Ito yung gabing may mahika ang mga alitaptap
Ginagayuma tayo sa bawat galaw nila’t kislap
Baluktutin ang alam nating makatuwiran at tama
Makalimot na tayo’y may kanya-kanyang sinasamba
85Please respect copyright.PENANAbUD65ldhRh
Ito yung gabing hinaharana tayo ng malamig na simoy
Ng dalampasigang saksi sa realidad na ating tinataboy
Ibahagi ang alab ng bawat pagdampi ng labing natatakam
Sapagkat ikaw ang babaeng kailanman’y hindi ko makakamkam
85Please respect copyright.PENANAlnt07Uyneu
Ito yung gabing na marupok ako sayong halina
Bawat haplos mo’y hindi pwedeng hindi ko mapuna
Pwersa ng iyong mga kamay laban sa aking katawan
Habang binubulong mo ang tamis ng ating sabwatan
85Please respect copyright.PENANAeTHeYgoAjC
Ito yung gabing para sa mga damdaming nagpupumilit na pumiglas
Samantalahin ang iyong kahinahan at umarteng aking batas
Sundalong nakadapa sa ilalim ng kapangyarihan ng reyna
Hubad na dyosa sa likod ng aking hindi mabilang na sana
85Please respect copyright.PENANAnqQaI76G2b
Ito yung gabing humahalinghing ang alon ng iyong dagat
Kung saan pikit mata mong iniwagayway ang puting watawat
Sa gantihan ng mga mapupusok at mapanuksongpantasiya
Ligaya ang ating konsuwelo sa paglihis natin sa ating linya
85Please respect copyright.PENANAz5W9sIEuxM
Ito yung gabing tinatanong ko ang bilog na buwan
Kung bakit hindi siya nilikha na pangmatagalan
Sa kadahilanang gusto ko pang yakapin ka ng mahaba
At halikan ka na parang hindi kita pangalawa
85Please respect copyright.PENANAP0pPF6e1YU
Ito yung gabing baka hindi na mangyari ulit sa atin
Ayoko nang maudlot ang pagtatagpo ang mga daliri natin
Na parang tahimik na tubig na tumatama sa mabuhanging pampang
Dahil maghihiwalay din tayo ng landas, aking paboritong nilalang
85Please respect copyright.PENANAXF5w0HepPL
Ito yung gabing kumakaway na ang dilim ng paalam
Umupo ka sa tabi ko sa bawat saglit na ating ninanamnam
Marahil itong bukang-liwayway ay panibagong pag-asa
Sa pagpapatuloy ng ating buhay na wala ang isa’t isa
ns3.148.255.182da2