Kabanata VII: Butas-Bulsa
Isang araw, habang nagdidilig ng halaman si Pepe, nagchat si Yolanda sa kanya.
Yolanda: “Pepe, lalabas tayo mamaya Pwease…”
Pepe: “Sige sige, I’ll be there, let’s go sa kung saan mo gustong puntahan”
Naligo na si Pepe at nag-ayos para sa kanilang date. Nagtricycle papuntang Burnayan si Pepe, at habang nagbiyabiyahe, ang haba ng traffic. Sa kabilang dako naman, nagpreprepare na si Yolanda sa kanilang date din. Habang nag-aayos,
Lola Lena: “Iha, kung nasa Burnayan na tayo, iiwan ka kay Pepe saglit lang ha?”
Yolanda: “Ano?! Bakit naman?! Sundan kita”
Lola Lena: “Hindi pwede Iha. Oh, magdate na kayo at si Pepe, meron kasi akong pupuntahan sa bangko”
Yolanda: (excited) “Pera?”
Lola Lena: “Iha, huwag ka ngang makialam. Alam mo naman na nagbubudget kami at mga tita mo dito na pagkakasyahin ang mga ibinibigay ng mama mo”
Yolanda: “Yeah yeah”
Nagpara sila ng Bus papuntang Burnayan. Habang nakasakay, pinicturan ni Yolanda ang kanilang sasakyan at sinend nya kay Pepe. Si Pepe naman, ay naghihintay sa Plaza. Habang naghihintay sa Plaza, nakita niya ang mga nakahilerang tinda-tindahan sa kalye at pinuntahan niya ang mga ito. Nakita niya ang chat ni Yolanda.
Pepe: “Ingat kayo ha?”
Hindi nan agreply si Yolanda sa kanya. Pagkatapos ng paghihintay ng 20 na minutos, dumating na sila sa Plaza.
Lola Lena: “Pepe Iho, ilang oras ka na naghihintay dito?”
Pepe: “Mga 20 na minutos na po”
Yolanda: “Pepe, punta, tayo na”
Lola Lena: “Teka lang Iha, meron pa akong sasabihin kay Pepe bago kayo pupunta magshopping”
Yolanda: (nagtatampo)
Lola Lena: “Iho, iiwan ko si Yolanda sa iyo ha? Meron pa akong pupuntahan sa bangko”
Yolanda: “Yay Pera!”
Lola Lena: “Tumahimik ka nga Yolanda”
Pepe: “Opo Lola, huwag kayong mag-alala Lola”
Lola Lena: “Sige, punta na ako. Yolanda, huwag kang magpapabili ng kahit ano ha?”
Yolanda: (parang wala lang)
Umalis na si Lola Lena, at habang siya ay umaalis,
Yolanda: “Pepe, punta tayo sa department store”
Pepe: “Sige, pero magmerienda pa tayo, kasi iyong ang-“
Yolanda: “Punta na tayo please”
Pepe: “Sige, pero magmerienda tayo sa mall mamaya”
Pumunta na ang dalawa sa department store na 3 bloke lang ang layo sa plaza. Habang sila ay papunta sa department store,
Yolanda: “Pepe, alam mo si Jenny?”
Pepe: “Ohh, bakit?”
Yolanda: “Noong Biyernes, habang naglalakad kami papunta sa Auditorium, nasalubong namin si Francine. At alam mo ang ginawa ni Jenny?”
Pepe: “Ano?”
Yolanda: “Hay naku, tumakbo siya na parang may nakitang multo! HAHAHAHAHAHAH”
Pepe: (laughing out loud)
Pumasok na ang dalawa sa department store. Sa pagpasok, tatambad na kay Yolanda ang mga furry keychains at mga plushies.
Yolanda: “Pepe, can we…?”
Pepe: “Bilbilhan ka ng ganyan, magpasyal muna tayo”
Yolanda: “Sige na please”
Pepe: “Oo, maghanap lang tayo ng basket”
Yolanda: “Nandito”
Umakyat na silang dalawa sa ikalawang palapag at doon na silang nakita ang mga school supplies, palamuting pambahay at mga iba. Nakita naman ni Yolanda ang paborito niyang kulay,
Yolanda: “Pepe, bilhan mo ako ng paboritong kulay ko hehehe”
Pepe: “Yoli naman, pagkasyahin natin ang pera natin”
Yolanda: “Ilan yung nakuha mo?”
Pepe: “Huwag kang mag-expect, 200 lang allowance ko ngayon para sa date natin”
Yolanda: “Hmm, let’s see…”
Pepe: “Sige na Yoli, choose wisely”
Dahil walang katao-tao sa ikawalang palapag, hinalikan ni Yoli si Pepe. Dahil dito na, napatulala si Pepe.
Yolanda: “Oh, ano?”
Pepe: “Sige basta papalitan mo”
Yolanda: “Yeah yeah, whatever”
Ipinagpatuloy nila ang pagmasid sa mga ibang bahagi ng department store at nakarating sila sa school supplies. Biglang napahinto si Yolanda sa kaniyang nakita.
Yolanda: “Pepe, tignan mo oh”
Ipinakita ni Yolanda ang isang bag na nasa paboritong kulay ni Yolanda.
Pepe: “Wow, maganda naman. Ilan yan?”
Sa pagtingin ni Pepe ng tag, bigla siyang napatulala.
Pepe: “500, ohmaygad!”
Yolanda: “Sige na, kaya natin yan”
Pepe: “Next time na lang yan Yoli kapag may trabaho na ako”
Umalis si Yolanda na parang nagtatampo at napansin ito ni Pepe.
Pepe: “Yoli, ba’t ka nagtatampo?”
Hindi makaimik si Yolanda. Habang dumadaan sila sa school supplies, nakita ni Pepe ang isang cute na ballpen na nasa paboritong kulay ni Yolanda. Ito ay may disenyong puso sa taas at ito ay may iba’t-ibang kulay na tinta.
Pepe: “Yoli teka, bibilhan ka ng ganito”
Ipinakita niya ang ballpen.
Yolanda: “Weh, seryoso?”
Pepe: “Oo, kahit ito lang”
Sa sobrang saya ni Yolanda,
Yolanda: “I Love You Pepe”
Pepe: “I Love You too”
Mas kinilig pa si Yolanda at hinila niya ang kamay ni Pepe papunta sa mga palamuti, mga bracelets, mga ballpen, at iba pa.
Yolanda: “At mga ito, mga ito at ito”
Pepe: “Yoli ang dami naman ito”
Yolanda: “Oh Ano? Bibiliiin mo ba ang mga ito o gusto mong aawayin kita?”
Pepe: “Sige na”
Nakarating na sila sa counter, at noong nagbabayad sila, umabot na sa 400 ang kanilang binayaran. Pinagpapawisan na si Pepe, habang galit na si Yolanda. Pumunta siya sa sulok at meron siyang tatawagan.
Pepe: “Pwede po bang magpa-void?”
Cashier: “Of course sir, ano po ang mga bagay na gusto niyong ipa-void?”
Tinawag ni Pepe si Yolanda pero parang ayaw niya ito.
Employado: “Punta ka daw doon miss”
Pumunta na si Yolanda kay Pepe. Ipabura niya ang dalawang palamuti, isang ballpen, at isang bracelet, pero ang halaga pa rin ay nasa 300. Sa pagtawag naman ni Yolanda kay Lola Lena,
Yolanda: “Huy, punta ka na dito, tulongan mo kami”
Lola Lena: “Bakit? Ano na naman ang nangyare?”
Yolanda: “Kulang kami ng pera”
Lola Lena: “Hindi ba meron ibinigay nina tita mo nap era sa’yo?”
Napatulala si Yolanda.
Yolanda: “Punta ka na dito”
Lola Lena: “Problema mo na yan, magbura ka ng hindi mo gusto diyan sa babayaran ninyo, maawa ka naman kay Pepe Iha”
Yolanda: “PUT-“
Ibinaba ni Lola ang tawag dahil doon, at tinanong ni Pepe kay Yolanda kung ano pa.
Yolanda: (galit) “Yan na”
Pepe: “Pero-“
Yolanda: “Wala ng pero-pero mag-isip ka ng paraan. NGAYON NA!”
Dahil dito, wala ng magawa si Pepe pero biglang,
Middle-aged Man: “Paumanhin sir, ako na magbabayad sa 100 ninyo”
Napatulala ang dalawa.
Sa paglabas nila sa Deparment Store, napabuntong hininga si Pepe.
Pepe: “Alam mo Yoli, muntik na akong makukulong dahil doon”
Yolanda: “Pero at least, nabili mo ang mga gusto ko HAHAHAHAH”
Biglang nag-ring ang cellphone ni Pepe, at tumatawag pala si Lola Lena.
Pepe: “Hello Lola?”
Lola Lena: “Hello Iho? Tapos na ba ang problema ni Yolanda?”
Pepe: “Opo, ako po ulit nagbayad”
Lola Lena: “Ano?! Talagang Bata na ito hindi alam galawin ng wasto ang kanyang pera. Punta na kayo Iho dito sa Namnama Grocery Store”
Pepe: “Sige po Lola”
Yolanda: “Ano daw?!”
Naibaba na ang tawag.
Pepe: “Woah kalma ka lang, pumunta na tayo sa Namnama, nandun si Lola mo”
Yolanda: “Bakit ikaw yung tinawagan niya at hindi ako?”
Pepe: “Check mo phone mo”
Noong chineck ni Yolanda ang kaniyang cellphone, doon pala may Missed Call si Lola sa kaniya.
Pepe: “Yan kasi, nasa Silent Mode ang cellphone mo”
Yolanda: “Che, tumahimik ka nga!”
Dahil iisang bloke ang Namnama Grocery Store at ang Department Store na pinuntahan nila, naglakad na silang papunta doon. Noong nakarating na sila,
Lola Lena: “Hay naku, nadyan na pala kayo”
Nakita ni Lola ang hawak ni Pepe na plastic bag.
Lola Lena: “Ano na naman yan? Ano ang sinabi ko?”
Walang magawa si Yolanda kundi tumahimik.
Lola Lena: “Huwag kang mag-alala Iho, papalitan namin yan ha?”
Pepe: “Opo Lola, Thank you Lola”
Lola Lena: “Sige na, maggrocery na tayo”
Yolanda: “Awe, pwedeng magpabili?”
Lola Lena: “Ano na naman ipapabili mo?”
Yolanda: “Chips lang”
Lola Lena: “Sige, chips lang”
Pumunta na sila naggrocery at dahil gumagabi na, umuwi na si Pepe. Habang umuwi ang maglola,
Lola Lena: “Naku Yolanda Iha, mag-ingat ka sap era”
Yolanda: “Ehh, anong pake mo doon? At least nakuha ko ang mga gusto ko”
11Please respect copyright.PENANA0oUlzEMLUA
At nakauwi na silang lahat.
11Please respect copyright.PENANAksmlNhXZjl