
Kung hindi ganito ang takbo ng mundo, hindi ako magdadalawang-isip na tumakas tayo.363Please respect copyright.PENANA4Jb4oxVpXU
363Please respect copyright.PENANARsUwdhSwRJ
Hindi maalis ni Tydel ang kanyang isipan sa pag-uusap nila ni Jessenia. Kung may nasabi man siyang mali o masakit, kung kaya lang niyang mabago, tapos na ang lahat. Hindi na niya muling mababalikan ang nakalipas. Siguro sa sandaling iyon ay nalaman na ng puso niya ang kasagutan. Na kahit sobrang sakit...363Please respect copyright.PENANAD5IJAPuAQz
363Please respect copyright.PENANAV1K4oIGtKq
Kahit ayaw niya, si Tydel na ang hari ng Midnia.363Please respect copyright.PENANA4sxcZN4iN6
363Please respect copyright.PENANAzSIB0O4DEj
- - - 363Please respect copyright.PENANAj8QyEdUlwK
363Please respect copyright.PENANAobE6e0PH3u
Mga iilang linggo nang hindi nagpapakita ang kanyang papa. Nakahandusay sa higaan ang haring Idrola, walang salita, walang imik. Hindi kumukuha ng pansin, hindi namamansin. Noong isang gabi tinatak na ni Tydel sa isipan niya na wala nang buhay ang tatay niya. Sinisikap man ng mga manggagamot ng Midnia na maayos ang kalagayan ng hari, parang may nakaukit na sa utak ni Tydel na wala nang pag-asa. Mabilis na ring kumalat ang sakit sa mga nayon ng kaharian. Unti-unting nasisira ang pundasyon ng kaharian. Mas naramdaman ni Tydel ang pagiging mag-isa.363Please respect copyright.PENANA0r928OMxDr
363Please respect copyright.PENANAi4m5VB01Iv
Madalas na ngayong puntahan ni Tydel ang Amang Abracosa, ang matandang nagpalaki sa kanyang ama. Malaki ang kaniyang paghanga sa matanda, dahil hindi lamang sa pamumuno o pakikipaglaban ang karunungan na inaabot niya; isa siyang Mezular.363Please respect copyright.PENANAjmi17zyRvZ
363Please respect copyright.PENANAB7ppWGLHh2
Kagalang-galang ang mga Mezular sa loob ng bawat pader ng Midnia. Sila ang gabay ng sangkatauhan. Matagal na silang naririto sa mundo. Marami ang nagsasabing sila ang mga katulong ng Inang Kalibutan, ang diyosang kanilang pinaniniwalaan, lalo na't marami sa kanila ang mayroong kakaibang kapangyarihan na nakakatulong sa pag-unlad ng bansa. Ang kanilang karunungan ang nagbibigay liwanag sa bawat desisyon na ginagawa ng gobyerno at ng mamamayan. Kailangan ni Tydel ang karunungan na ito. Kailangan niyang malaman kung paano maging isang hari. 363Please respect copyright.PENANApTiPtsw5tJ
363Please respect copyright.PENANAhbzZNo6asr
Pero sa bawat pagkikita nilang dalawa ni Abracosa, tila may nawawalang liwanag sa langit.363Please respect copyright.PENANAb5cTfq74cQ
363Please respect copyright.PENANAAIhHu656SW
"Amang Abracosa, nararamdaman mo ba?"363Please respect copyright.PENANA3Vb7gJLRPk
363Please respect copyright.PENANACvM2yIu1Ez
Napatingin si Abracosa sa kanya, parang may kakaunting kinang pa sa mata ng binata.363Please respect copyright.PENANAlF2ZyAor0h
363Please respect copyright.PENANAI9ot9Tf1cR
"Ano iyon, anak?" sagot ng matanda.363Please respect copyright.PENANAh5CbfLLxSt
363Please respect copyright.PENANAuUJKWjp4y0
"Unti-unting dumidilim ang kapaligiran. Sa tingin ko'y hindi lang ito dahil sa panahon. Sa tingin ko, may paparating."363Please respect copyright.PENANA1L18dfztIe
363Please respect copyright.PENANAwSPYQh0mmQ
"Palagi namang may paparating, Tydel. Hindi lang tayo handa." malungkot na sinabi ni Abracosa. Kaniyang tiningnan ang lapag at hinaplos ang damo.363Please respect copyright.PENANA6WEBI87xKL
363Please respect copyright.PENANApVcBCAYbAA
Patuloy pa rin ang kaniyang pagsasanay. Araw-araw niyang sinisikap na aralin ang bawat salita sa mga librong nakatanghal sa mga pader ng bahay ni Abracosa. Tinulungan ng matanda si Tydel na gumamit ng baril at tabak, kung dumating man ang panahon na dahas na ang kinakailangang paraan. Napansin ni Tydel ang pag-aalinlangan ni Abracosa sa simpleng pagbibigay ng baril sa kanya.363Please respect copyright.PENANAeEecVaovS1
363Please respect copyright.PENANAzI5OEfUJkG
Nahalungkat din ni Tydel ang mga librong nagpakita ng kasaysayan ng Midnia, kung paano ba ito nabuo. Bata pa lamang si Tydel noong nagsimula ang Midnia. Ngunit, sa kanyang mga alaala't panaginip, dinig niya ang sigaw ng mga tao, ang pagsunog sa mga bahay, at ang isang koronang tinalsikan ng itim na dugo.363Please respect copyright.PENANAZxJhaRjnuq
363Please respect copyright.PENANAnqBunM9X5Y
"Napapaginipan mo pa rin ba ang pagtakas natin sa Teccao?" biglaang tanong ni Abracosa, na tila alam niya ang iniisip ni Tydel.363Please respect copyright.PENANAuzLJsD7V4J
363Please respect copyright.PENANAcRPgCYdFGJ
"Oo, ama, hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang, patuloy ang pagdurusa ng kaharian natin dahil sa kanila. Dahil sa kanila, patay na si tito. Nagawa nilang patayin ang pinakamalakas nating mandirigma. Ano pa ba ang hindi nila kayang gawin?" iyak ni Tydel.363Please respect copyright.PENANANLmiTuGcXU
363Please respect copyright.PENANAnakeFf6eXN
"Mga iilang linggo nalang bago sila ulit umatake." sabi ni Tydel habang tumitingin sa mga pahina ng libro. Nagsimula siyang gumuhit ng larawan ng pagkamatay ng kanyang tito.363Please respect copyright.PENANANpytHyAIc3
363Please respect copyright.PENANAq1IPF3U0wV
Huminga nang malalim si Abracosa.363Please respect copyright.PENANAEb4ryDoEFK
363Please respect copyright.PENANAu9OU9bzxN0
"Sa tingin ko, kailangan mo nang malaman ang katotohanan." sabi niya. Tumayo si Abracosa sa kanyang inuupuang bato. Sinayaw ng hangin ang kanyang puting buhok.363Please respect copyright.PENANAQs6QhtESqI
363Please respect copyright.PENANAeSeEjciLKi
"Noong bata ka pa, Tydel, tumakbo tayong mga Midnian mula sa Teccao. Lahat tayo dito ay mga Teccian noon. Ngunit tinuligsa natin ang mga utos ng gobyerno, dahil nakakasama ang kanilang pamamahala. Binigyan ni Grandor, ang hari, ang kaniyang militar ng kalayaan sa pag-aresto ng mga taong kasalungat niya. Iilang nayon ang napaalis nung araw na iyon. Ang 'Araw ng Pagbabago." Lahat ng ito, dahil sa maling tao napunta ang korona ng Teccao."363Please respect copyright.PENANA9qWJ1lsg5i
363Please respect copyright.PENANAUI3kRHQYyv
Tahimik na lumuha si Tydel. Isang tingin lang ni Abracosa sa binata at alam na niya ang katanungang umiikot sa isipan niya.363Please respect copyright.PENANAe1OFq5bghh
363Please respect copyright.PENANAYTljitGAGd
"Desisyon ng papa mo na itago sa iyo ang katotohanang ito. Lahat ng mga tao, lalo na ang iyong mga guro, kinausap niya."363Please respect copyright.PENANAbqzWAALykR
363Please respect copyright.PENANA5GOjnOFwKY
Tinago ni Tydel ang kanyang mga luha kay Abracosa. Napatingin siya sa dumidilim na langit. "Kung hindi ako ang nararapat na maging hari ng Midnia, handa akong sumuko. Ngunit hindi ako titigil na lumaban para sa kaharian—"363Please respect copyright.PENANAIDxFEMUoPc
363Please respect copyright.PENANAJJ1pTDMlXK
"Hindi ganiyan ang intensyon ng ama mo. Sa totoo, ang kinakatakutan niya ay ang labis mong pagmamahal sa bansa. Noong sanggol ka pa lamang, Tydel, may naramdaman na ang mga Mezular sa tibok ng puso mo. Ikaw lang ang pupuwedeng maging hari ng kahariang ito."363Please respect copyright.PENANAhb7uWbxG67
363Please respect copyright.PENANAFelbujt3X6
Tumingin si Tydel sa matanda. "Kung ganoon, bakit 'to tinago sa akin?"363Please respect copyright.PENANAp940jiaOnf
363Please respect copyright.PENANAPv3UDsPAiK
"Dahil alam nating dalawa kung ano ang gagawin mo, kung sakali mang malaman mo."363Please respect copyright.PENANAP8b4EnFOP1
363Please respect copyright.PENANAnmgk2HApQr
Lumakad si Abracosa papunta kay Tydel at umupo sa tabi ng binata. "Mahal na mahal ka ng tatay mo, Tydel. Ayaw niyang mapahamak ka't masaktan dahil lamang ikaw ang anak niya."363Please respect copyright.PENANACYl7CFSgfT
363Please respect copyright.PENANAauUCP2Xsun
Malungkot na nagsalita si Tydel. "Hindi ko kinakaya na humilata lang habang nilulusob tayo buwan-buwan ng mga Teccian. Kailangan kong gumawa ng paraan para matapos ang gulong ito."363Please respect copyright.PENANAJ6xxpSBb7C
363Please respect copyright.PENANAL9CUodhc9m
"Tydel, alam kong puro ang iyong intensyon, pero sana maintindihan mo ang kahalagahan ng dugo mo. Kung walang mamamahalang Dysplis sa Midnia, babagsak lang ang kaharian. Iyan ang matagal ko nang panaginip, Tydel."363Please respect copyright.PENANAJSLoLb6Npk
363Please respect copyright.PENANAsTqoYvSOnd
"May dugong Dysplis din si mama, kaya niyang maging reyna ng kaharian."363Please respect copyright.PENANAP0ZUp1phdy
363Please respect copyright.PENANAUX6ljyu4M1
"Makakayanan niya, oo. Magaling ang mama mo. Pero sa darating na panahon, mas kailangan ka namin, Tydel."363Please respect copyright.PENANA8aA9rSW5T3
363Please respect copyright.PENANAsFbKIV9WQ3
Tumayo si Tydel. "Hindi ko kayang umupo lamang. Kailangan kong tumayo, lumaban! Amang Abracosa, kailangang kong pumunta ng Teccao—" huminto si Tydel sa kanyang mga salita. "Doon ko lang magagawang mabago ang landas natin..."363Please respect copyright.PENANAnw1wQ6uSC2
363Please respect copyright.PENANAMrQamhgHO6
Tumahimik sila nang ilang sandali.363Please respect copyright.PENANAtKW5BZSb9o
363Please respect copyright.PENANARe26c83i88
"Pagpapakamatay lang ang gagawin mo, anak." wika ni Abracosa.363Please respect copyright.PENANAumlo2vnSEI
363Please respect copyright.PENANARCA6DzJc7m
"Handa na akong mamatay para sa bayan."363Please respect copyright.PENANAdITU3fjwYq
363Please respect copyright.PENANAbjf5L4lCPY
Umambon na nang konti sa paligid nila. Nagsimula nang bumalik sa bahay-kubo ni Abracosa ang mga ibong kanyang inaalagaan. Inilatag ng matanda ang kanyang kamay sa mainit na damuhan, na parang may hinihingi siyang kasagutan mula sa lupa.363Please respect copyright.PENANAPmyZszN8w1
363Please respect copyright.PENANAhY2CzYYmkU
"Alam mo, Tydel, ito ang palaging sinasabi sa amin ni Inang Kalibutan; sa bawat paggalaw natin, hindi lang ang isip ang dapat na gumagana. Kailangan din nating tanungin ang ating puso. Dahil sa kalaliman ng ating mga puso, namumuhay ang parte ng ating pagkatao na nakakabit pa sa ating pinanggalingan. Na magsasabi sa atin kung ano ang nararapat na pasya."363Please respect copyright.PENANAaT6ABJn9ey
363Please respect copyright.PENANA88OafcpmN2
"Ano kaya ang sagot ng puso mo, Ama?" tanong ni Tydel.363Please respect copyright.PENANANZhpH2SPSI
363Please respect copyright.PENANA3B5ixEjz8V
"Na kinakailangan mong intindihin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng puso." sagot ni Abracosa.363Please respect copyright.PENANAgdYMvO4NcF
363Please respect copyright.PENANAnoDwyDyth1
Nilagay ni Tydel ang kanyang kanang kamay sa kaliwang dibdib.363Please respect copyright.PENANABgSNcz0Gyw
363Please respect copyright.PENANArpelHS9KWp
"Hindi ko alam kung kakayanin ko ang hinihiling mo.”363Please respect copyright.PENANAHl8GoobvZJ
363Please respect copyright.PENANAFliSowjk65
- - - 363Please respect copyright.PENANAw7fLz0vpSG
363Please respect copyright.PENANAwPqSz0pWWy
Dumating ang panahon na mas lumaganap lamang ang sakit sa bawat nayon ng Midnia. Ginawa ng lahat ng mga manggagamot ang kanilang makakaya, pinagod ang kanilang mga katawan hanggang sa wala nang maibugang salita. Sa tulong ng mga Mezular at ang mga pinagkakatiwalaang tao ni Idrola, maraming buhay ang nasagip. Ngunit hindi ito sapat para ibangon muli ang kaharian mula sa paghihirap.363Please respect copyright.PENANADpbFshfM3L
Punong-puno ng lagim ang mga kalye ng Midnia. Halos walang taong makikita sa bawat sulok ng kaharian. Kung mayroon man, ito ang mga taong pinalabas ng kanilang pamilya sa takot na mahawaan ang iba, na silang mahahanap ng mga guwardiyang umiikot-ikot sa mga nayon upang makita ang kalagayan ng tao. Mabilis silang itatakbo sa ospital, pero halos lahat ng mga pasyenteng naghihintay sa kanilang pagkakataon ay namamatay na lamang sa gutom at init.363Please respect copyright.PENANAqLhKwMgphN
363Please respect copyright.PENANA43uzSuZFLv
Bawat araw, mas lumalakas ang ulan sa Midnia.363Please respect copyright.PENANA0rCmwz2HHN
363Please respect copyright.PENANAhQRVu4aqrV
Sa dami-rami ng masasamang pangitain, mas tumindi lamang ang pinaninindigan ni Tydel. Kailangan niyang umaksyon. Kung hindi, hindi siya isang totoong prinsipe.363Please respect copyright.PENANAapbuZa7sfL
363Please respect copyright.PENANAtjfqUROWFv
“Sa susunod na lumusob ang Teccao, maghahanda na ako. Pupunta ako sa ugat ng lahat ng ating problema at ipapangako ko sa inyong lahat na masisira ko ito.” biglaang wika ni Tydel kay Amang Abracosa habang pinapakain ng matanda ang kanyang mga ibon.363Please respect copyright.PENANAezqOeq7Te1
363Please respect copyright.PENANAmDr7URHzoG
“Siguro nga’y hindi na kita mapipigilan. Pero iisa lamang ang tanong ko sa’yo. Ano ang iyong plano?” sabi ni Abracosa.363Please respect copyright.PENANAQkreWemICk
363Please respect copyright.PENANAWDZNRxg4FD
Lumapit si Tydel sa kanyang guro na may hawak na balde ng pagkaing-ibon. “Hindi ko rin alam, ama. Pero ang alam ko’y kapag nandirito lang ako, walang magandang mangyayari sa atin.”363Please respect copyright.PENANAhS6L6tr4M8
363Please respect copyright.PENANA0UYkGMF9nk
Buntong-hininga na lamang ang lumabas kay Abracosa.363Please respect copyright.PENANA3tojoWOQ5X
363Please respect copyright.PENANANldeZw7BVi
“Mayroon akong alam na puwede mong simulan.” sabi ng matanda.363Please respect copyright.PENANALswjd8EHTM
363Please respect copyright.PENANADzPkJLwTUp
Pumasok sila sa kanyang silid-aklatan, isang maliit na kwartong mataas ang bubong at sa bawat pader ay nakahiga ang libo-libong mga libro. Liniwanagan ng sikat ng araw ang mga sulok ng kwarto. Inabot ni Abracosa ang isang panikwas sa kanyang gilid at unti-unting gumalaw ang mga pader at bumaba ang mga istante. Nang mapunta na ang aklat sa maaabot ni Abracosa, itinigil niya ang paggalaw ng pader at inabot kay Tydel ang libro.363Please respect copyright.PENANADckCZZrXeY
363Please respect copyright.PENANAgwzmtEIWA0
Binuksan ng binata ang mga pahina at kanyang nakita ang isang nayong namumuhay sa loob ng isang latian, na kahit umaga man ay madilim. Ngunit nakikita rin niya ang kasiyahan ng mga tao sa iginuhit na larawan. Para bang walang pahid ng digmaan sa kanilang mga pader.363Please respect copyright.PENANAhBTGWERPZ5
363Please respect copyright.PENANAfVUUDuhFJO
“Ang nayon ng Cura. Ang kinalimutang nayon ng Teccao. Nasa kanila ang solusyon sa sakit na lumalaganap sa kaharian. Kung iyong mabigay ito sa atin, pupuwede ka nang magpahinga sa mga natitirang araw ng buhay mo.” sabi ng matanda. “Ngunit mahirap itong pasukin. Kung tinanong ka, sabihin mong ipinadala ka ni Amang Abracosa. Pero, hindi ko maipapangako ang iyong tagumpay.”363Please respect copyright.PENANA1cI3xejbyb
363Please respect copyright.PENANAEjEE6pMkws
“Opo, ama. Maraming salamat po.” at niyakap ng binata ang kanyang tagapayo. Tumulo ang luha ni Abracosa sa mga buhok ni Tydel.363Please respect copyright.PENANAzrpys3RsVe
363Please respect copyright.PENANA8ZYJz6qzP5
“Maghahanda ako para sa iyong paglalakbay. Kailan ka aalis?” sabi ni Abracosa nang nilulunok ang kanyang kalungkutan.363Please respect copyright.PENANA1gyF3O3jKE
363Please respect copyright.PENANAyavUuwIYI7
“Ngayong gabi ‘ho, ama.”363Please respect copyright.PENANAN394R7P3Qq
363Please respect copyright.PENANAEigD3sJHa6
“Magkita tayo sa gilid ng kagubatan. Magpaalam ka na sa mga minamahal mo.”363Please respect copyright.PENANA6pGPsPNkk2
363Please respect copyright.PENANACzQPJESyFQ
Nang umalis na si Tydel mula sa kanyang bahay, lumabas si Abracosa at umupo sa hagdanan ng kanyang bahay-kubo. Dinamdam ng kanyang mga paa ang init na ibinibigay ng lupa. At siya’y umiyak, nilabas ang kanyang pighati.363Please respect copyright.PENANA8nqCWmJijM
363Please respect copyright.PENANAYtw0P513uW
Bakit siya ang dapat isakripisyo? Sa dami-rami ng tao sa kaharian, bakit siya?363Please respect copyright.PENANAypKTGq3f07
363Please respect copyright.PENANAG00aARkF6L
- - - 363Please respect copyright.PENANARAkAuKpq1h
363Please respect copyright.PENANAFuVkSPICo8
'Tydel, hindi ko kakayanin 'to...' ay ang mga salitang sumira sa puso ng binatang prinsipe.363Please respect copyright.PENANAKGC1zeBS31
363Please respect copyright.PENANAD655U2Ja2E
Noong hapong iyon ay nagsimula nang pumunta si Tydel sa kanyang mga kaibigan mula sa akademiya. May dilaw na kinang ang gilid ng langit at lupa na tila magsilbing kolorete sa paglisan ng araw.363Please respect copyright.PENANAuvlDJ0lE0s
363Please respect copyright.PENANAKfY6RGbgzf
Mabilis siyang nakapaglibot sa nayon gamit ang kanyang motor; halos walang lamang sasakyan ang mga daan. Mabuti rin at walang nakakilala sa kanya, marahil dahil na rin sa suot niyang salakot, o dahil kakaunti na lamang ang naglalakad sa mga kalye. Ayaw niyang maisip ng tao na aalis papuntang ibang kaharian ang pag-asa nila.363Please respect copyright.PENANAA7MKeRQoQC
363Please respect copyright.PENANA6LeTtLhrs5
Nang pagpasok ni Tydel sa bahay ng kanyang pinakamatalik na kaibigang si Hernando, tila wala nang natirang kasiyahan sa paligid. Nagkasakit ang ina ni Hernando ngunit pinipilit pa rin nyang gumalaw para alagaan ang kanyang mga anak. Sa nakita ni Tydel, siya ang nag-aasikaso sa pagpapanatiling malinis ng bahay; parang malapit nang bumagsak ang matanda. Bago pumasok si Tydel, iniwan niya muna ang sapatos niya sa tapat ng pinto. Umiiyak na pinapasok ng ina ni Hernando ang prinsipe.363Please respect copyright.PENANA0xyv5l8neL
363Please respect copyright.PENANA4Sj1qa6wCH
"Iyong Kataas-taasang Prinsipeng Tydel, hindi niyo na kailangang hubarin ang inyong sapatos—"363Please respect copyright.PENANAYzw8AzsR0e
363Please respect copyright.PENANAUDl6LQUdPX
"Salamat po, Inay, pero hindi po mawawala ang paggalang ko sa inyo kahit ako'y maging hari."363Please respect copyright.PENANAO555bWumBW
363Please respect copyright.PENANA2YNqSYziIh
Mas lumala ang pagluha ng ina. Sa sandaling iyon, bumaba na si Hernando mula sa kanyang kwarto at huminga nang malalim nang makita ang presensya ng kanyang mahal na kaibigan.363Please respect copyright.PENANAdCxySweq7t
363Please respect copyright.PENANAoSXTJPqOUR
Nag-alok si Hernando ng tasa ng tsaa ngunit tinanggihan ni Tydel, sinabing, "Hindi ako magtatagal."363Please respect copyright.PENANAAfA2Ht1yIn
363Please respect copyright.PENANA2lAMoz6wQG
Umupo si Hernando at humigop sa kanyang tsaa. "Naaalala mo pa ba 'yung araw na muntik ka nang mabaril ng guwardiya?"363Please respect copyright.PENANA3N6tXD0ljN
363Please respect copyright.PENANAAXEbwpnFsg
Ngumiti si Tydel. "Oo. Grabe ka kasi, 'di ka mapakali. Ayan, muntik na 'kong mamatay dahil sa'yo."363Please respect copyright.PENANAJCaQwjwh5n
363Please respect copyright.PENANAoDlnUy4YSf
Tumawa si Hernando. "Alam mo, 'yun din ang araw na nalaman kong gagawin mo ang kahit ano para sa kabutihan ng kahit sino man– maliban sa sarili mo."363Please respect copyright.PENANAPAeLpDg5KL
363Please respect copyright.PENANAYOuz83Mx3y
Humina ang ngiti ni Tydel. Tumingin siya sa lapag. "Hindi ko mapigilan. Ito na ako."363Please respect copyright.PENANAzA8KY075CN
363Please respect copyright.PENANAXPN5tLr77J
"Kung kaya ko lang na masamahan ka, Tydel, gagawin ko nang walang pag-aalinlangan. Alam mo 'yan." sabi ni Hernando.363Please respect copyright.PENANAohoKQaY5DF
363Please respect copyright.PENANAhwsfthQxNO
"Alam ko, ngunit mas mahalaga ang pamilya mo." sabi ni Tydel.363Please respect copyright.PENANATIF16ecrv2
363Please respect copyright.PENANAhexqyb4XTt
"Parang tanggap ko na na mamamatay si Inang. Oras nalang talaga ang hinihintay." buntong-hininga ni Hernando.363Please respect copyright.PENANAeDU3ZKuSAG
363Please respect copyright.PENANAEgJNdjSPNU
"Hindi lang ang nanay mo ang kailangan mong asikasuhin. Nandyan pa ang mga kapatid mo."363Please respect copyright.PENANApzaO6hgm35
363Please respect copyright.PENANAdNj8ss3XeI
Tumahimik nalang si Hernando. "Mag-ingat ka. Kailangan mong bumalik para sa bayan."363Please respect copyright.PENANA74u1BAXVN0
363Please respect copyright.PENANALS5cdRx0Co
"Hindi ko maipapangako, pero gagawin ko ang aking makakaya."363Please respect copyright.PENANA6Q5e1gZQJj
363Please respect copyright.PENANAW0JUcOtPmZ
Umalis si Tydel pagkatapos siyang yakapin ni Hernando. Kay sakit sa kanyang puso na maaaring ito na ang huli nilang pagkikita. Naramdaman din niya ang kakaunting galit na mayroon si Hernando. Ngunit wala na siyang magagawa pa.363Please respect copyright.PENANAgL2XGSmZaD
363Please respect copyright.PENANAjr0eWkvwqp
Huli na ang pag-uusap nila ni Jessenia.363Please respect copyright.PENANAcT6FBnRQsn
363Please respect copyright.PENANA74UK19V5AG
Marahil hinuli niya dahil hindi pa niya kaya. Dahil hindi pa siya handa. Ngunit may sagot na ang puso niya, hindi lang niya masabi. Natatakot siya. Ayaw niya muna.363Please respect copyright.PENANAgKLel7O5dC
Labis nilang sinuportahan at minahal ang isa’t isa, kahit na ang Midnia ay nawawarak na sa pagitan nilang dalawa. Hanggang ngayon, si Jessenia pa rin ang munting apoy na sumasama kay Tydel sa mundong kay lamig. Kung puwede lang sanang manatili nalang siya sa kanyang mga kamay sa sandaling magkita sila mamaya…363Please respect copyright.PENANAnpDDGwwJdA
363Please respect copyright.PENANAJTuzJVj2gl
Gayunpaman, kahit gaano kabigat ang puso ni Tydel, kailangan na niyang pakawalan ang tanging nagbibigay sa kanya ng liwanag.363Please respect copyright.PENANA4sWNEWvuyN
363Please respect copyright.PENANAPLVK8khNyM
Sa kanilang pagkita, umiiyak na ang dalaga. Basa sa ulan, naghihintay sa tapat ng kanyang bahay para masulyapan lamang ang minamahal. Pagbaba ni Tydel sa motor ay sinalubong siya ng halik ni Jessenia. May luhang tumulo sa kanyang mata nang maisipan niyang huminto muna at manatili. Sana ganito nalang ang takbo ng oras. Mabagal, pero walang hinto. Para mas madama niya ang pagmamahal ni Jessenia. Para maisang-tabi na muna niya ang kanyang mga problema.363Please respect copyright.PENANAQPPfjFEwSg
363Please respect copyright.PENANAqeY6WYgH06
Umiyak ang dalawa at nagyakapan sa ilalim ng ulan. Sa isipan ni Tydel, halos iisang oras silang nandoon, sinusulit na lamang ang sandali.363Please respect copyright.PENANAVMpGs3s9O5
363Please respect copyright.PENANAATIPdtV4tL
Sa wakas, nagawa ring magsalita ni Tydel. “Anong ginagawa mo sa kalagitnaan ng daan? Bakit hindi ka pumasok, ang lakas ng ulan, mahal.”363Please respect copyright.PENANAm6HbM6mjiP
363Please respect copyright.PENANAKumNHunPvZ
“Parang naramdaman ko na na aalis ka. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko…” iyak ni Jessenia, at naramdaman ni Tydel ang higpit ng kanyang yakap.363Please respect copyright.PENANA5uTAQ5SXmF
363Please respect copyright.PENANATVa0oag3IS
“Patawad, mahal.”363Please respect copyright.PENANAQnkYUpYpk9
363Please respect copyright.PENANAJyYcS749EW
“Tydel, hindi ko kakayanin 'to…”363Please respect copyright.PENANAEP7C9IMc3l
363Please respect copyright.PENANAjgYCjW59Ua
Hindi na napigilan ni Tydel ang kanyang luha. Mahinhin niyang nilagay ang pisngi ni Jessenia sa piling ng kanyang mga daliri; kay lambot ng kanyang hawak, kay sakit ng sandali.363Please respect copyright.PENANAHjWKOwkw4n
363Please respect copyright.PENANAkM31E7HyVa
“Tingnan mo 'ko. Alalahanin mo ang mukhang ito. Maraming araw ang darating bago mo ako makita muli, pero ipapangako ko sa iyo…” Napahinto si Tydel. “Pasensya na… hindi ko maipapangako ang pagbalik ko.”363Please respect copyright.PENANA4zgEKb1M32
363Please respect copyright.PENANAEWhGk73tqb
“Alam ko, hayaan mo na muna akong mahawak ka nang matagal.” sabi ni Jessenia kahit pagod na ang labi.363Please respect copyright.PENANAGunCpD3QZ3
363Please respect copyright.PENANAM84YeNDqcD
“Kung hindi lang ako ang prinsipe, mahal… Kung hindi ganito ang takbo ng mundo—” ngunit hindi natapos ni Tydel ang kanyang mga salita.363Please respect copyright.PENANAEublvxduS9
363Please respect copyright.PENANALiYiBSXCYM
"Pero ganito ang takbo ng mundo. Ang sakit ring isipin, Tydel…” luha ni Jessenia. “Pero may iisa akong maipapangako sa iyo. Tingnan mo ko, mahal.”363Please respect copyright.PENANAyd3VONwaMb
363Please respect copyright.PENANAeFT7Ct2MUo
Nagkita ang mga mata ng dalawa. Bulong ni Jessenia, "Kahit man may galit sa atin ang mundong ito, pipiliin ko pa ring tumakbo sa tabi mo. Ipaglalaban ko ang pagmamahal natin. Paninindigan kita. Kahit hindi ko na kaya, sa’yo pa rin ako…"363Please respect copyright.PENANACxxSjo5Cng
363Please respect copyright.PENANAFYi7mo2x0t
Nanginig ang katawan ni Tydel at nanghina siya sa kamay ng kanyang minamahal. Hindi pinakawalan ni Jessenia si Tydel.363Please respect copyright.PENANA62b4FRRlLr
363Please respect copyright.PENANAK0Lj7nLvqY
“Kung ito ang kasagutan ng puso mo, ito ang ipagpatuloy mo.” sabi ng dalaga.363Please respect copyright.PENANAX5IdnYLGQD
363Please respect copyright.PENANAeFTAxFj4Ai
"Mahal na mahal kita. Paalam, Jessenia."363Please respect copyright.PENANABlKLpPatIg
363Please respect copyright.PENANAd88PvGIQii
- - - 363Please respect copyright.PENANAgZdOapwVFm
363Please respect copyright.PENANAXJjoh6jQp2
Tahimik na ang mga sumunod na oras. Pagbalik ni Tydel sa palasyo ay hindi na siya nakapagsalita, kahit sa harap ng kanyang sariling inang si Lumina. Hindi niya magawang mabanggit lamang ang kanyang paglisan, dahil alam niya ang gagawin ng kanyang mama. At kahit salungat sa kaniyang kalooban, kailangan niyang ilihim ang nararamdaman.363Please respect copyright.PENANA9nz30370bC
363Please respect copyright.PENANAq758rY7O9w
Kinulong ni Tydel ang sarili niya sa kanyang kwarto upang makapag-impake ng kanyang gamit. Ang baril, kutsilyo, iilang pagkaing pinapakain lamang sa militar, mga damit na pang-sibilyan, lahat ay ipinagkasya sa isang maletang kayang ikarga ni Tydel sa kanyang likod.363Please respect copyright.PENANAF9elMNWwnM
363Please respect copyright.PENANAfLB4TzgPYd
Ngunit hindi siya makalabas.363Please respect copyright.PENANA7J1NeqBFfK
363Please respect copyright.PENANAPFiulIydXW
Bumagsak ang binata sa sahig, natapon ang laman ng maleta. Hindi makahinga nang maayos, patuloy na tumutulo ang pawis. Mayroon pang takot na pumipigil sa kanya, at kahit ipinipilit niya itong itulak pababa, hindi niya maiwasan ang pangangamba. Unti-unting humihigpit ang kanyang mga baga, at namumula na rin ang kanyang mga mata sa pag-iyak. Niyakap niya ang kanyang sarili habang nakahilantad sa lapag. Wala siyang magagawa kundi ang maghintay sa pagtigil ng lahat.363Please respect copyright.PENANAPp4ho3sJy5
363Please respect copyright.PENANAiCcb58FYwx
BOOM. Sa lakas ng pagsabog na narinig ni Tydel, bumalik siya sa kanyang pag-iisip at nakahinga nang malalim. Hindi niya alam kung iilang minuto siyang nakahiga sa sahig. Biglang kumalog ang lapag, umugoy ang palasyo, habang binibigyang-kahulugan pa ni Tydel ang nangyayari.363Please respect copyright.PENANAdaeZowgjcO
363Please respect copyright.PENANALKcsd8iR91
Lumabas siya sa kanyang kwarto at tiningnan ang mga pasilyo; kaliwa’t kanang natatarantang tumatakbo ang mga trabahador. Sa labas ng bintana ay dinig niya ang sigaw ng mga tao. Ang kaninang dilaw na liwanag sa pagitan ng langit at lupa ay ngayo’y naging apoy na kumukumot sa ulap ng Midnia. Sa sandaling iyon, nalaman na niya ang nangyayari.363Please respect copyright.PENANAHaXgKNHWwG
363Please respect copyright.PENANAmLFIEb0QMn
Nandito na ang Teccao.363Please respect copyright.PENANA8GAJfvBXM8
363Please respect copyright.PENANAaFRgUWG8Yc
Iisa lamang ang nasa isipan niya, na hindi pa siya nakakapagpaalam sa kanyang ama. Mabilis niyang tinakbo ang mga hagdang patungo sa kwarto ng hari, kahit na sinusuntok na ng puso niya ang kanyang dibdib, kahit na binabaha ng pawis ang kanyang katawan.363Please respect copyright.PENANAEhu66uDxg0
363Please respect copyright.PENANAlXj7natGom
Sa sandaling iyon, hindi man lang naisip ni Tydel na may sakit ang kanyang ama, na maaari siyang mahawa't mapahamak ang kanyang misyon. Gusto lamang niyang masilayan muli ang kanyang papa, kahit ang ibig-sabihin nito ay ang kanyang sariling pagkahina.363Please respect copyright.PENANAXU8np8dZVa
363Please respect copyright.PENANA9QSaFyrhtw
"Papa! Gumising ka, sige na, papa…" dumapa si Tydel sa gilid ng kama, hawak ang kamay ni Haring Idrola malapit sa kanyang mukha.363Please respect copyright.PENANAfjavUsJ6qQ
363Please respect copyright.PENANAuwhPAUosui
"Anak… oras na ba?" bulong ni Idrola.363Please respect copyright.PENANAtHwihUe0Wc
363Please respect copyright.PENANAWVeaFmjCDc
"Nandyan na sila, kailangan na nating umalis! Halika, papa, tutulungan kita pababa, sige na…" 363Please respect copyright.PENANAwnxA1Ag3dF
363Please respect copyright.PENANADN3mxCRKuL
"Hindi na, anak… Hayaan mo na ako. Bakit ka pa pumasok dito? Mahahawa ka lang ng aking sakit…"363Please respect copyright.PENANApWqjKyIWm7
363Please respect copyright.PENANA1D6F4e9XD6
“Papa!” sigaw ni Tydel nang may malakas na pagbagsak sa gilid ng pader. “Hindi mo ba ako naiintindihan? Umaatake na sila! Wala akong pakialam kung magkasakit ako, kailangang mailigtas ka— ”363Please respect copyright.PENANAzl6HFr7Thb
363Please respect copyright.PENANAmFAqHNPPNc
“Naiintindihan kita, Tydel.”363Please respect copyright.PENANAR6j0h9cMVd
363Please respect copyright.PENANA1qWrXgOmO1
Tinitigan ni Tydel ang kanyang papa, at kusang pinakawalan ang kanyang kamay.363Please respect copyright.PENANAXuYUFnbMUB
“Hindi ko pa nga tanggap, papa. Akala ko’y wala na akong pakialam kung lumisan ka, na malakas na ako, na hindi na ‘ko duwag. Pero mali ang akala ko… Tulungan mo ako, papa. Mahina pa ako.”363Please respect copyright.PENANAEuDMRp9BRr
363Please respect copyright.PENANADCjpDb3QFA
“Mahina rin ako, anak. ‘Yan ang ‘di alam ng nakararami. Pero sinubukan ko, kahit na nilason ako at pinabayaan ng mundo, kinaya ko.”363Please respect copyright.PENANA2XhsOaGk2b
363Please respect copyright.PENANAduB79eqK1n
“Paano, pa?”363Please respect copyright.PENANAznue78Kanv
363Please respect copyright.PENANATbiRAsVVwy
“Kumapit lang ako sa pag-asang magiging mabuti rin ang takbo ng panahon.” ngiti ni Idrola habang kanyang hinawakan ang kamay ng anak. Napaluha si Tydel. 363Please respect copyright.PENANAu1iUnOtVy2
363Please respect copyright.PENANAPw2P8n5SDz
“Iisa lang ang taong nakikita kong gigising sa kinabukasang pinapangarap ko.” sabi ng hari. Tumingin si Idrola sa bubong ng kwarto at pinikit ang mata. Hinubad niya ang korona at ipinakita sa kanyang anak. Nakakabulag ang gintong kinang nito, na tila tumitingin ka sa langit. Ang mga perlas na nakakalat sa bawat gilid nito, ang mga naka-ukit na larawan sa mga dulong patulis; kaakit-akit.363Please respect copyright.PENANAHA0R2eG23g
363Please respect copyright.PENANA2sRdY6lFWH
Ngunit hindi man lang humanga si Tydel sa kagandahan nito. Nang ibaba ng hari ang korona sa ulo ni Tydel, napabagsak ang binata sa sahig at nanatili ang korona sa mga kamay ni Idrola. Hindi na napigilan ni Tydel na ilihim ang kanyang paglisan.363Please respect copyright.PENANAI7phbhwQsb
363Please respect copyright.PENANAcf8sQE1QuN
“Papa, hindi ko pa kaya. Pa, aalis ako, hindi ko alam kung babalik pa ako ng Midnia!”363Please respect copyright.PENANApCzIhNWNBx
Nanlaki ang mata ni Idrola at nawala ang ngiti sa kanyang mukha sa pagkarinig ng mga salita ng kanyang anak. Buntong-hininga na lamang ang lumabas sa kanyang bibig.363Please respect copyright.PENANAi0sXkSkh4p
363Please respect copyright.PENANA4xFIphKYCw
“Ikaw lang ang tunay na hari ng kaharian natin. Hindi ko ito maibibigay sa iba. Ikaw ang pag-asa natin, anak.”363Please respect copyright.PENANAMwtG8Rt5YL
363Please respect copyright.PENANAKCmxjeI83r
“Bakit hindi mo ibigay kay mama?”363Please respect copyright.PENANA6PDJRooxXs
363Please respect copyright.PENANAFnTPPXDSYe
“Mahina na rin siya, anak… Sa mga susunod na araw ay magkakasakit ang mama mo.”363Please respect copyright.PENANATV3oqQH9WR
363Please respect copyright.PENANAflbbunjKUT
“Papa…” iyak ni Tydel.363Please respect copyright.PENANAhd24okfZLc
363Please respect copyright.PENANAjc3iQ6bO8a
May nagsimulang sigawan mula sa kabila ng mga bintana. Mayroon nang mga taong bumabalibag sa pinto ng palasyo, nagmamakaawang papasukin sila. Huminga nang malalim si Idrola, at tumahimik ng ilang segundo. Nang pagbukas ng kanyang mata, tumingin siya sa kanyang anak na para bang tiyak na ang kanyang desisyon.363Please respect copyright.PENANA1mGXLS8h8z
363Please respect copyright.PENANA4yWbL0ttPb
“Ano man ang iyong gawin, alam ko na ikabubuti ito ng bansa. Kahit hindi mo suot ang korona, ikaw ang aming bayani, Tydel.”363Please respect copyright.PENANASYc89AMuza
363Please respect copyright.PENANAULc5D5uF3x
Tiningnan ni Tydel ang kanyang ama. Mahina na, namumuti na ang pisngi. “Paano na ang Midnia, papa? Hindi ko kayang ipagpaliban ang aking misyon. Ngunit hindi ko rin mapapabayaan ang kaharian!”363Please respect copyright.PENANAMtAxLozlsL
363Please respect copyright.PENANAvymvktOJmO
“Tama ka… mas lalaki lang ang apoy sa Midnia kung hindi ka aalis. At wala na rin naman akong magagawa kung iyan ang iniisip mong kailangang mangyari. Ikaw lamang ang tanging taong alam kong may puro at tapat na pagmamahal sa bayan.”363Please respect copyright.PENANAxyjpQzVKFg
363Please respect copyright.PENANAkR6p9Upk61
“Salamat, papa… sa lahat.” Hinalikan ni Tydel ang noo ng hari.363Please respect copyright.PENANAQ623RF1jYK
363Please respect copyright.PENANAyYnylX7DPP
Tumakbo si Tydel papalabas ng kwarto nang may luha sa kanyang mata, habang lumalabo ang kanyang paningin at unti-unting namumula ang paligid. Sa kanyang likuran, narinig niya ang pagbagsak ng gintong korona ng Midnia. Iniisip niya kung ano ang kanyang iniwanan, ang kanyang isinuko, para lang maging bayani ng bayang bumabagsak na. Manghihinayang kaya siya sa kanyang desisyon?363Please respect copyright.PENANAgRYgk9NwUa
363Please respect copyright.PENANAcI3kYBfGfN
Nang may mabilis na pagtibok ng puso, tumalon ang Haring Tydel mula sa bintana. Palabas ng palasyo, papunta ng kagubatan; paalis ng kaharian.363Please respect copyright.PENANALTVhxsk3hr
363Please respect copyright.PENANAz1UtJuCGak
- - - 363Please respect copyright.PENANAD4Un3V31Lb
363Please respect copyright.PENANAmVEH3h2JF7
"Patay na ang hari." 363Please respect copyright.PENANAZ8Iz7AXcyF
363Please respect copyright.PENANA2MBB76ZZXu
Sa kaguluhang nangyayari sa kabilang dulo ng kagubatan, hindi na ipinakita ni Abracosa ang tunay niyang naramdaman.363Please respect copyright.PENANArVEhV9SwNC
363Please respect copyright.PENANAaWmDJnwfnn
"Oras na rin ng kanyang pahinga." bulong ni Abracosa.363Please respect copyright.PENANAGWvffU2lI2
363Please respect copyright.PENANAbFxeHehuKQ
"Ama… bakit kailangang ngayon mangyari 'to?" Luha ni Tydel habang ibinabagsak ang kanyang mga gamit sa buhangin. Nagningning ang tubig dagat ng pula at ginto sa mga apoy ng Teccao.363Please respect copyright.PENANAoZlxCRPBdB
363Please respect copyright.PENANADplGowus3a
"Wala nang oras para damdamin ang nangyari. Wala nang maiiba. Kailangan nalang nating umusad." 363Please respect copyright.PENANA1oOmW80YDi
363Please respect copyright.PENANAlvsFjZrkJz
Mula sa tubigan ay pinaangat ni Abracosa ang isang malaking makinang tawag nilang submarino.363Please respect copyright.PENANAs0jQJEcaDn
363Please respect copyright.PENANAsb0fIDFWAc
"Ito ang sasakyan mo papuntang Teccao. Nakasaad na ang ruta niyan, kailangan mo nalang maghintay. Ang kadiliman ng tubig ang kaibigan mo sa panahon mo sa ilalim. Sa pagbagsak mo sa mga lupain ng kaharian ay darating na rin ang mga bangka nila. Mag-ingat ka. Huwag kang magpapakita sa kahit kanino." paalala ng matanda.363Please respect copyright.PENANA9MpFjRUSV3
363Please respect copyright.PENANA5A2mzqnyQy
"Ama… Mag-ingat rin kayo."363Please respect copyright.PENANAjyFymrFbHB
363Please respect copyright.PENANA6yPzUq7f4X
"Pinoprotektahan tayo ni Inang Kalibutan. Huwag kang mag-alala."363Please respect copyright.PENANAvTWDcGcikJ
363Please respect copyright.PENANArfFRc3JmPh
Mula sa leeg ni Abracosa ay tinanggal ang isang kuwintas na yaring kahoy at dahon. Napunta ito sa mga kamay ni Tydel.363Please respect copyright.PENANABcZtLE13Nc
363Please respect copyright.PENANA2N45SAIDiI
"Palagi mong tandaan, Tydel," pinatuloy ni Abracosa. "Hindi tumitigil ang pagmamahal ng Ina sa atin."363Please respect copyright.PENANACgDBnNluOi
363Please respect copyright.PENANAx2tfJYPMkN
Sinuot ni Tydel ang kuwintas. Sa segundong nagdikit ang kahoy nito at ang balat niya, tila nagkaroon ang bata ng kakaibang lakas at galak na matapos ang misyon. Lumiwanag nang kaunti ang kanyang paningin, nawala ang dilim ng gabi. Nagkaroon ng munting kinang ng pag-asa ang kanyang puso. Sa iilang saglit ay naramdaman ni Tydel na mayroon siyang kakayahan at kapangyarihan na ipagpatuloy ang landas. Hindi na muling lalabo ang kanyang pagtingin sa abot-tanaw. Malinaw ang tagumpay.363Please respect copyright.PENANAADt13h0Zdf
363Please respect copyright.PENANAN9TfMgj4FS
"Salamat, Ama, sa lahat ng itinuro at ibinigay mo sa akin. Hindi kita bibiguin."363Please respect copyright.PENANAUxsmLqXKIu
363Please respect copyright.PENANAIW7PHPrEfO
"Tydel, sa simpleng pagtapak mo sa labas ng palasyo, tinanggal mo na ang lahat ng mga duda ko. Nagtagumpay ka na sa aking mga mata."363Please respect copyright.PENANA1hdgsY7PUI
363Please respect copyright.PENANAbktCLcIxJ7
Ngumiti si Tydel, isang munting ngiti ngunit taos-puso at totoo. Kay tagal nang nakalipas mula noong huli itong nakapiling ng puso niya.363Please respect copyright.PENANA3kV90VdbT6
363Please respect copyright.PENANAE00dIhV8LN
Sa pagsakay ng bagong hari sa submarino, wala nang nagpabigat pa sa kanyang damdamin. Handa na siya, kahit na pininturahan ng luha't dugo ang daang kanyang tatahakin. Walang pag-aalinlangan niyang hinanda ang makina.363Please respect copyright.PENANAGvXpi3pak2
363Please respect copyright.PENANA30iP7Smy6L
Unti-unting lumubog ang submarino, palalim nang palalim hangga't ang tanging yumayakap sa kanya ay ang kadiliman. Ngunit hindi nakaramdam ng takot si Tydel. Malakas ang loob niya na malalagpasan niya ito.363Please respect copyright.PENANAIqgxexe3ZR
363Please respect copyright.PENANAMUbypxk8gH
Umandar na ang makina, palayo ng kaharian.363Please respect copyright.PENANA23adJmZDo7
363Please respect copyright.PENANAY29rLDzEVl
Sa likuran, tiningnan ng bagong hari ang iniwanan niyang kaharian mula sa ilalim ng tubig. Ang ilaw sa maitim na gabi.363Please respect copyright.PENANAnBZUSUmt1I
363Please respect copyright.PENANAtOD9fxijgJ
Nagsusumikap ang mga sundalo ng Midnia na labanan ang mga pumapasok na kabalyerong Teccian. Tila namula na ang mga pader ng mga gusali sa mga talsik ng dugo. Nangibabaw ang ilaw ng mga apoy na sinunog ang pag-asa ng bayan. Sa ere ay may mga barkong lumilipad, inulanan ng bomba ang mga depensa ng Midnia. Patuloy pa rin ang laban, at walang umatras sa mga Midnian. Tinadtad ng bala ang mga barko, sinaksak sa puso ang mga Teccian, at tinulungan ang mga manggagawa na tumakbo paalis ng gulo. Nananalo ang Midnia, ngunit kung sa huli ay putol ang kanilang paa, walang mauwiang pamilya, ano pang silbi ng giyera?363Please respect copyright.PENANA24nEqgFQHA
363Please respect copyright.PENANAJbhu66PikZ
At ang nasa isip ni Tydel, ay ang kanyang pagkawalang-imik sa nangyari. Pero, hindi na niya kayang tumalikod. Paabante lang ang kanyang galaw.363Please respect copyright.PENANA7aBCEYDMZH
363Please respect copyright.PENANAa369VyJ6H2
"Paalam, Midnia."363Please respect copyright.PENANAQPTOxrfT1c
363Please respect copyright.PENANAVedkzOhoxE
Ito na ang huling tingin ni Tydel sa kanyang iniwanang kaharian. Kung siya ma'y makabalik, ibang lugar na ang kanyang mauuwian.363Please respect copyright.PENANA9Z8eFCGXuN
363Please respect copyright.PENANAgeAsCTWQ9S