Final Scene: “Pagkatapos ng Ulan”
Sa isang simpleng bahay sa probinsya, may halakhakang umaalingawngaw mula sa loob. Malinis ang bakuran, puno ng tanim ni Papa Ramil. Sa veranda, may lumang gitara—bitbit niya habang nakaupo sa rocking chair. Isang kanta na naman ang binubuo niya, tulad ng dati. Tungkol pa rin kay Ysay.
Sa loob ng bahay, nagkukulitan ang magkakapatid. Si Samantha, naka-uniform ng isang kilalang science high school, tumatalon-talon habang isinisigaw:
"Ate Angelique! Kua KC! Saan na yung surprise nyo sa’kin? Honor student na ako noh!"
Angelique, na ngayo'y isang Certified Public Accountant, ngumiti habang inaabot ang maliit na kahon.
"Eto na, spoiled girl. Pati padala ng clients ko sa SG, sayo mapupunta. Buti na lang love kita, grabe."
KC, naka-white coat at may stethoscope na nakasabit sa leeg, pabiro siyang tinapik:
"Pag ako ang naging doktor ng pamilya, ikaw ang unang pasyente ko. Papainom kita ng ampalaya juice araw-araw!"
Sabay silang nagtawanan. Si Samantha, ngumuso:
"Kahit anong gawin nyo, mahal ko pa rin sarili ko. Hindi ako papayag na bumagsak. Ipapasa ko lahat para proud si Mama!"
Sa labas, may dumating na van. Bumaba si Jae Ann, ngayon ay may sariling pamilya. Bitbit ang kanyang anak na si Isabelle—isang batang babae na kahawig ni Ysay, mula sa ngiti hanggang sa tikas ng tindig.
"Papa! Angelique! KC! Samantha! Andito na kami!"
Tumakbo si Samantha sa pamangkin:
"Baby Belle! Come to Ninang Sam!"
Lumapit si Mikhail, ang asawang engineer ni Jae Ann, may dalang fresh produce mula sa ginagawang greenhouse.
Sa gitna ng pagtawa at kwentuhan, tumingin si Ramil sa langit. Sa likod niya, may malaking picture ni Ysay sa sala—kinunan iyon bago siya lumubha, nakangiti, tila masaya sa mundong iniwan.
"Love… napagtapos ko silang lahat."12Please respect copyright.PENANAMOxW0o7NYK
"Tama ka... sa pagmamahal nagsisimula ang lahat. At ngayon, sa pagmamahal din sila babalik."
Hawak niya ang isang sulat na hindi niya pa binibitawan kahit kailan. Luma na, gusot-gusot, pero paulit-ulit pa rin niyang binabasa:
“Love, kung kailan tapos na ang mga sakit, saka natin matitikman ang tunay na kapayapaan. Kung di man ako makarating sa dulo kasama ka, pangakong ikaw ang maghahatid sa mga anak natin—hanggang sa huli. Susunduin kita kapag tapos na ang laban. Sa langit, mag-aabang ako. —Ysay”
At habang unti-unting nilulubog ng araw ang langit sa ginintuang kulay, nagsalita si Ramil sa mga bata:
"Maghanda kayo. Gabi ng pagtitipon ngayon. Kantahan. Alay natin sa mama nyo."
Kinuha niya ang gitara. Tinugtog ang lumang kanta—ang kauna-unahang kanta na isinulat niya para kay Ysay. Tahimik ang lahat habang pinapakinggan ang bawat nota.
At sa huling chord, bago pumikit si Ramil para namnamin ang alaala:
"Ysay, hintayin mo ko. Pero wag muna ngayon. Kasi tinutupad ko pa rin yung pangako ko—na lahat ng pangarap mo para sa kanila… gagawin kong totoo."
Fade to black. Tugtog ng gitara. Larawan ng isang masayang pamilya sa ilalim ng langit na may bituin—bituing tinatawag nilang Mama.
ns216.73.216.148da2