Avery's Point of View
Pagkamulat ko ng aking mga magagandang mata ay agad kong nasilayan ang kisame ng kwarto namin ni Elliot.
Wait, what?! Ang pagkakatanda ko e nakasakay pa ako sa kotse ng bakulaw, ah! Nakatulog ako? Malapit-lapit lang 'yun ah!
Argh, I'm such a sleepy head!
Agad ko na lang hinanap ang phone ko para makita ang oras.
"Hala, it's already 9 PM!" Boyset na bakulaw 'yon at hindi man lang ako ginising.
And the realization hits me hard this time. Shocks! Edi binuhat ako ni Elliot!?
'Di ba!?
Aba't!
Hindi ko alam kung magagalit ba ako o mahihiya, e.
Pwede niya naman akong gisingin, right? At ako namang si gaga e hindi man lang naliing? Wow. Just wow.
Pero sa tingin niyo? Binuhat niya kaya ako nang pa-bridal style? Like 'yung mga bagong kasal, tapos bubuhatin ka ng groom mo to make love.
Erase!
Hala, anong pinagsasasabi ko? Hoy Avery, 'wag ilusyunada!
Sa dami ng aking iniisip ay bigla na lang tumunog ang tiyan ko. Senyales na nais na nitong kumain.
Tumingin naman ako sa katabi ng aking kama at ewan kung tulog ba 'to or nagtutulog-tulugan lang.
Hmmp! Ewan ko sa 'yo!
Bumaba ako at agad akong pumunta sa kusina. Mukhang wala na atang makakain.
Naku po! Should I order na lang ba? Aha! Magluluto na lang ako.
The last time na naiwan ako sa kusina ay hindi maganda ang kinalabasan at nakarinig lang ako ng mga talak ni Yaya Mel.
Muntik ko lang naman masunog ang buong kusina! Kaya sa bahay e, ayaw akong papuntahin sa kusina halos ni Yaya Mel. Speaking of her, I already miss her cooking!
Kinuha ko muna ang phone ko at agad nag-search ng mga madadaling iluto. But unfortunately, lahat halos ng lumabas e mahirap para saakin! Somebody help me?!
Nagtingin ako sa fridge ng mga frozen foods at mabuti na lang talaga at mayroon akong nakitang manok. 'Yan lang naka-caught ng attention ko e, since 'yung iba ro'n is pang-breakfast like hotdogs. Isa lang ang lulutuin ko and it's the thigh part since para saakin lang naman.
Habang nagluluto ako ay hindi ko namalayan na nasusunog na yung piniprito kong manok.
Eto na nga ba ang sinasabi ko, eh!
Agad kong pinatay ang kalan dahil gumagawa na ito ng hindi magandang amoy.
Kase mga mhie, naghihiwa ako ng onion para sana sa sawsawan ko.
"Ouch!" Argh this shxt! Napasigaw na lang ako dahil sa sobrang sakit. Napaso lang naman ang mhiema niyo and heto ako't parang anytime e iiyak na dahil sa sakit.
Hindi lang 'yon! Pa'no na lang kung malala na pala ito? Pa'no nalang kung mag-iwan ito ng scar? Ayokooo! I kennat!
Ang sakit talaga juice ko!
Narinig ko naman ang mga mabibilis na hakbang ng isang tao papunta sa kinalalagyan ko and it's Elliot. Agad akong tinanong nito at mahahalata mo ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.
"Are you okay? What happened?" Tinignan ako neto mula ulo hanggang paa. Wari ko'y hinahanap kung saang parte ako nasaktan. And of course! Nagulat ako dahil sa expression niya.
I think he cares. Gusto niya siguro ako 'no? 'Di ba?
Eto na naman ako. At isa ka pa, ginagaslight mo pa ako, ha! Wala lang 'yon! 'Nung gusto-gusto?! Parang 'di ka nag-grade 2!
Siguro dahil sa ka-dorm mate ko siya kaya mag-aalala siya sa 'kin. Better!
"Lend me your hand." Hindi ko pa nagagawa e agad na niyang kinuha ang kamay ko at tinignan 'yung parte na napaso.
Pagkatingin sa aking daliri ay tinignan niya rin ako ng masama. Problema neto?
Tumayo siya at umalis.
Pagkabalik niya ay dala-dala nito ang first aid kit.
Ayaw ko mang maramdaman ito pero oo! I felt so touch dahil sa ginagawa niya. No! Not to flirt, ha!
Wala, gano'n talaga ako e. Marunong akong um-appreciate kahit na sobrang liit na bagay lang 'yan. No wonder, mabilis din akong masaktan.
Dahil sa sakit ay napapaluha pa rin ako.
Kinuha niya ang aking kamay at may mga inilagay. Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin ang mga iyon basta ang alam ko e ginagamot niya ito.
Which is gustong-gusto ko naman dahil hindi ko kakayanin kung magkaroon man ako ng peklat kapag hindi agad naagapan. I can't! I just can't. OA? I don't care!
"Aray ha, dahan-dahan naman. Masakit ih!" Singhal ko.
Napangisi naman ito dahil sa kalagayan ko. Ewan ko ba kung concern ba talaga 'to o ano.
Pagkatapos linisin o kung anong mga pinaglalagay niya ay binalutan nito ang isa kong daliri, which is 'yung napaso ng kulay pink na band aid with a flower design.
And I find it cute!
"Sa susunod, bumili ka na lang sa labas or mag-order online kung hindi ka naman marunong magluto. Pinipilit mo sarili mo. Makakasunog ka pa ng dorm dahil sa ginagawa mo, e." Panenermon ng bakulaw sa akin.
Loh! Ako pa pinapagalitan e siya pa nga 'tong may kasalanan sa 'kin ah! Kung hindi rin dahil sakaniya edi sana hindi mangyayari 'to! 'Tong bakulaw na 'to, oh!
I was about to fight him pero 'wag nalang since he helped me naman, 'di ba?
"E sa nagutom lang naman ang tao, e. 'Yung isa kase riyan, hindi nanggigising." Saad ko nalang sabay taas ng kanang kilay ko.
"Mukha kasing pagod ka kaya 'di na kita ginising." Sabi niya naman. Hmm gano'n ba ako kapagod sa first day ko?
Agad muling tumunog ang tiyan ko't tumawa naman ang kasama ko. Ay beh, nakakatawa 'yon? Kainin kita riyan e tamo! Kimmy!
Tinignan kong muli ang nasunog kong panghapunan sana and it doesn't look appetizing. It's quite unedible! Napa-pout na lang ang inyong dyosa.
"Diyan kalang, ah. 'Wag kang aalis." sabi ng bakulaw at agad na tumakbo sa taas ng kwarto at agad ding bumaba.
May kinuha 'to e, baka 'yung susi ng kotse niya? Ebarg talaga sanaol may sarili ng kotse!
"Sa'n ka pupunta?" Tanong ko sakaniya.
"Basta." Maikli lamang nitong sagot at agad nang lumabas. Sinungitan ba 'ko nun? Hmmp sige, balakariyan.
Kinuha ko na lang ang phone ko at pinicture-an 'yung kamay ko. It suits me! I mean, the band aid. Bumagay ito sa maputi kong kamay.
Aww, how cute! From now on favorite color ko na ang pink!
Ilang minuto lang bago umalis si Elliot ay bumaba naman si Edward na naka-topless. o_O
Napatitig ako nang bongga dahil sa katawan niya. Hala nawa'y hindi niya napansin 'yon.
Jusko magkakasala na naman ata ako neto! Sorry na po agad huhu!
Hindi ba naiilang ang mga 'to na mag-topless topless kahit na may trans na silang kasama? You know what I mean?
Pero duh, hindi naman ako 'yung stereotypical gay sa Pinas na kapag nakakita ng lalaki e maggo-gow agad.
I have my standards and hindi bulok 'yung standards ko. Hindi tulad ng iba riyan, academic achiever pero pinaiyak lang ng taong walang pake sa acads. Mwhehehe hindi naman ikaw 'yon 'di ba? Ehe!
May naalala tuloy ako mga ante!
Once kase, sinamahan ko si Yaya Mel na mamalengke. And yup, 'yun pa 'yung una at huling punta ko ro'n. Sabi kase ni yaya mas fresh daw mga gulay ro'n kaysa sa mga nakabalot na sa mga store. And 'yun na nga, may nadaanan kaming mga lalaking nagtatawanan at nagsisisigaw ng "Wampipti!". I was so curious at that time kase it seems like they're making fun of me. So, I asked yaya 'bout that.
Ayaw niya nga talaga saaking sabihin pero hindi 'yon makaka-hindi sa kakulitan ko.
She said it's a slang term meaning them- those boys, asking for a service and I'll pay a hundred and fifty pesos! Like, duh? For real? Me? I don't settle for less!
Jusq akala ba ng mga maaasim na 'yon e papatol ako sakanila? Over my dead gorgeous sexy body! Kebabata pa nga ata ng mga 'yon ta's ganoon na mga mindset nila.
Ayoko na lang mag-talk baka marami pa akong masabing mga foul words sa gano'ng mga uri ng tao.
"What is that smell?" Agad na tanong ni Edward na siyang kinagising naman ng aking ulirat.
"A-Ahm nag-try kase akong magluto. Kaso ang ending nasunog lang. And eto oh, may bonus pa." Saad ko sabay taas ng aking kamay. Kinuha niya ito at chineck and suddenly, I saw the worry in his eyes.
Hindi ko alam kung kikiligin ba ako or what. Nakita ko na kase kay Elliot 'yan.
Eto na naman ako, oh! Juice ko Elliot nahawaan mo na ata talaga ako ng pagka-abnormal mo.
Pero ang cute rin kaya kapag parehas kayong abnormal ng boyfriend mo 'di ba?
AAAAAAH! Stop, Avery!
"Dapat tinawag mo na lang ako at ako na lang ang nagluto. Nasaktan ka pa tuloy." Saad nito ng may halong pag-aalala.
This time, kinikilig na talaga ako mga beh. I mean, girl! Basahin mo ulit 'yung sinabi niya, ah! At saka sino ba naman ako para abalahin pa siya, 'di ba?
"Wait, ipagluluto kita."
Wala na! Baling-bali na ang inyong mimasaur sa sobrang karupukan neto! Mima si Edward na 'yan, oh!
Hindi na ako nito inantay pang makasagot at umakyat ito kaagad.
Pagkabalik niya ay nakadamit na siya at sinimulan ang pagluluto.
Habang nagluluto siya ay napapatitig ako sa kaniyang mukha. Grabe, ang gwapo niya.
Para siyang anghel na galing sa langit at bumaba sa lupa! Juice ko isama mo po ako pabalik sa heaven! Kimmy!
Pero mga teh, mas gwapo pa rin talaga si Elliot e. Pero pogi rin naman si Edward. Actually, lahat naman ng mga kasama ko rito. Ano kaya skincare ng mga 'to? Matanong nga minsan.
Ang pagkakaiba-iba lang siguro nila ay sa ugali. May hambog, mabait, tahimik, at isang pervy!
And oh, Elliot! Nasa'n na kaya ang bakulaw na 'yon?
Super bilis lang as in at natapos na kaagad sa pagluluto si Edward. Nakita ko ang pagiging mahusay niya sa pagluluto dahil bukod sa maganda tignan ang pagkaka-plating niya sa food ay mukha pang masarap. And that makes the food really appetizing!
Omelette lang naman ang niluto niya pero tinodo niya to the next level.
Parang ayaw ko tuloy guluhin kase ang ganda tignan sa mata. Ginandahan talaga! O 'di ba, the effort! And to tell you honestly, hindi lang ang pagkain ang mukhang masarap.
Ikaw haaa! Anong nasa isip mo? Ehe!
Agad naman akong umupo sa king chair at labag man sa loob kong sirain ay kumain na ako dahil sa nagugutom na rin naman na ako.
"Sige, kain ka lang." sabi ni Edward sa 'kin habang nakangiti sa harapan ko. Naku naman beh wala namang ganiyanan!
"Hala, pero uy, thank you ha! Nagugutom na rin talaga ako, e." Pagkasabi ko no'n ay sumubo ulit ako. Oo mga mhiema! Masarap siya legit! I'm not sugarcoating ha; I'm telling the truth!
"'Di ba sabi ko sa 'yo hintayin mo 'ko?" Nagulat ako sa pagsulpot ni Elliot out of nowhere at sa seryoso at malamig na tono ng kaniyang pagkakasabi. May diin at inis.
Pagkatingin ko kay Elliot ay may dala-dala itong dalawang box ng pizza at two cups ng ice cream! Mayroon ding isang maliit na cake, or cupcake ata?
Hindi naman ako nakasagot. As in walang pumapasok sa isip kong mga salita para magpaliwanag. Shocks, kailangan ba?
Pero 'di ba! Ano namang alam ko na bibili naman pala siya ng makakain? Literal na the effort din!
"Tsk! Oh!" Sabay lapag niya sa harapan ko ng kaniyang mga dala at agad na dumeretso sa taas.
Jusmiyo nakonsensiya naman ako bigla. Siya rin kase, ih! Nubayan!
"Sige maiwan na kita riyan ha, eat well." Pagpapaalam sa 'kin ni Edward na naririto pa pala't nasaksihan ang lahat ng pangyayari. Shocks, nakakahiya!
"S-Sige, thank you ulit!" Pagpapasalamat kong muli kay Edward.
Pagkaalis niya ay agad kong pinagbubuklat ang mga dala ni Elliot. I know naman na unhealthy ang mga 'to pero his effort!
Atsaka minsan lang din naman ako makakain ng mga gan'to kase tiyak na pagagalitan ni mom si yaya 'pag mahuli man ako. At siyempre, mas grabe ang talak sa 'kin.
Nilagay ko na lang muna sa refrigerator 'yung isang ice cream at cake at tinuloy ang kinakain ko. Nakakahiya naman kay Edward 'di ba kapag hindi ko uubusin.
Mga 8 more minutes siguro ako natapos at medyo nagpababa pa ng kinain.
Ngayon naman ay balak kong kainin ang isang ice cream at pizza sa kwarto. Kaya ko siya actually kahit na mag-isa lang ako.
Jusq, ang siba ko pero hindi ako tumataba. Ano bang secret niyo, ha? Kase kung healthy relationship lang e wala na agad, olats na 'ko niyan.
Para hindi magmukhang selfish ay niyaya ko pa sila Edward, Tyron, at Tyler kaso inaantok na raw sila kaya and ending? Ako na lang mag-isa! Mas maganda rin kaya! Solo ko ang ice cream!
Pagkapasok ko ay nakita ko agad siyang natutulog na. Tulog na nga ba ito?
Ay jusq, eto na naman tayo sa mga pa-topless ng mga 'to. Kulang pa ba ang lamig na aircon? 'Pag kayo nilamig.
Grabehan naman po ang view! Parang tatlong beses naman akong nabusog agad! Kimmy!
Agad akong naglakad sa kabilang side ng kama at nilagay ko ang dalawang pizza at ice cream sa may mini table. Oo mga beh, may TV pa rito at saka mini sala.
Kinuha ko yung remote at sinindi 'yung TV na pagkalaki-laki. Naghanap ako ng magandang palabas ngayon sa Netflix. Guess what? It's Wednesday!
Habang nanunuod ako ay napabaling ang tingin ko sa kama ni Elliot. Nakaisip naman ako agad ng kalokohan.
Gaga huhuliin ko lang naman siya kung talagang natutulog na ang bakulaw. 'Kaw ha!
Nang makarating ako sa harap niya ay yumuko ako ng kaunti.
Ngayon ko mas naa-appreciate ang mukha ng bakulaw na 'to.
Grabe napaka-amo ng mukha niya! Yung mabangis na leon ay naging isang kuting. Napangiti ako dahil sa naiisip ko.
Hanggang sa bigla nalang dumako ang paningin ako sa kaniyang labi. It's perfect! Matangos din ang ilong! Feeling ko nga e, may lahi 'tong kurimaw na 'to e. May bakulaw pa lang gan'to?
At mas lalo naman ang makakapal nitong kilay! Grabe ang ganda ng kilay niya promise! Favorite part ko sa face niya so far! Tinitigan kong mabuti ang kilay nito at tila ba inaanyayahan nito ang aking mga kamay na hawakan ito.
Kusa namang gumalaw ang mga kamay ko papunta sa kaniyang mukha.
I was about to touch his eyebrows hanggang sa bigla na lang dumilat ang dalawa nitong mata. O_O
Uh-oh! I'm dead!
AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!
"What are you doing?" seryosong tanong agad nito habang hawak-hawak ang kamay ko.
Shocks! What to do!? What to do!?
"A-Ahh m-may dumi ka lang kase sa mukha kaya tatanggalin ko sana. O-oo 'yun nga!" Pagpapalusot ko and it seems like hindi siya naniniwala. Shemay!
Sa sobrang kaba ko ay nanginginig na tuloy 'yung tuhod ko.
"Saang banda?" Seryoso pa rin siya.
"Sa lips." Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o sa katangahan ko kung bakit iyon ang nasabi ko. Jusmiyo Marimar Avery!
Nabigla naman ito. Jusko kahit ako'y hindi rin makapaniwala! Lupa, kainin mo ako!
Ang pagkabigla ay napalitan ng isang ngising nakakaloko. Jusq, iba na 'to!
Baka akala niya e nagte-take advantage ako sakaniya habang tulog siya!
Hala, hindi naman 'di ba?! Andiyan kayo ha! Kayo ang saksi!
Explain to him, now!
Ina-appreciate ko lang ang gawa ng mga magulang mo huhu!
Agad naman itong tumayo mula sa pagkakahiga at humarap sa akin, hawak pa rin niya ang kaliwa kong kamay.
"Oww?"
"Talagaaa?"
"Sige, tanggalin mo." Saad niya at ibinalik ang boses nito sa pagiging seryoso.
Para matapos na ay kunwaring may tatanggalin na sana ako sa kaniyang mga labi hanggang sa ...
"Oops! Ayokong kamay ang gamitin mo." He interrupted.
"It should be your lips." Dagdag pa niya na siyang nakapagpanganga sa akin dahil sa kaniyang sinabi.
Mga mimasaur, ang seryoso pa rin kase like you know, 'yung kailangan at kailangan mong sundin?!
Hindi ako agad nakagalaw and he's making his way para ilapit ang mukha nito sa mukha ko. Hep! Hep! Hep!
"Neknek mo!" Sigaw ko sabay tulak sakaniya at hatak ng kamay ko.
Ang lakas ng kurimaw at hindi man lang natumba.
"Ikaw ha, nakahanap ka lang ng opportunity para asarin ako e, noh!" Dagdag ko.
Bigla naman itong nag-transform from serious to grabeng humalakhak mode.
"You know what, you're cute." Sabi pa nito habang ang lakas pa rin tumawa.
Bumalik na lang ako sa pwesto ko at agad kumuha ng pizza.
"Hmmp! Ewan ko sa 'yong abnoy ka."
Sumunod naman ito saakin at kumuha na rin ng pagkain at sabay kaming nanood. Episode 1 pa lang 'to mga mhie pero ang ganda na! Slay ka riyan, Wednesday!
Naging normal lang ang panonood namin habang kumakain.
"Bakit hindi mo ako hinintay? Mas hinintay mo pa talaga na ipagluto ka ni Edward." Napalingon ako sa sinabi niya habang siya naman ay nakatingin lang sa TV.
Pero yup, mahahalata mo rin 'yung disappointment sa mukha niya.
"Hala e, hindi ko naman kasi alam na bibili ka ng pagkain. Atsaka si Edward naman nag-offer ng food kaya nag-gow na rin ako since nagugutom na 'ko." Mahabang litaniya ko.
"So kapag ba nag-date tayo ng hindi mo alam, isasama mo si Edward? Tsk!" Haaa? You mean, a surprise date?! Tama ako ng binasa hindi ba?
Ayownn! Nabitin siguro ang tulog ng bakulaw na 'to noh?
"Date? Ikaw kung ano-ano na naman pinagsasasabi mo riyan. Siguro kinabag ka na kaka-topless mo." Saad ko't sumubo ng isang kutsarang puno ng ice cream.
Tumawa siya nang malakas. And here's the realization keme again! Gano'n pala tumawa ang isang Elliot! Shocks ngayon ko lang napansin!
"I'm serious." Simpleng saad nito ngunit mararamdam mo ang sinseredad.
Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Amacana accla!
Hindi ko na lang pinansin ang kaniyang sinabi hanggang sa natapos na naming dalawa hanggang sa episode 2.
Wala nang gustong magsalita sa aming dalawa marahil ay dahil na rin sa antok kaya napagdesisyunan na naming matulog.
Jusmiyo anong oras na rin pala.
Naalala ko 'yung nangyari kaninang umaga kaya nilagyan ko na ng harang ang gitna naming dalawa para wala nang yakapang maganap! Mapagkamalan pa akong unan niyan, eh.
I don't know either pero alam niya kaya 'yung nangyari? Hindi niya nga ata alam yun, e. What do you think?
Magkatalikod kami habang natutulog. Alam kong tulog na siya dahil naririnig ko na ang kaunti niyang paghilik. Ako naman eto, hindi na naman makatulog dahil sa iniisip ko kung paano nangyaring magkatabi na kami kaninang umaga.
Isip lang ako nang isip ng mga theory ko hanggang sa tuluyan na rin akong lamunin ng dilim.
"Good night, Pillow."
Itutuloy...
7Please respect copyright.PENANAHSFWOhBmhg