Ako ang katapusang hinahanap mo
Katapusan sa pagkalabit sa gatilyo laban sa mga taong salot sa lipunan
Katapusan sa sistema kung saan talo ang mga nangangarap sa laro ng gamitan
89Please respect copyright.PENANAyuEGc3PTEy
Ako ang katapusang hinahanap mo
Katapusan sa pagpuna sa mali ng iba pero hindi pansin ang
sariling kamalian
Katapusan sa tiwala ng kailanman ay hindi nasusuklian
89Please respect copyright.PENANAJHOulDZv7i
Ako ang katapusang hinahanap mo
Katapusan sa pagkukunwari para lamang sa katanyagan
Katapusan sa paghihintay sa mga salitang hindi nakaroon ng laman
89Please respect copyright.PENANArNsTKss8mM
Ako ang katapusang hinahanap mo
Katapusan sa katarantaduhan, kahayupan at kamunduhan
Katapusan sa pagaabang na lang sa biyaya na dumating dahil sa katamaran
89Please respect copyright.PENANAyFtNExFgc3
Ako ang katapusang hinahanap mo
Katapusan sa ideya ng panlalalamang sa kapwa
Katapusan sa kalungkutang tinatago sa nakakalinlang na pagtawa
89Please respect copyright.PENANA3fn3myHH2N
Ako ang katapusang hinahanap mo
Katapusan sa pagiging manhid dahil hindi tayo natututo
Katapusan sa pakikipagkompetensya dahil hindi tayo nakukuntento
89Please respect copyright.PENANARr6zfEKKVd
Ako ang katapusang hinahanap mo
Katapusan sa mga kasinungalingang naging totoo simula pagkabata
Katapusan sa kaharasan dahil sa mga iba’t ibang panata
89Please respect copyright.PENANAPeWyMCQpgh
Ako ang katapusang hinahanap mo
At patuloy mong hinahanap dahil parati akong nakatago
Tandaan mo na walang magtatapos hanggang walang nagbabago
ns3.15.201.103da2