Avery's Point of View
"No, dad! Ayoko nga kase rito!" pasigaw kong turan habang nagpupumilit ulit na sumakay sa kotse.
"I know you'll like it. Don't worry, kapag nakatapos ka rito ng 4 years ay may condo at kotse ka agad. Pangako 'yan." sabi naman ni dad at tumingin saakin nang nakangising aso. Naku po, etong ama ko talagang 'to.
Natahimik ako nang bongga dahil sa deal ni dad. Pero kasi, all- boys' school 'to mga vebz! Nanganganib ang beauty ko't baka ma-gangbang ako rito. Kimi!
Pero sayang din kasi 'yung condo at car, dream ko magkaroon nun, eh! I mean, yes mayroon kaming car pero that's our family car. Iba pa rin kapag sarili mo na 'di ba?
Hoy Avery Tuazon Salazar, kayanin mo, ha! Juskq self, condo at kotse na 'yon!
How 'bout my classmates and friends sa dati ko palang school?
Hmm, I think, icha-chat ko na lang sila. Kase 'pag call? Ay naku, baka mabasag ang eardrums ko kase tatalakan ako ng mga 'yon for sure. I'll tell them what really happened and mag-visit na lang siguro ako sa kanila kung may free time man.
Argh, kilalang-kilala talaga ako ni dad. At alam kong alam niya na hinding-hindi ako makakatanggi.
"Oo na, oo na! Kung sinabi niyo lang kaagad, eh. Edi sana hindi na 'ko nagwala at nagdrama pa." pagsuko at pagpayag ko habang kinukuha 'yung mga gamit na dala ng mga tauhan ni dad. I wonder what's inside?
Nailagay kaya nila 'yung mga make-up ko? Though, hindi ko naman na halos kailangan ang mga iyon kase I am naturally beautiful na.
"Sabi ko na nga ba't mapapapayag din kitang spoiled ka." sabi ni dad nang nakatawa habang papalapit sa 'kin.
"I will miss you, my one and only beautiful daughter." sabay yakap niya sa 'kin nang tuluyan na itong makalapit saakin.
Oh pak! 'Di ba!? Nabasa niyo ba 'yon? My one and only beautiful daughter daw! Told ya, tanggap talaga nila ako!
Tsk, nambola pa ang pogi kong tatay!
"Naku dad, napapayag mo na 'ko okay? You don't need to compliment me by my looks pa. Matagal naman na nating alam na maganda ako, eh. Saan pa ba 'ko magmamana?" saad ko pabalik kay daddy habang may ngiti sa aking mga labi.
Yes, he may look so strict nung sinabi niya saakin ang about sa paglipat ko pero mga teh, ganito kami ka-close at magbiruan neto ni dad kahit super busy niyan sa trabaho.
Niyakap ko rin siya at maya-mayang kaunti ay bumitaw na ako at nagpaalam na rin siya. Ang dami pa nga niyang bilin saakin, eh.
Sabi ko naman sakanya, ba't pa niya kase ako nilipat ng school. Ayan tuloy, dadagdag pa 'ko sa mga alalahanin niya.
He said, mas maganda raw ang quality ng education dito at mas matututukan daw ako. Hindi naman sa sinasabi ng dad ko na hindi maganda ro'n sa dati kong school pero parang ganoon na nga. Eme!
Wuy, no hate po sa dati kong school ha. I love the place and people I've met there.
Gusto rin siguro ni dad na maiba ang environment ko. Kase mga teh, doon na 'ko nag-aral ng elementary, high school, at senior high school sa dati kong school at balak ko na nga sanang doon na rin mag-kolehiyo.
I'm an incoming first-year student and will be majoring in business ad. I want to pursue accounting sana kaso mas gusto ni dad na business ad.
Siyempre, baka sa 'kin talaga ipapamana ni dad ang company, ehe!
Bukal naman sa loob kong pasukin ang kursong ito— flexible kaya ako when it comes to learning! FLEXIBLE?!
Siguro nga, it's time for me to get out of my comfort zone. I'm really leaving my alma mater na huhuhu!
Alam niyo ba mga teh, share ko lang ha... Sabi nila mas katuwang mo at ka-close ang nanay mo kaysa sa tatay mo kapag babae ka.
I'm not an exception ha, since pusong babae naman ako. Pero, para sa'kin ay mali sila. Not technically mali ha, naka-depende rin naman 'yon sa tao.
Si dad ang sumusuporta at parating umaakay sa 'kin sa lahat ng bagay. But mga teh, don't get me wrong, ha! Siyempre lablab ko rin ang mom ko. My pretty mommy!
It's just that, daddy's girl talaga ako and momma's boy naman 'yung super kulit kong kapatid na si Jill. Kinda sad nga eh, hindi man lang ako nakapag-paalam sakanilang lahat.
Eto kasing si dad!
Wuy, kahit ganun kami nun nung kapatid ko lab ko rin 'yon. 'Di lang halata. Nawawala siguro sa tuwing aasarin niya na 'ko.
Pikon talo kase ako mga bhie kaya gustong-gusto akong asarin no'n. Inyo na nga lang! Bet niyo? Eme lang, bata pa po siya.
Habang naglalakad ako ay may mga lalaking nagbubulungan sa gilid at nagtatawan. Mga buang ba itong mga 'to?
Or maybe, nagagandahan lang sila sa 'kin? Oh pak! Taas ng confidence ko right? 'Cause I am!
Naku, kahit pangit man ako e, magmamaganda pa rin ako! Pangit ka na nga, ida-doubt mo pa 'yung sarili mo. Ano mangyayari sa 'yo niyan? Edi kotang-kota ka na no'n.
Kaya sa mga walang lakas ng loob diyan na sabihing 'maganda ako', we're all beautiful! Kung hindi naman talaga kaya sa pisikal na anyo, well at least bumawi tayo sa kalooban.
But one thing na kailangan mong tandaan? Never call yourself ugly because you are beautiful from within and God created you with imperfections but you are still worth it.
Nubeyern! Nagkakaroon ako ng mga words of wisdom dahil senyo! HuUuy!
Hindi naman sa pagmamayabang at pagbubuhat ng sariling bangko, isa naman talaga akong magandang nilalang, isang magandang trans!
Sa tuwing humaharap ako sa salamin ay agad kong nakikita ang pinaghalong features ni mom and dad. But yep, nangingibabaw talaga ang ganda ni mommy saakin.
Mula sa aking buhok na itim, hanggang sa aking ilong, cheekbones, labi at korte ng mukha. Ang tanging nakuha ko lang kay dad ay ang kakaibang kulay ng aking mata.
Maputi, hinding-hindi mo mahahalatang lalaki ang katawan. Well, lalo na ngayon dahil na rin siguro sa hormones na tini-take ko, makinis at walang ka peklat-peklat. Alagang-alaga ni daddy, eh!
Teka nga lang at bakit masyado naman atang maraming lalake rito?
Ay muntanga ka bakz, all-boys' school nga pala 'to so anong aasahan mo?
Maya-maya lang ay narating ko na ang lobby at nagtanong agad ako sa babae. Eto lang ata ang babae rito, kung saan ang magiging kwarto ko.
Nagulat pa nga ito at bakit babae raw ang nagtatanong, kaya ayun pinaliwanag ko na. Open naman 'yung school sa mga gaya ko, sa mga gaya kong isang napakagandang babae na nakulong sa katawan ng isang lalaki. Haaa! Subukan lang nila dahil kung hindi ay si dad ang makakalaban nila.
Binigyan niya ako ng susi na mayroong number na 7. Hala, mga vebz! Hindi ba't iyon ang numerong nasa panaginip ko? Remember? Agad akong tumingin ulit sa babae at nagtanong. Pareho ba tayo ng iniisip?
"Excuse me, miss? How many people will be staying in a room?" Tanong ko sa front desk. Nagulat 'yung babae kasi parang napaka apektado ko which is apektado nga talaga ako ng dahil sa panaginip ko.
"Four po." Magalang nitong sagot habang lumaki naman ang mga mata ko't na-estatwa dahil sa gulat. O_O
"Ahm excuse me, may nakapila pa po kase ma'am, or s-sir?" Sa sinabing iyon ng babae ay nahiya naman ako sa mga taong nasa likod ko. May pila na pala? Kanina wala pa 'yan, ah!
And gow lang kung anong itawag sa 'kin ng mga staff rito. Ma'am, sir or whatsoever basta not in a way na nadi-disrespect na 'ko. Pero, siyempre mas prefer ko ang ma'am, noh!
Umalis na nga ako sa lugar na iyon at hinanap na lang 'yung room number 7.
May halong kaba at excitement ang aking nararamdaman dahil sa napanaginipan ko. Jusko mga teh nawa'y mag-ala lucky 7 ako sa suwerte sa kung ano man ang madatnan ko ro'n.
Kaya noong nasa harap na ako ng pinto ay hindi muna ako agad pumasok. Kabado bente si accla!
Naghintay ako ng ilan pang minuto at napagdesisyunan kong pumasok na.
Bumaling agad saaking paningin ang napaka-garang sala. Dahan-dahan akong naglakad para agad kong mahanap ang kwarto ko.
Nakita ko rin 'yung kitchen, malinis naman. Nakita ko 'yung hagdanan kung nasaan 'yung mga kwarto kaya't nagtungo ako rito.
Wow ha, ang lawak naman ng dorm na 'to. Hindi siya 'yung mga pangkaraniwang makikita mo lang. Oo nga! Hindi naman sa ine-exaggerate ko pero it's quite beautiful and fancy? Basta! Bahala na kayo mag-imagine.
"Shocks!" Laking gulat ko dahil dalawang kwarto lang ang mayroon. Which means dalawang tao ang magsi-stay sa bawat isang kwarto. Not sure ha, pero baka gano'n nga.
Tinignan ko 'yung susi ko at nakita ko na D1 ako kaya siyempre, pumasok ako sa room D1.
Dahan-dahan ko itong binuksan at laking tuwa ko nang wala pang taong naririto.
Dalawa naman yung kama kaso maliit ata. Ay, maliit ba 'to. Sorry I'm bad at describing things kase.
Kaya nga kapag ako'y maging saksi man sa isang krimen at tanungin sa 'kin ang mga features ng suspek e baka hindi o wala akong masabi.
Pero 'yung mga kama, 'pag pinag-sama ay mga tatlo na ang kasiya. In other words, malaki siya. Gulo mo bhie!
Umupo muna ako sa isang kama para kahit papaano ay makapagpahinga.
Napagdesisyunan ko na hubarin 'yung damit ko kasi sobrang init, wala pa namang ibang tao rito. For sure may AC 'to 'di ba? Sa laki ba naman neto, hindi nito kaya ang electric fan lang.
Pagka-alis ko ng damit ko ay siya namang unti-unting pagbukas ng pinto. Omagah!
O_O
"Ahhhhh!"
"Ahhhhh!"
Sabay na sigaw namin ng lalake. OMG! OMG! OMG!
Agad kong tinakluban ang aking katawan ng kung ano man ang aking nahugot habang patuloy pa rin sa kakasigaw.
"Shut up!" napatahimik ako sa lakas ng bibig netong lalaking ito at nakaramdam din ng takot. Jusko po, galit ata siya!
Lumingon ako sakaniya at laking gulat ko dahil kamukha niya yung lalaking nasa panaginip ko. Oo mga teh, as in!
The one who's about to kiss me! And take note, hindi lang kamukha ha, kundi kamukhang-kamukha! Oh my gosh, nananaginip pa rin ba ako?!
"Who the hell are you, huh?" seryosong tanong ni kuyang pogi sa 'kin. OMG! Oo mga bhie, ampogi niya lalo na ngayon sa personal!
Agad naman akong nakaramdam ng hiya kaya yumuko ako.
"A-Ahm dito kasi ako na-assign na mag-dorm." ang medyo nauutal ko pang sagot.
Naku mga mhie, hiyang-hiya talaga ako dahil nakita niya 'yung dibdib ko. 'Di ba nga, nagte-take na ako kaya kahit papaano ay meron na! Embarrassing!
"Hindi ko alam na tumatanggap na pala sila ng babae rito, eh all boys' school 'to. At dito pa talaga sa mga elite nilagay." pagkasabi niya ng babae ay napatingin ako sakaniya at nakita ko 'yung mukha niyang namula ngunit bigla naman niyang iniwas.
Natawa naman ako ng kaunti kaya napa-bungisngis ako.
"Ahm sorry po, pero hindi po kase ako babae." buong katotohanan at walang halong pagpapanggap kong turan then nagulat naman siya sa sinabi ko at biglang nag-iba ang kaniyang facial expression.
Now, he's madly looking at me. Hala ano namang ginawa kong masama?
"Get out!" nagulat ako sa kaniyang agarang pagtaas ng boses kaya hindi ako nakagalaw agad sa puwesto ko.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko kaya napahawak ako nang mahigpit sa kumot na naka-balot saakin, eto pala 'yung nahablot ko kanina.
"I said get out! You, faggot! Bading!" at doon na bumuhos ang mga luha ko na gusto nang kumawala sa aking mga mata.
Agad kong kinuha ang mga gamit ko't lumabas sa silid na iyon. Ako ay tumakbo paalis habang nakalagay pa rin ang isa kong kamay na mayroong hawak-hawak na kumot pang talukbong sa pang itaas ko. Kumot ba 'to? Ba't ang liit? Baka naman tuwalya? Nevermind.
Halo-halo ang nararamdaman ko ngunit mas nangingibabaw ang sakit.
It's the A-U-D-A-C-I-T-Y and how dare him having the audacity to insult me like that!
Ni hindi nga ako sinsasabihan ng mga ganoong salita ng family ko, tapos siya?
Si Jill oo, pero okay lang 'pag si Jill kase alam ko naman na pang-aasar lang niya sa 'kin 'yon and mas mako-consider ko kase kapatid ko.
Being called 'bading' by that straight guy who is insecure, unhygienic, can't even spell or read and feeling cool kid but burden to the family. It's the audacity talaga eh, 'no?
Pero mga tih, opposite naman 'yung mga sinabi ko 'bout him eh.
Yes, he looks straight and I can't deny the fact that he's so pogi. Sabi ko naman senyo kanina 'di ba.
Insecure? Hmm, ba't ko ba nasabi 'yon? Unhygienic, charot lang kase ang linis niya tignan, oo. And he looks matalino rin, and burden?
Mga bhie, mukhang yayamanin eh kaya feeling ko kahit na maging super duper ultra mega tamad siya eh hindi siya mawawalan ng pera.
Pero, hmmp! 'Yung sa panaginip ko bet niya ako, eh! Patay na patay siya tapos bakit ganito? Totoo nga atang kabaliktaran ng panaginip ang reality. Kaloka naman pala ang ugali!
Turned off!
Basta as of now? I'm speechless, disgusted.
Itutuloy...
15Please respect copyright.PENANANtgETZwrhU