Kabanata IV: Kagat
Sa gabi ng biyernes, nagchat ang dalawa, at nagchismisan.
Yolanda: “Pepe”
Pepe: “Oh Yoli?”
Yolanda: “Hindi ka maniniwala sa nangyari kaninang hapon”
Pepe; “Oo nga, anong nangyari kaninang hapon?”
Yolanda: “Sayang kasi, pumunta kayo sa barangay hall”
Pepe: “Now, now kalma. Pumunta kami lang doon dahil s’aming DRR Subject. So, anong meron?”
Yolanda: “So, ganito kasi yun. Pagkatapos ng unang klase namin sa hapon, pumunta kami sa cr at si Jenny. At doon sa cr, pumunta naman si Francine at alam mo ang ginawa ni Jenny?”
Pepe: “Oh? Ano na nangyari?”
Yolanda: “Sa kilig ni Jenny, sigaw siya ng sigaw at dahil hindi na niya kayang pigilan, naihian niya yung shorts niya at tawang tawa ako of course ha”
Pepe: “At least walang masamang nangyari sa’yo?”
Yolanda: “Wala naman, yun lang hinila yung gaga na iyon ang buhok ko”
Pepe: “Hala, ok ka lang ba?”
Yolanda: “Yeah, ok ako”
Pepe: “Mabuti naman”
Yolanda: “Ayy, Pepe!’
Pepe: “Oh?”
Yolanda: “Gusto mong manood tayong dalawa?”
Pepe: “Of course ha. Anong papanoorin natin?”
Yolanda: “Alam mo na hehehe”
Pepe: “Huy, huwag mong sabihin na—”
Yolanda: “Hindi naman ganon, that’s NOT what I’m talking about. Ang sinasabi ko, manood tayo ng teleserye naman”
Pepe: “Oh interesting, G ako, andaming hindi ko natapos na teleserye, lalo na sa GMA”
Yolanda: “Huy, huwag kang mag-alala. Pro-GMA rin ako”
Pepe: (nagulat) “Hala, Nice! GMA for the win!”
Yolanda: “Ok, 9 flat, manonood na tayo”
Pepe: “Hehehe, Let’s Go!”
Pagkatapos nito, pumunta si Yolanda sa sala para mag-charge, at kumain naman si Pepe ng hapunan. Paglipas ng ilang minutos, nagvideo call ang dalawa.
Yolanda: “Handa ka na Pepe?”
Pepe: “Of course, here we go”
Nagsimula na manood ang dalawa ng isang teleserye tungkol sa mga karanasan ng mga OFW sa ibang bansa. At pagkatapos ng isang episode,
Yolanda: “Pepe, paano kung ganon na tayo?”
Pepe: “Well, una, taposin ko lahat ng aking degree mula regular hanggang doctorate at ngayon na tayo magplaplano?”
Yolanda: “Oh, kung mag-aabroad na tayong dalawa, sino ang mag-aalaga sa ating mga anak?”
Pepe: “Hmm, what if yung mga tita mo?”
Yolanda: “What if ikaw na lang?”
Pepe: “Hala Yoli, bilang haligi ng tahanan, ako ang magproprovide para sa pamilya natin”
Yolanda: “So, sinasabi mo na AKO dapat ang maiiwan na mag-aalaga sa kanila?”
Pepe: “Yoli, anak mo naman sila, at hindi naman ako pepermanente sa abroad”
Yolanda: “Hay naku ang STRIKTO mo talaga!”
Pepe: “Kalma, kalma—”
Yolanda: “Alam mo naman na gusto kong magflight. AKO! AKO LANG! BAKIT KA NAKIKIALAM SA MGA PLANO KO?!”
Pepe: “Hindi naman gano-“
Yolanda: “Oh, BITE ME!”
Binaba na ni Yoli ang tawag at dahil dito, isang luha ang tumulo sa kaniyang pisngi. Hindi na napigilan ang pag-iyak ni Pepe. Sa kabilang banda naman,
Lola Lena: “Hoy! Sino naman ang sinisigawan mo diyan?”
Yolanda: “NA NAMAN! P*TANGI-“
Umalis si Lola Lena sa silid, at nag-dial na sa kaniyang cellphone.
Lola Lena: “Hello Pepe? Kumusta ka diyan?”
Pepe: (umiiyak) “Napakasama, napakalala”
Lola Lena: “Naku, si Yolanda naman?”
Pepe: “Ganito kasi yun lola. Noong natapos na namin yun isang episode, nag-usap kaming dalawa tungkol sa napanood namin na hanggang sa humantong sa aming mga kinabukasan”
Lola Lena: “At anong sinabi niya”
Pepe: “Parang ayaw niya na makipagshare sa kaniyang kinabukasan, ang doon na niya ako minura Lola.”
Lola Lena: “Maharot talaga ang batang iyon”
Pepe: “Parang meron hinagip niya ang isang bahagi ng puso ko”
Lola Lena: “Iho, makinig ka. Kadalasan, iba yung mga inilabas niyang salita at minsan, hindi niya ito pinag-iisipan. Kung kaya, huwag mo siyang pansinin kung ganon siya”
Pepe: “Thank you lola.”
Lola Lena: “Ok lang yun iho. Matulog ka na, gabi n-“
???: “Pepe”
Lola Lena: “Uhm, Iho, merong sumisingit dito”
Yolanda: “Ibigay mo na lang sa’kin yan ok?”
Pepe: “Uhm”
Yolanda: “Pepe, nood tayo”
Pepe: “Uhm, ok?”
Yolanda: “Pepe, sorry, love na love kita, I love you”
Pepe: “Oh? Sinasadya mo ba yung mga sinabi mo kanina?”
Yolanda: (bata) “Hindi, wala. I love you Pepe”
Pagkatapos nito, nanood na sila muli ng isang teleserye tungkol sa isang pamilya na nanalo sa loto. Tawa sila ng tawa dahil sa mga kagalawan ng mga tauhan. Pagtunog ng alas-dose ng hating-gabi, humikab na si Yolanda.
Yolanda: “Pepe, tulog na tayo Pepe”
Pepe: “Oo nga pala, Night Night Yoli”
Yolanda: “Night Night”
At binitawan na ang dalawa ang kanilang mga cellphones at matutulog na sila.
Kinaumagahan, maagang gumising si Pepe upang magsimba, kasama ang kaniyang mga magulang.
Tatay ni Pepe: “Pepe, ikaw ang magpipili kung saan tayo magsisimba ngayong lingo”
Nanay ni Pepe: “Gusto mo sa simbahan ng Pag-alahasan?”
Pepe: “Hmm, what if doon sa may Basi?”
Tatay ni Pepe: “Hmm, pwede naman, para iba naman”
Pumunta ang pamilya sa simbahan ng Basi. Ang harapan ng simbahan ay iba sa mga simbahan ng lalawigan. Ito ay may simpleng disenyo, pero ang mga gilid nito ay yari sa ladrilyo. Ang loob ng simbahan ay luma, na may tatambad na rebulto ni San Ildefonso, at sa may retablo nito ay simple lang, na may malalaking rebulto. Ang simbahan ay napalikuran ng mga malalaking puno at sa isang gilid nito ay puno ng mga puno ng mangga. Sa harapan pala ay may malawak na parking space. Noong pumasok ang pamilya sa loob ng simbahan, nararamdaman na nila ang debosyon at kalalim ng pananampalataya ng mga taga-roon. Ang pari ay nagdiriwang ng Banal na Misa na may awiting Gregorian. Dahil dito, nararamdaman ni Pepe na parang tumataas ang kaniyang mga balahibo. Natapos na ang misa at habang lumalabas ang pamilya sa simbahan,
Pepe: “Ang solemn ng misa dito”
Pagkatapos niyang sinabi ni Pepe ito, merong nag-ting sa kaniyang cellphone. Pagkita niya, nagtext pala si Lola.
Lola Lena: “Morning Iho, natutulog pa rin si Yolanda”
Pepe: “Ayy, ok lola. Andito kami sa simbahan ninyo lola.”
Lola Lena: “Sino ang mga kasama mo Iho?”
Dahil dito, biglang nagising si Yolanda.
Yolanda: “Ano?!”
Lola Lena: “Wala, pumunta lang sila magsimba dito Iha, wala ka dapat ipagkabahala”
Yolanda: “Ano na naman yan!
Lola Lena: “Yolanda Iha, kalma ka lang. Sa palagay ko, mali ang paggising mo ngayong umaga.
Yolanda: “Oo na! Punyeta! Baka ma-iissue ako kung nandito siya!
Lola Lena: “Magpapatuloy na lang tayo sa tawag mamaya Iho, nagwawala na naman itong apo ko.”
Pepe: “Ok lola, Blessed Sunday po sa inyo”
Lola Lena: “Sa iyo at mga magulang mo Iho”
Binaba ni Lola Lena ang tawag.
Lola Lena: “Ano ang prinoproblema mo kapag nandito siya?”
Yolanda: “Makikita siya ang mga kasama kong Altar Servers!”
Lola Lena: “Oh Edi Ano?! Hindi ka namang Altar Server! Nagpapa-impress ka lang sa kaniya!”
Yolanda: “’Oo na! Sabihin mo na kasalanan ko ang lahat ito matanda!”
Lumabas si Lola Lena sa silid, at nagchat si Yolanda kay Pepe.
Yolanda: “Hoy! Bakit ka nandito?”
Pepe: “Sisimba lang. Bakit kasalanan ba ang pagsisimba sa inyong simbahan? Bahay naman ito ng Panginoon natin”
Sasagot sana si Yolanda, pero noong kinilatis niya ang sinabi ni Pepe, correct pala siya at hindi na siya nakapaghimik. Tumahimik na lang siya at,
Yolanda: “Pepe, sorry Pepe, I love you”
Pepe: “Yoli, huwag mong susungitan si Lola mo ngayong araw ha? Linggo ngayon, at araw ng ating Panginoon”
Yolanda: “Sorry na please’
Pepe: “I forgive you as always Yoli, I love you din”
Pagkatapos nito, nagchat ang dalawa tungkol sa chismis ulit.
8Please respect copyright.PENANAkBbXiNcOTj