
Kung hindi ganito ang takbo ng mundo, hindi ako magdadalawang-isip na tumakas tayo.364Please respect copyright.PENANAAYCK7LcBIu
364Please respect copyright.PENANArCQyuT7YmY
Hindi maalis ni Tydel ang kanyang isipan sa pag-uusap nila ni Jessenia. Kung may nasabi man siyang mali o masakit, kung kaya lang niyang mabago, tapos na ang lahat. Hindi na niya muling mababalikan ang nakalipas. Siguro sa sandaling iyon ay nalaman na ng puso niya ang kasagutan. Na kahit sobrang sakit...364Please respect copyright.PENANAZFSsqUaie7
364Please respect copyright.PENANAicfER19FEM
Kahit ayaw niya, si Tydel na ang hari ng Midnia.364Please respect copyright.PENANACz4kjTgfBI
364Please respect copyright.PENANA9m8mUgyF4u
- - - 364Please respect copyright.PENANAhD1jha7kUi
364Please respect copyright.PENANAg6F2LCMgS3
Mga iilang linggo nang hindi nagpapakita ang kanyang papa. Nakahandusay sa higaan ang haring Idrola, walang salita, walang imik. Hindi kumukuha ng pansin, hindi namamansin. Noong isang gabi tinatak na ni Tydel sa isipan niya na wala nang buhay ang tatay niya. Sinisikap man ng mga manggagamot ng Midnia na maayos ang kalagayan ng hari, parang may nakaukit na sa utak ni Tydel na wala nang pag-asa. Mabilis na ring kumalat ang sakit sa mga nayon ng kaharian. Unti-unting nasisira ang pundasyon ng kaharian. Mas naramdaman ni Tydel ang pagiging mag-isa.364Please respect copyright.PENANADyuIvHD8N5
364Please respect copyright.PENANAkl3GLiQUZW
Madalas na ngayong puntahan ni Tydel ang Amang Abracosa, ang matandang nagpalaki sa kanyang ama. Malaki ang kaniyang paghanga sa matanda, dahil hindi lamang sa pamumuno o pakikipaglaban ang karunungan na inaabot niya; isa siyang Mezular.364Please respect copyright.PENANAIGwvTgPWrU
364Please respect copyright.PENANA2HuacxPa1o
Kagalang-galang ang mga Mezular sa loob ng bawat pader ng Midnia. Sila ang gabay ng sangkatauhan. Matagal na silang naririto sa mundo. Marami ang nagsasabing sila ang mga katulong ng Inang Kalibutan, ang diyosang kanilang pinaniniwalaan, lalo na't marami sa kanila ang mayroong kakaibang kapangyarihan na nakakatulong sa pag-unlad ng bansa. Ang kanilang karunungan ang nagbibigay liwanag sa bawat desisyon na ginagawa ng gobyerno at ng mamamayan. Kailangan ni Tydel ang karunungan na ito. Kailangan niyang malaman kung paano maging isang hari. 364Please respect copyright.PENANAxc3GKd4lJt
364Please respect copyright.PENANApdfWun1uS3
Pero sa bawat pagkikita nilang dalawa ni Abracosa, tila may nawawalang liwanag sa langit.364Please respect copyright.PENANAjeAPK5PJ5N
364Please respect copyright.PENANANZ1cafxB1v
"Amang Abracosa, nararamdaman mo ba?"364Please respect copyright.PENANADPTu35FXR4
364Please respect copyright.PENANAUZSBa5SY6o
Napatingin si Abracosa sa kanya, parang may kakaunting kinang pa sa mata ng binata.364Please respect copyright.PENANA39ibHPtUmP
364Please respect copyright.PENANArhVdy7W1NW
"Ano iyon, anak?" sagot ng matanda.364Please respect copyright.PENANAD4X8EtMsP2
364Please respect copyright.PENANAr16rcor3RS
"Unti-unting dumidilim ang kapaligiran. Sa tingin ko'y hindi lang ito dahil sa panahon. Sa tingin ko, may paparating."364Please respect copyright.PENANACxXiTu5ylw
364Please respect copyright.PENANATrJZW9pp2f
"Palagi namang may paparating, Tydel. Hindi lang tayo handa." malungkot na sinabi ni Abracosa. Kaniyang tiningnan ang lapag at hinaplos ang damo.364Please respect copyright.PENANAe1aFl5n9Fr
364Please respect copyright.PENANAdO8XKAO2yi
Patuloy pa rin ang kaniyang pagsasanay. Araw-araw niyang sinisikap na aralin ang bawat salita sa mga librong nakatanghal sa mga pader ng bahay ni Abracosa. Tinulungan ng matanda si Tydel na gumamit ng baril at tabak, kung dumating man ang panahon na dahas na ang kinakailangang paraan. Napansin ni Tydel ang pag-aalinlangan ni Abracosa sa simpleng pagbibigay ng baril sa kanya.364Please respect copyright.PENANAIcneNUM2gC
364Please respect copyright.PENANAtV3lEenug5
Nahalungkat din ni Tydel ang mga librong nagpakita ng kasaysayan ng Midnia, kung paano ba ito nabuo. Bata pa lamang si Tydel noong nagsimula ang Midnia. Ngunit, sa kanyang mga alaala't panaginip, dinig niya ang sigaw ng mga tao, ang pagsunog sa mga bahay, at ang isang koronang tinalsikan ng itim na dugo.364Please respect copyright.PENANAZZNx9HFk34
364Please respect copyright.PENANAs5HnYDyHeN
"Napapaginipan mo pa rin ba ang pagtakas natin sa Teccao?" biglaang tanong ni Abracosa, na tila alam niya ang iniisip ni Tydel.364Please respect copyright.PENANAHRtghQinVc
364Please respect copyright.PENANA3oG4acdlDw
"Oo, ama, hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang, patuloy ang pagdurusa ng kaharian natin dahil sa kanila. Dahil sa kanila, patay na si tito. Nagawa nilang patayin ang pinakamalakas nating mandirigma. Ano pa ba ang hindi nila kayang gawin?" iyak ni Tydel.364Please respect copyright.PENANAkTIK5w6S72
364Please respect copyright.PENANAl2BIMwXwiR
"Mga iilang linggo nalang bago sila ulit umatake." sabi ni Tydel habang tumitingin sa mga pahina ng libro. Nagsimula siyang gumuhit ng larawan ng pagkamatay ng kanyang tito.364Please respect copyright.PENANAt9x2UF4iQA
364Please respect copyright.PENANAd7ipQwx0EX
Huminga nang malalim si Abracosa.364Please respect copyright.PENANAUtaXgUTBga
364Please respect copyright.PENANAzf8OD7RgGK
"Sa tingin ko, kailangan mo nang malaman ang katotohanan." sabi niya. Tumayo si Abracosa sa kanyang inuupuang bato. Sinayaw ng hangin ang kanyang puting buhok.364Please respect copyright.PENANAVNBEyqV8yn
364Please respect copyright.PENANAfOMU1498Fd
"Noong bata ka pa, Tydel, tumakbo tayong mga Midnian mula sa Teccao. Lahat tayo dito ay mga Teccian noon. Ngunit tinuligsa natin ang mga utos ng gobyerno, dahil nakakasama ang kanilang pamamahala. Binigyan ni Grandor, ang hari, ang kaniyang militar ng kalayaan sa pag-aresto ng mga taong kasalungat niya. Iilang nayon ang napaalis nung araw na iyon. Ang 'Araw ng Pagbabago." Lahat ng ito, dahil sa maling tao napunta ang korona ng Teccao."364Please respect copyright.PENANAoCpiOVlyyn
364Please respect copyright.PENANA1lO7nl1q5H
Tahimik na lumuha si Tydel. Isang tingin lang ni Abracosa sa binata at alam na niya ang katanungang umiikot sa isipan niya.364Please respect copyright.PENANA7oUX0WFSpD
364Please respect copyright.PENANAlmUjEar4Km
"Desisyon ng papa mo na itago sa iyo ang katotohanang ito. Lahat ng mga tao, lalo na ang iyong mga guro, kinausap niya."364Please respect copyright.PENANAmV8vCAHhiK
364Please respect copyright.PENANA4N2Gk7Z2X2
Tinago ni Tydel ang kanyang mga luha kay Abracosa. Napatingin siya sa dumidilim na langit. "Kung hindi ako ang nararapat na maging hari ng Midnia, handa akong sumuko. Ngunit hindi ako titigil na lumaban para sa kaharian—"364Please respect copyright.PENANAZxEs4VmVvJ
364Please respect copyright.PENANAWRgr7bIEvU
"Hindi ganiyan ang intensyon ng ama mo. Sa totoo, ang kinakatakutan niya ay ang labis mong pagmamahal sa bansa. Noong sanggol ka pa lamang, Tydel, may naramdaman na ang mga Mezular sa tibok ng puso mo. Ikaw lang ang pupuwedeng maging hari ng kahariang ito."364Please respect copyright.PENANAKeYjZ0ES0r
364Please respect copyright.PENANA5iFLGHH3gs
Tumingin si Tydel sa matanda. "Kung ganoon, bakit 'to tinago sa akin?"364Please respect copyright.PENANAU9aAXQFTur
364Please respect copyright.PENANAQ4TxfSqOwi
"Dahil alam nating dalawa kung ano ang gagawin mo, kung sakali mang malaman mo."364Please respect copyright.PENANArjPSQ5J2JA
364Please respect copyright.PENANAvtm7lYhAdJ
Lumakad si Abracosa papunta kay Tydel at umupo sa tabi ng binata. "Mahal na mahal ka ng tatay mo, Tydel. Ayaw niyang mapahamak ka't masaktan dahil lamang ikaw ang anak niya."364Please respect copyright.PENANAevNrPX8o94
364Please respect copyright.PENANAzmG2rPr2bt
Malungkot na nagsalita si Tydel. "Hindi ko kinakaya na humilata lang habang nilulusob tayo buwan-buwan ng mga Teccian. Kailangan kong gumawa ng paraan para matapos ang gulong ito."364Please respect copyright.PENANA3aisn3X1nD
364Please respect copyright.PENANAE2O9uDyvos
"Tydel, alam kong puro ang iyong intensyon, pero sana maintindihan mo ang kahalagahan ng dugo mo. Kung walang mamamahalang Dysplis sa Midnia, babagsak lang ang kaharian. Iyan ang matagal ko nang panaginip, Tydel."364Please respect copyright.PENANACTQVczwztz
364Please respect copyright.PENANAhCJ7ophKhV
"May dugong Dysplis din si mama, kaya niyang maging reyna ng kaharian."364Please respect copyright.PENANApxx0vbcsRn
364Please respect copyright.PENANA4Wu5vTy5iq
"Makakayanan niya, oo. Magaling ang mama mo. Pero sa darating na panahon, mas kailangan ka namin, Tydel."364Please respect copyright.PENANAaryJOdfmX7
364Please respect copyright.PENANAiEm8SsS8mY
Tumayo si Tydel. "Hindi ko kayang umupo lamang. Kailangan kong tumayo, lumaban! Amang Abracosa, kailangang kong pumunta ng Teccao—" huminto si Tydel sa kanyang mga salita. "Doon ko lang magagawang mabago ang landas natin..."364Please respect copyright.PENANALd49ckqcRS
364Please respect copyright.PENANAqF1Xs20Yrg
Tumahimik sila nang ilang sandali.364Please respect copyright.PENANAurSN5BmTsB
364Please respect copyright.PENANABWTJ9JE848
"Pagpapakamatay lang ang gagawin mo, anak." wika ni Abracosa.364Please respect copyright.PENANAAfEiAUhhd3
364Please respect copyright.PENANAnYf87eUYHf
"Handa na akong mamatay para sa bayan."364Please respect copyright.PENANA6if2tvU1eR
364Please respect copyright.PENANA0fJiVAQZS5
Umambon na nang konti sa paligid nila. Nagsimula nang bumalik sa bahay-kubo ni Abracosa ang mga ibong kanyang inaalagaan. Inilatag ng matanda ang kanyang kamay sa mainit na damuhan, na parang may hinihingi siyang kasagutan mula sa lupa.364Please respect copyright.PENANAGs0LETWyfr
364Please respect copyright.PENANAuP3xgJpew5
"Alam mo, Tydel, ito ang palaging sinasabi sa amin ni Inang Kalibutan; sa bawat paggalaw natin, hindi lang ang isip ang dapat na gumagana. Kailangan din nating tanungin ang ating puso. Dahil sa kalaliman ng ating mga puso, namumuhay ang parte ng ating pagkatao na nakakabit pa sa ating pinanggalingan. Na magsasabi sa atin kung ano ang nararapat na pasya."364Please respect copyright.PENANAwEk3VUmytW
364Please respect copyright.PENANAf8oNrceaQp
"Ano kaya ang sagot ng puso mo, Ama?" tanong ni Tydel.364Please respect copyright.PENANAvsbXcm8qeO
364Please respect copyright.PENANALEIXU5XHi1
"Na kinakailangan mong intindihin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng puso." sagot ni Abracosa.364Please respect copyright.PENANADS4gsae8yp
364Please respect copyright.PENANAgbm7uOv6ad
Nilagay ni Tydel ang kanyang kanang kamay sa kaliwang dibdib.364Please respect copyright.PENANABqtsl6H5q1
364Please respect copyright.PENANArHBQQLP9r9
"Hindi ko alam kung kakayanin ko ang hinihiling mo.”364Please respect copyright.PENANAVwQhbtCFzy
364Please respect copyright.PENANACr1qgUUhZ0
- - - 364Please respect copyright.PENANA69GKSW2rPH
364Please respect copyright.PENANAWrVJ4ppQwf
Dumating ang panahon na mas lumaganap lamang ang sakit sa bawat nayon ng Midnia. Ginawa ng lahat ng mga manggagamot ang kanilang makakaya, pinagod ang kanilang mga katawan hanggang sa wala nang maibugang salita. Sa tulong ng mga Mezular at ang mga pinagkakatiwalaang tao ni Idrola, maraming buhay ang nasagip. Ngunit hindi ito sapat para ibangon muli ang kaharian mula sa paghihirap.364Please respect copyright.PENANAVVNwiirGzc
Punong-puno ng lagim ang mga kalye ng Midnia. Halos walang taong makikita sa bawat sulok ng kaharian. Kung mayroon man, ito ang mga taong pinalabas ng kanilang pamilya sa takot na mahawaan ang iba, na silang mahahanap ng mga guwardiyang umiikot-ikot sa mga nayon upang makita ang kalagayan ng tao. Mabilis silang itatakbo sa ospital, pero halos lahat ng mga pasyenteng naghihintay sa kanilang pagkakataon ay namamatay na lamang sa gutom at init.364Please respect copyright.PENANA3sp9fcUWkJ
364Please respect copyright.PENANAfkw7u0tULk
Bawat araw, mas lumalakas ang ulan sa Midnia.364Please respect copyright.PENANAdQvXjaL35J
364Please respect copyright.PENANAk6OaFOcFFg
Sa dami-rami ng masasamang pangitain, mas tumindi lamang ang pinaninindigan ni Tydel. Kailangan niyang umaksyon. Kung hindi, hindi siya isang totoong prinsipe.364Please respect copyright.PENANAvMPGoZh8vY
364Please respect copyright.PENANAzFPxIrskgw
“Sa susunod na lumusob ang Teccao, maghahanda na ako. Pupunta ako sa ugat ng lahat ng ating problema at ipapangako ko sa inyong lahat na masisira ko ito.” biglaang wika ni Tydel kay Amang Abracosa habang pinapakain ng matanda ang kanyang mga ibon.364Please respect copyright.PENANAF3qLA416GK
364Please respect copyright.PENANA3UfqDG4Y8k
“Siguro nga’y hindi na kita mapipigilan. Pero iisa lamang ang tanong ko sa’yo. Ano ang iyong plano?” sabi ni Abracosa.364Please respect copyright.PENANAIYH9SvgYpG
364Please respect copyright.PENANAXIMtrEKQ0a
Lumapit si Tydel sa kanyang guro na may hawak na balde ng pagkaing-ibon. “Hindi ko rin alam, ama. Pero ang alam ko’y kapag nandirito lang ako, walang magandang mangyayari sa atin.”364Please respect copyright.PENANAu8zVKxw4t6
364Please respect copyright.PENANAKdf4U5N17b
Buntong-hininga na lamang ang lumabas kay Abracosa.364Please respect copyright.PENANAt8ONwBrFan
364Please respect copyright.PENANAekDb0jCvO9
“Mayroon akong alam na puwede mong simulan.” sabi ng matanda.364Please respect copyright.PENANAYKuJoWEeSj
364Please respect copyright.PENANAK0YeoV4MvD
Pumasok sila sa kanyang silid-aklatan, isang maliit na kwartong mataas ang bubong at sa bawat pader ay nakahiga ang libo-libong mga libro. Liniwanagan ng sikat ng araw ang mga sulok ng kwarto. Inabot ni Abracosa ang isang panikwas sa kanyang gilid at unti-unting gumalaw ang mga pader at bumaba ang mga istante. Nang mapunta na ang aklat sa maaabot ni Abracosa, itinigil niya ang paggalaw ng pader at inabot kay Tydel ang libro.364Please respect copyright.PENANAh8aqBRSkuG
364Please respect copyright.PENANA70FIPgzzhS
Binuksan ng binata ang mga pahina at kanyang nakita ang isang nayong namumuhay sa loob ng isang latian, na kahit umaga man ay madilim. Ngunit nakikita rin niya ang kasiyahan ng mga tao sa iginuhit na larawan. Para bang walang pahid ng digmaan sa kanilang mga pader.364Please respect copyright.PENANAIjmoh7erOd
364Please respect copyright.PENANAqWUlJqEPFg
“Ang nayon ng Cura. Ang kinalimutang nayon ng Teccao. Nasa kanila ang solusyon sa sakit na lumalaganap sa kaharian. Kung iyong mabigay ito sa atin, pupuwede ka nang magpahinga sa mga natitirang araw ng buhay mo.” sabi ng matanda. “Ngunit mahirap itong pasukin. Kung tinanong ka, sabihin mong ipinadala ka ni Amang Abracosa. Pero, hindi ko maipapangako ang iyong tagumpay.”364Please respect copyright.PENANA0s1FLDPLI7
364Please respect copyright.PENANAGoozVYe3B6
“Opo, ama. Maraming salamat po.” at niyakap ng binata ang kanyang tagapayo. Tumulo ang luha ni Abracosa sa mga buhok ni Tydel.364Please respect copyright.PENANAE8lOs5eJUP
364Please respect copyright.PENANAPF4SoioRR8
“Maghahanda ako para sa iyong paglalakbay. Kailan ka aalis?” sabi ni Abracosa nang nilulunok ang kanyang kalungkutan.364Please respect copyright.PENANABMiY8hIq0G
364Please respect copyright.PENANANY2KYxHCtt
“Ngayong gabi ‘ho, ama.”364Please respect copyright.PENANAL8lyyaFido
364Please respect copyright.PENANAxUKT5ldNs1
“Magkita tayo sa gilid ng kagubatan. Magpaalam ka na sa mga minamahal mo.”364Please respect copyright.PENANAltI7l5PfaS
364Please respect copyright.PENANAtgMCYvj0LQ
Nang umalis na si Tydel mula sa kanyang bahay, lumabas si Abracosa at umupo sa hagdanan ng kanyang bahay-kubo. Dinamdam ng kanyang mga paa ang init na ibinibigay ng lupa. At siya’y umiyak, nilabas ang kanyang pighati.364Please respect copyright.PENANAA6zf4yBKAq
364Please respect copyright.PENANAmX2IJu4OFJ
Bakit siya ang dapat isakripisyo? Sa dami-rami ng tao sa kaharian, bakit siya?364Please respect copyright.PENANAEtQrbbvzef
364Please respect copyright.PENANAy1asiU9Ekv
- - - 364Please respect copyright.PENANA97LSG57dg8
364Please respect copyright.PENANAw6QgfpEHXk
'Tydel, hindi ko kakayanin 'to...' ay ang mga salitang sumira sa puso ng binatang prinsipe.364Please respect copyright.PENANA9KHFn8MvO0
364Please respect copyright.PENANAmo1mV93pyC
Noong hapong iyon ay nagsimula nang pumunta si Tydel sa kanyang mga kaibigan mula sa akademiya. May dilaw na kinang ang gilid ng langit at lupa na tila magsilbing kolorete sa paglisan ng araw.364Please respect copyright.PENANADikaGEVCV6
364Please respect copyright.PENANANugkJDSZDa
Mabilis siyang nakapaglibot sa nayon gamit ang kanyang motor; halos walang lamang sasakyan ang mga daan. Mabuti rin at walang nakakilala sa kanya, marahil dahil na rin sa suot niyang salakot, o dahil kakaunti na lamang ang naglalakad sa mga kalye. Ayaw niyang maisip ng tao na aalis papuntang ibang kaharian ang pag-asa nila.364Please respect copyright.PENANA1epufJXhrD
364Please respect copyright.PENANAFOVFW1NXUi
Nang pagpasok ni Tydel sa bahay ng kanyang pinakamatalik na kaibigang si Hernando, tila wala nang natirang kasiyahan sa paligid. Nagkasakit ang ina ni Hernando ngunit pinipilit pa rin nyang gumalaw para alagaan ang kanyang mga anak. Sa nakita ni Tydel, siya ang nag-aasikaso sa pagpapanatiling malinis ng bahay; parang malapit nang bumagsak ang matanda. Bago pumasok si Tydel, iniwan niya muna ang sapatos niya sa tapat ng pinto. Umiiyak na pinapasok ng ina ni Hernando ang prinsipe.364Please respect copyright.PENANAdj94ywUlqx
364Please respect copyright.PENANAQYmLzaaAyQ
"Iyong Kataas-taasang Prinsipeng Tydel, hindi niyo na kailangang hubarin ang inyong sapatos—"364Please respect copyright.PENANAWzD4h8nEVs
364Please respect copyright.PENANAfPVbO8JE6F
"Salamat po, Inay, pero hindi po mawawala ang paggalang ko sa inyo kahit ako'y maging hari."364Please respect copyright.PENANAa3YnwPBHBO
364Please respect copyright.PENANANLKNCOSCOq
Mas lumala ang pagluha ng ina. Sa sandaling iyon, bumaba na si Hernando mula sa kanyang kwarto at huminga nang malalim nang makita ang presensya ng kanyang mahal na kaibigan.364Please respect copyright.PENANAnjm6gYK7j7
364Please respect copyright.PENANAAjSfgWoBsa
Nag-alok si Hernando ng tasa ng tsaa ngunit tinanggihan ni Tydel, sinabing, "Hindi ako magtatagal."364Please respect copyright.PENANA9RVO5SlDAp
364Please respect copyright.PENANATuaVdqsb42
Umupo si Hernando at humigop sa kanyang tsaa. "Naaalala mo pa ba 'yung araw na muntik ka nang mabaril ng guwardiya?"364Please respect copyright.PENANA8r2nZDkyow
364Please respect copyright.PENANATMKCDmfNOs
Ngumiti si Tydel. "Oo. Grabe ka kasi, 'di ka mapakali. Ayan, muntik na 'kong mamatay dahil sa'yo."364Please respect copyright.PENANAH0uCLKflwD
364Please respect copyright.PENANAcHvO8dDQZv
Tumawa si Hernando. "Alam mo, 'yun din ang araw na nalaman kong gagawin mo ang kahit ano para sa kabutihan ng kahit sino man– maliban sa sarili mo."364Please respect copyright.PENANAdubn1USUWZ
364Please respect copyright.PENANAElNBYnq5io
Humina ang ngiti ni Tydel. Tumingin siya sa lapag. "Hindi ko mapigilan. Ito na ako."364Please respect copyright.PENANA3HYMvW3Twu
364Please respect copyright.PENANA55DYpKsnrt
"Kung kaya ko lang na masamahan ka, Tydel, gagawin ko nang walang pag-aalinlangan. Alam mo 'yan." sabi ni Hernando.364Please respect copyright.PENANAFP7mJppBUp
364Please respect copyright.PENANAyouQudybMI
"Alam ko, ngunit mas mahalaga ang pamilya mo." sabi ni Tydel.364Please respect copyright.PENANAv9n6u8gZos
364Please respect copyright.PENANAHbzwhBP3Vw
"Parang tanggap ko na na mamamatay si Inang. Oras nalang talaga ang hinihintay." buntong-hininga ni Hernando.364Please respect copyright.PENANAbBQtxBO0Va
364Please respect copyright.PENANAwErNE9IzYQ
"Hindi lang ang nanay mo ang kailangan mong asikasuhin. Nandyan pa ang mga kapatid mo."364Please respect copyright.PENANA99raSH0Vt9
364Please respect copyright.PENANA4AVYiFFM0D
Tumahimik nalang si Hernando. "Mag-ingat ka. Kailangan mong bumalik para sa bayan."364Please respect copyright.PENANACQgVk7eZxh
364Please respect copyright.PENANAORHL1WHDyL
"Hindi ko maipapangako, pero gagawin ko ang aking makakaya."364Please respect copyright.PENANAHgrV7I4aC9
364Please respect copyright.PENANAdZKbvBdc8s
Umalis si Tydel pagkatapos siyang yakapin ni Hernando. Kay sakit sa kanyang puso na maaaring ito na ang huli nilang pagkikita. Naramdaman din niya ang kakaunting galit na mayroon si Hernando. Ngunit wala na siyang magagawa pa.364Please respect copyright.PENANAUBTh3wE1XO
364Please respect copyright.PENANAU549BfIfW9
Huli na ang pag-uusap nila ni Jessenia.364Please respect copyright.PENANAAEbXEOGHNJ
364Please respect copyright.PENANAh16e6P5Pqg
Marahil hinuli niya dahil hindi pa niya kaya. Dahil hindi pa siya handa. Ngunit may sagot na ang puso niya, hindi lang niya masabi. Natatakot siya. Ayaw niya muna.364Please respect copyright.PENANAw99TtCRSxP
Labis nilang sinuportahan at minahal ang isa’t isa, kahit na ang Midnia ay nawawarak na sa pagitan nilang dalawa. Hanggang ngayon, si Jessenia pa rin ang munting apoy na sumasama kay Tydel sa mundong kay lamig. Kung puwede lang sanang manatili nalang siya sa kanyang mga kamay sa sandaling magkita sila mamaya…364Please respect copyright.PENANABoK6fINUUW
364Please respect copyright.PENANA1T5wkTeUn7
Gayunpaman, kahit gaano kabigat ang puso ni Tydel, kailangan na niyang pakawalan ang tanging nagbibigay sa kanya ng liwanag.364Please respect copyright.PENANAIfv7VsQXdK
364Please respect copyright.PENANAgzFr4CmuNU
Sa kanilang pagkita, umiiyak na ang dalaga. Basa sa ulan, naghihintay sa tapat ng kanyang bahay para masulyapan lamang ang minamahal. Pagbaba ni Tydel sa motor ay sinalubong siya ng halik ni Jessenia. May luhang tumulo sa kanyang mata nang maisipan niyang huminto muna at manatili. Sana ganito nalang ang takbo ng oras. Mabagal, pero walang hinto. Para mas madama niya ang pagmamahal ni Jessenia. Para maisang-tabi na muna niya ang kanyang mga problema.364Please respect copyright.PENANAS0A3KAyH7C
364Please respect copyright.PENANA6tLXVqvrEN
Umiyak ang dalawa at nagyakapan sa ilalim ng ulan. Sa isipan ni Tydel, halos iisang oras silang nandoon, sinusulit na lamang ang sandali.364Please respect copyright.PENANAE9NxlyJSFv
364Please respect copyright.PENANA1WAOpUOEMj
Sa wakas, nagawa ring magsalita ni Tydel. “Anong ginagawa mo sa kalagitnaan ng daan? Bakit hindi ka pumasok, ang lakas ng ulan, mahal.”364Please respect copyright.PENANApY4auFgjZj
364Please respect copyright.PENANALh3K7HiGQZ
“Parang naramdaman ko na na aalis ka. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko…” iyak ni Jessenia, at naramdaman ni Tydel ang higpit ng kanyang yakap.364Please respect copyright.PENANAwY48iUk9xK
364Please respect copyright.PENANAwWgD2dvVLl
“Patawad, mahal.”364Please respect copyright.PENANAYVk5JsEhO6
364Please respect copyright.PENANAGUlKXLm2Rx
“Tydel, hindi ko kakayanin 'to…”364Please respect copyright.PENANA0KtE0KsyWs
364Please respect copyright.PENANADy7A9CdTRG
Hindi na napigilan ni Tydel ang kanyang luha. Mahinhin niyang nilagay ang pisngi ni Jessenia sa piling ng kanyang mga daliri; kay lambot ng kanyang hawak, kay sakit ng sandali.364Please respect copyright.PENANAc8bHECfCBj
364Please respect copyright.PENANAa6KXUDma54
“Tingnan mo 'ko. Alalahanin mo ang mukhang ito. Maraming araw ang darating bago mo ako makita muli, pero ipapangako ko sa iyo…” Napahinto si Tydel. “Pasensya na… hindi ko maipapangako ang pagbalik ko.”364Please respect copyright.PENANAbsIADyNYD6
364Please respect copyright.PENANA21S9AiZX32
“Alam ko, hayaan mo na muna akong mahawak ka nang matagal.” sabi ni Jessenia kahit pagod na ang labi.364Please respect copyright.PENANAGVlpkiILlZ
364Please respect copyright.PENANArQQ00dbzC0
“Kung hindi lang ako ang prinsipe, mahal… Kung hindi ganito ang takbo ng mundo—” ngunit hindi natapos ni Tydel ang kanyang mga salita.364Please respect copyright.PENANAQgx56dsVSi
364Please respect copyright.PENANAm6t37wkvc6
"Pero ganito ang takbo ng mundo. Ang sakit ring isipin, Tydel…” luha ni Jessenia. “Pero may iisa akong maipapangako sa iyo. Tingnan mo ko, mahal.”364Please respect copyright.PENANAVmUlecdHau
364Please respect copyright.PENANAuggiTHELKr
Nagkita ang mga mata ng dalawa. Bulong ni Jessenia, "Kahit man may galit sa atin ang mundong ito, pipiliin ko pa ring tumakbo sa tabi mo. Ipaglalaban ko ang pagmamahal natin. Paninindigan kita. Kahit hindi ko na kaya, sa’yo pa rin ako…"364Please respect copyright.PENANAvkI19Zi8rN
364Please respect copyright.PENANAyvWQVAdFW5
Nanginig ang katawan ni Tydel at nanghina siya sa kamay ng kanyang minamahal. Hindi pinakawalan ni Jessenia si Tydel.364Please respect copyright.PENANARPbYxkO7im
364Please respect copyright.PENANAckBc3iRN4B
“Kung ito ang kasagutan ng puso mo, ito ang ipagpatuloy mo.” sabi ng dalaga.364Please respect copyright.PENANAHnxuO8U6uX
364Please respect copyright.PENANAeuW5N4PXAx
"Mahal na mahal kita. Paalam, Jessenia."364Please respect copyright.PENANA036U5aWPOT
364Please respect copyright.PENANAWdN0QaUriu
- - - 364Please respect copyright.PENANAnxLs7L1COC
364Please respect copyright.PENANAiK3Am8R5rn
Tahimik na ang mga sumunod na oras. Pagbalik ni Tydel sa palasyo ay hindi na siya nakapagsalita, kahit sa harap ng kanyang sariling inang si Lumina. Hindi niya magawang mabanggit lamang ang kanyang paglisan, dahil alam niya ang gagawin ng kanyang mama. At kahit salungat sa kaniyang kalooban, kailangan niyang ilihim ang nararamdaman.364Please respect copyright.PENANAT8Ck54tArQ
364Please respect copyright.PENANApKwEwsOlSR
Kinulong ni Tydel ang sarili niya sa kanyang kwarto upang makapag-impake ng kanyang gamit. Ang baril, kutsilyo, iilang pagkaing pinapakain lamang sa militar, mga damit na pang-sibilyan, lahat ay ipinagkasya sa isang maletang kayang ikarga ni Tydel sa kanyang likod.364Please respect copyright.PENANAK30En5ld57
364Please respect copyright.PENANAyt4CG6ZE4Y
Ngunit hindi siya makalabas.364Please respect copyright.PENANAh7AhsOVGqE
364Please respect copyright.PENANAMiXaK0yBwi
Bumagsak ang binata sa sahig, natapon ang laman ng maleta. Hindi makahinga nang maayos, patuloy na tumutulo ang pawis. Mayroon pang takot na pumipigil sa kanya, at kahit ipinipilit niya itong itulak pababa, hindi niya maiwasan ang pangangamba. Unti-unting humihigpit ang kanyang mga baga, at namumula na rin ang kanyang mga mata sa pag-iyak. Niyakap niya ang kanyang sarili habang nakahilantad sa lapag. Wala siyang magagawa kundi ang maghintay sa pagtigil ng lahat.364Please respect copyright.PENANACik4ZgGED9
364Please respect copyright.PENANAEvUdufp0hY
BOOM. Sa lakas ng pagsabog na narinig ni Tydel, bumalik siya sa kanyang pag-iisip at nakahinga nang malalim. Hindi niya alam kung iilang minuto siyang nakahiga sa sahig. Biglang kumalog ang lapag, umugoy ang palasyo, habang binibigyang-kahulugan pa ni Tydel ang nangyayari.364Please respect copyright.PENANAlHTCP2PFFU
364Please respect copyright.PENANA7dkDP6QtdM
Lumabas siya sa kanyang kwarto at tiningnan ang mga pasilyo; kaliwa’t kanang natatarantang tumatakbo ang mga trabahador. Sa labas ng bintana ay dinig niya ang sigaw ng mga tao. Ang kaninang dilaw na liwanag sa pagitan ng langit at lupa ay ngayo’y naging apoy na kumukumot sa ulap ng Midnia. Sa sandaling iyon, nalaman na niya ang nangyayari.364Please respect copyright.PENANA4lqD6uEfIu
364Please respect copyright.PENANAfQZCDFCLQV
Nandito na ang Teccao.364Please respect copyright.PENANAhsKK6UnT4D
364Please respect copyright.PENANAkSLwTFA0b6
Iisa lamang ang nasa isipan niya, na hindi pa siya nakakapagpaalam sa kanyang ama. Mabilis niyang tinakbo ang mga hagdang patungo sa kwarto ng hari, kahit na sinusuntok na ng puso niya ang kanyang dibdib, kahit na binabaha ng pawis ang kanyang katawan.364Please respect copyright.PENANAOp1ej2MfDf
364Please respect copyright.PENANApOcbUWgLNH
Sa sandaling iyon, hindi man lang naisip ni Tydel na may sakit ang kanyang ama, na maaari siyang mahawa't mapahamak ang kanyang misyon. Gusto lamang niyang masilayan muli ang kanyang papa, kahit ang ibig-sabihin nito ay ang kanyang sariling pagkahina.364Please respect copyright.PENANAnFzATEdl2T
364Please respect copyright.PENANAHoe1ngA7d6
"Papa! Gumising ka, sige na, papa…" dumapa si Tydel sa gilid ng kama, hawak ang kamay ni Haring Idrola malapit sa kanyang mukha.364Please respect copyright.PENANAJj4w8cjBlR
364Please respect copyright.PENANAOdC4bl52aa
"Anak… oras na ba?" bulong ni Idrola.364Please respect copyright.PENANA0Tnk6zIsRI
364Please respect copyright.PENANAVMK8YT8Z84
"Nandyan na sila, kailangan na nating umalis! Halika, papa, tutulungan kita pababa, sige na…" 364Please respect copyright.PENANAewPn271CTu
364Please respect copyright.PENANALN4XCvvlbJ
"Hindi na, anak… Hayaan mo na ako. Bakit ka pa pumasok dito? Mahahawa ka lang ng aking sakit…"364Please respect copyright.PENANA1nNH1nKXVm
364Please respect copyright.PENANAiOWquTVqx3
“Papa!” sigaw ni Tydel nang may malakas na pagbagsak sa gilid ng pader. “Hindi mo ba ako naiintindihan? Umaatake na sila! Wala akong pakialam kung magkasakit ako, kailangang mailigtas ka— ”364Please respect copyright.PENANAN9I0Nb49t6
364Please respect copyright.PENANA9CDEjwZFQn
“Naiintindihan kita, Tydel.”364Please respect copyright.PENANALrGPG0W6RU
364Please respect copyright.PENANArnOLLCqg11
Tinitigan ni Tydel ang kanyang papa, at kusang pinakawalan ang kanyang kamay.364Please respect copyright.PENANAAhm04m2yGd
“Hindi ko pa nga tanggap, papa. Akala ko’y wala na akong pakialam kung lumisan ka, na malakas na ako, na hindi na ‘ko duwag. Pero mali ang akala ko… Tulungan mo ako, papa. Mahina pa ako.”364Please respect copyright.PENANA2lXMXYc8ey
364Please respect copyright.PENANAalbJV6CbAp
“Mahina rin ako, anak. ‘Yan ang ‘di alam ng nakararami. Pero sinubukan ko, kahit na nilason ako at pinabayaan ng mundo, kinaya ko.”364Please respect copyright.PENANAZUxU2GnzNS
364Please respect copyright.PENANA1MBsIrsNQP
“Paano, pa?”364Please respect copyright.PENANADicNukxfBq
364Please respect copyright.PENANAtDqSBzOpZ3
“Kumapit lang ako sa pag-asang magiging mabuti rin ang takbo ng panahon.” ngiti ni Idrola habang kanyang hinawakan ang kamay ng anak. Napaluha si Tydel. 364Please respect copyright.PENANAD9mgalBEWx
364Please respect copyright.PENANAK30VICjkGd
“Iisa lang ang taong nakikita kong gigising sa kinabukasang pinapangarap ko.” sabi ng hari. Tumingin si Idrola sa bubong ng kwarto at pinikit ang mata. Hinubad niya ang korona at ipinakita sa kanyang anak. Nakakabulag ang gintong kinang nito, na tila tumitingin ka sa langit. Ang mga perlas na nakakalat sa bawat gilid nito, ang mga naka-ukit na larawan sa mga dulong patulis; kaakit-akit.364Please respect copyright.PENANAIIxAnMUCxO
364Please respect copyright.PENANAJBRjgMkIMS
Ngunit hindi man lang humanga si Tydel sa kagandahan nito. Nang ibaba ng hari ang korona sa ulo ni Tydel, napabagsak ang binata sa sahig at nanatili ang korona sa mga kamay ni Idrola. Hindi na napigilan ni Tydel na ilihim ang kanyang paglisan.364Please respect copyright.PENANAsHp7fCzNWK
364Please respect copyright.PENANAadtCSrE6Kd
“Papa, hindi ko pa kaya. Pa, aalis ako, hindi ko alam kung babalik pa ako ng Midnia!”364Please respect copyright.PENANAnwQjXcohNI
Nanlaki ang mata ni Idrola at nawala ang ngiti sa kanyang mukha sa pagkarinig ng mga salita ng kanyang anak. Buntong-hininga na lamang ang lumabas sa kanyang bibig.364Please respect copyright.PENANAnpHfXEwmHp
364Please respect copyright.PENANAOb1int4lG9
“Ikaw lang ang tunay na hari ng kaharian natin. Hindi ko ito maibibigay sa iba. Ikaw ang pag-asa natin, anak.”364Please respect copyright.PENANARI6mkWh3C0
364Please respect copyright.PENANA8iSTOhlOSw
“Bakit hindi mo ibigay kay mama?”364Please respect copyright.PENANAgWhkU7fCYh
364Please respect copyright.PENANAo9rsz7qkIL
“Mahina na rin siya, anak… Sa mga susunod na araw ay magkakasakit ang mama mo.”364Please respect copyright.PENANAKkGGcRqfZ6
364Please respect copyright.PENANAnCDOO8iRzD
“Papa…” iyak ni Tydel.364Please respect copyright.PENANAI9Vx5hT6VD
364Please respect copyright.PENANAepc1Lcppa1
May nagsimulang sigawan mula sa kabila ng mga bintana. Mayroon nang mga taong bumabalibag sa pinto ng palasyo, nagmamakaawang papasukin sila. Huminga nang malalim si Idrola, at tumahimik ng ilang segundo. Nang pagbukas ng kanyang mata, tumingin siya sa kanyang anak na para bang tiyak na ang kanyang desisyon.364Please respect copyright.PENANAoaSn54vmrS
364Please respect copyright.PENANA76202b1s0H
“Ano man ang iyong gawin, alam ko na ikabubuti ito ng bansa. Kahit hindi mo suot ang korona, ikaw ang aming bayani, Tydel.”364Please respect copyright.PENANALsK8TGlre1
364Please respect copyright.PENANAmM2NlxDSFs
Tiningnan ni Tydel ang kanyang ama. Mahina na, namumuti na ang pisngi. “Paano na ang Midnia, papa? Hindi ko kayang ipagpaliban ang aking misyon. Ngunit hindi ko rin mapapabayaan ang kaharian!”364Please respect copyright.PENANAhRTFyEOm2g
364Please respect copyright.PENANAGB9gVdPt8M
“Tama ka… mas lalaki lang ang apoy sa Midnia kung hindi ka aalis. At wala na rin naman akong magagawa kung iyan ang iniisip mong kailangang mangyari. Ikaw lamang ang tanging taong alam kong may puro at tapat na pagmamahal sa bayan.”364Please respect copyright.PENANA0x0Heing24
364Please respect copyright.PENANAMtxi7CA7K3
“Salamat, papa… sa lahat.” Hinalikan ni Tydel ang noo ng hari.364Please respect copyright.PENANAd7ayTTf1U9
364Please respect copyright.PENANApTsdTIMOCj
Tumakbo si Tydel papalabas ng kwarto nang may luha sa kanyang mata, habang lumalabo ang kanyang paningin at unti-unting namumula ang paligid. Sa kanyang likuran, narinig niya ang pagbagsak ng gintong korona ng Midnia. Iniisip niya kung ano ang kanyang iniwanan, ang kanyang isinuko, para lang maging bayani ng bayang bumabagsak na. Manghihinayang kaya siya sa kanyang desisyon?364Please respect copyright.PENANAdcVOsyQ6dq
364Please respect copyright.PENANA1JWEgM26hE
Nang may mabilis na pagtibok ng puso, tumalon ang Haring Tydel mula sa bintana. Palabas ng palasyo, papunta ng kagubatan; paalis ng kaharian.364Please respect copyright.PENANA59FB4tZxIJ
364Please respect copyright.PENANAt2kCjpN5cP
- - - 364Please respect copyright.PENANAH9eWudL77D
364Please respect copyright.PENANAniC8XnqYVC
"Patay na ang hari." 364Please respect copyright.PENANAAFsxnm8lVC
364Please respect copyright.PENANAsBBsO5sH88
Sa kaguluhang nangyayari sa kabilang dulo ng kagubatan, hindi na ipinakita ni Abracosa ang tunay niyang naramdaman.364Please respect copyright.PENANAo9cdhBT8RC
364Please respect copyright.PENANAL4A10h0KWy
"Oras na rin ng kanyang pahinga." bulong ni Abracosa.364Please respect copyright.PENANAxuKP1Ju6fj
364Please respect copyright.PENANA1Lx3Za7pNZ
"Ama… bakit kailangang ngayon mangyari 'to?" Luha ni Tydel habang ibinabagsak ang kanyang mga gamit sa buhangin. Nagningning ang tubig dagat ng pula at ginto sa mga apoy ng Teccao.364Please respect copyright.PENANAsKxNCzO0VT
364Please respect copyright.PENANAmuovdPIye7
"Wala nang oras para damdamin ang nangyari. Wala nang maiiba. Kailangan nalang nating umusad." 364Please respect copyright.PENANAlj16XSebAM
364Please respect copyright.PENANAOXCwj7kYKo
Mula sa tubigan ay pinaangat ni Abracosa ang isang malaking makinang tawag nilang submarino.364Please respect copyright.PENANARUS0cr58Im
364Please respect copyright.PENANAm2mdvYRC1M
"Ito ang sasakyan mo papuntang Teccao. Nakasaad na ang ruta niyan, kailangan mo nalang maghintay. Ang kadiliman ng tubig ang kaibigan mo sa panahon mo sa ilalim. Sa pagbagsak mo sa mga lupain ng kaharian ay darating na rin ang mga bangka nila. Mag-ingat ka. Huwag kang magpapakita sa kahit kanino." paalala ng matanda.364Please respect copyright.PENANAPo4NJFx8Pi
364Please respect copyright.PENANAVARtiP1KQW
"Ama… Mag-ingat rin kayo."364Please respect copyright.PENANAzGEOvBTcnH
364Please respect copyright.PENANAWJ5Kfxixdi
"Pinoprotektahan tayo ni Inang Kalibutan. Huwag kang mag-alala."364Please respect copyright.PENANA9b5eUdceeR
364Please respect copyright.PENANAvZBvnEYVT3
Mula sa leeg ni Abracosa ay tinanggal ang isang kuwintas na yaring kahoy at dahon. Napunta ito sa mga kamay ni Tydel.364Please respect copyright.PENANAtPGfVTj10I
364Please respect copyright.PENANAOZv1Luekhn
"Palagi mong tandaan, Tydel," pinatuloy ni Abracosa. "Hindi tumitigil ang pagmamahal ng Ina sa atin."364Please respect copyright.PENANAWyxm25EwMl
364Please respect copyright.PENANAe9EmNdXW9Y
Sinuot ni Tydel ang kuwintas. Sa segundong nagdikit ang kahoy nito at ang balat niya, tila nagkaroon ang bata ng kakaibang lakas at galak na matapos ang misyon. Lumiwanag nang kaunti ang kanyang paningin, nawala ang dilim ng gabi. Nagkaroon ng munting kinang ng pag-asa ang kanyang puso. Sa iilang saglit ay naramdaman ni Tydel na mayroon siyang kakayahan at kapangyarihan na ipagpatuloy ang landas. Hindi na muling lalabo ang kanyang pagtingin sa abot-tanaw. Malinaw ang tagumpay.364Please respect copyright.PENANAgKDyL6iKIV
364Please respect copyright.PENANApJsk2XtnzX
"Salamat, Ama, sa lahat ng itinuro at ibinigay mo sa akin. Hindi kita bibiguin."364Please respect copyright.PENANANzmTgYWT9s
364Please respect copyright.PENANAhuosQo88iE
"Tydel, sa simpleng pagtapak mo sa labas ng palasyo, tinanggal mo na ang lahat ng mga duda ko. Nagtagumpay ka na sa aking mga mata."364Please respect copyright.PENANAz43Y17mnO2
364Please respect copyright.PENANAfFHquFd4Un
Ngumiti si Tydel, isang munting ngiti ngunit taos-puso at totoo. Kay tagal nang nakalipas mula noong huli itong nakapiling ng puso niya.364Please respect copyright.PENANAiqjnRcE7if
364Please respect copyright.PENANAIpfkpDfxrl
Sa pagsakay ng bagong hari sa submarino, wala nang nagpabigat pa sa kanyang damdamin. Handa na siya, kahit na pininturahan ng luha't dugo ang daang kanyang tatahakin. Walang pag-aalinlangan niyang hinanda ang makina.364Please respect copyright.PENANAL3oXSWpktV
364Please respect copyright.PENANA4M2TPewTlq
Unti-unting lumubog ang submarino, palalim nang palalim hangga't ang tanging yumayakap sa kanya ay ang kadiliman. Ngunit hindi nakaramdam ng takot si Tydel. Malakas ang loob niya na malalagpasan niya ito.364Please respect copyright.PENANAyaf3mMGquF
364Please respect copyright.PENANAoVBhUwkIyo
Umandar na ang makina, palayo ng kaharian.364Please respect copyright.PENANAxC8YaAQrdf
364Please respect copyright.PENANA0gnYMZsi0h
Sa likuran, tiningnan ng bagong hari ang iniwanan niyang kaharian mula sa ilalim ng tubig. Ang ilaw sa maitim na gabi.364Please respect copyright.PENANA26AOjbruIg
364Please respect copyright.PENANAvxCpBu3ohq
Nagsusumikap ang mga sundalo ng Midnia na labanan ang mga pumapasok na kabalyerong Teccian. Tila namula na ang mga pader ng mga gusali sa mga talsik ng dugo. Nangibabaw ang ilaw ng mga apoy na sinunog ang pag-asa ng bayan. Sa ere ay may mga barkong lumilipad, inulanan ng bomba ang mga depensa ng Midnia. Patuloy pa rin ang laban, at walang umatras sa mga Midnian. Tinadtad ng bala ang mga barko, sinaksak sa puso ang mga Teccian, at tinulungan ang mga manggagawa na tumakbo paalis ng gulo. Nananalo ang Midnia, ngunit kung sa huli ay putol ang kanilang paa, walang mauwiang pamilya, ano pang silbi ng giyera?364Please respect copyright.PENANArpxdBASYHX
364Please respect copyright.PENANA9zqoXNoPyh
At ang nasa isip ni Tydel, ay ang kanyang pagkawalang-imik sa nangyari. Pero, hindi na niya kayang tumalikod. Paabante lang ang kanyang galaw.364Please respect copyright.PENANAGLBHtRZPLQ
364Please respect copyright.PENANAy7ZeXIdtHJ
"Paalam, Midnia."364Please respect copyright.PENANAa5hL699iZ6
364Please respect copyright.PENANApCnrMTbkYy
Ito na ang huling tingin ni Tydel sa kanyang iniwanang kaharian. Kung siya ma'y makabalik, ibang lugar na ang kanyang mauuwian.364Please respect copyright.PENANAaJZhxDU0sP
364Please respect copyright.PENANACI74TIa7P3