Sa buong araw ngayong lunes, hindi ko na ganoong nakikita si Seth gaya ng dati, madalas kami magkita at mag usap.
248Please respect copyright.PENANAT16vfnj2JK
Ngayon wala siya sa may ilalim ng puno ng mangga kung saan siya tumatambay kapag break at uwian. Doon siya kumakain at gumagawa ng assignment.
248Please respect copyright.PENANALf3RxpEl3h
Nagalit yata siya dahil nadamay ko yata sya sa problema namin ni Jessia. Kinausap na ng Guidance si Jessia at si Brody. Akala ko ay masasama ako pero hindi naman ako tinawag at nagulat naman si Phoebe nung pumasok siya.
248Please respect copyright.PENANAImnmNA2ngD
Sabog at magulo ang buhok naming dalawa ni Jessia, ako ay tulala lang at si Jessia ay lumuluha habang nagtatalo sila ni Brody sa harap ng maraming tao.
248Please respect copyright.PENANAAbCS0uuCTP
"Namimiss mo noh?" Singit ni Phoebe na nakaupo sa tabi ko.
248Please respect copyright.PENANArgjjM0MYAs
"Anong namimiss ka diyan." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at ibinalik sa may puno ng mangga kung saan siya madalas na tumatambay.
248Please respect copyright.PENANAszckQKdmWG
"Sus itatanggi mo pa eh alam ko naman kung sino at ano ka." Hinampas pa niya ako sa braso ko kaya hinawakan ko dahil masakit siya manghampas.
248Please respect copyright.PENANA4fya06u7cq
"Ewan ko sayo Phoebe." Naiwika ko dahil nakakapagod ang araw na ito.
248Please respect copyright.PENANAotwbvjaQO3
Nadagdagan ng dalawa ang gagawin ko. Perks of having 9 subjects at 7 kada araw.
248Please respect copyright.PENANADQ1kuC7qvn
"Parang sasabihin mo lang na Crush kita Seth eh, wala naman siya ah." usal ni Phoebe at pinipilit ako na sabihin ang linya na iyon pero ayoko 'di ko sasabihin iyon.
248Please respect copyright.PENANAI5KKKQNeZr
Nasa tamang pag iisip pa ako para gawin ang kabaliwan niya.
248Please respect copyright.PENANABecPMhMvJb
"Ang arte mo naman! Alam mo bang pinagtanggol ka no’n kay Jessia nung Friday." Chismis niya sa'kin.
248Please respect copyright.PENANAZkiL7u5e2n
Kaya pala, kaya pala may naririnig na naman ako patungkol sa kanya at sa pamilya niya.
248Please respect copyright.PENANACsDY5QejcK
Nakakahiya sa kanya lalo. Ako wala akong kayang ilaban para sa kanya dahil marami sila, once na labanan ko ang isa, lahat sila lalabanan ako.
248Please respect copyright.PENANA8DusnnhuDI
Hindi ko alam kung bakit ang sama sa kanya ng mundo at tao. Grabe ang dinanas niya sa murang edad, ang mga dapat na ginagawa niya bilang isang teenager ay naging puro responsibilidad sa pamilya.
248Please respect copyright.PENANAfgJaOQ5I1J
Selfless siya basta pagdating sa mga taong mahal niya.
248Please respect copyright.PENANAV0C2Oy8F5p
Isa iyon sa napansin ko sa kanya, family oriented siya at higit sa lahat may plano siya palagi.
248Please respect copyright.PENANA25alERFOwF
"Dali na sabihin mo na Crush kita Seth." Pagpupumilit ni Phoebe at hinihila ang kamay ko para hindi ako makaiwas.
248Please respect copyright.PENANA8QKmdWoN1y
"Oo na sige na!" Pagsuko ko at hindi na inihanda ang sarili.
248Please respect copyright.PENANATsMrzGqbAI
"Crush kita Se-" napahinto ako sa pagsasalita ng may dumating.
248Please respect copyright.PENANApOz0FE65b4
"Ikaw ha." Anas ni Brody na nasa harap namin ngayon ni Phoebe nasa likod nito ay ang papalapit na si Seth.
248Please respect copyright.PENANA6909WhoBBx
Agad nanlaki ang mata ko ng marealize ko na muntikan na niya ako marinig.
248Please respect copyright.PENANAnWuD4xQTJk
Umupo sa kabilang side ko si Brody at inakbayan ako. "Sinong crush mo ha."
248Please respect copyright.PENANASIWCvgyqzi
Humagikgik si Phoebe at ganoon din si Brody. Nanlalamig ang kamay ko dahil sa pang aasar nila at sa pagtabi ni Seth sa tabi ni Brody.
248Please respect copyright.PENANAGfxGKiOQEg
"W-wala yon." Pagtanggi ko at tumatawa na silang dalawa ni Phoebe.
248Please respect copyright.PENANAh6Bx4iWXPh
"Tigilan mo nga yang pang aasar mo sa kanya." Sabat ni Seth ng akmang aasarin ako ni Brody.
248Please respect copyright.PENANA7rKDG0V719
"Di pre, tinatanong ko lang kung sinong crush niya mukhang nagpa practice na eh." Tugon ni Brody kay Seth at umiwas ng tingin si Seth.
248Please respect copyright.PENANA5Yqwawcp9a
"Sino naman yang natitipuhan mo?" Pagputol ni Seth sa sasabihin pa sana ulit ni Brody.
248Please respect copyright.PENANARlLWR0Hyyy
Ito pala ang pakiramdam na tinatanong ng taong gusto mo kung sino ang natitipuhan mo.
248Please respect copyright.PENANAFjPcuDgzth
Parang tinanong niya lang din kung sino siya sa buhay ko.
248Please respect copyright.PENANA6OQkMWysZQ
Dahil sa sinabi niya mas lalong dumoble ang kabang nararamdaman ko at mas lalong hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi nanaman ako makakatulog nito ng maayos mamayang gabi dahil sa sobrang intense ng kaba ko.
248Please respect copyright.PENANAnmBOGl2s8L
Sumabat si Phoebe. "Yung crush neto? Yung taga kabilang section yung maputi don."
248Please respect copyright.PENANAcskgD603Fz
Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Bakit niya sinabi yon?
248Please respect copyright.PENANAYtYe1VmC0Q
"Ah yon ba.. mag ingat ka don, wag na wag kang magpapadala sa itsura ng lalaking yon." Aniya kahit hindi naman siya tumitingin sa akin at kahit kay Phoebe na sumagot kanina sa kanya.
248Please respect copyright.PENANA7mpDdZUesZ
"Kailan ka daw liligawan no-"
248Please respect copyright.PENANALx2UOYyEnX
"Oh anong nangyari sa'yo? Ayos ka lang? Bakit kayo na ba?" Dagdag pa ni Brody.
248Please respect copyright.PENANA6NcLp1V6l7
Nabigla ako sa sinabi niya! Wala ngang something sa amin! Hindi ko rin close kung sino man ang sinasabi ni Phoebe.
248Please respect copyright.PENANA9PRK3TR2hH
"Ang bilis naman, baka lokohin ka niyan ah." Gatong pa ni Seth at malayo pa rin ang tingin.
248Please respect copyright.PENANAhrxjIz3bEb
"Hi-hindi naman ganoon-"
248Please respect copyright.PENANAEVd1jbQjUs
"Baka malapit na siyang ligawan ewan ko lang kung kailan." Dagdag ni Phoebe at napasakay niya talaga sa kalokohan niya ang dalawa.
248Please respect copyright.PENANAkSqaLmjpkC
Nakakahiya! Nakakahiya talagang kasama si Phoebe! Ang dami niyang ginagawang kasinungalingan kayna Brody at Seth!
248Please respect copyright.PENANABvVgvjoTkn
Ang sumunod na sinabi ni Seth ay siyang nagpahulog pa lalo sa puso ko. "Sabagay, liligawan ka talaga no'n. Maganda ka kasi Jeny at matulungin."
248Please respect copyright.PENANAFD79rUSa6v
Nakikita niya ako, napapansin niya ako, nagagandahan siya sa'kin. Hindi ko alam pero parang nagwawala ang mga paru-paru sa aking tiyan.
248Please respect copyright.PENANAsYdNJUWeVH
Pakiramdam ko dahil sa compliment niya ay nasa cloud nine ako, napakagaan sa pakiramdam, hindi ko maintindihan kung bakit niya pinaparamdam sa akin ito.
248Please respect copyright.PENANAIvHzkJqJFA
Nabalik ako sa sarili ko ng magsalita si Brody. "Sabihin mo sa amin kapag may nakita kang red flag ha? Aabangan namin yan ni Seth sa labas, kami bubugbog."
248Please respect copyright.PENANAgQVP25uq4P
Isinuntok pa talaga ni Brody ang kamay niya sa isa pang palad. Parang wala pa nga ay ready na agad siya na suntukin yung taga kabilang section na yon.
248Please respect copyright.PENANAT40wPAR5BO
"Sabihin mo ha? Pag niloko ka niya." Dagdag ni Seth.
248Please respect copyright.PENANARjEh7DkikT
Napatango nalang ako dahil kumakagat talaga silang dalawa sa ilusyon ni Phoebe na ngayon ay tawa ng tawa dahil natutuwa siya sa samu't saring reaksyon ng dalawa.
248Please respect copyright.PENANA2qzJVbbnEr
"Ge, mga pre ako na ang magsasabi kapag niloko siya." Ani Phoebe at dinagdagan pa ng tawa niya nakakainis.
248Please respect copyright.PENANAoQbOaMDVTt
Ngayon paano ko sasabihin sa kanila na hindi totoo ang sinasabi sa kanila ni Phoebe? Na gawa gawa niya lang yon? Never pang may nagtangkang manligaw sa'kin at wala namang may balak na manligaw sa akin dahil 'di naman ako kagandahan.
248Please respect copyright.PENANA4bUrhIYwE7
Di rin ako mahilig sa make up at mga beauty products kagaya ni Phoebe na lagi din naka lip tint kapag umaalis.
248Please respect copyright.PENANAROKLNl9SxI
"Pakilala mo kami ah." Sabi pa ni Brody at ngumiti kahit may kalmot ang gilid ng pisngi.
248Please respect copyright.PENANANtfwJVvQLb
Ngayon ko lang napansin na kinalmot nga pala siya sa mukha ni Jessia dahil sa sobrang gigil.
248Please respect copyright.PENANANi0vZFt0vR
Si Seth naman ay may bakas ng sampal sa gilid 'din ng mukha. Hindi ganoong halata dahil medyo maitim siya unlike kay Brody na may kaputian dahil mayaman ang pamilya nito.
248Please respect copyright.PENANAVHIyhQUGw0
Ano bang nangyari pagkatapos ng Guidance? Ang alam ko ay may pumunta para kay Brody at kay Jessia.
248Please respect copyright.PENANAAVu486JXPw
Pinalayo kasi ako ni Phoebe at ayon napunta kami dito sa may ilalim ng puno at nakaupo sa bench.
248Please respect copyright.PENANATb75MIRnyU
Ang malas ko.. ang malas ng araw na to para sa amin.
248Please respect copyright.PENANAd4NEPRnDXs
"Oh pare bakit nalungkot ka bigla?" Rinig kong tanong ni Brody kay Seth na nakatitig parin sa malayo.
248Please respect copyright.PENANArKWHV9vjH1
Inakbayan siya ni Brody at tinanong ng tinanong.
248Please respect copyright.PENANAlpJY98JgH3
"Bakit nga? Broken ka ba pre?"
248Please respect copyright.PENANAQD6UARaVUF
Inalis ni Seth ang kamay ni Brody na naka akbay sa kanya. "Wala nga." Malamig na tugon nito at mukhang mas lumalim pa ang tingin nito sa malayo.
248Please respect copyright.PENANA3e9tOYNCWc
Ako kaya kailan niya ako titignan ng malalim? Kailan niya ba ako mapapansin bilang isang babae.
248Please respect copyright.PENANAoHOLNSG57f
Mukhang hindi naman siya mahilig sa mga romantic cheche dahil una, marami siyang kailangan paglaanan ng oras at iyon ang mga trabaho niya.
248Please respect copyright.PENANABtHzNJSYV6
Lumingon siya sa gawi namin ni Phoebe at nagpaalam"Una na ako."
248Please respect copyright.PENANAZ8QX9GfdRA
Isinukbit niya ang bag niya sa kanyang likod at nagtanguan sila ni Brody.
248Please respect copyright.PENANA852UeJY1FG
"Umalis na siya." Malungkot na usal ni Phoebe at pina sad niya pa ang mukha niya na halatang inaasar lang naman ako.
248Please respect copyright.PENANAxpzD4UYFA2
"May trabaho pa kasi siya eh." Sabi naman ni Brody na nakangiti.
248Please respect copyright.PENANAzzI8EorUNl
"Una na din pala ako, may pupuntahan pa ako eh." Tumayo siya at inayos ang bag niya.
248Please respect copyright.PENANAZ4Jr5vYIfu
Napahinto siya sa paglalakad at nag bitiw ng salita. " Alam ko kung anong totoo."
248Please respect copyright.PENANA0PUWAPqFtU
Kumindat pa ito bago mabilis na umikot at maangas na naglakad palayo.
248Please respect copyright.PENANA3L1tb98UwG
Anong alam niya? At bakit kinakabahan ako sa alam niya??
248Please respect copyright.PENANAswB53NWbH6