Ang pinakamahirap na bahagi sa pagsisimula
ay kung paano sisimulaan ang simula
Mga pangarap nating pumutok na parang bula
Ang kirot ng lapitan ka ay isang matinding babala
99Please respect copyright.PENANA2IrasOVJ7d
Mahirap kapag lagi mong nakakalimutan ang dapat tandaan
Pero mas mahirap pala kapag ang lagi mong natatandaan, ang dapat mong kalimutan
Sinubukan ko isalba yung “Tayo” na sinasabi mo na parang lumulubog na barko
Pero lalong sumasama at bumibigat sa bawat pagpilit ko
99Please respect copyright.PENANAB2IZy2NzOp
Maniwala ka, sinubukan ko na iretaso
Yung sinasabi mong tiwala mong pira-piraso
Pero, tanong ko sayo, bakit hindi mo sinubukan?
Bakit bumitiw ka sa kamay kong lagi mong kinakapitan?
99Please respect copyright.PENANAu1lUZqc4gZ
Sumuko ka na agad kahit wala pang laban
Tinapos mo agad kahit hindi ako ang kalaban
Kampay sa pagsasamang nating hindi nagtagal
Lagukin ang pakla habang oras ay mabagal
99Please respect copyright.PENANAP0KNLdE4ZN
At sana nga, sana nga malasing ako ng malala
Damdaming nakalaan sa’yo, sana’y huwag nang kumawala
Matamis na serbesa, patulugin mo ako sa bawat sakit na nadarama
Para matauhan ako na ika’y lumisan sa buhay nating hinulma
99Please respect copyright.PENANALxLgX5ZYDi
Gagawin kong pulutan ang mga masasayang alaala
Nang mapawi anggutom na dati ko nang kilala
Panulak ko ang daloy ng pait sa aking lalamunan
Ito lang magpapagaling sa kagaya kong sugutan
ns18.224.70.193da2