
Kung hindi ganito ang takbo ng mundo, hindi ako magdadalawang-isip na tumakas tayo.364Please respect copyright.PENANAjJwy7brNbc
364Please respect copyright.PENANAoyGG1jJaWE
Hindi maalis ni Tydel ang kanyang isipan sa pag-uusap nila ni Jessenia. Kung may nasabi man siyang mali o masakit, kung kaya lang niyang mabago, tapos na ang lahat. Hindi na niya muling mababalikan ang nakalipas. Siguro sa sandaling iyon ay nalaman na ng puso niya ang kasagutan. Na kahit sobrang sakit...364Please respect copyright.PENANAX4DtiEWrKn
364Please respect copyright.PENANA08byT5gN49
Kahit ayaw niya, si Tydel na ang hari ng Midnia.364Please respect copyright.PENANAitzNGxpR6A
364Please respect copyright.PENANAhJhXMZ04sy
- - - 364Please respect copyright.PENANAKKn34e8JgD
364Please respect copyright.PENANAsWjds0EZ8M
Mga iilang linggo nang hindi nagpapakita ang kanyang papa. Nakahandusay sa higaan ang haring Idrola, walang salita, walang imik. Hindi kumukuha ng pansin, hindi namamansin. Noong isang gabi tinatak na ni Tydel sa isipan niya na wala nang buhay ang tatay niya. Sinisikap man ng mga manggagamot ng Midnia na maayos ang kalagayan ng hari, parang may nakaukit na sa utak ni Tydel na wala nang pag-asa. Mabilis na ring kumalat ang sakit sa mga nayon ng kaharian. Unti-unting nasisira ang pundasyon ng kaharian. Mas naramdaman ni Tydel ang pagiging mag-isa.364Please respect copyright.PENANAwBLEaJYJXC
364Please respect copyright.PENANAW0B0RgkTYW
Madalas na ngayong puntahan ni Tydel ang Amang Abracosa, ang matandang nagpalaki sa kanyang ama. Malaki ang kaniyang paghanga sa matanda, dahil hindi lamang sa pamumuno o pakikipaglaban ang karunungan na inaabot niya; isa siyang Mezular.364Please respect copyright.PENANAT97MhBpI3W
364Please respect copyright.PENANAVkQpzUhA09
Kagalang-galang ang mga Mezular sa loob ng bawat pader ng Midnia. Sila ang gabay ng sangkatauhan. Matagal na silang naririto sa mundo. Marami ang nagsasabing sila ang mga katulong ng Inang Kalibutan, ang diyosang kanilang pinaniniwalaan, lalo na't marami sa kanila ang mayroong kakaibang kapangyarihan na nakakatulong sa pag-unlad ng bansa. Ang kanilang karunungan ang nagbibigay liwanag sa bawat desisyon na ginagawa ng gobyerno at ng mamamayan. Kailangan ni Tydel ang karunungan na ito. Kailangan niyang malaman kung paano maging isang hari. 364Please respect copyright.PENANAJTcFUSD5gY
364Please respect copyright.PENANAqLKPJZoCeA
Pero sa bawat pagkikita nilang dalawa ni Abracosa, tila may nawawalang liwanag sa langit.364Please respect copyright.PENANA5q7MT2Bw6E
364Please respect copyright.PENANAawkAfTpIyd
"Amang Abracosa, nararamdaman mo ba?"364Please respect copyright.PENANANYkCMQPOMF
364Please respect copyright.PENANABJTNEoFV7F
Napatingin si Abracosa sa kanya, parang may kakaunting kinang pa sa mata ng binata.364Please respect copyright.PENANAP8vTMqYPfP
364Please respect copyright.PENANA3pCjD7zDoL
"Ano iyon, anak?" sagot ng matanda.364Please respect copyright.PENANA70fatKA4WL
364Please respect copyright.PENANAIrZfTKfn4q
"Unti-unting dumidilim ang kapaligiran. Sa tingin ko'y hindi lang ito dahil sa panahon. Sa tingin ko, may paparating."364Please respect copyright.PENANAP5oeZ8Hv5P
364Please respect copyright.PENANAQG0g4GRWCT
"Palagi namang may paparating, Tydel. Hindi lang tayo handa." malungkot na sinabi ni Abracosa. Kaniyang tiningnan ang lapag at hinaplos ang damo.364Please respect copyright.PENANAnYPTQBfJi5
364Please respect copyright.PENANAzVfJpsCuW1
Patuloy pa rin ang kaniyang pagsasanay. Araw-araw niyang sinisikap na aralin ang bawat salita sa mga librong nakatanghal sa mga pader ng bahay ni Abracosa. Tinulungan ng matanda si Tydel na gumamit ng baril at tabak, kung dumating man ang panahon na dahas na ang kinakailangang paraan. Napansin ni Tydel ang pag-aalinlangan ni Abracosa sa simpleng pagbibigay ng baril sa kanya.364Please respect copyright.PENANAqdwayg3DkN
364Please respect copyright.PENANAZQ8fj2jhWx
Nahalungkat din ni Tydel ang mga librong nagpakita ng kasaysayan ng Midnia, kung paano ba ito nabuo. Bata pa lamang si Tydel noong nagsimula ang Midnia. Ngunit, sa kanyang mga alaala't panaginip, dinig niya ang sigaw ng mga tao, ang pagsunog sa mga bahay, at ang isang koronang tinalsikan ng itim na dugo.364Please respect copyright.PENANA0koRnChufg
364Please respect copyright.PENANAVpwpjdytTW
"Napapaginipan mo pa rin ba ang pagtakas natin sa Teccao?" biglaang tanong ni Abracosa, na tila alam niya ang iniisip ni Tydel.364Please respect copyright.PENANA5iyNG1thGg
364Please respect copyright.PENANAkYemxGI9yR
"Oo, ama, hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang, patuloy ang pagdurusa ng kaharian natin dahil sa kanila. Dahil sa kanila, patay na si tito. Nagawa nilang patayin ang pinakamalakas nating mandirigma. Ano pa ba ang hindi nila kayang gawin?" iyak ni Tydel.364Please respect copyright.PENANACyjyu2IaA2
364Please respect copyright.PENANAUWcMdgPBlL
"Mga iilang linggo nalang bago sila ulit umatake." sabi ni Tydel habang tumitingin sa mga pahina ng libro. Nagsimula siyang gumuhit ng larawan ng pagkamatay ng kanyang tito.364Please respect copyright.PENANAfP9EJpffri
364Please respect copyright.PENANAmbmqnxNtgu
Huminga nang malalim si Abracosa.364Please respect copyright.PENANAdHNj28FcuU
364Please respect copyright.PENANAvCSlDaBc45
"Sa tingin ko, kailangan mo nang malaman ang katotohanan." sabi niya. Tumayo si Abracosa sa kanyang inuupuang bato. Sinayaw ng hangin ang kanyang puting buhok.364Please respect copyright.PENANAudf7yWcleP
364Please respect copyright.PENANAks9V3oOx7K
"Noong bata ka pa, Tydel, tumakbo tayong mga Midnian mula sa Teccao. Lahat tayo dito ay mga Teccian noon. Ngunit tinuligsa natin ang mga utos ng gobyerno, dahil nakakasama ang kanilang pamamahala. Binigyan ni Grandor, ang hari, ang kaniyang militar ng kalayaan sa pag-aresto ng mga taong kasalungat niya. Iilang nayon ang napaalis nung araw na iyon. Ang 'Araw ng Pagbabago." Lahat ng ito, dahil sa maling tao napunta ang korona ng Teccao."364Please respect copyright.PENANASFRVPWwG1X
364Please respect copyright.PENANArHH7M4ZeEm
Tahimik na lumuha si Tydel. Isang tingin lang ni Abracosa sa binata at alam na niya ang katanungang umiikot sa isipan niya.364Please respect copyright.PENANAOteNj6gLoo
364Please respect copyright.PENANATEKyzYbth6
"Desisyon ng papa mo na itago sa iyo ang katotohanang ito. Lahat ng mga tao, lalo na ang iyong mga guro, kinausap niya."364Please respect copyright.PENANAYaQfC3DTlt
364Please respect copyright.PENANAiy5cfWvl5M
Tinago ni Tydel ang kanyang mga luha kay Abracosa. Napatingin siya sa dumidilim na langit. "Kung hindi ako ang nararapat na maging hari ng Midnia, handa akong sumuko. Ngunit hindi ako titigil na lumaban para sa kaharian—"364Please respect copyright.PENANAPu4Wyb0zMC
364Please respect copyright.PENANAZYOeLxKz5q
"Hindi ganiyan ang intensyon ng ama mo. Sa totoo, ang kinakatakutan niya ay ang labis mong pagmamahal sa bansa. Noong sanggol ka pa lamang, Tydel, may naramdaman na ang mga Mezular sa tibok ng puso mo. Ikaw lang ang pupuwedeng maging hari ng kahariang ito."364Please respect copyright.PENANAaLFyaRFYwR
364Please respect copyright.PENANAwF9fRwqAx1
Tumingin si Tydel sa matanda. "Kung ganoon, bakit 'to tinago sa akin?"364Please respect copyright.PENANAjMl1QbC1zf
364Please respect copyright.PENANARq21pGuoat
"Dahil alam nating dalawa kung ano ang gagawin mo, kung sakali mang malaman mo."364Please respect copyright.PENANA9FMN56HTYi
364Please respect copyright.PENANALm2TzdW9GA
Lumakad si Abracosa papunta kay Tydel at umupo sa tabi ng binata. "Mahal na mahal ka ng tatay mo, Tydel. Ayaw niyang mapahamak ka't masaktan dahil lamang ikaw ang anak niya."364Please respect copyright.PENANARRDEwqGaFh
364Please respect copyright.PENANA70TAGUtx8r
Malungkot na nagsalita si Tydel. "Hindi ko kinakaya na humilata lang habang nilulusob tayo buwan-buwan ng mga Teccian. Kailangan kong gumawa ng paraan para matapos ang gulong ito."364Please respect copyright.PENANACElTcBDQOa
364Please respect copyright.PENANAuyxJJ33cXJ
"Tydel, alam kong puro ang iyong intensyon, pero sana maintindihan mo ang kahalagahan ng dugo mo. Kung walang mamamahalang Dysplis sa Midnia, babagsak lang ang kaharian. Iyan ang matagal ko nang panaginip, Tydel."364Please respect copyright.PENANAv61PMF5eH4
364Please respect copyright.PENANAN7f9KyEsdC
"May dugong Dysplis din si mama, kaya niyang maging reyna ng kaharian."364Please respect copyright.PENANAnPiYI9O3Xn
364Please respect copyright.PENANAu6vTwjPVax
"Makakayanan niya, oo. Magaling ang mama mo. Pero sa darating na panahon, mas kailangan ka namin, Tydel."364Please respect copyright.PENANAU8LtmNHHQy
364Please respect copyright.PENANAI39ZvPUi72
Tumayo si Tydel. "Hindi ko kayang umupo lamang. Kailangan kong tumayo, lumaban! Amang Abracosa, kailangang kong pumunta ng Teccao—" huminto si Tydel sa kanyang mga salita. "Doon ko lang magagawang mabago ang landas natin..."364Please respect copyright.PENANAMDn9CPYVMR
364Please respect copyright.PENANA17T6XAxDSr
Tumahimik sila nang ilang sandali.364Please respect copyright.PENANAC3OrLVMUhs
364Please respect copyright.PENANAXeFZYAUlxY
"Pagpapakamatay lang ang gagawin mo, anak." wika ni Abracosa.364Please respect copyright.PENANASZznuGmEXs
364Please respect copyright.PENANApeLwmR0tKF
"Handa na akong mamatay para sa bayan."364Please respect copyright.PENANAN8HiimNyRu
364Please respect copyright.PENANA0nM0kEH50k
Umambon na nang konti sa paligid nila. Nagsimula nang bumalik sa bahay-kubo ni Abracosa ang mga ibong kanyang inaalagaan. Inilatag ng matanda ang kanyang kamay sa mainit na damuhan, na parang may hinihingi siyang kasagutan mula sa lupa.364Please respect copyright.PENANARqlZ2ilKzT
364Please respect copyright.PENANAkiEbPsxnQk
"Alam mo, Tydel, ito ang palaging sinasabi sa amin ni Inang Kalibutan; sa bawat paggalaw natin, hindi lang ang isip ang dapat na gumagana. Kailangan din nating tanungin ang ating puso. Dahil sa kalaliman ng ating mga puso, namumuhay ang parte ng ating pagkatao na nakakabit pa sa ating pinanggalingan. Na magsasabi sa atin kung ano ang nararapat na pasya."364Please respect copyright.PENANAg6XvzdhsYN
364Please respect copyright.PENANAjsDeQXvhHi
"Ano kaya ang sagot ng puso mo, Ama?" tanong ni Tydel.364Please respect copyright.PENANAjLeXud1ijs
364Please respect copyright.PENANAdBES40mAsw
"Na kinakailangan mong intindihin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng puso." sagot ni Abracosa.364Please respect copyright.PENANAREe7edsxkg
364Please respect copyright.PENANAgFhWgbyneR
Nilagay ni Tydel ang kanyang kanang kamay sa kaliwang dibdib.364Please respect copyright.PENANAbJHpAmyx4h
364Please respect copyright.PENANAMMKw6Hhboz
"Hindi ko alam kung kakayanin ko ang hinihiling mo.”364Please respect copyright.PENANAEBoH1avJst
364Please respect copyright.PENANAyEDKajpg4I
- - - 364Please respect copyright.PENANAhWDWwfeqpL
364Please respect copyright.PENANAEUdGGbATKy
Dumating ang panahon na mas lumaganap lamang ang sakit sa bawat nayon ng Midnia. Ginawa ng lahat ng mga manggagamot ang kanilang makakaya, pinagod ang kanilang mga katawan hanggang sa wala nang maibugang salita. Sa tulong ng mga Mezular at ang mga pinagkakatiwalaang tao ni Idrola, maraming buhay ang nasagip. Ngunit hindi ito sapat para ibangon muli ang kaharian mula sa paghihirap.364Please respect copyright.PENANA1AV9UxTXRt
Punong-puno ng lagim ang mga kalye ng Midnia. Halos walang taong makikita sa bawat sulok ng kaharian. Kung mayroon man, ito ang mga taong pinalabas ng kanilang pamilya sa takot na mahawaan ang iba, na silang mahahanap ng mga guwardiyang umiikot-ikot sa mga nayon upang makita ang kalagayan ng tao. Mabilis silang itatakbo sa ospital, pero halos lahat ng mga pasyenteng naghihintay sa kanilang pagkakataon ay namamatay na lamang sa gutom at init.364Please respect copyright.PENANAa60avjjnx3
364Please respect copyright.PENANAX1Y5ovZhxV
Bawat araw, mas lumalakas ang ulan sa Midnia.364Please respect copyright.PENANAnvTo2t5M6C
364Please respect copyright.PENANAOaXAgd3aOH
Sa dami-rami ng masasamang pangitain, mas tumindi lamang ang pinaninindigan ni Tydel. Kailangan niyang umaksyon. Kung hindi, hindi siya isang totoong prinsipe.364Please respect copyright.PENANAIGifiKjlX5
364Please respect copyright.PENANAMqmWqV79Ac
“Sa susunod na lumusob ang Teccao, maghahanda na ako. Pupunta ako sa ugat ng lahat ng ating problema at ipapangako ko sa inyong lahat na masisira ko ito.” biglaang wika ni Tydel kay Amang Abracosa habang pinapakain ng matanda ang kanyang mga ibon.364Please respect copyright.PENANAAakhFVSNvA
364Please respect copyright.PENANA1qQhntXRa4
“Siguro nga’y hindi na kita mapipigilan. Pero iisa lamang ang tanong ko sa’yo. Ano ang iyong plano?” sabi ni Abracosa.364Please respect copyright.PENANAEDNI1LeFra
364Please respect copyright.PENANAEBjijJshfs
Lumapit si Tydel sa kanyang guro na may hawak na balde ng pagkaing-ibon. “Hindi ko rin alam, ama. Pero ang alam ko’y kapag nandirito lang ako, walang magandang mangyayari sa atin.”364Please respect copyright.PENANArRb3PoeQuX
364Please respect copyright.PENANArmBCMDwWhk
Buntong-hininga na lamang ang lumabas kay Abracosa.364Please respect copyright.PENANAE3FMD7OLWL
364Please respect copyright.PENANAGoLpBDpQBp
“Mayroon akong alam na puwede mong simulan.” sabi ng matanda.364Please respect copyright.PENANAEY5HYemGz2
364Please respect copyright.PENANAYCzB9HPeD3
Pumasok sila sa kanyang silid-aklatan, isang maliit na kwartong mataas ang bubong at sa bawat pader ay nakahiga ang libo-libong mga libro. Liniwanagan ng sikat ng araw ang mga sulok ng kwarto. Inabot ni Abracosa ang isang panikwas sa kanyang gilid at unti-unting gumalaw ang mga pader at bumaba ang mga istante. Nang mapunta na ang aklat sa maaabot ni Abracosa, itinigil niya ang paggalaw ng pader at inabot kay Tydel ang libro.364Please respect copyright.PENANA6b2wgI2Opj
364Please respect copyright.PENANA6WUq35zBHF
Binuksan ng binata ang mga pahina at kanyang nakita ang isang nayong namumuhay sa loob ng isang latian, na kahit umaga man ay madilim. Ngunit nakikita rin niya ang kasiyahan ng mga tao sa iginuhit na larawan. Para bang walang pahid ng digmaan sa kanilang mga pader.364Please respect copyright.PENANA3G5LA0DDsd
364Please respect copyright.PENANAmWdhYw3NGO
“Ang nayon ng Cura. Ang kinalimutang nayon ng Teccao. Nasa kanila ang solusyon sa sakit na lumalaganap sa kaharian. Kung iyong mabigay ito sa atin, pupuwede ka nang magpahinga sa mga natitirang araw ng buhay mo.” sabi ng matanda. “Ngunit mahirap itong pasukin. Kung tinanong ka, sabihin mong ipinadala ka ni Amang Abracosa. Pero, hindi ko maipapangako ang iyong tagumpay.”364Please respect copyright.PENANAUF0xxMlYcS
364Please respect copyright.PENANAkWlcnkTpj1
“Opo, ama. Maraming salamat po.” at niyakap ng binata ang kanyang tagapayo. Tumulo ang luha ni Abracosa sa mga buhok ni Tydel.364Please respect copyright.PENANAPw8UGLbH4E
364Please respect copyright.PENANAIo9FubrnwD
“Maghahanda ako para sa iyong paglalakbay. Kailan ka aalis?” sabi ni Abracosa nang nilulunok ang kanyang kalungkutan.364Please respect copyright.PENANAEXpjQPVhF2
364Please respect copyright.PENANA4e7SKeM3ez
“Ngayong gabi ‘ho, ama.”364Please respect copyright.PENANAqbw3F2TWwo
364Please respect copyright.PENANAbAX2M8lfWL
“Magkita tayo sa gilid ng kagubatan. Magpaalam ka na sa mga minamahal mo.”364Please respect copyright.PENANAlnfujWHsjS
364Please respect copyright.PENANAcneaHeiYKv
Nang umalis na si Tydel mula sa kanyang bahay, lumabas si Abracosa at umupo sa hagdanan ng kanyang bahay-kubo. Dinamdam ng kanyang mga paa ang init na ibinibigay ng lupa. At siya’y umiyak, nilabas ang kanyang pighati.364Please respect copyright.PENANAAxmYn0Xwja
364Please respect copyright.PENANAW7SSVfzCxW
Bakit siya ang dapat isakripisyo? Sa dami-rami ng tao sa kaharian, bakit siya?364Please respect copyright.PENANAwvVahu2P7L
364Please respect copyright.PENANApFcZJ4OYbB
- - - 364Please respect copyright.PENANASrkagjF5Ui
364Please respect copyright.PENANAQ9f9DLtEYi
'Tydel, hindi ko kakayanin 'to...' ay ang mga salitang sumira sa puso ng binatang prinsipe.364Please respect copyright.PENANA7qr8LZhjfe
364Please respect copyright.PENANAHsRniND8GX
Noong hapong iyon ay nagsimula nang pumunta si Tydel sa kanyang mga kaibigan mula sa akademiya. May dilaw na kinang ang gilid ng langit at lupa na tila magsilbing kolorete sa paglisan ng araw.364Please respect copyright.PENANAu9hSn1FBtt
364Please respect copyright.PENANAcODwa5JQf7
Mabilis siyang nakapaglibot sa nayon gamit ang kanyang motor; halos walang lamang sasakyan ang mga daan. Mabuti rin at walang nakakilala sa kanya, marahil dahil na rin sa suot niyang salakot, o dahil kakaunti na lamang ang naglalakad sa mga kalye. Ayaw niyang maisip ng tao na aalis papuntang ibang kaharian ang pag-asa nila.364Please respect copyright.PENANA5zC9ybQOvU
364Please respect copyright.PENANAGJcCus9LuP
Nang pagpasok ni Tydel sa bahay ng kanyang pinakamatalik na kaibigang si Hernando, tila wala nang natirang kasiyahan sa paligid. Nagkasakit ang ina ni Hernando ngunit pinipilit pa rin nyang gumalaw para alagaan ang kanyang mga anak. Sa nakita ni Tydel, siya ang nag-aasikaso sa pagpapanatiling malinis ng bahay; parang malapit nang bumagsak ang matanda. Bago pumasok si Tydel, iniwan niya muna ang sapatos niya sa tapat ng pinto. Umiiyak na pinapasok ng ina ni Hernando ang prinsipe.364Please respect copyright.PENANASh1UjJZwq5
364Please respect copyright.PENANAJufdlffqEW
"Iyong Kataas-taasang Prinsipeng Tydel, hindi niyo na kailangang hubarin ang inyong sapatos—"364Please respect copyright.PENANATXc62oX61J
364Please respect copyright.PENANAMr6SlqJhwC
"Salamat po, Inay, pero hindi po mawawala ang paggalang ko sa inyo kahit ako'y maging hari."364Please respect copyright.PENANAe69xQGdwJ1
364Please respect copyright.PENANAAvC6wTZJOa
Mas lumala ang pagluha ng ina. Sa sandaling iyon, bumaba na si Hernando mula sa kanyang kwarto at huminga nang malalim nang makita ang presensya ng kanyang mahal na kaibigan.364Please respect copyright.PENANAFiBn5hW47d
364Please respect copyright.PENANAZkQxOpDhMa
Nag-alok si Hernando ng tasa ng tsaa ngunit tinanggihan ni Tydel, sinabing, "Hindi ako magtatagal."364Please respect copyright.PENANAwqfStoB7GB
364Please respect copyright.PENANALo0ewKqAds
Umupo si Hernando at humigop sa kanyang tsaa. "Naaalala mo pa ba 'yung araw na muntik ka nang mabaril ng guwardiya?"364Please respect copyright.PENANAVlZErFzJHL
364Please respect copyright.PENANAzqtYUBuqh3
Ngumiti si Tydel. "Oo. Grabe ka kasi, 'di ka mapakali. Ayan, muntik na 'kong mamatay dahil sa'yo."364Please respect copyright.PENANAklJsx82Skb
364Please respect copyright.PENANAcgvEVphkpq
Tumawa si Hernando. "Alam mo, 'yun din ang araw na nalaman kong gagawin mo ang kahit ano para sa kabutihan ng kahit sino man– maliban sa sarili mo."364Please respect copyright.PENANAKFqlOEIJpO
364Please respect copyright.PENANAXkXo22jAYZ
Humina ang ngiti ni Tydel. Tumingin siya sa lapag. "Hindi ko mapigilan. Ito na ako."364Please respect copyright.PENANAwNKf43rlQO
364Please respect copyright.PENANA0DV1ceXIi5
"Kung kaya ko lang na masamahan ka, Tydel, gagawin ko nang walang pag-aalinlangan. Alam mo 'yan." sabi ni Hernando.364Please respect copyright.PENANAmyyQuCmBec
364Please respect copyright.PENANAhfAgO7j7Kx
"Alam ko, ngunit mas mahalaga ang pamilya mo." sabi ni Tydel.364Please respect copyright.PENANAFQNHRsxuhe
364Please respect copyright.PENANAm1crJ1cnD5
"Parang tanggap ko na na mamamatay si Inang. Oras nalang talaga ang hinihintay." buntong-hininga ni Hernando.364Please respect copyright.PENANAfho9hgGRYC
364Please respect copyright.PENANA6QaycTFWFa
"Hindi lang ang nanay mo ang kailangan mong asikasuhin. Nandyan pa ang mga kapatid mo."364Please respect copyright.PENANAVBmByZ3xb8
364Please respect copyright.PENANAR4GoRtWTSe
Tumahimik nalang si Hernando. "Mag-ingat ka. Kailangan mong bumalik para sa bayan."364Please respect copyright.PENANAcwPreVYR0A
364Please respect copyright.PENANAdg2C6Fncq0
"Hindi ko maipapangako, pero gagawin ko ang aking makakaya."364Please respect copyright.PENANA07qdidQZP4
364Please respect copyright.PENANAfp7dfSz1AW
Umalis si Tydel pagkatapos siyang yakapin ni Hernando. Kay sakit sa kanyang puso na maaaring ito na ang huli nilang pagkikita. Naramdaman din niya ang kakaunting galit na mayroon si Hernando. Ngunit wala na siyang magagawa pa.364Please respect copyright.PENANAboU0pXLLcQ
364Please respect copyright.PENANAy6LXDcQlUl
Huli na ang pag-uusap nila ni Jessenia.364Please respect copyright.PENANA2dQhDioTdp
364Please respect copyright.PENANAoxuMASewx5
Marahil hinuli niya dahil hindi pa niya kaya. Dahil hindi pa siya handa. Ngunit may sagot na ang puso niya, hindi lang niya masabi. Natatakot siya. Ayaw niya muna.364Please respect copyright.PENANAG1JkbZ2Tpm
Labis nilang sinuportahan at minahal ang isa’t isa, kahit na ang Midnia ay nawawarak na sa pagitan nilang dalawa. Hanggang ngayon, si Jessenia pa rin ang munting apoy na sumasama kay Tydel sa mundong kay lamig. Kung puwede lang sanang manatili nalang siya sa kanyang mga kamay sa sandaling magkita sila mamaya…364Please respect copyright.PENANALlE658Y1pz
364Please respect copyright.PENANAjBe3Wb0zus
Gayunpaman, kahit gaano kabigat ang puso ni Tydel, kailangan na niyang pakawalan ang tanging nagbibigay sa kanya ng liwanag.364Please respect copyright.PENANA5vs13kfPNx
364Please respect copyright.PENANA4s765vpk9i
Sa kanilang pagkita, umiiyak na ang dalaga. Basa sa ulan, naghihintay sa tapat ng kanyang bahay para masulyapan lamang ang minamahal. Pagbaba ni Tydel sa motor ay sinalubong siya ng halik ni Jessenia. May luhang tumulo sa kanyang mata nang maisipan niyang huminto muna at manatili. Sana ganito nalang ang takbo ng oras. Mabagal, pero walang hinto. Para mas madama niya ang pagmamahal ni Jessenia. Para maisang-tabi na muna niya ang kanyang mga problema.364Please respect copyright.PENANAi3FfDlofKa
364Please respect copyright.PENANAgrNi7MWIeE
Umiyak ang dalawa at nagyakapan sa ilalim ng ulan. Sa isipan ni Tydel, halos iisang oras silang nandoon, sinusulit na lamang ang sandali.364Please respect copyright.PENANAvujeP0ECTK
364Please respect copyright.PENANAsqiWTzVLZN
Sa wakas, nagawa ring magsalita ni Tydel. “Anong ginagawa mo sa kalagitnaan ng daan? Bakit hindi ka pumasok, ang lakas ng ulan, mahal.”364Please respect copyright.PENANAbjgj3hREwz
364Please respect copyright.PENANABU41UEkgMC
“Parang naramdaman ko na na aalis ka. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko…” iyak ni Jessenia, at naramdaman ni Tydel ang higpit ng kanyang yakap.364Please respect copyright.PENANAZSusnAz8lE
364Please respect copyright.PENANAv6nC6Zndmp
“Patawad, mahal.”364Please respect copyright.PENANA602LqkQ7BW
364Please respect copyright.PENANAM1lW8xvAfr
“Tydel, hindi ko kakayanin 'to…”364Please respect copyright.PENANAqohphPUSlR
364Please respect copyright.PENANAdg5NDP5Rjf
Hindi na napigilan ni Tydel ang kanyang luha. Mahinhin niyang nilagay ang pisngi ni Jessenia sa piling ng kanyang mga daliri; kay lambot ng kanyang hawak, kay sakit ng sandali.364Please respect copyright.PENANAp2gUVz3PZG
364Please respect copyright.PENANA0dG7iX8tAY
“Tingnan mo 'ko. Alalahanin mo ang mukhang ito. Maraming araw ang darating bago mo ako makita muli, pero ipapangako ko sa iyo…” Napahinto si Tydel. “Pasensya na… hindi ko maipapangako ang pagbalik ko.”364Please respect copyright.PENANAHoynPl5kpt
364Please respect copyright.PENANAuFn0KgCq0E
“Alam ko, hayaan mo na muna akong mahawak ka nang matagal.” sabi ni Jessenia kahit pagod na ang labi.364Please respect copyright.PENANAWIPVNG5XtP
364Please respect copyright.PENANAE85XLKPG9P
“Kung hindi lang ako ang prinsipe, mahal… Kung hindi ganito ang takbo ng mundo—” ngunit hindi natapos ni Tydel ang kanyang mga salita.364Please respect copyright.PENANAnk2JaoP3oM
364Please respect copyright.PENANAJQ1GYf7baD
"Pero ganito ang takbo ng mundo. Ang sakit ring isipin, Tydel…” luha ni Jessenia. “Pero may iisa akong maipapangako sa iyo. Tingnan mo ko, mahal.”364Please respect copyright.PENANA1ZhiQKwu9I
364Please respect copyright.PENANAMTp2tndMDi
Nagkita ang mga mata ng dalawa. Bulong ni Jessenia, "Kahit man may galit sa atin ang mundong ito, pipiliin ko pa ring tumakbo sa tabi mo. Ipaglalaban ko ang pagmamahal natin. Paninindigan kita. Kahit hindi ko na kaya, sa’yo pa rin ako…"364Please respect copyright.PENANAWBSu4t5GEA
364Please respect copyright.PENANAt4rRUXK4pS
Nanginig ang katawan ni Tydel at nanghina siya sa kamay ng kanyang minamahal. Hindi pinakawalan ni Jessenia si Tydel.364Please respect copyright.PENANAFxPPd6fjee
364Please respect copyright.PENANAAxwZMcKaSV
“Kung ito ang kasagutan ng puso mo, ito ang ipagpatuloy mo.” sabi ng dalaga.364Please respect copyright.PENANAOgigYexNMq
364Please respect copyright.PENANAP01J1Snrkz
"Mahal na mahal kita. Paalam, Jessenia."364Please respect copyright.PENANAdE6JgJ2eB6
364Please respect copyright.PENANAmeMMaLbSlY
- - - 364Please respect copyright.PENANAAoHcyjPEQU
364Please respect copyright.PENANANWjtVnqveb
Tahimik na ang mga sumunod na oras. Pagbalik ni Tydel sa palasyo ay hindi na siya nakapagsalita, kahit sa harap ng kanyang sariling inang si Lumina. Hindi niya magawang mabanggit lamang ang kanyang paglisan, dahil alam niya ang gagawin ng kanyang mama. At kahit salungat sa kaniyang kalooban, kailangan niyang ilihim ang nararamdaman.364Please respect copyright.PENANANlf3gk10s0
364Please respect copyright.PENANAz5ByZbIkUA
Kinulong ni Tydel ang sarili niya sa kanyang kwarto upang makapag-impake ng kanyang gamit. Ang baril, kutsilyo, iilang pagkaing pinapakain lamang sa militar, mga damit na pang-sibilyan, lahat ay ipinagkasya sa isang maletang kayang ikarga ni Tydel sa kanyang likod.364Please respect copyright.PENANANFLipIwwuO
364Please respect copyright.PENANAVQPkGTjsWq
Ngunit hindi siya makalabas.364Please respect copyright.PENANAYcw85tqcNl
364Please respect copyright.PENANA1oY3qzlln2
Bumagsak ang binata sa sahig, natapon ang laman ng maleta. Hindi makahinga nang maayos, patuloy na tumutulo ang pawis. Mayroon pang takot na pumipigil sa kanya, at kahit ipinipilit niya itong itulak pababa, hindi niya maiwasan ang pangangamba. Unti-unting humihigpit ang kanyang mga baga, at namumula na rin ang kanyang mga mata sa pag-iyak. Niyakap niya ang kanyang sarili habang nakahilantad sa lapag. Wala siyang magagawa kundi ang maghintay sa pagtigil ng lahat.364Please respect copyright.PENANAAuMQ7cvWuv
364Please respect copyright.PENANANpeWPpvsMT
BOOM. Sa lakas ng pagsabog na narinig ni Tydel, bumalik siya sa kanyang pag-iisip at nakahinga nang malalim. Hindi niya alam kung iilang minuto siyang nakahiga sa sahig. Biglang kumalog ang lapag, umugoy ang palasyo, habang binibigyang-kahulugan pa ni Tydel ang nangyayari.364Please respect copyright.PENANAOOh6aLqfbu
364Please respect copyright.PENANA44TXtVASkN
Lumabas siya sa kanyang kwarto at tiningnan ang mga pasilyo; kaliwa’t kanang natatarantang tumatakbo ang mga trabahador. Sa labas ng bintana ay dinig niya ang sigaw ng mga tao. Ang kaninang dilaw na liwanag sa pagitan ng langit at lupa ay ngayo’y naging apoy na kumukumot sa ulap ng Midnia. Sa sandaling iyon, nalaman na niya ang nangyayari.364Please respect copyright.PENANAYn2ntYSA1z
364Please respect copyright.PENANAjNqhORW1IH
Nandito na ang Teccao.364Please respect copyright.PENANAlpU8O7IS4a
364Please respect copyright.PENANAxpQW3QWi7m
Iisa lamang ang nasa isipan niya, na hindi pa siya nakakapagpaalam sa kanyang ama. Mabilis niyang tinakbo ang mga hagdang patungo sa kwarto ng hari, kahit na sinusuntok na ng puso niya ang kanyang dibdib, kahit na binabaha ng pawis ang kanyang katawan.364Please respect copyright.PENANAS67iK2ZZyF
364Please respect copyright.PENANAX8jXmDIX4m
Sa sandaling iyon, hindi man lang naisip ni Tydel na may sakit ang kanyang ama, na maaari siyang mahawa't mapahamak ang kanyang misyon. Gusto lamang niyang masilayan muli ang kanyang papa, kahit ang ibig-sabihin nito ay ang kanyang sariling pagkahina.364Please respect copyright.PENANAeRbTz8Z830
364Please respect copyright.PENANArKzlsSmbQN
"Papa! Gumising ka, sige na, papa…" dumapa si Tydel sa gilid ng kama, hawak ang kamay ni Haring Idrola malapit sa kanyang mukha.364Please respect copyright.PENANA5ZBmQoVgRO
364Please respect copyright.PENANAYQmlzR0Bb1
"Anak… oras na ba?" bulong ni Idrola.364Please respect copyright.PENANAx80IR59UKw
364Please respect copyright.PENANARfD7kuI1wz
"Nandyan na sila, kailangan na nating umalis! Halika, papa, tutulungan kita pababa, sige na…" 364Please respect copyright.PENANAPHFytLVLO1
364Please respect copyright.PENANAkAWwYXBk10
"Hindi na, anak… Hayaan mo na ako. Bakit ka pa pumasok dito? Mahahawa ka lang ng aking sakit…"364Please respect copyright.PENANAL7Khov3r1d
364Please respect copyright.PENANAuhtWCXfOTp
“Papa!” sigaw ni Tydel nang may malakas na pagbagsak sa gilid ng pader. “Hindi mo ba ako naiintindihan? Umaatake na sila! Wala akong pakialam kung magkasakit ako, kailangang mailigtas ka— ”364Please respect copyright.PENANA3s1aHN8BWj
364Please respect copyright.PENANAsp7LkMT5te
“Naiintindihan kita, Tydel.”364Please respect copyright.PENANA396gfGvTEO
364Please respect copyright.PENANAXSf7ubxap8
Tinitigan ni Tydel ang kanyang papa, at kusang pinakawalan ang kanyang kamay.364Please respect copyright.PENANA9viVfOWCru
“Hindi ko pa nga tanggap, papa. Akala ko’y wala na akong pakialam kung lumisan ka, na malakas na ako, na hindi na ‘ko duwag. Pero mali ang akala ko… Tulungan mo ako, papa. Mahina pa ako.”364Please respect copyright.PENANArW4OVc7oIp
364Please respect copyright.PENANA0jBrGDOhqv
“Mahina rin ako, anak. ‘Yan ang ‘di alam ng nakararami. Pero sinubukan ko, kahit na nilason ako at pinabayaan ng mundo, kinaya ko.”364Please respect copyright.PENANAEIJqN2hJe9
364Please respect copyright.PENANA4petqIJDra
“Paano, pa?”364Please respect copyright.PENANApoPCRcs6wU
364Please respect copyright.PENANAsnarFHt2Rg
“Kumapit lang ako sa pag-asang magiging mabuti rin ang takbo ng panahon.” ngiti ni Idrola habang kanyang hinawakan ang kamay ng anak. Napaluha si Tydel. 364Please respect copyright.PENANAMrFuVcyWi6
364Please respect copyright.PENANATEb5UaHbQf
“Iisa lang ang taong nakikita kong gigising sa kinabukasang pinapangarap ko.” sabi ng hari. Tumingin si Idrola sa bubong ng kwarto at pinikit ang mata. Hinubad niya ang korona at ipinakita sa kanyang anak. Nakakabulag ang gintong kinang nito, na tila tumitingin ka sa langit. Ang mga perlas na nakakalat sa bawat gilid nito, ang mga naka-ukit na larawan sa mga dulong patulis; kaakit-akit.364Please respect copyright.PENANAnNtRiLMp9m
364Please respect copyright.PENANAydP6XcwIAc
Ngunit hindi man lang humanga si Tydel sa kagandahan nito. Nang ibaba ng hari ang korona sa ulo ni Tydel, napabagsak ang binata sa sahig at nanatili ang korona sa mga kamay ni Idrola. Hindi na napigilan ni Tydel na ilihim ang kanyang paglisan.364Please respect copyright.PENANA4sL144031t
364Please respect copyright.PENANAJJX57F55iV
“Papa, hindi ko pa kaya. Pa, aalis ako, hindi ko alam kung babalik pa ako ng Midnia!”364Please respect copyright.PENANAZXqCMOYYTH
Nanlaki ang mata ni Idrola at nawala ang ngiti sa kanyang mukha sa pagkarinig ng mga salita ng kanyang anak. Buntong-hininga na lamang ang lumabas sa kanyang bibig.364Please respect copyright.PENANAQo3yFDXYJI
364Please respect copyright.PENANAMPHCyVV5gZ
“Ikaw lang ang tunay na hari ng kaharian natin. Hindi ko ito maibibigay sa iba. Ikaw ang pag-asa natin, anak.”364Please respect copyright.PENANAZ9HXNxVWjE
364Please respect copyright.PENANA5h75DCklcX
“Bakit hindi mo ibigay kay mama?”364Please respect copyright.PENANAmDMbF5KYW8
364Please respect copyright.PENANANXP2UAX6wh
“Mahina na rin siya, anak… Sa mga susunod na araw ay magkakasakit ang mama mo.”364Please respect copyright.PENANA3q4tLJCyIG
364Please respect copyright.PENANAsWW47lFMg3
“Papa…” iyak ni Tydel.364Please respect copyright.PENANAn9GghW7fEl
364Please respect copyright.PENANApcPKoVBcFN
May nagsimulang sigawan mula sa kabila ng mga bintana. Mayroon nang mga taong bumabalibag sa pinto ng palasyo, nagmamakaawang papasukin sila. Huminga nang malalim si Idrola, at tumahimik ng ilang segundo. Nang pagbukas ng kanyang mata, tumingin siya sa kanyang anak na para bang tiyak na ang kanyang desisyon.364Please respect copyright.PENANA7eaJywUeLT
364Please respect copyright.PENANA4DPdLfpowY
“Ano man ang iyong gawin, alam ko na ikabubuti ito ng bansa. Kahit hindi mo suot ang korona, ikaw ang aming bayani, Tydel.”364Please respect copyright.PENANAD7orsOHvoi
364Please respect copyright.PENANA1hgzs2sNPU
Tiningnan ni Tydel ang kanyang ama. Mahina na, namumuti na ang pisngi. “Paano na ang Midnia, papa? Hindi ko kayang ipagpaliban ang aking misyon. Ngunit hindi ko rin mapapabayaan ang kaharian!”364Please respect copyright.PENANAPkzjF20L6u
364Please respect copyright.PENANAblNkv6Q1hf
“Tama ka… mas lalaki lang ang apoy sa Midnia kung hindi ka aalis. At wala na rin naman akong magagawa kung iyan ang iniisip mong kailangang mangyari. Ikaw lamang ang tanging taong alam kong may puro at tapat na pagmamahal sa bayan.”364Please respect copyright.PENANA3haVjmFhiV
364Please respect copyright.PENANA85kE7BzpBI
“Salamat, papa… sa lahat.” Hinalikan ni Tydel ang noo ng hari.364Please respect copyright.PENANA77aNFWTcKc
364Please respect copyright.PENANApM5WMvJYMO
Tumakbo si Tydel papalabas ng kwarto nang may luha sa kanyang mata, habang lumalabo ang kanyang paningin at unti-unting namumula ang paligid. Sa kanyang likuran, narinig niya ang pagbagsak ng gintong korona ng Midnia. Iniisip niya kung ano ang kanyang iniwanan, ang kanyang isinuko, para lang maging bayani ng bayang bumabagsak na. Manghihinayang kaya siya sa kanyang desisyon?364Please respect copyright.PENANA6iJzu1uZYZ
364Please respect copyright.PENANAoYVFax4rAv
Nang may mabilis na pagtibok ng puso, tumalon ang Haring Tydel mula sa bintana. Palabas ng palasyo, papunta ng kagubatan; paalis ng kaharian.364Please respect copyright.PENANAcss1AObc88
364Please respect copyright.PENANAjlxPdOgeli
- - - 364Please respect copyright.PENANAUdQIR2mtCI
364Please respect copyright.PENANA2AteCd6FFL
"Patay na ang hari." 364Please respect copyright.PENANAisSJetUCOh
364Please respect copyright.PENANA843UU6MaO5
Sa kaguluhang nangyayari sa kabilang dulo ng kagubatan, hindi na ipinakita ni Abracosa ang tunay niyang naramdaman.364Please respect copyright.PENANAfAo9H4C71C
364Please respect copyright.PENANAR5B4H6RE88
"Oras na rin ng kanyang pahinga." bulong ni Abracosa.364Please respect copyright.PENANAFBjmaPe8Jy
364Please respect copyright.PENANAfhkByjltNT
"Ama… bakit kailangang ngayon mangyari 'to?" Luha ni Tydel habang ibinabagsak ang kanyang mga gamit sa buhangin. Nagningning ang tubig dagat ng pula at ginto sa mga apoy ng Teccao.364Please respect copyright.PENANABw0O9iK1sI
364Please respect copyright.PENANA4kHNlsDWND
"Wala nang oras para damdamin ang nangyari. Wala nang maiiba. Kailangan nalang nating umusad." 364Please respect copyright.PENANAJHlWc91tIR
364Please respect copyright.PENANAN0fihaElbz
Mula sa tubigan ay pinaangat ni Abracosa ang isang malaking makinang tawag nilang submarino.364Please respect copyright.PENANAX6AwG0gy1F
364Please respect copyright.PENANAWHA19we5uo
"Ito ang sasakyan mo papuntang Teccao. Nakasaad na ang ruta niyan, kailangan mo nalang maghintay. Ang kadiliman ng tubig ang kaibigan mo sa panahon mo sa ilalim. Sa pagbagsak mo sa mga lupain ng kaharian ay darating na rin ang mga bangka nila. Mag-ingat ka. Huwag kang magpapakita sa kahit kanino." paalala ng matanda.364Please respect copyright.PENANA4MBP4yiC32
364Please respect copyright.PENANABGdLCY7e7m
"Ama… Mag-ingat rin kayo."364Please respect copyright.PENANAO8Eq9CX6sV
364Please respect copyright.PENANAccw46rk6eq
"Pinoprotektahan tayo ni Inang Kalibutan. Huwag kang mag-alala."364Please respect copyright.PENANA17hEtqZCGa
364Please respect copyright.PENANA3RS6R5mwqT
Mula sa leeg ni Abracosa ay tinanggal ang isang kuwintas na yaring kahoy at dahon. Napunta ito sa mga kamay ni Tydel.364Please respect copyright.PENANACJujV9Acgt
364Please respect copyright.PENANAiSUrJmSNZh
"Palagi mong tandaan, Tydel," pinatuloy ni Abracosa. "Hindi tumitigil ang pagmamahal ng Ina sa atin."364Please respect copyright.PENANA0wHyL8pB76
364Please respect copyright.PENANAgHsq6ewqE0
Sinuot ni Tydel ang kuwintas. Sa segundong nagdikit ang kahoy nito at ang balat niya, tila nagkaroon ang bata ng kakaibang lakas at galak na matapos ang misyon. Lumiwanag nang kaunti ang kanyang paningin, nawala ang dilim ng gabi. Nagkaroon ng munting kinang ng pag-asa ang kanyang puso. Sa iilang saglit ay naramdaman ni Tydel na mayroon siyang kakayahan at kapangyarihan na ipagpatuloy ang landas. Hindi na muling lalabo ang kanyang pagtingin sa abot-tanaw. Malinaw ang tagumpay.364Please respect copyright.PENANAxE7R9Sv1QH
364Please respect copyright.PENANAYTAy8oOGSY
"Salamat, Ama, sa lahat ng itinuro at ibinigay mo sa akin. Hindi kita bibiguin."364Please respect copyright.PENANAUIbI02irCR
364Please respect copyright.PENANAhomDlwhGFA
"Tydel, sa simpleng pagtapak mo sa labas ng palasyo, tinanggal mo na ang lahat ng mga duda ko. Nagtagumpay ka na sa aking mga mata."364Please respect copyright.PENANAfYU1JYGsoE
364Please respect copyright.PENANAtkykeNRz4n
Ngumiti si Tydel, isang munting ngiti ngunit taos-puso at totoo. Kay tagal nang nakalipas mula noong huli itong nakapiling ng puso niya.364Please respect copyright.PENANAHtOSNn00TL
364Please respect copyright.PENANAco3TYm47Ls
Sa pagsakay ng bagong hari sa submarino, wala nang nagpabigat pa sa kanyang damdamin. Handa na siya, kahit na pininturahan ng luha't dugo ang daang kanyang tatahakin. Walang pag-aalinlangan niyang hinanda ang makina.364Please respect copyright.PENANALpCxnZp40T
364Please respect copyright.PENANAYSHsnAXTju
Unti-unting lumubog ang submarino, palalim nang palalim hangga't ang tanging yumayakap sa kanya ay ang kadiliman. Ngunit hindi nakaramdam ng takot si Tydel. Malakas ang loob niya na malalagpasan niya ito.364Please respect copyright.PENANA9lVf96uxqD
364Please respect copyright.PENANAW5oDEZ9Qti
Umandar na ang makina, palayo ng kaharian.364Please respect copyright.PENANAVW1GeX65Nu
364Please respect copyright.PENANAbH75RhoFXx
Sa likuran, tiningnan ng bagong hari ang iniwanan niyang kaharian mula sa ilalim ng tubig. Ang ilaw sa maitim na gabi.364Please respect copyright.PENANATGrXiAcRB0
364Please respect copyright.PENANA7C383TtgCI
Nagsusumikap ang mga sundalo ng Midnia na labanan ang mga pumapasok na kabalyerong Teccian. Tila namula na ang mga pader ng mga gusali sa mga talsik ng dugo. Nangibabaw ang ilaw ng mga apoy na sinunog ang pag-asa ng bayan. Sa ere ay may mga barkong lumilipad, inulanan ng bomba ang mga depensa ng Midnia. Patuloy pa rin ang laban, at walang umatras sa mga Midnian. Tinadtad ng bala ang mga barko, sinaksak sa puso ang mga Teccian, at tinulungan ang mga manggagawa na tumakbo paalis ng gulo. Nananalo ang Midnia, ngunit kung sa huli ay putol ang kanilang paa, walang mauwiang pamilya, ano pang silbi ng giyera?364Please respect copyright.PENANA00nh5IAU9y
364Please respect copyright.PENANAmjmqVdejue
At ang nasa isip ni Tydel, ay ang kanyang pagkawalang-imik sa nangyari. Pero, hindi na niya kayang tumalikod. Paabante lang ang kanyang galaw.364Please respect copyright.PENANAikSTMzq8Ic
364Please respect copyright.PENANArGzoY6JFou
"Paalam, Midnia."364Please respect copyright.PENANA9xWJHOoy7U
364Please respect copyright.PENANAgNuFadn7WY
Ito na ang huling tingin ni Tydel sa kanyang iniwanang kaharian. Kung siya ma'y makabalik, ibang lugar na ang kanyang mauuwian.364Please respect copyright.PENANAForPfdTfUw
364Please respect copyright.PENANAkXmoL5Ssnl