14Please respect copyright.PENANAwzjb9C0KT8
“Ang hindi ko sinabi… siya palang pinaka-nag-ingay sa puso ko.”
Umaga. Maaga pa. Tahimik ang ospital.14Please respect copyright.PENANAXLrQBD5TQw
Hindi pa bumabalik si Chin. Iniwan siyang may ngiting pilit, habang si Mondie ay nanatili sa kama, nakatulala sa kisame.
Pero sa loob ng drawer sa tabi niya, may sekreto.
Isang maliit na notebook. Marumi na ang gilid. Gamit na gamit.14Please respect copyright.PENANAmKRsD078Nv
Walang ibang nakakakita nun maliban sa kanya. Kahit ang nurse na malapit sa kanya, hindi pa ‘yun nahahawakan.
Bago pa siya magpanggap na hindi niya siya nakakikilala…
Bago pa siya ngumiti na parang estranghero…
Bago pa niya sabihing, “Sino ka nga ulit?”
Isinulat na niya lahat.
Unang Liham
“Chin,14Please respect copyright.PENANAiB6vtp9wIA
Kung binabasa mo ‘to… baka nakita mo na ang notebook ko. At kung nakita mo na, siguro oras na rin para aminin ko sa sarili ko.14Please respect copyright.PENANATJ1izdIsOo
Hindi ako nakalimot. Hindi kailanman.14Please respect copyright.PENANAxP0hkFnuLo
Noong sinabi ng doktor na may posibilidad akong mawalan ng alaala, kinabahan ako—hindi dahil sa trabaho, hindi dahil sa buhay ko.14Please respect copyright.PENANA13DuQCYrt6
Kinabahan ako dahil… baka mawala ka.14Please respect copyright.PENANAKYXih5RFKy
At ayokong mawala ka.14Please respect copyright.PENANA4SgUmgAHmb
Kaya sinimulan kong isulat lahat.14Please respect copyright.PENANAauwfDUo3rl
Araw-araw.14Please respect copyright.PENANARMlP5sXgbQ
Kasi kung sakaling makalimutan kita… gusto kong mahanap ulit ang daan pabalik sa’yo.”
Isinulat niya iyon limang araw matapos siyang i-confine.
At mula noon, hindi siya tumigil.
Ika-walong araw
“Ang weird. Pinuntahan mo ako ngayong araw. Hindi ka sigurado kung dapat kang pumasok. Kitang-kita ko ang takot sa mata mo.14Please respect copyright.PENANAcex1J58x6y
Chin, gusto kong yakapin ka.14Please respect copyright.PENANAjxg0TLssm9
Pero hindi ko ginawa.14Please respect copyright.PENANAz0g0pHXlH6
Kasi hindi ko alam kung papayagan mo ‘ko.14Please respect copyright.PENANA2VEzLBLFlR
Kasi kahit hindi ko pinapakita, naaalala ko pa rin kung paano kita sinaktan.14Please respect copyright.PENANAAGnhg5Sxpa
At baka hindi pa sapat na gustuhin kong itama iyon.”
Sa bawat araw na lumipas, lalo siyang nababaliw sa ideya na hindi niya puwedeng ipakita ang totoo.
Na hindi niya nalimutan.
Na ang bawat halakhak ni Chin, bawat pag-iwas ng mata, bawat pilit na lakas… ay parang kutsilyong dahan-dahang lumulubog sa dibdib niya.
At hindi siya puwedeng magsalita.14Please respect copyright.PENANAivZGLPBS0e
Kasi baka layuan siya.14Please respect copyright.PENANA6TYL1Befa4
Kasi baka hindi pa siya handang patawarin.
Ngayon, habang mag-isa siya, binubuklat niya ang notebook.
Hawak niya ang bolpen.
Nagsusulat ng panibagong liham.
Ika-labinglimang araw
“Chin,14Please respect copyright.PENANAvdcw7ybYC7
Ang gulo mo.14Please respect copyright.PENANA8gW2JH91CV
Ang ganda mo.14Please respect copyright.PENANAg3jYpTQiFh
At ang hirap mong hindi mahalin.14Please respect copyright.PENANA7O3JCaCDsz
Hindi ko na alam kung anong mas mabigat: ‘yung hindi kita makausap ng totoo… o ‘yung araw-araw kong sinusubukan kalimutan ang sarili kong alaala.14Please respect copyright.PENANAZboQdzgePE
Pero hindi ko kayang kalimutan ka.14Please respect copyright.PENANAnyqUKcmEcD
Chin, hindi ko kailanman nakalimutan.14Please respect copyright.PENANAdp4TuL3imx
Pinili ko lang magkunwaring hindi ko alam, para bigyan ka ng panibagong simula.14Please respect copyright.PENANAapZ2TKRFxd
Para kung sakaling piliin mo ulit ako… ‘yung ako ngayon, hindi ‘yung ako noon.”
Bumukas ang pinto.
Napalingon si Mondie.
Si Chin. May dalang lugaw at prutas. Suot ang maluwag na hoodie. Pagod ang mata pero may ngiti pa rin.
“Hi,” bati nito. “Okay ka lang?”
Tumango siya. Itinago ang notebook sa ilalim ng kumot.
“Okay lang,” sagot niya. “Salamat sa pagbalik.”
Umupo si Chin sa tabi niya. Tahimik silang dalawa.
Habang pinapakain siya ni Chin, lihim siyang ngumiti.
Dahil kahit hindi alam ng babae… araw-araw, isinusulat niya ito.
Ang pagmamahal.
Ang kasalanan.
Ang pangarap.
Ang pag-amin.
Na kung sakaling mawalan siya ng boses… may panulat siyang ipapasa sa kanya.
Bago siya matulog, binuksan niya ulit ang notebook.14Please respect copyright.PENANAznOIVANdhh
Nag-drawing siya ng maliit na puso.
At isinulat ang pinakamaikli pero pinakamalalim na sulat.
ns216.73.216.238da2“Chin,14Please respect copyright.PENANAH01VuscCab
Hindi ako nakalimot.14Please respect copyright.PENANAh9hdnt6r0U
Pinili ko lang maghintay.”