Susunugin kita ng walang pagdadalawang isip
Ako lang ang may karapatan bilang iyong lumikha
Lahat ng aking paghanga sayo’y buburahin ko
Paalam na sa akala kong isang obra maestra
86Please respect copyright.PENANAleVQZPe5Hu
Susunugin kita dahil hindi mo alam kung gaano kahirap
Na maging mahirap, na barya lang ang kinikita
Na manlimos sa pagpapalibing ni panganay
Na kape lang ang panlaman sa sikmurang kumakalam
86Please respect copyright.PENANAE1ghgguLP6
Susunugin kita dahil hindi ka nagbigay ng anumang awa
Sa regalo ng Diyos sa amin ng aking waswas
Lahat kayo’y mga traydor na pinagkakanuno ako
Silakbo ko ang tutupok sa matayog na gusaling ito
86Please respect copyright.PENANAwcgaQzY4vH
Susunugin kita dahil gusto ko rin magdusa sila
Hindi lang dapat ako ang lumalangoy sa lungkot
Isasama ko lahat kahit ang walang muwang
Dahil hindi lang dapat ako ang mawawalan
86Please respect copyright.PENANALVHmw12893
Susunugin kita dahil wala na akong hahagkang anak
Matagal na paghihintay ko bilang ama ang ipinagkait mo
Ayos lang maging bilanggo sa likod ng kinakalwang na rehas
Lumipad lamang ang mga abo sa langit na hindi ko masilip
86Please respect copyright.PENANAe54tQ2GlFh
Susunugin kita hanggang sa maubos ang galit
Hanggang sa makita ko na wala nang maibabalik
Dahil na hindi na ako lilingon muli sa aking mga ginawa
Magsisindi nalang ng sigarilyo sa kabila ng banta ng mgasirena
ns216.73.216.112da2