Warning!396Please respect copyright.PENANAKWPg7JZe9I
This story contains themes and scenes about suicide and violence such as verbal, emotional, and physical abuse. If you think your mental health can be affected, please refrain from reading my story. You have been warned! Read at your own risk.396Please respect copyright.PENANAcmC8gR3diT
This is still raw and unedited. So expect grammatical and typographical errors along the way. Beware of foul words as well.396Please respect copyright.PENANAdCapPyMu2y
Thank you!396Please respect copyright.PENANAEVvzu7YKuW
|396Please respect copyright.PENANA865669RJmI
👽396Please respect copyright.PENANA7fGzoUwNB8
396Please respect copyright.PENANANJskjo8rZi
Taong 1900's396Please respect copyright.PENANAHnr6WjXret
396Please respect copyright.PENANArxacbjsmkl
Maulan na hapon ang bumuhos sa kaninang maaliwalas na tanghali.396Please respect copyright.PENANA4E7rF9FK9b
396Please respect copyright.PENANAcUs6d05D8p
Maya't maya ay kukulog at susundan naman nang mabibilis at matutulis na kidlat. Malamig at malakas ang hangin na mula sa silangan. Bumabagyo man ang panahon, maraming tao pa din ang nasa kalye. May mga naglalakad na tila namamasyal lang sa parke. May iba namang animo'y nakikipag-unahan sa bawat patak ng ulan.396Please respect copyright.PENANAQvd2F3kTwm
396Please respect copyright.PENANAS4lm9jwjW9
Tulad ng iba, nagmamadali din si Herne na makarating sa kanyang pupuntahan. Yakap ang maduming manikang kuneho, hindi niya alintana ang panganib na dala ng panahon. Balot siya ngayon ng kapoteng itim, na sobrang laki para sa kanyang maliit at payat na katawan.396Please respect copyright.PENANAePrw3xqY6O
396Please respect copyright.PENANAbXR5Olf2qL
*"Sana nandoon pa siya,"* bulong niya sa sarili at saka hinipan ang dalawang palad na kanina pa namumutla. Namumula na ang kanyang noo at pisngi habang buhat ang mga balikat sa bawat paghinga. Gaano na ba katagal siyang tumatakbo? Anong oras na? Kailangan ay nakauwi na siya bago sumapit ang gabi. Hindi dapat malaman ng kanyang kuya na umalis siya ng bahay.396Please respect copyright.PENANA0vppFFHoIn
396Please respect copyright.PENANAZp3aSlxO7D
"Pisting bata 'to! Hoy!"396Please respect copyright.PENANA8vGKo1a8NA
396Please respect copyright.PENANAeUqAnwfAE5
Nanginginig na bumangon si Herne mula sa pagkakadapa at nilingon ang pinagmulan ng boses. Umupo siya at napayakap nang mahigpit kay Kirarin nang makita ang halimaw sa kanyang likuran. Hindi na niya nagawang tumayo.396Please respect copyright.PENANARdSBTZvO3c
396Please respect copyright.PENANAqAStWchmog
Kaaya-aya naman ang pananamit ng matabang ale, kaso napakatapang ng hitsura nito. Makapal ang suot niyang make-up, magkasalubong ang mga kilay, masama ang tingin, at may malaking nunal pa sa gilid ng kaliwang butas ng kanyang ilong.396Please respect copyright.PENANAATt8AZlcRj
396Please respect copyright.PENANA117OhKEovR
"Tingnan mo ang ginawa mo!" Tinuro ng ale ang lugar sa kanyang paanan. Nakakalat na ngayon sa tabing kalsada ang kanyang mga pinamili. Matulin ang takbo ni Herne kanina at hindi niya napansin na may masasagi siya.396Please respect copyright.PENANA5oNJtVmJE0
396Please respect copyright.PENANANuSSIerPvY
"Perwisyo kang bata ka!" Mariing napapikit si Herne nang biglang sipain ng ale ang basang sahig. Tumalsik ang mga putik sa suot niyang kapote.396Please respect copyright.PENANAsWq3tfZbk6
396Please respect copyright.PENANA5fhTXdpwx4
"P-Pasensya na po! Hindi ko po sinasadya!" mangiyak-ngiyak niyang paumanhin.396Please respect copyright.PENANAmXQizMSLv0
396Please respect copyright.PENANA3n3oB9Vcgq
Imbis na maawa o magpatawad, mas lalo lamang nainis ang ale. Napisil nito ang hawakan ng pulang payong nang makitang pinupulot na ng bata ang kanyang mga pinamili. Yumuko siya at hinablot ang mga iyon.396Please respect copyright.PENANA1RDvxnGYAX
396Please respect copyright.PENANAmQb4w1YP9A
"Umalis ka na! Baka may ibulsa ka pa!" Isa-isang binawi ng ale ang kanyang mga hawak. "Kunwari madadapa, iyon pala may nakakawin. Punyeta! Akala mo hindi ko alam mga galawan ninyo na ganyan?!"396Please respect copyright.PENANAm1OLFBbOmc
396Please respect copyright.PENANAP5yvEkShm2
Napalunok nang mapait si Herne. Pinanganak siyang mahirap, pero hindi niya ni minsan naisip magnakaw. Kahit sa ano pang paraan.396Please respect copyright.PENANAjRm4KZwGg1
396Please respect copyright.PENANAjc8D8mBCUp
"Ano pang tinitingin-tingin mo diyan! Alis na! Baka gusto mong tumawag pa ako ng pulis?!" Sumikip ang dibdib niya at tumindig ang kanyang mga balahibo nang marinig ang salitang 'pulis.' Sumagi kaagad sa isipan ni Herne ang kuya at ang kaligtasan nito. *Sana ayos ka lang, Kuya!*396Please respect copyright.PENANAFsQp0OL9In
396Please respect copyright.PENANA7ULdwngf3N
Tulad ng pusang hinahabol ng malaking aso, dali-dali siyang umalis sa harapan ng ale habang pinagtitinginan siya ng maraming tao. Hindi niya napigilang maiyak dala ng emosyon at takot na baka tumawag nga ng pulis ang ale. Bagama't sanay na sa ganitong trato, hindi maikakailang siyam na taon pa lamang siya. Sanay man pero hindi ibig sabihin, hindi na siya masasaktan.396Please respect copyright.PENANASR1HHqQQpt
396Please respect copyright.PENANAUFMbxDCJiQ
Kumatok si Herne sa pinto at nagtanong kung may tao ba sa bahay.396Please respect copyright.PENANAyhdeJwwBJE
396Please respect copyright.PENANAQSityAhb1V
Luma at maliit lamang ang kubo na ito na matatagpuan ilang kilometro ang layo mula sa kanilang bayan. Sinasabing dito daw nakatira ang magaling na albularyo.396Please respect copyright.PENANAcxUYKgUNEW
396Please respect copyright.PENANAdk78TkCs2N
Kwento pa ng mga tsimosa, gumagamit daw ito ng kakaibang mahika sa kanyang panggagamot. Ang albularyo lang naman ang laman ng mga kwentuhan ng kanilang mga kapit-bahay. Nakauwi na ito mula sa mahabang paglalakbay. Nakaugalian na daw kasi ng albularyo na maglakbay at ilang buwan pa bago muli itong babalik.396Please respect copyright.PENANAbGhxbiJ2I8
396Please respect copyright.PENANALDyqEzzomj
Kumatok ulit si Herne at muling tumawag. Ngunit tulad kanina, tanging buhos ng ulan lamang ang sumagot sa kanya. Nilingon niya ang buong paligid, nagbabasakaling may makita siyang tao, o iyong albularyo.396Please respect copyright.PENANAJOlu9FAOiv
396Please respect copyright.PENANAImtnTBWqao
Sa tapat ng bahay matatagpuan ang rumaragasang ilog at sa itaas naman ang sementadong tulay. Ito ang nagdudugtong sa kanilang bayan patungo sa kasunod pang bayan ilang kilometro ang layo mula dito.396Please respect copyright.PENANAlyIz1AwP7S
396Please respect copyright.PENANA7oC5llekRB
Patuloy lamang ang pagsama ng panahon. Kahit sariling katawan niya ay hirap ng bigyan siya ng sapat na init. Kanina pa mabigat ang kanyang pakiramdam na kanyang tinitiis. Oras na ba para sumuko na lamang at kalimutan ang kanyang pinunta dito?396Please respect copyright.PENANAE7DdnCdpwh
396Please respect copyright.PENANAaq0ahShvRE
*Hindi pwede! Kailangan kong makita ang albularyo! Baka natutulog lang siya! Lalaksan ko na lamang ang mga katok ko at sigaw!*396Please respect copyright.PENANA2z70k2Zr0q
396Please respect copyright.PENANAJj5n42kxMm
Malakas ang ispirito, ngunit mahina ang katawan ng tao. Hindi na ganoon kalakas ang kanyang bawat bigkas. Paos na siya at mahina na kaysa sa normal niyang boses. Subalit, walang makapipigil sa kanya.396Please respect copyright.PENANAARotaN6UOA
396Please respect copyright.PENANAXLHplHMRhR
"Tao po! May tao po ba dito?! Tao po! Tao po!" Kinakalampag na niya ang pinto na para bang nakadepende dito ang kanyang buhay.396Please respect copyright.PENANA7UazisCVSC
396Please respect copyright.PENANAIjwASLxrqk
Hindi niya namamalayan, may isang pares ng paa ang humakbang papalapit sa kanyang likuran. Tumigil ito ilang metro ang layo nang mapansin ang kanyang presensya.396Please respect copyright.PENANAnp6nd5XwTa
396Please respect copyright.PENANA8NetA5lthv
"Hoy! Luma na 'yan, sisirain mo pa! May pambayad ka ba para diyan?!"396Please respect copyright.PENANA4YMKmsmkSn
396Please respect copyright.PENANAzOYycozI6n
Napaigtad at napahinto si Herne sa lakas ng boses na narinig. Napa-atras siya at nilingon ang nagsalita. Bumungad sa kanya ang mga nanlilisik na titig ng isang matanda.396Please respect copyright.PENANAnvT24hKaYE
396Please respect copyright.PENANAxKVLeFBRrq
Maputla at kulubot na ang balat ng lolo. Maputi na din ang kanyang mga buhok mula sa kilay hanggang sa kanyang mahaba at makapal na balbas. Nakabalot ito ng kapoteng itim. Ngunit hindi tulad niya, tamang-tama lamang sa matanda ang sukat nito. Paika-ika itong lumapit sa kanya at sa pinto ng bahay.396Please respect copyright.PENANAAHR7r0MdbO
396Please respect copyright.PENANAWxH9J7byS9
"Wala akong panahon para sa mga bata. Umalis ka na!" ani ng matanda. Pero hindi nagpatinag sa kanyang takot si Herne. Nanatili siyang nakatayo sa gilid, yakap si Kirarin. Dinig niya mula dito ang kalansing ng bakal. Ngayon lamang niya napansin na nakakandado pala ang pinto.396Please respect copyright.PENANAbl8o4yJ3dA
396Please respect copyright.PENANAHawYJK4qJ1
Tumapak na papasok ang lolo at akmang susunod sana si Herne nang harangin siya bigla. Naka-abang ang isang braso nito sa harapan niya. Muling napa-atras si Herne. "Anong kailangan mo? Bingi ka ba?"396Please respect copyright.PENANAPhAppPoIsn
396Please respect copyright.PENANAYQOAo8vVpR
Tumama ang kanilang mga mata at napagmasdan ng lolo ang hitsura ng bata. Walang tigil ang panginginig nito sa kanyang harapan, habang yakap ang asul na manikang kuneho. Sa kabila ng pamumula ng pisngi at noo dala ng malamig na panahon, hindi maitatago ang kakaibang pamumutla ng balat ng bata. Maski ang labi nito ay namumuti na din.396Please respect copyright.PENANApwL2tASkvT
396Please respect copyright.PENANAYcRJ3aC7rw
"May sakit ka." Hindi iyon isang tanong, bagkus isang kumpirmasyon.396Please respect copyright.PENANAGHNkKAO7Nh
396Please respect copyright.PENANAAjqzsO36sh
Tumango si Herne. "P-Paano niyo po nalaman?"396Please respect copyright.PENANArBKN0z3otw
396Please respect copyright.PENANA9KxCmCLais
"Pumasok ka." Binuksan na nang husto ng lolo ang pinto para makapasok siya.396Please respect copyright.PENANAFtZo5j3JA2
396Please respect copyright.PENANARhCq28Au9F
"Kayo na po ba ang albularyo?"396Please respect copyright.PENANAgMKNbtF74V
396Please respect copyright.PENANAbFxSYi0E3j
"Isabit mo ang iyong kapote at umupo ka malapit sa apoy," utos ng matanda matapos niyang sindihan ang kanyang malaking dapugan. Hindi niya sinagot ang tanong, bagkus iniwan niya si Herne sa tapat noon.396Please respect copyright.PENANA8xL2kTgeb6
396Please respect copyright.PENANAql0zcVfkny
Walang imik na sinunod naman ni Herne ang kanyang utos. Sandali lang ay dumating na siya dala ang isang upuang yari sa kahoy at tuyong tuwalya.396Please respect copyright.PENANATpMr5tf6rn
396Please respect copyright.PENANAnzEvmaRPhD
Umupo sa upuan si Herne at saka pinunasan ang basang katawan gamit ang tuwalyang inabot nito sa kanya.396Please respect copyright.PENANAMmYbc8VVFe
396Please respect copyright.PENANAscpnEsdk0n
"Batid kong malubha na ang iyong karamdaman. Hindi ko alam kung matutulungan pa kita." Tila isang daang kutsilyo ang muling sumaksak sa kanyang dibdib. Nanlambot ang kanyang mga braso at nanigas ang kanyang panga. Mapait siyang napalunok, pinipigilan ang mga luha. Ito na talaga ang katotohanan, hindi na siya makakatakas pa sa tawag ng kamatayan.396Please respect copyright.PENANAq1BMjXlBkg
396Please respect copyright.PENANAoaS7xKxiHX
*Pero si Kuya!*396Please respect copyright.PENANAjss6nLsavf
396Please respect copyright.PENANA7WwLYkDeYX
Nabuhayan siya ng loob nang maalala ang nakatatandang kapatid. May pag-asa pa para sa kanyang kuya. Naniniwala siya.396Please respect copyright.PENANAwyOQtvGPAo
396Please respect copyright.PENANA0k4Bo0Fd46
"Ang kuya ko po! Gusto ko pong pagalingin ninyo ang kuya ko!" Nagmamaka-awa ang kanyang boses. Nakita niya ang albularyo sa lamesa nito, abala sa ginagawa.396Please respect copyright.PENANALSxxgVWw8d
396Please respect copyright.PENANAjKV3Pn2cfU
"Wala po siyang karamdaman, subalit . . . " Napasilip sa kanya ang matanda nang bigla na lamang siya tumigil. Nakita siya nitong nakayuko at niyukom ang mga kamay hawak ang puting tuwalya sa itaas ng kanyang mga hita.396Please respect copyright.PENANAwR4NkHTcxV
396Please respect copyright.PENANAm2SA0uydCj
"Hm, bakit?"396Please respect copyright.PENANAK8EY9VllYU
396Please respect copyright.PENANAiIb0XfxxZm
Umiling-iling siya at suminghot. "Hindi ko po alam, pero natatakot na ako kapag kasama ko siya. Lalo na kapag hawak niya ang kutsilyo. Tumatawa siya ng mag-isa at minsan kinakausap niya pa ang sarili."396Please respect copyright.PENANA14GR8UpMBu
396Please respect copyright.PENANAZFC5x75LLb
Nanatiling tahimik lang ang matanda. Nakikinig.396Please respect copyright.PENANAjkgrku6cN0
396Please respect copyright.PENANAZ2MR887A2t
"Gabi na siya umuwi at lagi siyang may dala. Kung hindi pagkain, minsan naman pera. Masama po ang kutob ko, may mali sa kanya. Sana po matulungan ninyo ako!"396Please respect copyright.PENANA7ohD9x7nzL
396Please respect copyright.PENANAT1Jrx91eFU
Lumapit si Herne sa lamesa at muling nagmaka-awa. Nilapag niya sa harapan ng lolo ang isang maliit na bag. Kumilansing pa ang laman nito sa tablang mesa.396Please respect copyright.PENANApNmbJsjLgR
396Please respect copyright.PENANAnqvikQrrNU
"Sana po ay sapat na ito pambayad."396Please respect copyright.PENANAF3nK7QkV37
396Please respect copyright.PENANAPbanf9VTwt
Kinuha ng matanda ang bag at saka sinilip ang loob. Halo-halong barya at perang papel ang laman nito. Nagpasalit-salit ang kanyang tingin sa batang babae at sa pera.396Please respect copyright.PENANArWxu5E6qnS
396Please respect copyright.PENANADmh04MctNX
"Sabihin mo nga, alam ba ng kuya mo-"396Please respect copyright.PENANAdkNV7adnay
396Please respect copyright.PENANAUNskRwxjIo
"Hindi niya dapat malaman!" Napasinghap si Herne nang marinig niya ang kanyang sarili. Gulat na napatitig sa kanya ang lolo dahilan para mapayuko siya sa hiya.396Please respect copyright.PENANAYFNXwH7E0N
396Please respect copyright.PENANAfFEwyhCYQ6
"Ayaw ko malaman ni Kuya." Sandaling napakagat siya sa labi. Ngayon, kalmado na ang kanyang boses. "Alam kong magagalit siya sa akin 'pag nalaman niyang . . . pinag-iisipan ko siya ng masama. Pero, para din po ito sa kanya!"396Please respect copyright.PENANA6Dm8oDtFfP
396Please respect copyright.PENANA3pzQ5pdWBR
Nagkaroon ng panandaliang katahimikan. Hanggang sa maramdaman ni Herne ang pagkilos ng lolo. Inangat niya ang ulo at nakita niya ang bag na kanyang binigay kanina. Sinasauli ito ng lolo.396Please respect copyright.PENANAWEQ3wgGPyZ
396Please respect copyright.PENANAIZjK523gp0
"Hindi ko kailangan ng pera mo." Hindi niya ba siya tutulungan?396Please respect copyright.PENANAeJYUNcJczq
396Please respect copyright.PENANAFqpJpcQbvc
"Pero-" Nagsimulang magtubig ang mga mata ni Herne. Seryoso at malamig ang tingin ng matanda sa kanya.396Please respect copyright.PENANALPwoGXdXr7
396Please respect copyright.PENANAfMxxKC8bE8
"Bago ang lahat, akala ko ba naparito ka para sa iyong karamdaman. Subalit, heto ka, humihingi ng tulong para sa kapatid mong alam mo ay wala namang sakit. Sa tingin mo ba ay matutulungan kita?"396Please respect copyright.PENANADHs3zLeBhg
396Please respect copyright.PENANAtFk6OxcMtp
Humigop ng lakas si Herne. Wala na siyang matatakbuhan. Ito na lang ang kanyang huling pag-asa. Hindi siya susuko. Hindi siya uuwi. Niyukom niya ang mga kamay at binagsak sa taas ng lamesa.396Please respect copyright.PENANAoy0tgyg1Fh
396Please respect copyright.PENANAfYedM1QdtY
"Sabi daw po kaya niyo magpagaling gamit ang mahika! Kahit kwentong-kalye lang iyon, naniniwala po ako!"396Please respect copyright.PENANATZr5RIYtmO
396Please respect copyright.PENANATpy3MeuBh5
"Hindi ba dapat, mas ikaw pa ang nangangailangan ng mahika kaysa sa kuya mo? Ganoon na lamang ba ang takot mo sa kanya at gusto mo siyang magbago?396Please respect copyright.PENANAXJlIPFNm30
396Please respect copyright.PENANAcBbl3KbVmn
"Ayaw ko po siya magbago." Mariing napailing si Herne. Nagbabadya na ang kanyang mga luha. "Gusto ko po siyang gumaling!"396Please respect copyright.PENANAXlhSawxsxm
396Please respect copyright.PENANALhMkWGdaSn
"Ikaw na din ang may sabing wala siyang sakit. Hindi ba? Sabihin mo nga sa akin ang totoo, iha. May sakit ba ang kuya mo o wala? Nababaliw na ba siya o hindi? Siya pa rin ba ang kuya mo, o nagbago na siya ng pagkatao? Sabihin mo sa akin, nang maliwanagan ako."396Please respect copyright.PENANAHnjQ1EINNO
396Please respect copyright.PENANAeOFfjVlGGh
Kahit sa lamig ng panahon, hindi ito umobra sa init ng hangin sa pagitan ni Herne at ng matanda. Tumulo na ang mga luha ng bata.396Please respect copyright.PENANAHLU26yS9ZZ
396Please respect copyright.PENANAgFm2tZApkc
"H-Hindi na po siya ang kuya ko. Gusto ko pong bumalik siya sa dati!" Tuluyan nang nagpakawala ng isang malakas na hagulhol si Herne. Mga emosyon ito na naghalo-halo na at ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataong ilabas lahat.396Please respect copyright.PENANAjXCF8JE91a
396Please respect copyright.PENANAK4tFpXl4iE
"Mabuti. Tama 'yan. Ngayon, matutulungan na kita." Tumayo sa kanyang kinauupuan ang lolo at nilahad ang isang kamay sa harap niya. "May gamit ka ba diyan na pagmamay-ari mo?"396Please respect copyright.PENANAi85bBk8cd9
396Please respect copyright.PENANA7cDZELqaP9
Suminghot siya at nagpunas ng mga luha. Pinakita niya ang pinakmamahal na manikang kuneho. "Si Kirarin po?"396Please respect copyright.PENANAtv4QCmDHq2
396Please respect copyright.PENANAEE883euD18
"Pwede na 'yan."396Please respect copyright.PENANAALMf7ju8rS
396Please respect copyright.PENANAosjNcHOEq6
Hindi nagtagal, pinauwi na ng albularyo si Herne. Lumabas siya ng bahay nito suot ang kanyang mahabang kapote, bitbit pa ang bag na laman ng pera.396Please respect copyright.PENANA2Q3igJPFvq
396Please respect copyright.PENANAKFalikrVp4
Isang hakbang pa lamang siya palayo sa pinto nang mapahinto siya. Nilingon niya ito at saka huminga nang malalim. *Wala ng atrasan!* Pinunasan na niya ang mga natirang luha gamit ang palad.396Please respect copyright.PENANABzyJtOMTIH
396Please respect copyright.PENANAlCv5L4FgMz
Tumungo na siya paalis, dala ang pag-asang matutupad din ang matagal na niyang nais. Muli niyang sinuong ang masungit na panahon ng mag-isa.396Please respect copyright.PENANAe7ODAL4R6z
396Please respect copyright.PENANAOsRdH8Noeb
Kahit pa masalimuot ang naging kahapon, hindi imposibleng maging mabuti ang kalalabasan ng bukas. Lahat posibleng mangyari. Walang imposible. Ganoon pa man, hwag din kakalimutan ang pagdating ng mga bagay na hindi inaasahan. Nasa huli ang pagsisisi.396Please respect copyright.PENANAiy4AjiJftI
396Please respect copyright.PENANAMJGaEgMvmS
Ito ang laging umiikot sa kanyang isipan, lalo na noong naging ulila na sila ng kapatid.396Please respect copyright.PENANAf5gxs31Gd3
396Please respect copyright.PENANAS9IYH9TJuW
Batid niya ang lubha ng karamdaman nito. Kahit hindi man ito nagkukwento sa kanya, hindi nagsisinungaling ang mga mata at maging ang mga kinikilos nito.396Please respect copyright.PENANAOFnGyChXrL
396Please respect copyright.PENANAPJ2UQdkbbR
Alam niyang darating ang araw na iiwan na siya ng kapatid, pero hindi niya inaasahang ngayon na ang araw na iyon.396Please respect copyright.PENANAUHfbxbOAv0
396Please respect copyright.PENANAGxxKx5zb9U
Hindi siya nakapaghanda. Hindi man lang siya nakapagpaalam. Hindi man lang siya nito hinintay.396Please respect copyright.PENANAQ9GiceuLPZ
396Please respect copyright.PENANAtFr1nmTMIP
"Pasensya ka na, Herne." Lumuhod siya sa harap ng puntod ng kapatid na siya lang ang gumawa. 396Please respect copyright.PENANADgs5oyAwbO
396Please respect copyright.PENANAiF5bYYIk6T
Binalot niya lang sa kumot ang mga labi ng kapatid. Hinukayan ng malilibingan sa lupa, at saka tinabunan ng putik. Lupang tuyo sana ito, kung hindi lang naisip ng langit umulan.396Please respect copyright.PENANAF0F57BaVsb
396Please respect copyright.PENANABvtqJA4ENf
"Ngayon lang ako ulit nakabili." Nilapag niya sa bandang ulunan ang isang supot na laman ng iba't ibang uri ng kendi. Ang laging paboritong pasalubong ng kapatid mula sa kanya.396Please respect copyright.PENANAUrgWfmu5bb
396Please respect copyright.PENANAArJSXd4wfw
Ikiniskis niya ang mga ngipin at walang habas na binunot ang mga nananahimik na damo sa paligid. Naiinis siya sa sarili. Kung saan pa wala na ang kanyang kapatid, ngayon lamang niya nabili ang paboritong pagkain nito.396Please respect copyright.PENANA7YxAeUNGca
396Please respect copyright.PENANAWe4UU7fqge
Kung, nagawa niya lang nang maayos iyong 'trabaho' niya. Hindi sana tumagal ang pagbigay sa kanya ng sahod. Dapat sana matagal na niya nabili ang mga kendi.396Please respect copyright.PENANAfRhNFi8ED5
396Please respect copyright.PENANAfCPnerD5JL
Ngayon, sino na ang dadalhan niya ng pasalubong? Para saan pa ang saysay ng kanyang buhay? Para kanino pa niya ilalaan ang kanyang mga sakripisyo?396Please respect copyright.PENANANfgx0jWJ4I
396Please respect copyright.PENANAswxwwhDMr4
"Ikaw ba si Bazilien?"396Please respect copyright.PENANATL7XCQZHwb
396Please respect copyright.PENANAmtDabN7RGh
Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis pa sa alas-singko siyang tumayo mula sa pagkakaluhod. Patalon siyang umatras palayo mula sa taong ngayon niya lang nakita. Nakatago ang isa niyang kamay sa likod habang nagmamatyag sa susunod na kilos ng bagong dating.396Please respect copyright.PENANAy2rvQss0qt
396Please respect copyright.PENANA1A8Illhurx
"Sino ka?! Anong ginagawa mo dito?!" Matalas ang kanyang tingin ngayon sa matandang lalaki. Maputi na ang mga buhok at kulobot na ang balat. Tulad ng kanya, pinagtagpi-tagpi din ng iba't ibang tela ang kasuotan nito.396Please respect copyright.PENANA5mwua1QMsO
396Please respect copyright.PENANAoOXg2Hxnk7
"Huminahon ka, iho. Isa lang akong matandang albularyo." Bumaling ang tingin ng lolo sa lupang nakatumpok sa kanilang harapan. Napansin din nito ang supot ng mga kendi sa bandang uluhan ng puntod. "Nakikiramay ako sa iyo. Parang kailan lang noong pumunta siya sa akin-"396Please respect copyright.PENANA3IWNWN0kJ2
396Please respect copyright.PENANAlZTvyZDSQI
"Anong ginawa mo sa kapatid ko?!" sigaw ni Bazilien magmula sa kailaliman ng kanyang baga. Kinapa na niya ang patalim na nakatago lamang sa kanyang likod, sa loob ng kanyang damit.396Please respect copyright.PENANAhuhwmkel3i
396Please respect copyright.PENANAqGHlljxcyI
"Kung tungkol lang sa pagpatay, alam mo sa sarili mong marami ka ng kinitil na buhay." May kinuha ang lolo sa loob ng kanyang suot.396Please respect copyright.PENANATbUfIITEr6
396Please respect copyright.PENANA9sxxGKiibh
"Huh? Paanong?!" Hindi alam ngayon ni Bazilien kung saan siya magugulat at kung ano ang unang aalamin. Kung paano nasabi ng matanda ang sinabi. O, kung paano hawak nito ngayon ang manikang kuneho.396Please respect copyright.PENANAQ8oi10pqNf
396Please respect copyright.PENANAfYBe8KGR2x
"Kirarin? Bakit . . . nasayo si-?"396Please respect copyright.PENANApaSJ4O8kge
396Please respect copyright.PENANAf9kos2aN2j
"Hindi ba? Ikaw din ang pumatay sa sarili mong kapatid!"396Please respect copyright.PENANAwZRa33xV9m
396Please respect copyright.PENANAOmnQNnKrux
Natigilan siya sa kanyang mga narinig. Nanlalamig ang kanyang mga palad, at nararamdaman niya na ang pagbuo ng mga butil ng pawis sa kanyang noo. 396Please respect copyright.PENANAgQ2cB40S4H
396Please respect copyright.PENANA3gfP1oOgvI
Anong pinagsasabi ng lolo na ito? Ano ang kanyang pruweba? Nagkakamali lang siya, hindi ba? Gumagawa lang siya ng kwento, tama ba?396Please respect copyright.PENANA99xq3OQzUj
396Please respect copyright.PENANASCPGTXrT9e
Dahil malinaw pa sa umaga niyang nakita ang malamig na bangkay ng kapatid sa kama. Kabisado niya pa ang alaalang nangyari kanina lamang umaga. Hindi na niya naabutang buhay ang kapatid. Patay na ito pagkarating niya.396Please respect copyright.PENANASstFVWTKok
396Please respect copyright.PENANAyXHDpdk4Ku
"H-Hindi totoo iyan! Gusto ko siyang gumaling! Gusto ko siyang mabuhay pa nang matagal!" Nasusuntok na ni Bazilien ang hangin sa kanyang pagwasiwas ng kamao. Animo'y hinahawi ang mga ito na nakaharang sa kanyang harapan.396Please respect copyright.PENANA465Dq10FtF
396Please respect copyright.PENANAGFAw9vdcaa
"Talaga ba? Hindi mo ba alam na presensya mo lamang ay sadyang nakamamatay na para sa kanya?!" Nagsimula ng lumakad palapit sa kanya ang lolo. Hawak nito ang manikang kuneho na pagmamay-ari ni Herne.396Please respect copyright.PENANANfLM15lHlV
396Please respect copyright.PENANAXEg2u8VbKE
"Sinong nagsabi niyan?" Malalim ang tono ng boses ni Bazilien. Hinigpitan niya ang hawak sa patalim na nasa kanyang likod. Sumisikip na ang kanyang dibdib at dumidilim na din ang kanyang paningin.396Please respect copyright.PENANAJcxh7Yop59
396Please respect copyright.PENANAcWQEVplWeU
"Si Herne." Iniangat pa ng matanda ang bitbit na manika para matapatan ang mga mata ng binatilyo.396Please respect copyright.PENANA65YPPqVqTF
396Please respect copyright.PENANAk5K8KOY4rY
"Hindi iyan totoo!" Sumisigaw na ang kanyang puso at isipan. Nanginginig na din ang kanyang mga buto sa matinding emosyong gusto ng kumawala.396Please respect copyright.PENANA2PP2bO1w9u
396Please respect copyright.PENANAGDG2nhBYnY
"Ang kapatid mo ang nagsabi sa akin!"396Please respect copyright.PENANAIYP6vzbYMI
396Please respect copyright.PENANAzvRhJKreDl
"Tumigil ka na! Hindi 'yan totoo!"396Please respect copyright.PENANAd5sh5M47mN
396Please respect copyright.PENANA5kgSMulDOk
Huli na ang lahat para makaiwas pa ang matanda mula sa nagbabadyang kamatayan. Sinugod siya ni Bazilien hawak ang maduming itak hanggang sa lupa. Nanlaban pa ito para sa sarili niyang buhay, subalit hindi naging sapat ang kanyang lakas.396Please respect copyright.PENANAPml73VgCdF
396Please respect copyright.PENANAbToTQphF2H
"B-Balang araw, pagsi-" Lumunok muna ito saglit. Dumudugo na din ang bibig nito. "-sisihan mong . . . naging kapatid mo siya . . !" Kumapit ang matanda sa isa sa mga braso ni Bazilien. "Dahil sa-sa kanya . . ." Humigop ito ng hininga mula sa ilong. " . . . mabubuhay ka . . . mula ngayon na instrumento lamang . . . at walang ibang nais kundi . . ." Umubo ito ng dugo. ". . . tumago sa dilim!" Tumigil ito saglit para titigan sa mata ang binata. Lumuluha na ito ngayon sa kanyang harapan."Katatakutan mo ang araw ng walang hanggan!"396Please respect copyright.PENANAfqNs5atnBR
396Please respect copyright.PENANAvpbvzsaiG2
Sa kanyang matinding galit, idiniin pa nang husto ni Bazilien ang patalim sa leeg ng matanda.396Please respect copyright.PENANA4XpgyblRjj
396Please respect copyright.PENANAKNw6WFIKad
Sa huli, hindi na ito nakapagsalita pa. Naiwang dilat ang mga namumulang mata. Huminto na din ang paghinga. Hanggang sa umawas na ang malagkit at mainit na likido mula sa napuruhang leeg nito. Mabilis itong kumalat at pinintahan ng kulay pula ang basang lupa.396Please respect copyright.PENANAmly0mQQiLh
396Please respect copyright.PENANAI8uOj58yvQ
Hindi pa siya nakuntento sa ginawa, tinadtad niya pa ang bangkay ng maraming saksak hanggang sa bumigay na ang sarili niyang braso at kamay. Kasabay ng kanyang pagtigil, ang paghinto din ng mga patak ng ulan.396Please respect copyright.PENANAOHupZVKB3y
396Please respect copyright.PENANA7iijnKby69
Tuliro at wala sa sarili siyang tumayo. Muli siyang lumapit sa puntod ng kapatid at saka lumuhod. Itinusok ni Bazilien ang itak na naliligo pa sa dugo sa supot mismo ng mga kendi, bago niya tuluyang nilisan ang lugar.396Please respect copyright.PENANA2qtx9Z9Iqj
396Please respect copyright.PENANAIU2dTTdLJ7
Kasing itim at pula ng mga dugong nakapinta sa kanyang mga kamay ang buong kalangitan noong araw na iyon.396Please respect copyright.PENANAXCDn8nBzbx
396Please respect copyright.PENANARGECvXn273
|396Please respect copyright.PENANA1TIx1w09GW
396Please respect copyright.PENANACmNh9pfmf2
Author: AlienSiOtor 👽396Please respect copyright.PENANAwDbGujeo0I
396Please respect copyright.PENANAtSRRSfUHsI