Kabanata 51: Ang Liham ni Ysay
Tahimik na gabi. Hawak ni Ramil ang isang puting sobre na may pangalan niya sa harap, sulat-kamay ni Ysay. Amoy ng lumang papel, amoy ng huling alaala.
Binuksan niya ito sa tabi ng kama nila. Wala na roon si Ysay—nakahiga sa hospital bed sa sala, bantay-sarado ng anak nilang si Jae Ann. Pero ang sulat na ito… parang boses na ng mahal niyang asawa.
"Para kay Ramil, ang mahal ko..."
Mabagal ang pagbigkas niya. Nanginginig ang tinig niya habang binabasa ang mga salita ni Ysay.
"Mahal,
Kung nababasa mo na ito, baka ito na yung panahong hindi ko na masabi nang diretso sa’yo kung gaano kita kamahal. Baka hindi ko na rin maayos na maalala kung paano tayo nagsimula. Kaya ito, isusulat ko na habang kaya ko pa."
"Naalala mo pa ba nung unang beses tayong nagka-textmate? Yung tipong wrong send yata 'yun pero dahil sinagot mo ng 'Hi din, musta?'... ayun na. Doon nagsimula lahat. Gabi-gabi tayong nagkakakwentuhan. Di mo alam, kinakabahan ako noon. Kasi iniisip ko, 'Totoo kaya 'tong lalaking 'to?' 'Baka naman gaya lang siya ni Henry… sa umpisa lang mabait.'"
"Pero dahan-dahan mo akong pinaniwala na hindi. Sa bawat 'Ingat ka palagi, ha?' mo. Sa bawat 'Kamusta na kayo ng mga anak mo?' Sa bawat pagkakataong pinili mong manatili, kahit pwede ka namang umalis."
"Sumugal ako sa’yo, Ramil. Kahit takot ako, kahit may duda. Dahil nakita ko sa’yo ang isang bagay na hindi ko nakita noon—yung pananahimik mong totoo, yung pagiging tatay mo kahit hindi ka naman obligado, at higit sa lahat... yung pagmamahal mo sa amin na hindi kailanman humingi ng kapalit."
"Mahal kita. Mahal na mahal. Kahit ilang beses ko pa yang sabihin, kulang pa rin. Kasi ikaw ang taong hindi ko inakalang totoo. Pero dumating ka. Naniwala ka sa akin kahit wasak na wasak na ako noon. Tinayo mo ako. Minahal mo pati lahat ng bitbit ko—pati sakit, pati takot, pati alaala."
"Kaya habang nandito pa ako, habang kaya ko pang magsulat, gusto kong iwan sa’yo ang mga salitang hindi mawawala, kahit mawala na ako..."
"Love is patient, love is kind.17Please respect copyright.PENANAqOfyq5xWzv
It does not envy, it does not boast, it is not proud.17Please respect copyright.PENANAXRMLYKc7Vi
It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs.17Please respect copyright.PENANAPH1g54wf8Z
Love does not delight in evil but rejoices with the truth.17Please respect copyright.PENANAXdQQ3LcZSD
It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres."17Please respect copyright.PENANAZ8KvStMHFJ
(1 Corinthians 13:4–7)
"Yan ka para sa akin. Ganyan ka magmahal. At ganyan ang naging buhay ko sa piling mo. Kaya kahit mawala na ako... wag kang matakot magmahal. Huwag mong itikom ang puso mo. Pero kung pwede, hintayin mo muna ako ha? Kasi babantayan pa natin ang mga anak natin. Wag ka munang susuko.
Basta tandaan mo, kahit hindi na ako makapagsalita… kahit di na kita maalala…
Mahal pa rin kita, Ramil. Hanggang dulo.
– Ysay"
Hindi na natapos ni Ramil nang walang luha ang pagbabasa. Pigil sa simula, pero sa huling linya, umagos na ang lahat ng sakit, lahat ng pasasalamat, lahat ng pagmamahal.
"Ysay..." bulong niya habang niyayakap ang sulat.
Dumating si Ysay mula sa likod—mahina, pero may ngiti. Dahan-dahang lumapit, at sa huling lakas na kaya niyang buuin, niyakap niya si Ramil.
"Tahan na..." bulong ni Ysay, "Hindi pa ako aalis. Hindi pa ngayon."
At sa gabing iyon, sa pagitan ng luha at pagmamahal, naging mas totoo ang salitang "pamilya" kaysa kailanman.17Please respect copyright.PENANAI1YRf7kUbs