x
"ANO? Kailan mo sasabihin sa mama mo na kaya ka pina-deport dahil hindi maganda ang trato ng amo mo sa'yo huh?," naiinis na tanong ni Gigi ang isa sa closest friends ni Pam.
403Please respect copyright.PENANAvUPhAL2Iwm
"Hindi na niya dapat malaman 'yon. Ayokong mag alala si mama saka nakuha ko na 'yung huling sahod ko sa impakta kong employer. Nagdagdag pa siya para di ko na raw siya kasuhan. Okay na yun. Nalagpasan ko rin yung mga taggutom days na yan. Huwag na huwag mong sasabihin ah," pakiusap naman ni Pam kay Gigi na pinandidilatan pa rin siya ng mata dahil sa mariin niyang pagtutol sa suhestiyon nito bilang concern na kaibigan.
"Bahala ka diyan, tingnan mo nga 'yang sarili mo Pam, tingnan mong maigi. Ilang taon ka rin doon sa HK pero yang cellphone mo, di mo pa rin pinapalitan. Yung mga damit mo napakakonti at wala na sa uso, tapos puro noodles lang kinakain mo at minsan tinapay pa. Okay ka pa sa lagay na 'yan?," tanong pa ni Gigi.
403Please respect copyright.PENANAxTh2Ywhczf
"Oo naman. Alam mo namang ako ang bread winner samin eh. Saka matibay yung phone ko, nakakapag-facebook at viber pa nga ko gamit yun."
403Please respect copyright.PENANAP0BDZLMSAJ
"Ang point ko lang, magtira ka naman para sa sarili mo Pam."
403Please respect copyright.PENANAqsukP3nUaY
"Yung natira ko kasing pera ipangda-down ko sa bibilhin kong bahay. Gusto ko maayos na yung tutulugan ng nanay ko, at isa pa napakagandang bahay kaya nun."
403Please respect copyright.PENANAjMJ1BmvpSz
"Diyos ko, ikaw na ang pinaka ulirang anak Pam. Osya, mauna na ko ah, welcome back dito sa Pinas!," paalam pa ni Gigi pagkatapos ay nakipagbeso beso pa kay Pam. Hindi naging maganda ang kapalaran ni Pam bilang DH sa ibang bansa, atleast nakayanan niya pa ring itago iyon sa kanyang pamilya at ang unang plano niya ay ang bagong tirahan na pinapangarap ng kanyang ina. Despite of all the challenges, malaki pa rin ang tiwala niya sa kanyang sarili. "Ang pera nauubos, pero ang faith ko kay God, hinding hindi" yan na ang motto niya simula pa lang ng pagsabak niya sa buhay OFW. Kahit wala, meron pa din. Alang alang sa pamilya, walang hindi kayang gawin si Pam.
403Please respect copyright.PENANAoRfzPMspZb
403Please respect copyright.PENANAWlxVGi6fhG
**
"HINDI ka magha-hire ng PA? Hindi ka ba nabibigatan sa dala mo araw araw?," tanong ni Mr. Ponce na manager ni Kyle habang nakaalalay ito sa pagbubuhat ng mga dalahin niya. "Ayokong may humahawak ng ibang gamit ko. Hindi rin ako sanay sa ibang tao na pupunta sa bahay," sagot ni Kyle habang mabilisang ibinaba ang ilang bag na puno ng damit dahil nasa shooting sila para sa upcoming movie na kanyang pagbibidahan.
403Please respect copyright.PENANAJiyC0nYDon
"Siya nga pala, hindi ko gusto yung acting ng leading lady ko. Palitan niyo ng iba. Hindi niya kayang lumuha, alam niya lang siguro ay ang pagbandera ng katawan niya sa magazine," dagdag pa niya. Bossy at strikto si Kyle pagdating sa mga nakakasamang artista, kapag may hindi magandang attitude sa set at kapag hindi magaling umarte, tsugi na agad sa listahan ng cast. Wala nang angal ang direktor dahil kapag kumontra iyon, siya na mismo ang aayaw ng proyekto. That's how his influential personality shows. Isa siya sa may pinakamalaking talent fee among all actors of his generation. Alam kasi ng buong production na malaki ang kikitain ng isang movie o show kapag ang isang Kyle Patrick na ang bumida at patok na patok siya lalo na sa kababaihan dahil natural ang charms na mayroon siya. Lahat ng roles niya, walang flop. Hindi matawaran ang acting skillls na meron si Kyle to the point na pati ang totoong nararamdaman niya kaya niyang itago sa media. Kailangan kasi magandang imahe niya lang ang ipapakita pero kahit ganoon, napakamisteryoso niya. Sa katunayan, hindi alam ng fans at ultimo manager kung anong private life niya bukod sa marami na siyang napundar na gamit at mamahaling bahay.
403Please respect copyright.PENANAUYoVTiQXMT
"Oh, about po doon sa gumagamit ng pangalan ko para manloko ng kapwa, I want you to find out kung sino iyon. I'll sue him or her," maawtoridad na utos ni Kyle sa manager niya. "Na-file ko na sa lawyer mo, talamak na ang scammers na ginagamit ka. Grabe na talaga," turan ni Mr. Ponce. "Siya nga pala, any plans for weekend? Saan ka pupunta Kyle?"
403Please respect copyright.PENANAfolKBV2xNk
Buntong hininga ang sagot ni Kyle bago magsalita.
"Dating gawi, same business."
403Please respect copyright.PENANAmphXsgCExh
403Please respect copyright.PENANAgNjn8Vgafe
"TALAGA? Si Kyle Patrick ang may-ari? Yung lalaking may six pack abs sa TV?"
Na-amaze si Pam sa ikinuwento ng ahente ng lupa na kasalukuyang katransaksyon niya na si Ms. Lani.
403Please respect copyright.PENANANHqKhqrWei
"Yes, hindi na siya madalas magpunta rito kaya naman ibebenta na niya," turan ng ahente.
403Please respect copyright.PENANANX4A2TeBT0
"Pero sa totoo lang, ang mahal ng bahay kahit maganda siya. Bakit naman napakamahal?"
403Please respect copyright.PENANA8tVyEsi4Iq
"Dahil si Kyle Patrick ang may ari. Dahil sikat siya."
403Please respect copyright.PENANAGMJepSbR7c
"Anong konek? Kapag ba nasunog ang bahay na yan tapos ako na ang nakatira, sasagipin ba ako ng Kyle Patrick na 'yan?"
Si Pam na rin mismo ang tumawa sa sarili niyang joke.
403Please respect copyright.PENANA7DjGcxsUMk
"Kung namamahalan ka, puwede naman tayong makipag-negotiate sa kanya na mas babaan pa ang presyo ng bahay." Sagot ni Ms. Lani.
"Sana mas mapababa pa ang price, by the way hindi mo ako papapasukin? Parang tour lang sa loob para makita ko naman. Kasi kanina pa tayo dito sa labas eh."
403Please respect copyright.PENANAKw1D13HSYF
"Eh kasi, ayaw pa ni Mr. Kyle Patrick, siguro hintayin natin siya. Kaso may appointment ako ngayon, okay lang ba sayo na ikaw muna ang maghintay dito? Babalik naman ako. Na-deposit mo na ba sa account ko ang downpayment mo?"
403Please respect copyright.PENANAHDFeY0WcC8
"Oo."
403Please respect copyright.PENANA8OMsw0GQXv
"Kung ganun, malapit na rin mapasayo to basta makipag usap tayo sa kanya okay? Basta wait for me here. May meeting kasi ako sa ibang client pero na-inform ko na si Mr. Kyle na maghihintay ka dito."
403Please respect copyright.PENANAd5PRkYu5rQ
"Seryoso? Dito sa tapat ng bahay lang ako maghihintay?"
Halos di siya makapaniwala, never niyang naranasan ang paghintayin at wala pa sa ayos ang setup.
403Please respect copyright.PENANAipXYRaRmBI
"Oo. Saglit lang naman eh."
403Please respect copyright.PENANA8srvacX65B
403Please respect copyright.PENANAvHgH9VwQi3
PAM stayed in front of thw house. Almost 3hours na din at wala pa rin si Ms. Lani, masama na rin ang kutob niya kaya sinubukan niyang tawagan na ito pero hindi na ma-contact.
Nanlumo siyang umupo sa tabi. Kinakabahan siya dahil baka hindi na ito bumalik.
403Please respect copyright.PENANAyxOvFSnV2A
Nabuhayan siya ng loob nang may kotseng paparating at mukhang paparada ito sa harap ng bahay. Si Kyle Patrick na siguro iyon.
403Please respect copyright.PENANAMUg6uQnj1R
ns 172.68.245.33da2