglalaro sa 400 ang pinakamababa hanggang sa 1,300 ang sahod ng mga tao dito, arawan. Marami rin akong narinig na kwento mula sa mga construction worker kesyo bat sila naging ganito. May mga di nakapagtapos, meron ding napasabit sa tropa, meron ding hilig kasing kumilos dahil tumatanda na rin naman daw sila, madalas ay dahil sa "malaking pera", at iilan ang ginusto talaga nila. Ako? Nandito ako kasi ayaw na akong makita ng mama ko sa harap ng kompyuter. Sakto, ang ninong ko ay isang sub con ng isang engineer. Ang sabi sakin ni ninong ay 50/50 ang hatian nila. Nanggagaling sa 50% ang pinapasahod nya sa mga tao nya (na ako lang at yung batak nyang bata). Nag-iinuman sila ni papa, "800 arawan, lingguhan ang sahod.", ang sabi ni ninong habang nakangiti, hawak-hawak ang kaniyang ikaapat na red horse. Bilang walang muwang sa mundo ng trabahador, di ko alam kung matutuwa ako sa sinabing sasahurin ko daw kung sakaling magtrabaho ako para kay ninong. Pero nang tignan ko ang reaksyon ng nanay, tatay, at kapatid kong babae, iisa lang ang sinabi nila. "Mataas pa yung sahod mo sa akin ah!" Doon ko lang nalaman na dapat pala akong matuwa. Na ang minimum pala ay nasa 600 lamang, at lamang ng 200 ang sasahurin ko sa mga taong kinabibiliban ko. "Magsimula ka na bukas ah, lunes," sabay lagok sa hawak niyang bote ng alak. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko. Alam kong dapat ako matuwa, pero maiiwanan ko naman si Victor at Norman sa server na nilalaruan namin. Hindi na ako makakapag-practice ng basketball at di na rin ako makakapag home workout. Pero napag-isip isp ko rin na baka para rito kaya ako nagkokondisyon ng katawan ko. At andito na nga ako sa site, pangatlong linggo ko na sa trabahong ito. Electrician helper kung tawagin, pero construction worker din naman. Mahirap ang naging unang linggo ko dahil pinagkasya ko ang 800 pesos na kung iisipin ay halos imposible na sa panahon ngayon, pero dahil sa sagot ni ninong ang hapunan ko at pamasahe pauwi, nagawa kong maigapang ang una kong linggo. Yung pangalawa naman ay parang ganun din dahil sa kailangan kong bumili ng uniform na nagkakahalagang 1250 pesos. Dati, kung iisipin ko ang halagang ito ay "kaya 'to nila mommy at daddy", pero ngayon, "langya, dalawang araw ko na 'to ah". Balik tayo sa usapang sweldo, ang gusto ko talaga kasing maging propesyon ay maging guro. Alam din naman natin na di kalakihan ang sweldo nila ngayon, idagdag pa ang mga kaltasin sa sweldo nila. Joke time pa yung DepEd Secretary ngayon. Balita ko sa mga ka-batch kong naunang makagraduate kumpara sa akin na 22k ang sahod nila ngayon sa private school. Tataas pa naman daw ito kung sakaling magkalisensya sila o lumipat sa public school. Marami din akong naririnig na balita sa public school na kesyo mataas nga ang sahod eh nadedelay naman. Kaya napaisip ako, 24k monthly sa pagiging construction worker ko, aba mas mataas pa pala ang sahod sa pinapangarap kong propesyon. Inaaral kong gustuhin itong pagiging electrician kasi andito yung pera. Habang tumatanda ako, naiisip ko na di ako papakainin ng "passion and dedication" ko. Pero ang tanong, "gusto ko ba talaga itong ginagawa ko?" Ewan ko. Basta ang alam ko ay may pera sa construction. Hindi ko man ito pinili, pero parang hulmado ang katawan ko para sa propesyon na ito.

Pero huwag kayong mag-alala ah. Tatapusin ko itong kinuha ko sa NTC na Bachelor in Secondary Education Major in Science. Sabi nga ni ninong eh "maganda parin na meron kang diploma". Galing sa taong walang diploma pero mas malaki pa ang sinasahod kaysa minimum wage earner. Sabi ko nga sa sarili ko na bibigyan ko ng chance ang propesyong pagtuturo sa loob ng dalawa o tatlong taon. Ang plano ko ay magkalisensya parin, at tignan kung mabubuhay ko ba ang sarili ko sa pangarap kong trabaho. At kung hindi ako matuwa man lang sa ginagawa ko, diretso TESDA at kukulitin ko ulit si ninong na pumasok sa kumpanya nila at sumama sa mga sideline nya. Andun yung pera eh, nararamdaman ko. Sa dami ng sinabi ko dito, alam kong magulo ang takbo ng utak ko, pero atlis alam ko na magulo. Ang tantya nga ni Steph ay pwede ko raw gawing sideline ang pagiging teacher at full time naman ang pagiging electrician kung trip ko raw. Hayaan ko munang mangyari sakin itong lahat bago ulit ako magdesisyon sa buhay. Sa ngayon, tunay masaya ako. Wala na akong pagsisisihan na bagay kung kontrolado ko ang desisyon ko sa buhay, maging matagumpay man ako o hindi, ako ang manunulat ng sarili kong kwento.

Uwi
Sep. 10: 3:48 am

Pangit ng oras ng uwi ko, pero ayos lang, alaga naman sa trabaho tsaka sa sahod hehe.

Tiis
Sep. 10: 3:58 am

Ang bantot nung bodega/bagsakan ng patay na hayop, nakakasikip ng dibdib yung amoy. Di ko alam kung sumiksik na ba yung amoy sa ilong ko o kumapit sa damit ko yung samyo nung nabubulok na katas ng halo-halong patay na livestocks sa kanto. Napa-tulfo na ng isang beses, hinintay pang makadalawa eh. Sa ngayon, takpan ko muna 'tong malaking ilong ko, pigil hininga muna pag dadaan doon. Pero ang tanong, gaano katagal? Gaano katagal ko titiisin ang isang bagay na ayoko? Langya, bantot lang ng paligid ang rant ko kanina ah. Pero on a serious note, itong tinutuluyan namin ni daddy, ramdam ko na alipin ako ng salapi ngayon. Sa kwartong ito, nararamdaman ko na mahirap mabuhay, pero para sa iba, itong estado ko ay maluwag pa. Gaano ko pa katagal titiisin na di mag-almusal ng umaaga, sasadyaing magising ng tanghali para isang kainan na lang sa karinderya't ang kakainin ko pa ay isang order ng tigbe-bente singkong gulay (pakbet 4 layf) at isang kanin na pilit pinupunan ng isang basong tubig pag nakalahati na. Hindi ito kwestyon kung malungkot ba ako sa ganitong sitwasyon, dahil sanay naman ako sa hirap. Nagpapasalamat parin ako sa poong may kapal at nabubuhay pa ako. Ang tanong dito ay hanggang kailan ako masasanay sa ganitong sitwasyon. Pinipilit kong dagdagan yung mga aktibidades ko sa buhay, pero oras at lakas ang kapalit nun na kailangan ko sa aking pang gabing trabaho. Pwersado akong magpahinga kasi kailangan kong magtrabaho ulit kinabukasan. Pinipilit kong magkaroon ng oras para sa mga tao at bagay na sa tingin ko ay worth it bigyan ng sakripisyo, pero may kinukuhang buwis sa katawan ko. Dahil ba di na ako bata at tumatanda na ako? Pero bata pa yung tingin sakin nung engineer na pumunta sa site kanina. Dami ko lang iniisip kaya ako nagsusulat. Nakakatulong ba ito? Di ko pa alam. Pero isa ang sigurado ko, may babalikan ako. Makikita ko dito yung mga bagay na natiis ko na at tinitiis ko parin hanggang ngayon. Siguro kulang lang ako sa tulog. Ipahinga ko na kaya 'to?

Lasing
Sep. 10: 8:47 am

Sabog pa ako gagi. Full volume ng "The Melodic Blue" ang pinanggising ko sa aking malata pang kaluluwa. Ito yung kinakainisan sakin ng papa ko eh. Tila raw ba hinihinog ko pa ang sarili ko pagkagising ko sa umaga, pero di niya alam eh hinahanda ko na yung sarili ko sa lahat ng pwedeng shit na mangyayari sa sarili ko. "Hindi ako ang gumawa, pwes, di ko kasalanan yun. Hindi dapat ako apektado sa mga bagay na di ko naman ginawa." Two percent na lang yung cellphone ko. Nagawa na niya ang tungkulin niya para sa akin: ang gisingin at bigyan ako ng momentum para sa araw na ito. Laban ulit.

Pangit kasi ako.
Sep. 10: 9:56 am

Nangyari nanaman ulit. Alam kong ang mata ang durungawan ng kaluluwa, at makikita mo rito kung anong nararamdaman ng isang tao kahit di sila nagsasalita.

Bago pa man ako sumakay ng jeep, napansin ko na may magandang babae na nakasakay sa dulo. Fitted shirt, black rounded eye glasses, short shorts na itim, tipikal bang small, short-haired chinita girl. May rules ako sa sarili ko kung makakita man ako ng magandang babae: una, dapat makita ko siya ng di nya ako nakikita, para di awkward sa pakiramdam naming parehas at para na rin di ako makapagbigay ng 'stalker' at 'creep' na vibes sa tinitignan ko, pangalawa, kapag malapit sakin ang nasabing maganda o interesting na tao, peripheral vision ko lang ang ginagamit ko, pangatlo, at ang pinaka-importante sa lahat, avoid eye contact for more than 3 seconds, lalo na't pag manghang mangha ako sa biyayang binigay sa kanila ng may kapal, kailangan ko paring isipin yung nararamdaman nila/niya. Ngayon, siguro iniisip mo na creepy at ang pangit ng gawain na ginagawa ko, well entitled ka sa opinyon mong iyan. Ina-appreciate ko lang naman ang ganda ng mundo at ang mga bagay na nakapaloob dito. Tingin lang naman ng may paghanga ang ginagawa ko, at tapat ako sa sarili ko na wala akong mahalay na iniisip pag tumitingin sa iba: di ako manyakis. Naiisip ko rin nga eh, siguro kung magandang lalaki lang din ako at gustuhin ng mga babae ang itsura ko, di ko maiisip na gumawa ng rules na ito. Baka kiligin pa yung mga titignan ko kapag binali ko yung set of rules na ginawa ko, maging guidelines pa nga paano mag-initiate sa ibang tao. Bilang isang pangit, ang hirap magbigay ng genuine compliment sa isang magandang stranger, na hanggang ngayon ay pilit kong isinasantabi upang hindi gawin kasi ayokong mapahiya din pag dating sa dulo. Tangina kasi, bat kasi ang pangit ko. Hirap ng buhay ng isang pangit hahahaha.

Byahe
Sep. 10: 10:31 am

Sarap talaga bumyahe galing Shakey's MCU papuntang bypass. Solid, halo-halong "what-if's", conspiracy theory, best patch updates o expansion ng LoR, soundtrip na naka shuffle, relapse aka mental breakdance, nostalgia, at tulog mantika ang nagagawa ko sa loob ng dalawang oras na byahe. Pwedeng isa lang dyan ang nangyayari sa akin, o kaya lahat ng iyan ng sabay-sabay. Ang cool ng utak ko di ba, shitstorm ang peg. Isa lang ang kinapangit ng pagbyahe lulan ng airconditioned na behikulo: amoy paa. Minsan ako, madalas yung mga nakakatabi ko pang maganda pa ang attire.

Kwentong barbero o istoryang masyadong detalyado
Sep. 10: 10:41 am

Paradoxical para sa iba ang pangungusap na ito, "Magaling akong magsinungaling, iyan ang totoo." Paano ka magiging magaling na sinungaling kung inamin mo ito: walang magaling na sinungaling ang umaamin kasi kailangan ay di sila mahuli. Maaari din sa buong buhay nya, ngayon lang din siya naging tapat, upang i-redeem ang sarili niya sa delusyon na binuo nya sa katagalan ng kanyang buhay. O maari din naman di talaga siya sinungaling bagkus isang pilosopo. Maraming loop holes ang mga magiging argumento para sa pangungusap na ito, pero isa lang ang totoo para sa akin, gumagaling ako magsinungaling pagkatapos akong mahuli. Dumating na sa punto na automatic na akong nakakapagsinungaling, lalo na't pag nararamdaman ko na mapepwesto ako sa pangit na kalagayan at sitwasyon. Pero di ibig sabihin na magaling akong magsinungaling ay magaling na ako magtago ng emosyon, pinapraktis ko pa paano kontrolin ang akin mata, laman ng aking mukha, at paghinga. Marami pa akong pwedeng sabihin kung paano maging magaling na sinungaling, kaso mas maigi siguro na sa akin na lang muna ang mga detalyeng ito. Baka pag natripan kong sabihin, lilitaw na lang yun sa iba ko pang log. Sa ngayon, baka matulog o tumulala muna ako ngayon sa sinasakyan kong bus. Ang tagal ng naka hyper-drive ng utak ko habang sinusulat itong mga pangungusap na ito. Pahinga na muna.

Lagari ulit
Sep. 11: 6:07 pm

Tangina late na ako, pero syempre kailangaan ko muna isulat ang lahat ng ito. Double edge sword ang pagiging automated pagdating sa buhay. Nawawala ang saya ng mall habang tumatagal ako dito sa trabaho. Nawawalan ng kwenta ang bilang ng tao kasi di ko naman sila kilala. Nangyayari ito sakin lahat, pero dahil automated nga, di ko na sya ninanamnam. Para akong lumulunok ng masarap na ulam, di ko na malasahan ang mismong pagkaing nakahain sa harap ko. Oks din naman to kasi di ko na kailangan danasin yung mga di magagandang thoughts na hinihimay ng utak ko ukol sa trabahong ginagawa ko. Masaya naman sya, pero di masayang magtrabaho lang ng anim na araw. Dopamine rush ang nararamdaman ko kapag sumasahod, pero natatakot ako na balang araw ay pati ang sahod ko ay di na ako mapasaya: isa na lang itong paraan para mabuhay sa money-driven na mundong ginagalawan ko. Tangina late nanaman ako, pero oks lang. Nakapag-untangled naman ako ng buhol-buhol kong thoughts and emotions. Pasalamat talaga ako at walang pakielam si ninong kung late ba ako o hindi, kasi ibang kwento kapag hindi.

Libog lang ba talaga pag nagkakantutan?
Sep. 12: 12:00 pm

May mga ganitong araw talaga na biglang nagi-spike yung libog ko. Nabanggit ko na ito kay Steph, tingin ko epekto ito ng matagal kong di paggalaw ko sa sarili ko. Sensitibo ang aking ari sa mga panahon na ito, at madali itong tumigas pag di ako nag-iingat sa mga bagay na iniisip ko. Sinusubukan ko naman palaging libangin ang sarili ko bago ako bumigay at magsarili na lamang. Sa mga ganitong klaseng panahon, madalas nagfaflashback ang mga intense sex namin ni Steph. Detalyado ang bawat pangyayari, ang eksaktong tunog ng ungol namin ni Steph, yung dikitan ng mga balat namin na nanggaling sa pakiramdam na makikinis at mahinahong haplos at landian hanggang sa kami'y maglagkitan at tirahan na akala mo ba'y mga hayop na ngayon lamang nakaranas ng sadyang sarap, ang naghalong amoy ng deodorant ko at matamis na pabango ni Steph na habang tumatagal ay humahalo din sa amoy ng pawis at katas ng aming pagkakantutan, ang mga palitan namin ng pangungusap binubulong namin sa taenga. "I love you", "Ang sarap mo", "Akin ka lang ah", "Iyong-iyo lang tong katawan ko", "Masarap ba?", "Bilisan mo pa", "Idiin mo pa", "Sige pa". Bawat sambit ay mas nakakaganang humataw, bumayo, at tumira. Nakakapanindig balahibo ang bawat hiningang mararamdaman ng balahibo ng aming balat, lalo na kung bandang leeg o kaya nama'y taenga. Ang bawat halik at laplap namin ay nagmimistulang putaheng malinamnam pero lalong nakakagutom sa dulot nitong tamis at alat. Kay sarap sipsipin ng kaniyang leeg, at susundan ko pa nga ng mahinang kagat sa taenga niya, yung parteng nilalagyan ng hikaw. Ang pag-alalay ko sa kanyang baywang habang inaasinta ang kanyang pekpek, na susundan ng dahan-dahan ngunit madiing pagpasok ng aking tite, ang mahinahong balot ng kanyang mahinhing mga braso sa aking likod na minsan ay nagiging mahigpit na kapit tila gustong idiin ang katawan laban sa akin, pakalmot na niyayapos ang aking balikat pababa sa aking tagiliran. Mga binti niyang nagmamaala sawang pumupulupot sa aking baywang, tila ayaw pakawalan ang kanyang masarap na hapunan. Pag magkaharap kaming nagkakantutan, hinahalikan ko siya ng maharan sa kaniyang noo, kabaliktaran ng ginagawa kong nakakalamog na paglabas pasok sa kanyang puke. At pag naman nakatalikod siya sa akin, palatandaan ito ng papunta na kami sa exciting part, dahil ibubuhos ko na ang aking isang daang porsyentong lakas sa pagbayo sa kanya. Pero di ako pwedeng magpadala sa sarap na ninanamnam ko, malibog ako, oo, pero respeto parin sa katawan ng minamahal ko at di pa kami handa magkapamilya. Sa labas ko ipuputok, at pagkatapos ay maghahalikan pa nga kami at magpapalitan ng mga salitang "I love you". Mahihigang magkatabi, madalas ay bangag sa pagod ng ginawa naming paghaharutan, minsan nama'y nagkakatawanan kasi umuutot si Steph galing sa kepay niya, pero ang paburito ko ay kung matigas pa ang tite ko ay i-boblowjob niya ako at magsisimula ulit, hudyat ng round 2. Sinisigurado kong ginagawa ko ito hindi dahil sa gusto ko lamang pero ginusto namin ito parehas at ito ang isa sa mga love language ko: physical touch at act of service. Ginagalingan ko talaga ng husto, siguro at napapansin ni Steph na katagal ay gumagaling ako eh kasi naman ay minsan ay nagbabasa ako ng mga article kung ano yung pinakamainam na posisyon para sa mga babae at paano sila pasiyahin gamit ang aking katawan. May mga araw talaga na ako lang ang nasa mood at si Steph naman ay hindi, kaya nagtatanong muna ako kung handa ba siya o hindi. At kung hindi naman ay makakailang ulit pa akong magtatanong at mistula bang nagmamakaawang maharot na kapag di pinagbigyan ay malulungkot ng panandalian. Pero di ibig sabihin nito ay nababawasan ang pagmamahal at tingin ko sa aking sinisinta, marahil malibog lang talaga ako. Ang sarap kayang makipagkantutan sa taong minamahal mo ng totoo.

LRT
Sep. 12: 5:23 pm

Nakakamiss yung tipo ng nakasakay ako sa lrt tapos nakaluhod ako sa upuan, nakatitig sa mga gusaling mabilis na lumalayo sa akin, sa mga taong kasing liit ng hinliliit ko, at mga billboard ng mga di gaanong sikat na artista kasi di ko sila kilala. Ito yung mga panahon na di pa ako nagkakaroon ng problema katulad ng meron ako ngayon. Magaan sa pakiramdam, nabubuhay sa ngayon, at tanging hiling lamang ay ice cream at chicken ng Jollibee man o KFC. Habang natigil ang bagon ng lrt na sinasakyan ko ngayon, naisip ko lang din yung mga naging problema ko. Napahinto din ako kung paano nabuhay yung totoong ako. Kanina nasabi ko kay daddy nung nagkausap kami, "pinepeke ko lang kasi ang lahat", tsaka ko na lamang idinagdag ang mga salitang "sa ibang tao". Nawala na yung batang inaalagaan ko, at yung batang iyon ay ako. May oras pa naman para hanapin siya, kaso ang tanong ay kung makikilala nya pa ba ako.

Mabilis, pero mabagal parin.
Sep. 16: 10:04 am

Ang bilis nitong linggong nagdaan. Tangina parang kahapon lang ay tinatamad ako. Pilit na kinakaladkad ang sarili papuntang trabaho na may pangakong kikita ng pera. Siguro ay sapat na rason na iyon para kumilos. Di pwedeng tatamad tamad sa mundong kinagagalawan ko ngayon. Hiya at kapal ng mukha ang madalas kong mapakita kay ninong ngayon. Pero bawi lang sa trabaho. Wala pa akong gamit sa darating na pasukan, pero kung tutuusin, ballpen, notebook, at calculator lang ay papalag na ako.

favorite
0 likes
Be the first to like this issue!
swap_vert

X