Liane Ramirez, isang ordinaryong dalagang lumaki sa masaya at tahimik na pamilya pero nagbago ang lahat nang magkasakit at mamatay ang kanyang ina.
1217Please respect copyright.PENANAN9jp2B4j9e
Naging mahirap sa kanya ang lahat lalo na ng magkaroon ng bagong asawa ang kanilang tatay na kabaligtaran ang ugali sa kanilang ina. Mabunganga ito, selosa, mapangbintang at higit sa lahat ay mukhang pera.
1217Please respect copyright.PENANAqNueGvaI8r
At dahil sa pera ay hindi niya inakalang magagawa siya nitong ibenta sa ibang tao. Kaya nang matuklasan niya ang tungkol sa bagay na iyon ay isang malaking desisyon ang napilitan siyang gawin.
1217Please respect copyright.PENANACqkX9keLCH
Ang pasyang ni sa panaginip ay hindi niya naisip na magdudulot ng malaking pagbabago sa kanyang buhay at paniniwala.
1217Please respect copyright.PENANAMiuv5ifCQ0
Dahil sa kanyang paglalayas ay tila ba dinala siya ng kapalaran sa isang lugar kung saan ang mga nakatira ay hindi niya naisip na totoo at nabubuhay kasama nilang mga ordinaryong tao.
1217Please respect copyright.PENANAnYTqKZCkZb
Pero ang hindi niya napaghandaan ay ang pagkukrus ng landas nila ng Salvacion quadruplets kasabay ng isang katotohanang may kinalaman sa kanyang buhay at pag-ibig.
1217Please respect copyright.PENANAjDtaZqgiIQ
Ngunit magagawa kaya niyang tanggapin ang totoong pagkatao ng mga ito kasabay ng nagbabadyang panganib sa kanyang buhay?
1217Please respect copyright.PENANANx9RlZhjRP
Lalo na kung apektado nito ang kanyang sariling paniniwala nang ang kanyang puso ay tumibok hindi lamang sa isa kundi sa apat na lalaki?
1217Please respect copyright.PENANAUMiiBm7J57
Kakayanin kaya niyang pumili gayong pakiramdam niya tila may kulang kung isa man sa mga ito ay mawawala sa kanya?
ns216.73.216.82da2