
Kung hindi ganito ang takbo ng mundo, hindi ako magdadalawang-isip na tumakas tayo.362Please respect copyright.PENANAl4z7SZZn5L
362Please respect copyright.PENANA0JwfIpEj2R
Hindi maalis ni Tydel ang kanyang isipan sa pag-uusap nila ni Jessenia. Kung may nasabi man siyang mali o masakit, kung kaya lang niyang mabago, tapos na ang lahat. Hindi na niya muling mababalikan ang nakalipas. Siguro sa sandaling iyon ay nalaman na ng puso niya ang kasagutan. Na kahit sobrang sakit...362Please respect copyright.PENANAjmPgoM8neN
362Please respect copyright.PENANAdVr6X1Hv7O
Kahit ayaw niya, si Tydel na ang hari ng Midnia.362Please respect copyright.PENANAa6CtnnFQe4
362Please respect copyright.PENANAyWUTcXj7Cc
- - - 362Please respect copyright.PENANAjRirNIDoI8
362Please respect copyright.PENANARpOpRMEa3v
Mga iilang linggo nang hindi nagpapakita ang kanyang papa. Nakahandusay sa higaan ang haring Idrola, walang salita, walang imik. Hindi kumukuha ng pansin, hindi namamansin. Noong isang gabi tinatak na ni Tydel sa isipan niya na wala nang buhay ang tatay niya. Sinisikap man ng mga manggagamot ng Midnia na maayos ang kalagayan ng hari, parang may nakaukit na sa utak ni Tydel na wala nang pag-asa. Mabilis na ring kumalat ang sakit sa mga nayon ng kaharian. Unti-unting nasisira ang pundasyon ng kaharian. Mas naramdaman ni Tydel ang pagiging mag-isa.362Please respect copyright.PENANAk21TLuhBaV
362Please respect copyright.PENANAUlG4dWQswe
Madalas na ngayong puntahan ni Tydel ang Amang Abracosa, ang matandang nagpalaki sa kanyang ama. Malaki ang kaniyang paghanga sa matanda, dahil hindi lamang sa pamumuno o pakikipaglaban ang karunungan na inaabot niya; isa siyang Mezular.362Please respect copyright.PENANALHm51yiqNm
362Please respect copyright.PENANAQ3MzRntU2L
Kagalang-galang ang mga Mezular sa loob ng bawat pader ng Midnia. Sila ang gabay ng sangkatauhan. Matagal na silang naririto sa mundo. Marami ang nagsasabing sila ang mga katulong ng Inang Kalibutan, ang diyosang kanilang pinaniniwalaan, lalo na't marami sa kanila ang mayroong kakaibang kapangyarihan na nakakatulong sa pag-unlad ng bansa. Ang kanilang karunungan ang nagbibigay liwanag sa bawat desisyon na ginagawa ng gobyerno at ng mamamayan. Kailangan ni Tydel ang karunungan na ito. Kailangan niyang malaman kung paano maging isang hari. 362Please respect copyright.PENANAyGEE6y0lep
362Please respect copyright.PENANADGx2qCsz8M
Pero sa bawat pagkikita nilang dalawa ni Abracosa, tila may nawawalang liwanag sa langit.362Please respect copyright.PENANAY4NGJn5IY7
362Please respect copyright.PENANApN00UurbNp
"Amang Abracosa, nararamdaman mo ba?"362Please respect copyright.PENANAQ4uxY8Mz3T
362Please respect copyright.PENANAZCSnkMe9Jx
Napatingin si Abracosa sa kanya, parang may kakaunting kinang pa sa mata ng binata.362Please respect copyright.PENANAw9MKTzldLK
362Please respect copyright.PENANARe2meNDH13
"Ano iyon, anak?" sagot ng matanda.362Please respect copyright.PENANA6OjCjAfgMk
362Please respect copyright.PENANA8PzRzHmKda
"Unti-unting dumidilim ang kapaligiran. Sa tingin ko'y hindi lang ito dahil sa panahon. Sa tingin ko, may paparating."362Please respect copyright.PENANAjaa3KXZb1R
362Please respect copyright.PENANAXpOdnZ2HAp
"Palagi namang may paparating, Tydel. Hindi lang tayo handa." malungkot na sinabi ni Abracosa. Kaniyang tiningnan ang lapag at hinaplos ang damo.362Please respect copyright.PENANA03P4YJiF3B
362Please respect copyright.PENANAkbTpyAABO8
Patuloy pa rin ang kaniyang pagsasanay. Araw-araw niyang sinisikap na aralin ang bawat salita sa mga librong nakatanghal sa mga pader ng bahay ni Abracosa. Tinulungan ng matanda si Tydel na gumamit ng baril at tabak, kung dumating man ang panahon na dahas na ang kinakailangang paraan. Napansin ni Tydel ang pag-aalinlangan ni Abracosa sa simpleng pagbibigay ng baril sa kanya.362Please respect copyright.PENANAPdzwGqaDnl
362Please respect copyright.PENANAFAIcA4bylz
Nahalungkat din ni Tydel ang mga librong nagpakita ng kasaysayan ng Midnia, kung paano ba ito nabuo. Bata pa lamang si Tydel noong nagsimula ang Midnia. Ngunit, sa kanyang mga alaala't panaginip, dinig niya ang sigaw ng mga tao, ang pagsunog sa mga bahay, at ang isang koronang tinalsikan ng itim na dugo.362Please respect copyright.PENANA0cyiSmDFuh
362Please respect copyright.PENANA7ZRZC3A5OA
"Napapaginipan mo pa rin ba ang pagtakas natin sa Teccao?" biglaang tanong ni Abracosa, na tila alam niya ang iniisip ni Tydel.362Please respect copyright.PENANA81iWgCcxUH
362Please respect copyright.PENANArk7DzjO3Cl
"Oo, ama, hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang, patuloy ang pagdurusa ng kaharian natin dahil sa kanila. Dahil sa kanila, patay na si tito. Nagawa nilang patayin ang pinakamalakas nating mandirigma. Ano pa ba ang hindi nila kayang gawin?" iyak ni Tydel.362Please respect copyright.PENANAV7XKeLv6Ji
362Please respect copyright.PENANAguioydWGTB
"Mga iilang linggo nalang bago sila ulit umatake." sabi ni Tydel habang tumitingin sa mga pahina ng libro. Nagsimula siyang gumuhit ng larawan ng pagkamatay ng kanyang tito.362Please respect copyright.PENANAd8g5GXztzh
362Please respect copyright.PENANAeBqGGfMQQO
Huminga nang malalim si Abracosa.362Please respect copyright.PENANA8rYdkHlINu
362Please respect copyright.PENANA0Pt1LrjyAd
"Sa tingin ko, kailangan mo nang malaman ang katotohanan." sabi niya. Tumayo si Abracosa sa kanyang inuupuang bato. Sinayaw ng hangin ang kanyang puting buhok.362Please respect copyright.PENANAstWVrsCBG2
362Please respect copyright.PENANABQXaO4XY9e
"Noong bata ka pa, Tydel, tumakbo tayong mga Midnian mula sa Teccao. Lahat tayo dito ay mga Teccian noon. Ngunit tinuligsa natin ang mga utos ng gobyerno, dahil nakakasama ang kanilang pamamahala. Binigyan ni Grandor, ang hari, ang kaniyang militar ng kalayaan sa pag-aresto ng mga taong kasalungat niya. Iilang nayon ang napaalis nung araw na iyon. Ang 'Araw ng Pagbabago." Lahat ng ito, dahil sa maling tao napunta ang korona ng Teccao."362Please respect copyright.PENANAynl8I9oRSN
362Please respect copyright.PENANAw8HuZDDXqL
Tahimik na lumuha si Tydel. Isang tingin lang ni Abracosa sa binata at alam na niya ang katanungang umiikot sa isipan niya.362Please respect copyright.PENANAXkK51WVzu6
362Please respect copyright.PENANA2CJCploOLQ
"Desisyon ng papa mo na itago sa iyo ang katotohanang ito. Lahat ng mga tao, lalo na ang iyong mga guro, kinausap niya."362Please respect copyright.PENANAdFWbNhP0hJ
362Please respect copyright.PENANAEuUJvl1dCh
Tinago ni Tydel ang kanyang mga luha kay Abracosa. Napatingin siya sa dumidilim na langit. "Kung hindi ako ang nararapat na maging hari ng Midnia, handa akong sumuko. Ngunit hindi ako titigil na lumaban para sa kaharian—"362Please respect copyright.PENANApSbdEntSkn
362Please respect copyright.PENANALFdC6aIuwF
"Hindi ganiyan ang intensyon ng ama mo. Sa totoo, ang kinakatakutan niya ay ang labis mong pagmamahal sa bansa. Noong sanggol ka pa lamang, Tydel, may naramdaman na ang mga Mezular sa tibok ng puso mo. Ikaw lang ang pupuwedeng maging hari ng kahariang ito."362Please respect copyright.PENANAAYPlCyt7gU
362Please respect copyright.PENANAxgjC5FDCGS
Tumingin si Tydel sa matanda. "Kung ganoon, bakit 'to tinago sa akin?"362Please respect copyright.PENANA7JO9LGdPyP
362Please respect copyright.PENANAx1KluJOOMR
"Dahil alam nating dalawa kung ano ang gagawin mo, kung sakali mang malaman mo."362Please respect copyright.PENANAGiptoOIe54
362Please respect copyright.PENANAdoimfRIXDW
Lumakad si Abracosa papunta kay Tydel at umupo sa tabi ng binata. "Mahal na mahal ka ng tatay mo, Tydel. Ayaw niyang mapahamak ka't masaktan dahil lamang ikaw ang anak niya."362Please respect copyright.PENANABwcJGIBR3l
362Please respect copyright.PENANAPDOkqL4WkF
Malungkot na nagsalita si Tydel. "Hindi ko kinakaya na humilata lang habang nilulusob tayo buwan-buwan ng mga Teccian. Kailangan kong gumawa ng paraan para matapos ang gulong ito."362Please respect copyright.PENANATRraw09JlQ
362Please respect copyright.PENANA4PQ63pO4nI
"Tydel, alam kong puro ang iyong intensyon, pero sana maintindihan mo ang kahalagahan ng dugo mo. Kung walang mamamahalang Dysplis sa Midnia, babagsak lang ang kaharian. Iyan ang matagal ko nang panaginip, Tydel."362Please respect copyright.PENANAIJCPwPmYzI
362Please respect copyright.PENANAZGAnAkOQN3
"May dugong Dysplis din si mama, kaya niyang maging reyna ng kaharian."362Please respect copyright.PENANAlzbRmTlWQr
362Please respect copyright.PENANAlul3PmR48S
"Makakayanan niya, oo. Magaling ang mama mo. Pero sa darating na panahon, mas kailangan ka namin, Tydel."362Please respect copyright.PENANA0OZU1hT7Av
362Please respect copyright.PENANAZJvnbj0mNV
Tumayo si Tydel. "Hindi ko kayang umupo lamang. Kailangan kong tumayo, lumaban! Amang Abracosa, kailangang kong pumunta ng Teccao—" huminto si Tydel sa kanyang mga salita. "Doon ko lang magagawang mabago ang landas natin..."362Please respect copyright.PENANADO0vDjf7Ov
362Please respect copyright.PENANAL51KH4XVCu
Tumahimik sila nang ilang sandali.362Please respect copyright.PENANAdUNqcmuhFw
362Please respect copyright.PENANASKrRkiV5RD
"Pagpapakamatay lang ang gagawin mo, anak." wika ni Abracosa.362Please respect copyright.PENANANyAEfnNtSE
362Please respect copyright.PENANA7KYQqiOw68
"Handa na akong mamatay para sa bayan."362Please respect copyright.PENANAyjokDl33uI
362Please respect copyright.PENANAxPi8xjEc6V
Umambon na nang konti sa paligid nila. Nagsimula nang bumalik sa bahay-kubo ni Abracosa ang mga ibong kanyang inaalagaan. Inilatag ng matanda ang kanyang kamay sa mainit na damuhan, na parang may hinihingi siyang kasagutan mula sa lupa.362Please respect copyright.PENANAapVXA4f7ix
362Please respect copyright.PENANAD37cLoWTVr
"Alam mo, Tydel, ito ang palaging sinasabi sa amin ni Inang Kalibutan; sa bawat paggalaw natin, hindi lang ang isip ang dapat na gumagana. Kailangan din nating tanungin ang ating puso. Dahil sa kalaliman ng ating mga puso, namumuhay ang parte ng ating pagkatao na nakakabit pa sa ating pinanggalingan. Na magsasabi sa atin kung ano ang nararapat na pasya."362Please respect copyright.PENANA3vl9M9Rw02
362Please respect copyright.PENANAzTLquStsDz
"Ano kaya ang sagot ng puso mo, Ama?" tanong ni Tydel.362Please respect copyright.PENANAT2J6w8wImF
362Please respect copyright.PENANA9Q2KesoPZ1
"Na kinakailangan mong intindihin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng puso." sagot ni Abracosa.362Please respect copyright.PENANAUoV6eBHQiF
362Please respect copyright.PENANANuK01wwu5F
Nilagay ni Tydel ang kanyang kanang kamay sa kaliwang dibdib.362Please respect copyright.PENANAwI2jHPVGUV
362Please respect copyright.PENANAVPhEqst3QT
"Hindi ko alam kung kakayanin ko ang hinihiling mo.”362Please respect copyright.PENANAwbDuutIVQG
362Please respect copyright.PENANAUVfp3Ogils
- - - 362Please respect copyright.PENANAULANTMf6WD
362Please respect copyright.PENANA4WBsbwoOhJ
Dumating ang panahon na mas lumaganap lamang ang sakit sa bawat nayon ng Midnia. Ginawa ng lahat ng mga manggagamot ang kanilang makakaya, pinagod ang kanilang mga katawan hanggang sa wala nang maibugang salita. Sa tulong ng mga Mezular at ang mga pinagkakatiwalaang tao ni Idrola, maraming buhay ang nasagip. Ngunit hindi ito sapat para ibangon muli ang kaharian mula sa paghihirap.362Please respect copyright.PENANAgiFbHfqhR4
Punong-puno ng lagim ang mga kalye ng Midnia. Halos walang taong makikita sa bawat sulok ng kaharian. Kung mayroon man, ito ang mga taong pinalabas ng kanilang pamilya sa takot na mahawaan ang iba, na silang mahahanap ng mga guwardiyang umiikot-ikot sa mga nayon upang makita ang kalagayan ng tao. Mabilis silang itatakbo sa ospital, pero halos lahat ng mga pasyenteng naghihintay sa kanilang pagkakataon ay namamatay na lamang sa gutom at init.362Please respect copyright.PENANAIDqdZDbkZY
362Please respect copyright.PENANAVBWMgoD1X1
Bawat araw, mas lumalakas ang ulan sa Midnia.362Please respect copyright.PENANA3xNVgu74Oh
362Please respect copyright.PENANAL5Z5NlWLFg
Sa dami-rami ng masasamang pangitain, mas tumindi lamang ang pinaninindigan ni Tydel. Kailangan niyang umaksyon. Kung hindi, hindi siya isang totoong prinsipe.362Please respect copyright.PENANAFUlarsxQhj
362Please respect copyright.PENANA12sOoIxAfw
“Sa susunod na lumusob ang Teccao, maghahanda na ako. Pupunta ako sa ugat ng lahat ng ating problema at ipapangako ko sa inyong lahat na masisira ko ito.” biglaang wika ni Tydel kay Amang Abracosa habang pinapakain ng matanda ang kanyang mga ibon.362Please respect copyright.PENANAEy5ni2GcVX
362Please respect copyright.PENANAbDUJSoIo4C
“Siguro nga’y hindi na kita mapipigilan. Pero iisa lamang ang tanong ko sa’yo. Ano ang iyong plano?” sabi ni Abracosa.362Please respect copyright.PENANACC0LBXjUrq
362Please respect copyright.PENANAgyjQphVL2e
Lumapit si Tydel sa kanyang guro na may hawak na balde ng pagkaing-ibon. “Hindi ko rin alam, ama. Pero ang alam ko’y kapag nandirito lang ako, walang magandang mangyayari sa atin.”362Please respect copyright.PENANAzD4n0ewFHn
362Please respect copyright.PENANAtU00eSETmP
Buntong-hininga na lamang ang lumabas kay Abracosa.362Please respect copyright.PENANAdq7kydjZjY
362Please respect copyright.PENANAGT4G1rdaAh
“Mayroon akong alam na puwede mong simulan.” sabi ng matanda.362Please respect copyright.PENANAaDngpIYtJm
362Please respect copyright.PENANAHG0TshBis0
Pumasok sila sa kanyang silid-aklatan, isang maliit na kwartong mataas ang bubong at sa bawat pader ay nakahiga ang libo-libong mga libro. Liniwanagan ng sikat ng araw ang mga sulok ng kwarto. Inabot ni Abracosa ang isang panikwas sa kanyang gilid at unti-unting gumalaw ang mga pader at bumaba ang mga istante. Nang mapunta na ang aklat sa maaabot ni Abracosa, itinigil niya ang paggalaw ng pader at inabot kay Tydel ang libro.362Please respect copyright.PENANAx6pqm88O4p
362Please respect copyright.PENANAt0iB4kWsby
Binuksan ng binata ang mga pahina at kanyang nakita ang isang nayong namumuhay sa loob ng isang latian, na kahit umaga man ay madilim. Ngunit nakikita rin niya ang kasiyahan ng mga tao sa iginuhit na larawan. Para bang walang pahid ng digmaan sa kanilang mga pader.362Please respect copyright.PENANAmqlY2s2LET
362Please respect copyright.PENANA1bRbJQBo2J
“Ang nayon ng Cura. Ang kinalimutang nayon ng Teccao. Nasa kanila ang solusyon sa sakit na lumalaganap sa kaharian. Kung iyong mabigay ito sa atin, pupuwede ka nang magpahinga sa mga natitirang araw ng buhay mo.” sabi ng matanda. “Ngunit mahirap itong pasukin. Kung tinanong ka, sabihin mong ipinadala ka ni Amang Abracosa. Pero, hindi ko maipapangako ang iyong tagumpay.”362Please respect copyright.PENANAS90kjikJE2
362Please respect copyright.PENANADjrg3oTdGp
“Opo, ama. Maraming salamat po.” at niyakap ng binata ang kanyang tagapayo. Tumulo ang luha ni Abracosa sa mga buhok ni Tydel.362Please respect copyright.PENANAyCSaOGxJQz
362Please respect copyright.PENANAC9HAoHLi7O
“Maghahanda ako para sa iyong paglalakbay. Kailan ka aalis?” sabi ni Abracosa nang nilulunok ang kanyang kalungkutan.362Please respect copyright.PENANAVwq3wSlUu1
362Please respect copyright.PENANAQMBzZYFZjZ
“Ngayong gabi ‘ho, ama.”362Please respect copyright.PENANAV5K2q9R386
362Please respect copyright.PENANAPDbgW1035n
“Magkita tayo sa gilid ng kagubatan. Magpaalam ka na sa mga minamahal mo.”362Please respect copyright.PENANAXQp9bZsw65
362Please respect copyright.PENANAMsgzuI8x28
Nang umalis na si Tydel mula sa kanyang bahay, lumabas si Abracosa at umupo sa hagdanan ng kanyang bahay-kubo. Dinamdam ng kanyang mga paa ang init na ibinibigay ng lupa. At siya’y umiyak, nilabas ang kanyang pighati.362Please respect copyright.PENANABGSVriLqDh
362Please respect copyright.PENANA3gx9ouXxmC
Bakit siya ang dapat isakripisyo? Sa dami-rami ng tao sa kaharian, bakit siya?362Please respect copyright.PENANA0INQeMatpT
362Please respect copyright.PENANAz8lPow1ziA
- - - 362Please respect copyright.PENANAM96i9hyGSI
362Please respect copyright.PENANAsisfdhR7FX
'Tydel, hindi ko kakayanin 'to...' ay ang mga salitang sumira sa puso ng binatang prinsipe.362Please respect copyright.PENANAZ6GrITUMls
362Please respect copyright.PENANAkGNug77pWp
Noong hapong iyon ay nagsimula nang pumunta si Tydel sa kanyang mga kaibigan mula sa akademiya. May dilaw na kinang ang gilid ng langit at lupa na tila magsilbing kolorete sa paglisan ng araw.362Please respect copyright.PENANAHnB1WYzgoT
362Please respect copyright.PENANA5f6FoH6Y7p
Mabilis siyang nakapaglibot sa nayon gamit ang kanyang motor; halos walang lamang sasakyan ang mga daan. Mabuti rin at walang nakakilala sa kanya, marahil dahil na rin sa suot niyang salakot, o dahil kakaunti na lamang ang naglalakad sa mga kalye. Ayaw niyang maisip ng tao na aalis papuntang ibang kaharian ang pag-asa nila.362Please respect copyright.PENANAyHHi90Dh7W
362Please respect copyright.PENANAk3A6URW2wI
Nang pagpasok ni Tydel sa bahay ng kanyang pinakamatalik na kaibigang si Hernando, tila wala nang natirang kasiyahan sa paligid. Nagkasakit ang ina ni Hernando ngunit pinipilit pa rin nyang gumalaw para alagaan ang kanyang mga anak. Sa nakita ni Tydel, siya ang nag-aasikaso sa pagpapanatiling malinis ng bahay; parang malapit nang bumagsak ang matanda. Bago pumasok si Tydel, iniwan niya muna ang sapatos niya sa tapat ng pinto. Umiiyak na pinapasok ng ina ni Hernando ang prinsipe.362Please respect copyright.PENANAnOERsdlShL
362Please respect copyright.PENANAuejgM9PkOJ
"Iyong Kataas-taasang Prinsipeng Tydel, hindi niyo na kailangang hubarin ang inyong sapatos—"362Please respect copyright.PENANAqbA7inyOjw
362Please respect copyright.PENANAJT1pN0ZXZ1
"Salamat po, Inay, pero hindi po mawawala ang paggalang ko sa inyo kahit ako'y maging hari."362Please respect copyright.PENANAviHsuHiEGg
362Please respect copyright.PENANARdelm8FQdb
Mas lumala ang pagluha ng ina. Sa sandaling iyon, bumaba na si Hernando mula sa kanyang kwarto at huminga nang malalim nang makita ang presensya ng kanyang mahal na kaibigan.362Please respect copyright.PENANAvg3TMpXuvh
362Please respect copyright.PENANA9rEJFVfpet
Nag-alok si Hernando ng tasa ng tsaa ngunit tinanggihan ni Tydel, sinabing, "Hindi ako magtatagal."362Please respect copyright.PENANAq1JP0lM8s5
362Please respect copyright.PENANAyzqXGOWW6u
Umupo si Hernando at humigop sa kanyang tsaa. "Naaalala mo pa ba 'yung araw na muntik ka nang mabaril ng guwardiya?"362Please respect copyright.PENANAm3JQZ3Smsp
362Please respect copyright.PENANAM8nLlq8YG9
Ngumiti si Tydel. "Oo. Grabe ka kasi, 'di ka mapakali. Ayan, muntik na 'kong mamatay dahil sa'yo."362Please respect copyright.PENANA9Y1EVv8Ai9
362Please respect copyright.PENANAOJVd7wvWdr
Tumawa si Hernando. "Alam mo, 'yun din ang araw na nalaman kong gagawin mo ang kahit ano para sa kabutihan ng kahit sino man– maliban sa sarili mo."362Please respect copyright.PENANAOJRMj5YWqh
362Please respect copyright.PENANAuTc4IZErab
Humina ang ngiti ni Tydel. Tumingin siya sa lapag. "Hindi ko mapigilan. Ito na ako."362Please respect copyright.PENANAEV6WIVUrpk
362Please respect copyright.PENANAvoXpBG7pES
"Kung kaya ko lang na masamahan ka, Tydel, gagawin ko nang walang pag-aalinlangan. Alam mo 'yan." sabi ni Hernando.362Please respect copyright.PENANAWzyYpgxY0F
362Please respect copyright.PENANAY2n2BMVC8J
"Alam ko, ngunit mas mahalaga ang pamilya mo." sabi ni Tydel.362Please respect copyright.PENANAGMW1bEXaTm
362Please respect copyright.PENANAebF47snMJG
"Parang tanggap ko na na mamamatay si Inang. Oras nalang talaga ang hinihintay." buntong-hininga ni Hernando.362Please respect copyright.PENANAU8F1k9kQu8
362Please respect copyright.PENANAohfhWD6Qrs
"Hindi lang ang nanay mo ang kailangan mong asikasuhin. Nandyan pa ang mga kapatid mo."362Please respect copyright.PENANAIQqqfna02f
362Please respect copyright.PENANAeUPnrYhxe7
Tumahimik nalang si Hernando. "Mag-ingat ka. Kailangan mong bumalik para sa bayan."362Please respect copyright.PENANAC0NkHh2dXK
362Please respect copyright.PENANAZX1Dap9BQf
"Hindi ko maipapangako, pero gagawin ko ang aking makakaya."362Please respect copyright.PENANAWnxIfAD0MY
362Please respect copyright.PENANA06XzwMw8c1
Umalis si Tydel pagkatapos siyang yakapin ni Hernando. Kay sakit sa kanyang puso na maaaring ito na ang huli nilang pagkikita. Naramdaman din niya ang kakaunting galit na mayroon si Hernando. Ngunit wala na siyang magagawa pa.362Please respect copyright.PENANA8omrxoCuft
362Please respect copyright.PENANAqTIKuJII7K
Huli na ang pag-uusap nila ni Jessenia.362Please respect copyright.PENANABH4kyiBvjw
362Please respect copyright.PENANAoqSJ2gS7kA
Marahil hinuli niya dahil hindi pa niya kaya. Dahil hindi pa siya handa. Ngunit may sagot na ang puso niya, hindi lang niya masabi. Natatakot siya. Ayaw niya muna.362Please respect copyright.PENANA6i7bZTOhpr
Labis nilang sinuportahan at minahal ang isa’t isa, kahit na ang Midnia ay nawawarak na sa pagitan nilang dalawa. Hanggang ngayon, si Jessenia pa rin ang munting apoy na sumasama kay Tydel sa mundong kay lamig. Kung puwede lang sanang manatili nalang siya sa kanyang mga kamay sa sandaling magkita sila mamaya…362Please respect copyright.PENANAClT0HBVLCk
362Please respect copyright.PENANA5xvzv1PgWv
Gayunpaman, kahit gaano kabigat ang puso ni Tydel, kailangan na niyang pakawalan ang tanging nagbibigay sa kanya ng liwanag.362Please respect copyright.PENANAmfzBCEPpz0
362Please respect copyright.PENANA5dkqjqMl64
Sa kanilang pagkita, umiiyak na ang dalaga. Basa sa ulan, naghihintay sa tapat ng kanyang bahay para masulyapan lamang ang minamahal. Pagbaba ni Tydel sa motor ay sinalubong siya ng halik ni Jessenia. May luhang tumulo sa kanyang mata nang maisipan niyang huminto muna at manatili. Sana ganito nalang ang takbo ng oras. Mabagal, pero walang hinto. Para mas madama niya ang pagmamahal ni Jessenia. Para maisang-tabi na muna niya ang kanyang mga problema.362Please respect copyright.PENANAXPNDkzfJZk
362Please respect copyright.PENANALMCJbOZAyN
Umiyak ang dalawa at nagyakapan sa ilalim ng ulan. Sa isipan ni Tydel, halos iisang oras silang nandoon, sinusulit na lamang ang sandali.362Please respect copyright.PENANAivhyciA0w7
362Please respect copyright.PENANAmrJHSUfMSG
Sa wakas, nagawa ring magsalita ni Tydel. “Anong ginagawa mo sa kalagitnaan ng daan? Bakit hindi ka pumasok, ang lakas ng ulan, mahal.”362Please respect copyright.PENANAX0HhQcerbd
362Please respect copyright.PENANAvAM9faVj1T
“Parang naramdaman ko na na aalis ka. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko…” iyak ni Jessenia, at naramdaman ni Tydel ang higpit ng kanyang yakap.362Please respect copyright.PENANAmgwtC84Vut
362Please respect copyright.PENANAbUTmC1Ysmp
“Patawad, mahal.”362Please respect copyright.PENANAW2sEjhAWAB
362Please respect copyright.PENANAh5FMLj9vtx
“Tydel, hindi ko kakayanin 'to…”362Please respect copyright.PENANATTUiDDwDRg
362Please respect copyright.PENANAAXIZcDM2Rq
Hindi na napigilan ni Tydel ang kanyang luha. Mahinhin niyang nilagay ang pisngi ni Jessenia sa piling ng kanyang mga daliri; kay lambot ng kanyang hawak, kay sakit ng sandali.362Please respect copyright.PENANAlb6Ev8UK3K
362Please respect copyright.PENANACZ2mTzFiMV
“Tingnan mo 'ko. Alalahanin mo ang mukhang ito. Maraming araw ang darating bago mo ako makita muli, pero ipapangako ko sa iyo…” Napahinto si Tydel. “Pasensya na… hindi ko maipapangako ang pagbalik ko.”362Please respect copyright.PENANAJiPk2cMqU9
362Please respect copyright.PENANAxm8t59Km7h
“Alam ko, hayaan mo na muna akong mahawak ka nang matagal.” sabi ni Jessenia kahit pagod na ang labi.362Please respect copyright.PENANA8S1Gk9xjbV
362Please respect copyright.PENANAsJQn3lyJzl
“Kung hindi lang ako ang prinsipe, mahal… Kung hindi ganito ang takbo ng mundo—” ngunit hindi natapos ni Tydel ang kanyang mga salita.362Please respect copyright.PENANAbdoZEnjCYD
362Please respect copyright.PENANAvFevESjHcM
"Pero ganito ang takbo ng mundo. Ang sakit ring isipin, Tydel…” luha ni Jessenia. “Pero may iisa akong maipapangako sa iyo. Tingnan mo ko, mahal.”362Please respect copyright.PENANA7qjZVKi83A
362Please respect copyright.PENANAZeUBnHxAKJ
Nagkita ang mga mata ng dalawa. Bulong ni Jessenia, "Kahit man may galit sa atin ang mundong ito, pipiliin ko pa ring tumakbo sa tabi mo. Ipaglalaban ko ang pagmamahal natin. Paninindigan kita. Kahit hindi ko na kaya, sa’yo pa rin ako…"362Please respect copyright.PENANAPrkuEpcX4u
362Please respect copyright.PENANAqbocbILGq3
Nanginig ang katawan ni Tydel at nanghina siya sa kamay ng kanyang minamahal. Hindi pinakawalan ni Jessenia si Tydel.362Please respect copyright.PENANATdpRtDc1p8
362Please respect copyright.PENANAy7BUX65OMQ
“Kung ito ang kasagutan ng puso mo, ito ang ipagpatuloy mo.” sabi ng dalaga.362Please respect copyright.PENANAH47501AuCC
362Please respect copyright.PENANAvhMYzFxwSt
"Mahal na mahal kita. Paalam, Jessenia."362Please respect copyright.PENANANY9cqYn7pU
362Please respect copyright.PENANAP78x92sjQn
- - - 362Please respect copyright.PENANAffx6bf2ktA
362Please respect copyright.PENANAypirwjMFG1
Tahimik na ang mga sumunod na oras. Pagbalik ni Tydel sa palasyo ay hindi na siya nakapagsalita, kahit sa harap ng kanyang sariling inang si Lumina. Hindi niya magawang mabanggit lamang ang kanyang paglisan, dahil alam niya ang gagawin ng kanyang mama. At kahit salungat sa kaniyang kalooban, kailangan niyang ilihim ang nararamdaman.362Please respect copyright.PENANAj5kLpbbn5k
362Please respect copyright.PENANAjRykKZ8Oxh
Kinulong ni Tydel ang sarili niya sa kanyang kwarto upang makapag-impake ng kanyang gamit. Ang baril, kutsilyo, iilang pagkaing pinapakain lamang sa militar, mga damit na pang-sibilyan, lahat ay ipinagkasya sa isang maletang kayang ikarga ni Tydel sa kanyang likod.362Please respect copyright.PENANAcjPRzJF19L
362Please respect copyright.PENANAxkbNcGhGQO
Ngunit hindi siya makalabas.362Please respect copyright.PENANAbWVHKBQaGq
362Please respect copyright.PENANAWv3V3mL40T
Bumagsak ang binata sa sahig, natapon ang laman ng maleta. Hindi makahinga nang maayos, patuloy na tumutulo ang pawis. Mayroon pang takot na pumipigil sa kanya, at kahit ipinipilit niya itong itulak pababa, hindi niya maiwasan ang pangangamba. Unti-unting humihigpit ang kanyang mga baga, at namumula na rin ang kanyang mga mata sa pag-iyak. Niyakap niya ang kanyang sarili habang nakahilantad sa lapag. Wala siyang magagawa kundi ang maghintay sa pagtigil ng lahat.362Please respect copyright.PENANALD2EdC39I3
362Please respect copyright.PENANAzDshapY1yw
BOOM. Sa lakas ng pagsabog na narinig ni Tydel, bumalik siya sa kanyang pag-iisip at nakahinga nang malalim. Hindi niya alam kung iilang minuto siyang nakahiga sa sahig. Biglang kumalog ang lapag, umugoy ang palasyo, habang binibigyang-kahulugan pa ni Tydel ang nangyayari.362Please respect copyright.PENANAgGTiQyibsA
362Please respect copyright.PENANA7e75u6f9gg
Lumabas siya sa kanyang kwarto at tiningnan ang mga pasilyo; kaliwa’t kanang natatarantang tumatakbo ang mga trabahador. Sa labas ng bintana ay dinig niya ang sigaw ng mga tao. Ang kaninang dilaw na liwanag sa pagitan ng langit at lupa ay ngayo’y naging apoy na kumukumot sa ulap ng Midnia. Sa sandaling iyon, nalaman na niya ang nangyayari.362Please respect copyright.PENANAwzSqiotdTq
362Please respect copyright.PENANAnUcvinmn1R
Nandito na ang Teccao.362Please respect copyright.PENANAjL9wpw4ZVw
362Please respect copyright.PENANAjVFmko21gk
Iisa lamang ang nasa isipan niya, na hindi pa siya nakakapagpaalam sa kanyang ama. Mabilis niyang tinakbo ang mga hagdang patungo sa kwarto ng hari, kahit na sinusuntok na ng puso niya ang kanyang dibdib, kahit na binabaha ng pawis ang kanyang katawan.362Please respect copyright.PENANAV33ayFhT7C
362Please respect copyright.PENANAwdUmyt1pcS
Sa sandaling iyon, hindi man lang naisip ni Tydel na may sakit ang kanyang ama, na maaari siyang mahawa't mapahamak ang kanyang misyon. Gusto lamang niyang masilayan muli ang kanyang papa, kahit ang ibig-sabihin nito ay ang kanyang sariling pagkahina.362Please respect copyright.PENANAuwzUyDmQVh
362Please respect copyright.PENANA5IbISSJP7U
"Papa! Gumising ka, sige na, papa…" dumapa si Tydel sa gilid ng kama, hawak ang kamay ni Haring Idrola malapit sa kanyang mukha.362Please respect copyright.PENANACgkOhYVMTY
362Please respect copyright.PENANAJsr16jbHZU
"Anak… oras na ba?" bulong ni Idrola.362Please respect copyright.PENANANe8j1Dhdrv
362Please respect copyright.PENANA7153huDSKf
"Nandyan na sila, kailangan na nating umalis! Halika, papa, tutulungan kita pababa, sige na…" 362Please respect copyright.PENANAptTnLaGIyF
362Please respect copyright.PENANARmLLxxPsNF
"Hindi na, anak… Hayaan mo na ako. Bakit ka pa pumasok dito? Mahahawa ka lang ng aking sakit…"362Please respect copyright.PENANAjwbUd8laxK
362Please respect copyright.PENANA960lD6Gn7p
“Papa!” sigaw ni Tydel nang may malakas na pagbagsak sa gilid ng pader. “Hindi mo ba ako naiintindihan? Umaatake na sila! Wala akong pakialam kung magkasakit ako, kailangang mailigtas ka— ”362Please respect copyright.PENANAmgUsnBfgrh
362Please respect copyright.PENANAP9YwoGtIdw
“Naiintindihan kita, Tydel.”362Please respect copyright.PENANAlwmCCxfn4x
362Please respect copyright.PENANAmubrugv73y
Tinitigan ni Tydel ang kanyang papa, at kusang pinakawalan ang kanyang kamay.362Please respect copyright.PENANAkJFcMRw6gG
“Hindi ko pa nga tanggap, papa. Akala ko’y wala na akong pakialam kung lumisan ka, na malakas na ako, na hindi na ‘ko duwag. Pero mali ang akala ko… Tulungan mo ako, papa. Mahina pa ako.”362Please respect copyright.PENANAXklXZfHmVI
362Please respect copyright.PENANAdXzBsxPc7S
“Mahina rin ako, anak. ‘Yan ang ‘di alam ng nakararami. Pero sinubukan ko, kahit na nilason ako at pinabayaan ng mundo, kinaya ko.”362Please respect copyright.PENANAyCSJoe382p
362Please respect copyright.PENANAvmlcgSCFpJ
“Paano, pa?”362Please respect copyright.PENANAXBTuo2eCCz
362Please respect copyright.PENANAyRm9IWZBE1
“Kumapit lang ako sa pag-asang magiging mabuti rin ang takbo ng panahon.” ngiti ni Idrola habang kanyang hinawakan ang kamay ng anak. Napaluha si Tydel. 362Please respect copyright.PENANAupfbrwiX7t
362Please respect copyright.PENANAiVIEtagz7v
“Iisa lang ang taong nakikita kong gigising sa kinabukasang pinapangarap ko.” sabi ng hari. Tumingin si Idrola sa bubong ng kwarto at pinikit ang mata. Hinubad niya ang korona at ipinakita sa kanyang anak. Nakakabulag ang gintong kinang nito, na tila tumitingin ka sa langit. Ang mga perlas na nakakalat sa bawat gilid nito, ang mga naka-ukit na larawan sa mga dulong patulis; kaakit-akit.362Please respect copyright.PENANAhJE9mPmyKa
362Please respect copyright.PENANAFUH28hoQPG
Ngunit hindi man lang humanga si Tydel sa kagandahan nito. Nang ibaba ng hari ang korona sa ulo ni Tydel, napabagsak ang binata sa sahig at nanatili ang korona sa mga kamay ni Idrola. Hindi na napigilan ni Tydel na ilihim ang kanyang paglisan.362Please respect copyright.PENANApw9ulqFVnY
362Please respect copyright.PENANAizi1p8bT9U
“Papa, hindi ko pa kaya. Pa, aalis ako, hindi ko alam kung babalik pa ako ng Midnia!”362Please respect copyright.PENANAuZ3nVY9HIE
Nanlaki ang mata ni Idrola at nawala ang ngiti sa kanyang mukha sa pagkarinig ng mga salita ng kanyang anak. Buntong-hininga na lamang ang lumabas sa kanyang bibig.362Please respect copyright.PENANAto655eeSaw
362Please respect copyright.PENANAXtKUDZjSrv
“Ikaw lang ang tunay na hari ng kaharian natin. Hindi ko ito maibibigay sa iba. Ikaw ang pag-asa natin, anak.”362Please respect copyright.PENANAwuZixJ3fqe
362Please respect copyright.PENANARtprZzjSnC
“Bakit hindi mo ibigay kay mama?”362Please respect copyright.PENANAEpjgRgHQjh
362Please respect copyright.PENANAC4JbTsdd31
“Mahina na rin siya, anak… Sa mga susunod na araw ay magkakasakit ang mama mo.”362Please respect copyright.PENANAULhuhnuhLk
362Please respect copyright.PENANAVMlhxVvsrd
“Papa…” iyak ni Tydel.362Please respect copyright.PENANAPElpCHwKOt
362Please respect copyright.PENANA9Gvj06mUJJ
May nagsimulang sigawan mula sa kabila ng mga bintana. Mayroon nang mga taong bumabalibag sa pinto ng palasyo, nagmamakaawang papasukin sila. Huminga nang malalim si Idrola, at tumahimik ng ilang segundo. Nang pagbukas ng kanyang mata, tumingin siya sa kanyang anak na para bang tiyak na ang kanyang desisyon.362Please respect copyright.PENANA2aXiYNeM1f
362Please respect copyright.PENANAET1TVMilLj
“Ano man ang iyong gawin, alam ko na ikabubuti ito ng bansa. Kahit hindi mo suot ang korona, ikaw ang aming bayani, Tydel.”362Please respect copyright.PENANAM5z0L7czBL
362Please respect copyright.PENANAVI8GCiOkNa
Tiningnan ni Tydel ang kanyang ama. Mahina na, namumuti na ang pisngi. “Paano na ang Midnia, papa? Hindi ko kayang ipagpaliban ang aking misyon. Ngunit hindi ko rin mapapabayaan ang kaharian!”362Please respect copyright.PENANAIrIREUkNHS
362Please respect copyright.PENANANklbyTi5i0
“Tama ka… mas lalaki lang ang apoy sa Midnia kung hindi ka aalis. At wala na rin naman akong magagawa kung iyan ang iniisip mong kailangang mangyari. Ikaw lamang ang tanging taong alam kong may puro at tapat na pagmamahal sa bayan.”362Please respect copyright.PENANAwdautn5Jh7
362Please respect copyright.PENANAv4CKDaYfyQ
“Salamat, papa… sa lahat.” Hinalikan ni Tydel ang noo ng hari.362Please respect copyright.PENANAEQmuHLzybR
362Please respect copyright.PENANA82OF5Flg4R
Tumakbo si Tydel papalabas ng kwarto nang may luha sa kanyang mata, habang lumalabo ang kanyang paningin at unti-unting namumula ang paligid. Sa kanyang likuran, narinig niya ang pagbagsak ng gintong korona ng Midnia. Iniisip niya kung ano ang kanyang iniwanan, ang kanyang isinuko, para lang maging bayani ng bayang bumabagsak na. Manghihinayang kaya siya sa kanyang desisyon?362Please respect copyright.PENANAgG7zLLiNbm
362Please respect copyright.PENANAEXIohg22x8
Nang may mabilis na pagtibok ng puso, tumalon ang Haring Tydel mula sa bintana. Palabas ng palasyo, papunta ng kagubatan; paalis ng kaharian.362Please respect copyright.PENANAWvmDqODDqT
362Please respect copyright.PENANAdi2MtlDyYm
- - - 362Please respect copyright.PENANAU9YrJWwKSb
362Please respect copyright.PENANAAplmIQZQlm
"Patay na ang hari." 362Please respect copyright.PENANA4AMXO1AHsO
362Please respect copyright.PENANAWSb6ugaq2J
Sa kaguluhang nangyayari sa kabilang dulo ng kagubatan, hindi na ipinakita ni Abracosa ang tunay niyang naramdaman.362Please respect copyright.PENANALX3k7ytHeR
362Please respect copyright.PENANAC5v2BI5msM
"Oras na rin ng kanyang pahinga." bulong ni Abracosa.362Please respect copyright.PENANAbCrlUa2zuF
362Please respect copyright.PENANA4Mrh4Yh9OM
"Ama… bakit kailangang ngayon mangyari 'to?" Luha ni Tydel habang ibinabagsak ang kanyang mga gamit sa buhangin. Nagningning ang tubig dagat ng pula at ginto sa mga apoy ng Teccao.362Please respect copyright.PENANAblokyP1fxq
362Please respect copyright.PENANA29jCGNNLBG
"Wala nang oras para damdamin ang nangyari. Wala nang maiiba. Kailangan nalang nating umusad." 362Please respect copyright.PENANAYEJRzXROhs
362Please respect copyright.PENANAOJ2TtOCrRp
Mula sa tubigan ay pinaangat ni Abracosa ang isang malaking makinang tawag nilang submarino.362Please respect copyright.PENANAUlQaiqC3MB
362Please respect copyright.PENANATyKFa9pmgg
"Ito ang sasakyan mo papuntang Teccao. Nakasaad na ang ruta niyan, kailangan mo nalang maghintay. Ang kadiliman ng tubig ang kaibigan mo sa panahon mo sa ilalim. Sa pagbagsak mo sa mga lupain ng kaharian ay darating na rin ang mga bangka nila. Mag-ingat ka. Huwag kang magpapakita sa kahit kanino." paalala ng matanda.362Please respect copyright.PENANA2xE70mI3RG
362Please respect copyright.PENANAgTGuK5iJf9
"Ama… Mag-ingat rin kayo."362Please respect copyright.PENANAGRp2V1PLKG
362Please respect copyright.PENANAWKXRDCs8Yk
"Pinoprotektahan tayo ni Inang Kalibutan. Huwag kang mag-alala."362Please respect copyright.PENANAk5q81B7V4B
362Please respect copyright.PENANAvRQktucxys
Mula sa leeg ni Abracosa ay tinanggal ang isang kuwintas na yaring kahoy at dahon. Napunta ito sa mga kamay ni Tydel.362Please respect copyright.PENANAk2R2voAloO
362Please respect copyright.PENANA3GrJQdsT3x
"Palagi mong tandaan, Tydel," pinatuloy ni Abracosa. "Hindi tumitigil ang pagmamahal ng Ina sa atin."362Please respect copyright.PENANASnuh0n1wY1
362Please respect copyright.PENANA2hoAOo6aIA
Sinuot ni Tydel ang kuwintas. Sa segundong nagdikit ang kahoy nito at ang balat niya, tila nagkaroon ang bata ng kakaibang lakas at galak na matapos ang misyon. Lumiwanag nang kaunti ang kanyang paningin, nawala ang dilim ng gabi. Nagkaroon ng munting kinang ng pag-asa ang kanyang puso. Sa iilang saglit ay naramdaman ni Tydel na mayroon siyang kakayahan at kapangyarihan na ipagpatuloy ang landas. Hindi na muling lalabo ang kanyang pagtingin sa abot-tanaw. Malinaw ang tagumpay.362Please respect copyright.PENANAjUnWDeFB1I
362Please respect copyright.PENANAuFUpDeWbTK
"Salamat, Ama, sa lahat ng itinuro at ibinigay mo sa akin. Hindi kita bibiguin."362Please respect copyright.PENANACDvKa49epb
362Please respect copyright.PENANA8yRzw10tcR
"Tydel, sa simpleng pagtapak mo sa labas ng palasyo, tinanggal mo na ang lahat ng mga duda ko. Nagtagumpay ka na sa aking mga mata."362Please respect copyright.PENANAEEp13RkYEH
362Please respect copyright.PENANAPUR8m9KDUq
Ngumiti si Tydel, isang munting ngiti ngunit taos-puso at totoo. Kay tagal nang nakalipas mula noong huli itong nakapiling ng puso niya.362Please respect copyright.PENANA2gMPdi0cUL
362Please respect copyright.PENANA21GEchkjru
Sa pagsakay ng bagong hari sa submarino, wala nang nagpabigat pa sa kanyang damdamin. Handa na siya, kahit na pininturahan ng luha't dugo ang daang kanyang tatahakin. Walang pag-aalinlangan niyang hinanda ang makina.362Please respect copyright.PENANASZdOQfOZ03
362Please respect copyright.PENANAEvh4Qw2kDC
Unti-unting lumubog ang submarino, palalim nang palalim hangga't ang tanging yumayakap sa kanya ay ang kadiliman. Ngunit hindi nakaramdam ng takot si Tydel. Malakas ang loob niya na malalagpasan niya ito.362Please respect copyright.PENANAVyjdoLx9EK
362Please respect copyright.PENANAUXYrntX6sC
Umandar na ang makina, palayo ng kaharian.362Please respect copyright.PENANAJ073pPsYZJ
362Please respect copyright.PENANAj6Zy6SmQnQ
Sa likuran, tiningnan ng bagong hari ang iniwanan niyang kaharian mula sa ilalim ng tubig. Ang ilaw sa maitim na gabi.362Please respect copyright.PENANAs1g1BQPKsO
362Please respect copyright.PENANAlkThnzhiyb
Nagsusumikap ang mga sundalo ng Midnia na labanan ang mga pumapasok na kabalyerong Teccian. Tila namula na ang mga pader ng mga gusali sa mga talsik ng dugo. Nangibabaw ang ilaw ng mga apoy na sinunog ang pag-asa ng bayan. Sa ere ay may mga barkong lumilipad, inulanan ng bomba ang mga depensa ng Midnia. Patuloy pa rin ang laban, at walang umatras sa mga Midnian. Tinadtad ng bala ang mga barko, sinaksak sa puso ang mga Teccian, at tinulungan ang mga manggagawa na tumakbo paalis ng gulo. Nananalo ang Midnia, ngunit kung sa huli ay putol ang kanilang paa, walang mauwiang pamilya, ano pang silbi ng giyera?362Please respect copyright.PENANAWBosXcuvjR
362Please respect copyright.PENANACjl4FdmAQp
At ang nasa isip ni Tydel, ay ang kanyang pagkawalang-imik sa nangyari. Pero, hindi na niya kayang tumalikod. Paabante lang ang kanyang galaw.362Please respect copyright.PENANAwB35i8b1yV
362Please respect copyright.PENANACzWvBZJzy8
"Paalam, Midnia."362Please respect copyright.PENANA5dRK5SIW0u
362Please respect copyright.PENANAEZZ8PUEWPN
Ito na ang huling tingin ni Tydel sa kanyang iniwanang kaharian. Kung siya ma'y makabalik, ibang lugar na ang kanyang mauuwian.362Please respect copyright.PENANAGqKjSdWJ6L
362Please respect copyright.PENANAgYAuvVYPFC