Avery's Point of View
Para walang gulo ay sumabay na lang ako kay Elliot. Oo mga ante, sumabay ako sa asungot na 'to.
At habang nakasakay sa kotse niyang binabaybay and daan papunta sa HU ay para kaming hindi magkakilala dahil walang nangahas na magsalita sa aming dalawa.
Osige, uunahan ko na.
"Hoy bakulaw. Ano na namang paandar 'to at pinasabay mo 'ko sa 'yo?" Bigla kong tanong dito habang siya'y nagmamaneho.
"Gusto ko lang, bakit? Masama?" Seryosong sagot nito sa 'kin pabalik. Tsk, reason!
"Aba siyempre naman! Lalo na't sinigawan mo ako, pinalayas, at pinatulog sa sahig kahapon ta's ngayon parang wala lang nangyari? Wow, ha! Kaya oo, nagtataka ako kung bakit sinabay mo pa ako at pinasakay sa kotse mo!" panunumbat ko at iniwas ang tingin sakaniya't tumingin sa windshield ng sasakyan.
Nakaramdam nanaman ako ng galit nang maalala ko ang mga pinagsasabi niya't pinaggagawa saakin kahapon.
Hindi naman ito nakasagot na siyang nagpainit lalo ng ulo ko. Naalala ko tuloy yung mga memes na nababasa ko online. Like nagka-boyfriend ka nga pero nonchalant naman. Ih! Nevermind.
"Ikaw magdahan-dahan ka minsan sa mga sinasabi mo, ha. Kase hindi mo ako kilala at hindi rin kita kilala and you don't know my story. You treated me like a second-class citizen and made my life a living hell. Again, you just shouted at me, kicked me out of our dorm, and made me sleep on the floor! Throughout my life ngayon ko lang naranasan 'yon! Bakit, dahil ba sa trans ako? Ha? Sabihin mo lang!" Saad ko na walang halong takot sabay punas sa mga luha ko na lumalandas sa aking mga mata.
Shemay 'di ko na napigilan. Well, softhearted ako mga mima kaya gano'n. OA na kung OA 'yung mga pinagsasabi ko sakaniya pero I'm just stating a fact.
Masakit din naman talaga for me 'yung nangyari noh! Imagine, 'yung tatakbo kang tuwalya lang ang pang-itaas? Eh sa mahahalata mo na na may dibdib ako 'di ba?
Tumingin ako sakaniya at nakita kong mahigpit ang kapit nito sa manibela habang nagmamaneho at ang pag-igting ng panga niya na ibig sabihin ay nanggigigil siya at any time rin ay magbu-burst out.
"I don't care, and I don't mean it. Okay?!" At sumabog na nga rin. The audacity! Iyon nga ang sagot niya saakin nang pasigaw. Ikaw 'yung may atraso rito hoy!
Ngayon naman ay itinigil niya muna ang sasakyan at tinignan ako kaya hindi rin ako nagpakabog. Tumingin rin ako sa mapupungay nitong mga mata. What's with those eyes! I'm not weak! Let's see...
"S-sorry, I didn't mean it." Para namang nabingi ako sa mga salitang narinig ko. Jusko beh, tama ba 'yung narinig ko? Si Elliot? Nag-sorry? Hell no!
Feeling ko kase hindi siya yung tipo ng lalaki na basta-basta na lang magso-sorry, eh! Mayabang siya! Hambog! Nuyon, tanggal angas mo boy? O baka naman isa na naman 'to sa mga pakulo ng bakulaw na 'to! Ay naku talaga ha!
Atsaka kumbaga sa isang love story na ang dalawang bida eh magkaaway pa sa una, masyado naman atang mabilis para magbati sila kaagad, 'di ba?! You know what I'm saying? Yeah!
Kumalma 'yung mukha niya.
Hindi na ako sumagot pa kaya nag-focus na lang siya sa pagmamaneho ng sasakyan.
Nang makarating na kami sa university ay agad akong lumabas at hindi na talaga siya pinansin pa. 'Di na 'ko nag-thank you sa pa rides ni ante. Bahala siya.
Hinanap ko agad 'yung room ko which is 1-1. At nariyan na naman ang mga bubuyog. Bulong dito, bulong doon.
Dedma lang talaga ako at focus na focus sa paghahanap ng room ko. Medyo nahirapan pa 'ko kase malawak talaga 'tong university.
Nang makita ko ang room ko ay nasiyahan naman ako't makakaupo na.
Pagkapasok ko ay kitang-kita mo talaga ang gulat at sa mata ng mga kaklase ko. Pak! Ang ganda ko kase mga bhie! I think, akala na naman ng mga 'to babae ako. As always.
Wala rin namang nangahas na kumausap sa 'kin kaya naghanap na lang ako ng mauupuan.
Nakakita ako ng limang bakanteng upuan sa likod. Mas pinili kong umupo sa pinaka gitna para makapag-close ako sa ibang tao. You know, socialization is a must lalo pa't baguhan tayo. No man is an island ika nga.
Dumating na yung professor slash adviser namin at siyempre, mawawala ba naman ang introduce your self? Tinawag ako sa harap dahil kakapasok ko pa lang. I mean, basta nag-start na kase ang klase nila mga one-week na. Ewan nga ba kung bakit ang aga. Dami ko tuloy hahabulin.
And for sure, magkakakilala na 'tong mga ka-blockmates ko. Jusq kaninong circle kaya ako makiki-belong.
Nagtungo na nga ako sa harap at sinimulang magpakilala.
"Hello, ako nga pala si Avery Tuazon Salazar. Avery na lang. Nice to meet you all." Simpleng pagpapakilala ko sabay bitaw ng isang matamis na ngiti. Napatingin yung prof ko sa 'kin at parang nakukulangan pa.
"What is your badge? And why are you not wearing your uniform?" Takang tanong ni ma'am. Ha? Ano po?
"Sorry po ma'am, mamaya ko pa po kase makukuha 'yung uniform ko dahil kahapon lang ho ako lumipat and about po sa badge? Ahm, hindi ko po kase alam 'yung about do'n." Simpleng sagot ko sabay ngiti. 'Wag kayo, pilit po 'yan.
Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko dahil siguro sa hindi ko alam ang about sa badge kemerut nila na 'yan. Ano bang meron sa bagde na 'yan at parang ang big deal?
"Quiet!" Pagkasabi no'n ni ma'am ay nanahimik ang lahat. Tumingin naman ito sa direksiyon ko.
"Avery, 'yung badge rito is your social status. Meron tayong tatlong status dito. First is the MASTER. 'Yun 'yung mga normal lang na estudyante rito. Pangalawa is the FALCON. 'Yun 'yung mga second highest student na nag-aaral dito. Pangatlo is 'yung ELITE. 'Yun naman 'yung mga batang bibihira lang dito. Sila naman 'yung mga batang nabiyayaan ng yaman at talino. At lahat ng mga 'yan ay iba ang dorm kumpara sa mga average students." Paliwanag ni ma'am kaya tumango-tango na lang ako bilang pagsang-ayon. Jusme naalala ko na naman 'yung pa dorm nila sa aming mga Elite na ang daming space pero kinulang naman sa kwarto.
Pero ang taray, ha! May pa hierarchy-hierarchy pala sila rito.
"So, alin ka sa mga nabanggit ko? Nasabi naman siguro sa 'yo kung ano 'yung badge mo 'di ba?" Tanong ulit ni ma'am.
"Yes po, ma'am." Kaloka. Elite raw ako 'di ba mga mhie? So, ibig sabihin mataas 'yung kinalalagyan ko.
Kaya ba sila atat na atat na malaman kung ano 'yung badge ko para alam nila kung paano nila ako tatratuhin? Like ma-e-earn mo lang 'yung respect 'pag Elite ka? Jusko 'wag naman sanang gano'n ang kalakaran dito. 'Yun ay mga hinuha ko pa lang naman.
"I'm an Eli-"
"Elite siya." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil may sumabat na lalaki mula sa pinto na kakabukas lamang at oo, hindi ako nagkamali. Sila nga. Nandiyan na silang apat. And si Elliot 'yung pumutol sa sasabihin ko.
Pumasok na sila.
And yup, alam niyo na ang reaksiyon ng mga pipol, no need for me to narrate.
"Tara Avery, upo na tayo." Turan naman ni Edward. Kusang gumalaw ang aking mga paang nagtungo sa aking upuan. Shocks, doon pala ang upuan ng apat! Ang ending? Asa center ako. Okay lang, uhaw naman tayo sa atensiyon. Kims!
Tinignan ko naman si Elliot and guess what? Hindi siya makatingin nang diretso! Mahinang nilalang! Sino ngayon ang weak, ha! Baka nagi-guilty?
Umupo na ako sa gitna na merong limang upuan. Isang hanay siya. Umupo naman si Elliot sa tabi ko at sa kabilang side ay si Edward. Samantalang 'yung dalawa ay sa magkabilang dulo.
Nahihiya pa siguro ako kaya kahit alam ko lahat ng tinatanong eh hindi ako nagre-recite.
Hanggang sa sumapit na nga ang oras ng vacant namin at oras na siguro para kumain ng snacks.
Agad akong lumabas at pumunta sa canteen kahit alam kong sa E-Café dapat ako sa kadahilanang Elite nga raw ako.
Pero dahil matigas ang ulo natin ay sa canteen tayo kakain!
Bumili na ako ng pagkain ko at naghanap ng pwesto para makakain.
Pagkahanap ko ng mauupuan ay agad ko nang nilantakan ang aking pagkain para ako'y agad matapos.
May balak kasi ako mga mima na pumunta pa or sumaglit sa library para mag advance reading sa mga topic. Advantage rin kaya 'yon!
Habang kumakain ako ay nagulat ako dahil may tray na lumapag sa mesa ko.
"Hi." Akala ko kung sino na, si Edward pala.
"Ba't nandito ka? 'Di ba dapat nasa E-Café ka?" Tanong ko sakaniya. Or else, sinusundan niya talaga ako? OMG! May gusto yata sa 'kin 'to, eh. Kimmy!
"Wala lang. I just want to try something new. To know what's the feeling of eating in the front of many students?" Sagot niya sabay upo sa harapan ko. Well, pang animan naman 'tong kinalalagyan namin ngayon.
"Wow, ha! Grabe namang rason 'yon, ang valid!" Sarkastikong tugon ko with an exaggerated reaction.
"You're funny!" Sabi niya habang humahagikhik. Naku beh, baka happy pill mo talaga ako, ha! Ginawa ba naman akong clown.
Pero kidding aside, napangiti naman ako dahil sa tuwa kasi feeling ko first friend ko siya rito sa Hendrix University.
Bhie, okay lang naman sa 'kin kahit more than friends, oo. Ehe!
"Avery!" Si Tyler. Nagulat ako dahil nakita kong papunta pa 'yung tatlong Elite rito sa table namin bitbit ang mga tray nila. 'Nyare?
"Oh, hello!" Simpleng pagbati ko at nagsi-upo naman na sila. Samantalang wala man lang kahit na anong mga salita ang lumabas sa mga bibig ni Elliot at Tyron.
"Bakit kaunti lang kinakain mo? Ito oh, you can eat this." Napatingin ako sa pinakatahimik na si Tyron. Nagulat naman ako dahil sa sinabi nya. Woah!
"S-Sige lang, okay lang pipila na lang ulit ako." Pagtanggi ko sa alok nito. Beh, nakakahiya kaya.
Napatingin ako kila Tyler at Edward na parang hindi rin sanay sa mga nasasaksihan.
"Then eat this. Ako na lang kukuha ng panibago." At 'yun naman ang mas ikinagulat ko dahil sa alok ni Elliot.
Parang nahihiya pa ang kumag matapos mag-offer.
Shocks, legit ba? Forda mabait ka na talaga? Kinuha ko na nga lang at baka magbago pa ang mood.
Wait, baka may lason 'to!
Nevermind, may mga kasama naman ako rito. Just in case na mawalan ako ng malay 'pag kumain at matigok, may mga saksi!
"Anong nakain niyo at bakit dito kayo kumakain? 'Di ba may sarili kayong cafeteria?" Tanong ko kay Tyler.
"Sabi kasi neto gusto niya raw ma-try rito kaya sumama na kami para masubukan din. And nandito na rin pala 'tong si Edward kaya tamang-tama." Sabay nguso kay Elliot. Tumango na lang ako nang tumango. Tumingin ako kay Elliot. Siya ang nag-aya?
Habang kumakain ako, kami, ay naririnig ko 'yung mga tilian ng mga accla rito dahil sa apat na kasama ko. Naiirita na ako dahil sobrang ingay. Exaggerated naman ata sa tilian pero oo, maya-maya eh, may mga tumitili. Bago ata for them na makita 'tong apat na 'to rito na kumain.
"That's one of the reasons kung bakit hiwalay ang cafeteria natin." Sabi naman ni Tyron. Wow, nagsasalita na talaga siya HAHAHA! Ang babaw ng kaligayahan ko! Help!
"Alam mo ba, kahapon akala ko cold treatment ang matatangap ko sa 'yo. Akala ko kasi 'di ka namamansin. Introvert gano'n." Sabi ko kay Tyron.
Ngumiti lamang ito ng matamis bilang tugon. Cutie!
"Ay by the way, thank you pala sa suot mo kahapon, ah. Kahit 'di mo ako kilala or ka-close man lang e kinumutan mo pa rin ako." Pagkasabi ko no'n ay ngumiti ulit siya. Beh, stop! Ayoko munang lumandi. Chos! Cute niya juskooo!
Avery staffet! Para ka namang hindi nag-grade two!
"Finish your food first bago makipag-daldalan. Tsk!" Seryoso at ma-awtoridad na sabat naman ng bakulaw. Tse! 'Wag ngayon.
"Oo na po Mr. Sungit! Tsk, ayan na naman ang hambog." Pagtataray ko. Sabay tuon ulit ng pansin sa aking kinakain. Shocks, feeling ko tataba na 'ko. Dami ko nang nakakain, eh! Pero mga mhie, ang sarap kase, sayang naman 'di ba?
"Ako hambog? Baka nga napopogian ka pa sa 'kin, eh!" Haaa? Tama ba ang dinig ko? ULIT?
Daming pasabog neto ngayong araw ha! Naloloka na 'ko!
Really? In front of his troops?!
Atsaka may sixth sense ba 'tong kumag na 'to at naririnig niya pa rin kahit na binubulong ko lang? Hindi 'yon malakas promise!
"Hep! Hep! Hep! Tumigil ka nga riyan at mukha kang hito! Feeling mo rin, ah!" Pagtatanggol ko sa aking sarili. Yes, he's pogi pero duh! Hindi ko aaminin noh! At saka andaming tao rito. I ain't gonna embarrass myself na siyang ginagawa niya sa sarili niya ngayon.
"Eh kung halikan kaya kita riyan para malaman mo kung paano humalik ang sinasabi mong hito." ay beh, hindi na gagana sa 'kin 'yan! Halik? 'Yan lang ata defense mechanism mo, e. Tapos hindi mo naman itutuloy. HuUuy!
"Mahamik ka nga! Pervert! Andaming tao rito, oh. Kilabutan ka naman sa mga sinasabi mo." Pagkasabi ko no'n ay nagtawanan naman ang mga kasama namin.
"Alam niyo? Bagay kayo." Out of nowhere naman na sabi ni Tyler. You gotta be kidding right? You better stop.
"Never!" Sabay na sabi namin ni Elliot. Tse! Hambog!
At naging awkward bigla ang paligid kaya nagkaroon ng kaunting katahimikan.
"Tara na, malelate na tayo sa next sub natin." Pag-aaya ni Edward. Agad akong tumango at nagsitayuan naman na kaming lahat. Sabay-sabay kaming naglakad at nakarating sa room. Buti na lang at mga instructor at professor na namin ang pumupunta sa room namin, less hassle. Sa lawak ba naman nitong univ.
Habang nagka-klase ay narinig kong tumunog 'yung tiyan ni Elliot. Ewan kung ako lang nakarinig ha, wala kasing reaction mga kaklase ko, even his troops.
Oo nga pala, hindi na siya kumain. Binigay niya pala 'yung foods niya sa 'kin at hindi na bumili kanina. Aba malay kong hindi pa pala siya kumain no'n! Nag-breakfast naman kami pero kaunti lang din ang kinain niya.
"Here. I have some biscuit." Alok ko sabay abot sakanya. Binili ko 'yan kanina sa canteen bago naghanap ng mauupuan kanina. Nagulat siya at napahinto. Ay bakulaw, kunin mo na't dahil pa sa 'kin eh nagugutom ka pa ngayon. Ikaw kasi, ih!
Bigla siyang ngumiti at kinuha yung biskwit at ibinalik ko na 'yung atensiyon ko sa pagsusulat ng notes. First day ko mga mhie pero discussion talaga kami agad huhu. Baka last week 'yung halos wala pa silang ginagawa. Keber lang, I love studying naman.
Habang nagsusulat ako ay may nilaglag na papel si Elliot sa harapan ko. Ano 'to, basura? Kapal naman ng face neto't sa harap ko pa magtatapon.
Pinulot ko nalang ito at napasadahan ang nakasulat rito.
[Thank you!]
'Yan ang nakasulat sa papel. Tumingin naman ako agad sakaniya.
Nakatingin din siya habang nakangiti.
Luh ano 'to! Is he low-key flirting with me?! Ibang ngiti 'yon mga mhie!
Natawa na lang ako dahil si ginawa niya. Inipit ko 'yung note sa notebook ko at nag-focus muli sa ginagawa. No distraction muna! Fleece!
*Dissmisal*
Sumapit na nga ang uwian at binabalak ko ngang maglakad.
Actually, malapit-lapit lang din ata 'yung dorm dito sa school pero marami pa rin sa mga estudyante ang gumagamit ng sasakyan. Mga tamad maglakad. Gusto ko sanang mag-isip-isip habang naglalakad hanggang sa biglang may humintong kotse sa harapan ko.
"Get in." Alok ni Elliot. Nagdalawang-isip pa ako kasi may plano rin akong pumunta sa mall para kunin yung pinagawa ko. Secret na lang muna kung ano 'yon. Pero baka mamaya na lang siguro?
"Okay." Pagkasabi ko no'n ay agad na akong pumasok sa loob.
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa at siya na ang bumasag nito.
"S-Sorry sa mga inasta ko, ah. Tama ka ro'n, hindi kita kilala kaya dapat hindi ako umasta nang gano'n. Kaya mas lalo kitang kikilalanin." Paghingi niya sa 'kin ng tawad. Agad akong umiwas ng tingin. Na-a-awkward-an ako mga mhie! For real?! Kung totoo man 'to, edi gow! Mas maganda naman talaga kapag wala kang kaaway, 'di ba?
Individuals have the capacity to change and improve themselves. It aligns with the principles of forgiveness and compassion. So, gow. Forda second chance!
Itutuloy...
7Please respect copyright.PENANAtTgx4YNKug