Warning!394Please respect copyright.PENANAsc7spDbAgE
This story contains themes and scenes about suicide and violence such as verbal, emotional, and physical abuse. If you think your mental health can be affected, please refrain from reading my story. You have been warned! Read at your own risk.394Please respect copyright.PENANAuHuvZ4oLN2
This is still raw and unedited. So expect grammatical and typographical errors along the way. Beware of foul words as well.394Please respect copyright.PENANAySFS8QI94Z
Thank you!394Please respect copyright.PENANA1vyAxqynXG
|394Please respect copyright.PENANAEmDVOXkxVp
👽394Please respect copyright.PENANArhSpvgK04h
394Please respect copyright.PENANAwo4eIyK2OW
Taong 1900's394Please respect copyright.PENANAxifz83qWjR
394Please respect copyright.PENANAJ0uhA87gAj
Maulan na hapon ang bumuhos sa kaninang maaliwalas na tanghali.394Please respect copyright.PENANAmrJGrzAFN3
394Please respect copyright.PENANARCwowt1Fa7
Maya't maya ay kukulog at susundan naman nang mabibilis at matutulis na kidlat. Malamig at malakas ang hangin na mula sa silangan. Bumabagyo man ang panahon, maraming tao pa din ang nasa kalye. May mga naglalakad na tila namamasyal lang sa parke. May iba namang animo'y nakikipag-unahan sa bawat patak ng ulan.394Please respect copyright.PENANAKfE4kWBoY0
394Please respect copyright.PENANAiWvhpr2J8F
Tulad ng iba, nagmamadali din si Herne na makarating sa kanyang pupuntahan. Yakap ang maduming manikang kuneho, hindi niya alintana ang panganib na dala ng panahon. Balot siya ngayon ng kapoteng itim, na sobrang laki para sa kanyang maliit at payat na katawan.394Please respect copyright.PENANACorNZWACXG
394Please respect copyright.PENANATS0qExsCeF
*"Sana nandoon pa siya,"* bulong niya sa sarili at saka hinipan ang dalawang palad na kanina pa namumutla. Namumula na ang kanyang noo at pisngi habang buhat ang mga balikat sa bawat paghinga. Gaano na ba katagal siyang tumatakbo? Anong oras na? Kailangan ay nakauwi na siya bago sumapit ang gabi. Hindi dapat malaman ng kanyang kuya na umalis siya ng bahay.394Please respect copyright.PENANA3KoIxbMqAF
394Please respect copyright.PENANAwpkcS7E9AE
"Pisting bata 'to! Hoy!"394Please respect copyright.PENANAZ0LoTQqkM2
394Please respect copyright.PENANA2859QhfG9l
Nanginginig na bumangon si Herne mula sa pagkakadapa at nilingon ang pinagmulan ng boses. Umupo siya at napayakap nang mahigpit kay Kirarin nang makita ang halimaw sa kanyang likuran. Hindi na niya nagawang tumayo.394Please respect copyright.PENANAhLBEpX5RWT
394Please respect copyright.PENANAhsDcQSfiWi
Kaaya-aya naman ang pananamit ng matabang ale, kaso napakatapang ng hitsura nito. Makapal ang suot niyang make-up, magkasalubong ang mga kilay, masama ang tingin, at may malaking nunal pa sa gilid ng kaliwang butas ng kanyang ilong.394Please respect copyright.PENANAWikyWesB5J
394Please respect copyright.PENANAumfBYgclE4
"Tingnan mo ang ginawa mo!" Tinuro ng ale ang lugar sa kanyang paanan. Nakakalat na ngayon sa tabing kalsada ang kanyang mga pinamili. Matulin ang takbo ni Herne kanina at hindi niya napansin na may masasagi siya.394Please respect copyright.PENANATYFkbivYL3
394Please respect copyright.PENANATbU3MXgKbq
"Perwisyo kang bata ka!" Mariing napapikit si Herne nang biglang sipain ng ale ang basang sahig. Tumalsik ang mga putik sa suot niyang kapote.394Please respect copyright.PENANAUjXQfDTxB2
394Please respect copyright.PENANAOsHlCY3siF
"P-Pasensya na po! Hindi ko po sinasadya!" mangiyak-ngiyak niyang paumanhin.394Please respect copyright.PENANA5iSLVNTGs7
394Please respect copyright.PENANAY5bPLToEfS
Imbis na maawa o magpatawad, mas lalo lamang nainis ang ale. Napisil nito ang hawakan ng pulang payong nang makitang pinupulot na ng bata ang kanyang mga pinamili. Yumuko siya at hinablot ang mga iyon.394Please respect copyright.PENANAzn0sD5rwEh
394Please respect copyright.PENANANOAcMwjtna
"Umalis ka na! Baka may ibulsa ka pa!" Isa-isang binawi ng ale ang kanyang mga hawak. "Kunwari madadapa, iyon pala may nakakawin. Punyeta! Akala mo hindi ko alam mga galawan ninyo na ganyan?!"394Please respect copyright.PENANAjVlm1IW22U
394Please respect copyright.PENANAJQxQrv0Zqj
Napalunok nang mapait si Herne. Pinanganak siyang mahirap, pero hindi niya ni minsan naisip magnakaw. Kahit sa ano pang paraan.394Please respect copyright.PENANAKcuDk5qS5B
394Please respect copyright.PENANAgPyZI8dviN
"Ano pang tinitingin-tingin mo diyan! Alis na! Baka gusto mong tumawag pa ako ng pulis?!" Sumikip ang dibdib niya at tumindig ang kanyang mga balahibo nang marinig ang salitang 'pulis.' Sumagi kaagad sa isipan ni Herne ang kuya at ang kaligtasan nito. *Sana ayos ka lang, Kuya!*394Please respect copyright.PENANAr6fBtD3uhO
394Please respect copyright.PENANAoV63eTtuWU
Tulad ng pusang hinahabol ng malaking aso, dali-dali siyang umalis sa harapan ng ale habang pinagtitinginan siya ng maraming tao. Hindi niya napigilang maiyak dala ng emosyon at takot na baka tumawag nga ng pulis ang ale. Bagama't sanay na sa ganitong trato, hindi maikakailang siyam na taon pa lamang siya. Sanay man pero hindi ibig sabihin, hindi na siya masasaktan.394Please respect copyright.PENANA2VBxnAm2pK
394Please respect copyright.PENANAJnJ6uy1qpW
Kumatok si Herne sa pinto at nagtanong kung may tao ba sa bahay.394Please respect copyright.PENANAG8SQkhy1k9
394Please respect copyright.PENANAwBwVBV8ENx
Luma at maliit lamang ang kubo na ito na matatagpuan ilang kilometro ang layo mula sa kanilang bayan. Sinasabing dito daw nakatira ang magaling na albularyo.394Please respect copyright.PENANAwF7TFLCoeI
394Please respect copyright.PENANARAsGq7lfmX
Kwento pa ng mga tsimosa, gumagamit daw ito ng kakaibang mahika sa kanyang panggagamot. Ang albularyo lang naman ang laman ng mga kwentuhan ng kanilang mga kapit-bahay. Nakauwi na ito mula sa mahabang paglalakbay. Nakaugalian na daw kasi ng albularyo na maglakbay at ilang buwan pa bago muli itong babalik.394Please respect copyright.PENANA90Atpb5PR4
394Please respect copyright.PENANAYn0VYiGgEJ
Kumatok ulit si Herne at muling tumawag. Ngunit tulad kanina, tanging buhos ng ulan lamang ang sumagot sa kanya. Nilingon niya ang buong paligid, nagbabasakaling may makita siyang tao, o iyong albularyo.394Please respect copyright.PENANAZWKBmm7mp7
394Please respect copyright.PENANAGNTnf7NhKD
Sa tapat ng bahay matatagpuan ang rumaragasang ilog at sa itaas naman ang sementadong tulay. Ito ang nagdudugtong sa kanilang bayan patungo sa kasunod pang bayan ilang kilometro ang layo mula dito.394Please respect copyright.PENANAcagBSj6aFf
394Please respect copyright.PENANA3o55gdRitQ
Patuloy lamang ang pagsama ng panahon. Kahit sariling katawan niya ay hirap ng bigyan siya ng sapat na init. Kanina pa mabigat ang kanyang pakiramdam na kanyang tinitiis. Oras na ba para sumuko na lamang at kalimutan ang kanyang pinunta dito?394Please respect copyright.PENANAW1mGghZGnb
394Please respect copyright.PENANAKJwiaJVJHW
*Hindi pwede! Kailangan kong makita ang albularyo! Baka natutulog lang siya! Lalaksan ko na lamang ang mga katok ko at sigaw!*394Please respect copyright.PENANAfBSTdQKx6m
394Please respect copyright.PENANA6rXkk2tXd9
Malakas ang ispirito, ngunit mahina ang katawan ng tao. Hindi na ganoon kalakas ang kanyang bawat bigkas. Paos na siya at mahina na kaysa sa normal niyang boses. Subalit, walang makapipigil sa kanya.394Please respect copyright.PENANAmxNH0gFO5G
394Please respect copyright.PENANAP23xNVA2Eh
"Tao po! May tao po ba dito?! Tao po! Tao po!" Kinakalampag na niya ang pinto na para bang nakadepende dito ang kanyang buhay.394Please respect copyright.PENANALdtpBhxDZV
394Please respect copyright.PENANAqMs7pC7cpL
Hindi niya namamalayan, may isang pares ng paa ang humakbang papalapit sa kanyang likuran. Tumigil ito ilang metro ang layo nang mapansin ang kanyang presensya.394Please respect copyright.PENANAl9bKpcOdPJ
394Please respect copyright.PENANAmmmUtaRGtZ
"Hoy! Luma na 'yan, sisirain mo pa! May pambayad ka ba para diyan?!"394Please respect copyright.PENANAc956bGY0Yk
394Please respect copyright.PENANAdyXMmnYmHT
Napaigtad at napahinto si Herne sa lakas ng boses na narinig. Napa-atras siya at nilingon ang nagsalita. Bumungad sa kanya ang mga nanlilisik na titig ng isang matanda.394Please respect copyright.PENANAt9XKsB3qJw
394Please respect copyright.PENANAko4ml3gmD1
Maputla at kulubot na ang balat ng lolo. Maputi na din ang kanyang mga buhok mula sa kilay hanggang sa kanyang mahaba at makapal na balbas. Nakabalot ito ng kapoteng itim. Ngunit hindi tulad niya, tamang-tama lamang sa matanda ang sukat nito. Paika-ika itong lumapit sa kanya at sa pinto ng bahay.394Please respect copyright.PENANAspMeAzvcJu
394Please respect copyright.PENANAYD6pmcVF5z
"Wala akong panahon para sa mga bata. Umalis ka na!" ani ng matanda. Pero hindi nagpatinag sa kanyang takot si Herne. Nanatili siyang nakatayo sa gilid, yakap si Kirarin. Dinig niya mula dito ang kalansing ng bakal. Ngayon lamang niya napansin na nakakandado pala ang pinto.394Please respect copyright.PENANA45VVpIhki5
394Please respect copyright.PENANAIVqyvi15sU
Tumapak na papasok ang lolo at akmang susunod sana si Herne nang harangin siya bigla. Naka-abang ang isang braso nito sa harapan niya. Muling napa-atras si Herne. "Anong kailangan mo? Bingi ka ba?"394Please respect copyright.PENANA4DPD5vwK3z
394Please respect copyright.PENANAkfiEWMpZQ5
Tumama ang kanilang mga mata at napagmasdan ng lolo ang hitsura ng bata. Walang tigil ang panginginig nito sa kanyang harapan, habang yakap ang asul na manikang kuneho. Sa kabila ng pamumula ng pisngi at noo dala ng malamig na panahon, hindi maitatago ang kakaibang pamumutla ng balat ng bata. Maski ang labi nito ay namumuti na din.394Please respect copyright.PENANAbqE8jcqWyq
394Please respect copyright.PENANAoo4VwoMFoG
"May sakit ka." Hindi iyon isang tanong, bagkus isang kumpirmasyon.394Please respect copyright.PENANAuiiK7y1edD
394Please respect copyright.PENANATHmENXAOT8
Tumango si Herne. "P-Paano niyo po nalaman?"394Please respect copyright.PENANAOEdWeQCrs4
394Please respect copyright.PENANAHIbD5xFCvZ
"Pumasok ka." Binuksan na nang husto ng lolo ang pinto para makapasok siya.394Please respect copyright.PENANAEHEAoWYWSz
394Please respect copyright.PENANAq4Pz1txnOr
"Kayo na po ba ang albularyo?"394Please respect copyright.PENANANbACUpQwAy
394Please respect copyright.PENANAajeB4VlzKr
"Isabit mo ang iyong kapote at umupo ka malapit sa apoy," utos ng matanda matapos niyang sindihan ang kanyang malaking dapugan. Hindi niya sinagot ang tanong, bagkus iniwan niya si Herne sa tapat noon.394Please respect copyright.PENANAIaf9t3oX62
394Please respect copyright.PENANAt6VwRVH6Vh
Walang imik na sinunod naman ni Herne ang kanyang utos. Sandali lang ay dumating na siya dala ang isang upuang yari sa kahoy at tuyong tuwalya.394Please respect copyright.PENANACVYzy7cOLp
394Please respect copyright.PENANAXbcNTay6yW
Umupo sa upuan si Herne at saka pinunasan ang basang katawan gamit ang tuwalyang inabot nito sa kanya.394Please respect copyright.PENANAFhmlVHIY6m
394Please respect copyright.PENANAW62ruQkbf9
"Batid kong malubha na ang iyong karamdaman. Hindi ko alam kung matutulungan pa kita." Tila isang daang kutsilyo ang muling sumaksak sa kanyang dibdib. Nanlambot ang kanyang mga braso at nanigas ang kanyang panga. Mapait siyang napalunok, pinipigilan ang mga luha. Ito na talaga ang katotohanan, hindi na siya makakatakas pa sa tawag ng kamatayan.394Please respect copyright.PENANA3lfiFm8AaM
394Please respect copyright.PENANAJJfkv8qZnU
*Pero si Kuya!*394Please respect copyright.PENANAvwywzCfl6B
394Please respect copyright.PENANAlrPfPZRGFN
Nabuhayan siya ng loob nang maalala ang nakatatandang kapatid. May pag-asa pa para sa kanyang kuya. Naniniwala siya.394Please respect copyright.PENANAEl6n0skFXc
394Please respect copyright.PENANA7ZnFgQFZY1
"Ang kuya ko po! Gusto ko pong pagalingin ninyo ang kuya ko!" Nagmamaka-awa ang kanyang boses. Nakita niya ang albularyo sa lamesa nito, abala sa ginagawa.394Please respect copyright.PENANABEkVlxdx1X
394Please respect copyright.PENANAXn4b0FzG56
"Wala po siyang karamdaman, subalit . . . " Napasilip sa kanya ang matanda nang bigla na lamang siya tumigil. Nakita siya nitong nakayuko at niyukom ang mga kamay hawak ang puting tuwalya sa itaas ng kanyang mga hita.394Please respect copyright.PENANAYITwf75JvR
394Please respect copyright.PENANAlryfiHZTPu
"Hm, bakit?"394Please respect copyright.PENANACOPu2nBD8K
394Please respect copyright.PENANAZj0rCEeHf1
Umiling-iling siya at suminghot. "Hindi ko po alam, pero natatakot na ako kapag kasama ko siya. Lalo na kapag hawak niya ang kutsilyo. Tumatawa siya ng mag-isa at minsan kinakausap niya pa ang sarili."394Please respect copyright.PENANAYzN4knlD6U
394Please respect copyright.PENANAD2xbSw4HTr
Nanatiling tahimik lang ang matanda. Nakikinig.394Please respect copyright.PENANAr1HRoBloxk
394Please respect copyright.PENANAwq1hBbztc4
"Gabi na siya umuwi at lagi siyang may dala. Kung hindi pagkain, minsan naman pera. Masama po ang kutob ko, may mali sa kanya. Sana po matulungan ninyo ako!"394Please respect copyright.PENANA4XdxOMfVjl
394Please respect copyright.PENANA3TUq4wlwiz
Lumapit si Herne sa lamesa at muling nagmaka-awa. Nilapag niya sa harapan ng lolo ang isang maliit na bag. Kumilansing pa ang laman nito sa tablang mesa.394Please respect copyright.PENANAUO4BUkDv2b
394Please respect copyright.PENANAUdQI8DWsdK
"Sana po ay sapat na ito pambayad."394Please respect copyright.PENANAQNkjs33fQz
394Please respect copyright.PENANAeDHsNI7JBf
Kinuha ng matanda ang bag at saka sinilip ang loob. Halo-halong barya at perang papel ang laman nito. Nagpasalit-salit ang kanyang tingin sa batang babae at sa pera.394Please respect copyright.PENANAeAOIZGRFTk
394Please respect copyright.PENANARAD5PrfAEO
"Sabihin mo nga, alam ba ng kuya mo-"394Please respect copyright.PENANAYyWaHCqBWu
394Please respect copyright.PENANAseawi7FL7W
"Hindi niya dapat malaman!" Napasinghap si Herne nang marinig niya ang kanyang sarili. Gulat na napatitig sa kanya ang lolo dahilan para mapayuko siya sa hiya.394Please respect copyright.PENANAm8pNfq3E2C
394Please respect copyright.PENANAKhEMbY4NHL
"Ayaw ko malaman ni Kuya." Sandaling napakagat siya sa labi. Ngayon, kalmado na ang kanyang boses. "Alam kong magagalit siya sa akin 'pag nalaman niyang . . . pinag-iisipan ko siya ng masama. Pero, para din po ito sa kanya!"394Please respect copyright.PENANAsxMXo7ECVB
394Please respect copyright.PENANADp45VLCf0r
Nagkaroon ng panandaliang katahimikan. Hanggang sa maramdaman ni Herne ang pagkilos ng lolo. Inangat niya ang ulo at nakita niya ang bag na kanyang binigay kanina. Sinasauli ito ng lolo.394Please respect copyright.PENANAIyoxxpEvtY
394Please respect copyright.PENANAR39tZ3LGiW
"Hindi ko kailangan ng pera mo." Hindi niya ba siya tutulungan?394Please respect copyright.PENANAqU5XXSqYLW
394Please respect copyright.PENANAaxkRfTw1K8
"Pero-" Nagsimulang magtubig ang mga mata ni Herne. Seryoso at malamig ang tingin ng matanda sa kanya.394Please respect copyright.PENANAhiM5SVYHIE
394Please respect copyright.PENANAHcU3sgLRFu
"Bago ang lahat, akala ko ba naparito ka para sa iyong karamdaman. Subalit, heto ka, humihingi ng tulong para sa kapatid mong alam mo ay wala namang sakit. Sa tingin mo ba ay matutulungan kita?"394Please respect copyright.PENANAV9lXzdoBUl
394Please respect copyright.PENANA1xc15pIAsS
Humigop ng lakas si Herne. Wala na siyang matatakbuhan. Ito na lang ang kanyang huling pag-asa. Hindi siya susuko. Hindi siya uuwi. Niyukom niya ang mga kamay at binagsak sa taas ng lamesa.394Please respect copyright.PENANAjkOCLyvL73
394Please respect copyright.PENANAwvsobpZISB
"Sabi daw po kaya niyo magpagaling gamit ang mahika! Kahit kwentong-kalye lang iyon, naniniwala po ako!"394Please respect copyright.PENANAGnMVzJTgMO
394Please respect copyright.PENANA7GSCcgzOS1
"Hindi ba dapat, mas ikaw pa ang nangangailangan ng mahika kaysa sa kuya mo? Ganoon na lamang ba ang takot mo sa kanya at gusto mo siyang magbago?394Please respect copyright.PENANA1BeEgFFxzC
394Please respect copyright.PENANAU0znl5l2w9
"Ayaw ko po siya magbago." Mariing napailing si Herne. Nagbabadya na ang kanyang mga luha. "Gusto ko po siyang gumaling!"394Please respect copyright.PENANAlhGfchOtNd
394Please respect copyright.PENANA4kZPpc9yr7
"Ikaw na din ang may sabing wala siyang sakit. Hindi ba? Sabihin mo nga sa akin ang totoo, iha. May sakit ba ang kuya mo o wala? Nababaliw na ba siya o hindi? Siya pa rin ba ang kuya mo, o nagbago na siya ng pagkatao? Sabihin mo sa akin, nang maliwanagan ako."394Please respect copyright.PENANAgjzWa6G7GX
394Please respect copyright.PENANAEHFvm5UhcL
Kahit sa lamig ng panahon, hindi ito umobra sa init ng hangin sa pagitan ni Herne at ng matanda. Tumulo na ang mga luha ng bata.394Please respect copyright.PENANAmzBQ7jrInL
394Please respect copyright.PENANAL0sfULwXWR
"H-Hindi na po siya ang kuya ko. Gusto ko pong bumalik siya sa dati!" Tuluyan nang nagpakawala ng isang malakas na hagulhol si Herne. Mga emosyon ito na naghalo-halo na at ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataong ilabas lahat.394Please respect copyright.PENANAJOcO9dO5GE
394Please respect copyright.PENANACZucjxg3pr
"Mabuti. Tama 'yan. Ngayon, matutulungan na kita." Tumayo sa kanyang kinauupuan ang lolo at nilahad ang isang kamay sa harap niya. "May gamit ka ba diyan na pagmamay-ari mo?"394Please respect copyright.PENANAQySoQNsJ5u
394Please respect copyright.PENANAlHFNbc6Z3S
Suminghot siya at nagpunas ng mga luha. Pinakita niya ang pinakmamahal na manikang kuneho. "Si Kirarin po?"394Please respect copyright.PENANA4G4oCwCwtr
394Please respect copyright.PENANAp0ukNtsRy1
"Pwede na 'yan."394Please respect copyright.PENANA6sjngrOhHV
394Please respect copyright.PENANAODFy6g9G9Q
Hindi nagtagal, pinauwi na ng albularyo si Herne. Lumabas siya ng bahay nito suot ang kanyang mahabang kapote, bitbit pa ang bag na laman ng pera.394Please respect copyright.PENANACKpkNR6Oha
394Please respect copyright.PENANA1WTVrV2G7H
Isang hakbang pa lamang siya palayo sa pinto nang mapahinto siya. Nilingon niya ito at saka huminga nang malalim. *Wala ng atrasan!* Pinunasan na niya ang mga natirang luha gamit ang palad.394Please respect copyright.PENANAzwHwCoUJG2
394Please respect copyright.PENANAq1TGgaEbNR
Tumungo na siya paalis, dala ang pag-asang matutupad din ang matagal na niyang nais. Muli niyang sinuong ang masungit na panahon ng mag-isa.394Please respect copyright.PENANAYGPCnbFjfO
394Please respect copyright.PENANAljnipwFooF
Kahit pa masalimuot ang naging kahapon, hindi imposibleng maging mabuti ang kalalabasan ng bukas. Lahat posibleng mangyari. Walang imposible. Ganoon pa man, hwag din kakalimutan ang pagdating ng mga bagay na hindi inaasahan. Nasa huli ang pagsisisi.394Please respect copyright.PENANAI34Au8ne0x
394Please respect copyright.PENANA5EiD01O931
Ito ang laging umiikot sa kanyang isipan, lalo na noong naging ulila na sila ng kapatid.394Please respect copyright.PENANAvw29UdyJO9
394Please respect copyright.PENANA2sOBxKhGnf
Batid niya ang lubha ng karamdaman nito. Kahit hindi man ito nagkukwento sa kanya, hindi nagsisinungaling ang mga mata at maging ang mga kinikilos nito.394Please respect copyright.PENANAS8DiU2ZH7C
394Please respect copyright.PENANA6tlN8rW73s
Alam niyang darating ang araw na iiwan na siya ng kapatid, pero hindi niya inaasahang ngayon na ang araw na iyon.394Please respect copyright.PENANA9xXTMx8Kgt
394Please respect copyright.PENANAIE0TZJlTjT
Hindi siya nakapaghanda. Hindi man lang siya nakapagpaalam. Hindi man lang siya nito hinintay.394Please respect copyright.PENANAjZT8np8YCH
394Please respect copyright.PENANAo1HpuHMraW
"Pasensya ka na, Herne." Lumuhod siya sa harap ng puntod ng kapatid na siya lang ang gumawa. 394Please respect copyright.PENANAnwZUnKqgJY
394Please respect copyright.PENANAnkzU8obRUF
Binalot niya lang sa kumot ang mga labi ng kapatid. Hinukayan ng malilibingan sa lupa, at saka tinabunan ng putik. Lupang tuyo sana ito, kung hindi lang naisip ng langit umulan.394Please respect copyright.PENANAaOHbqw1pf4
394Please respect copyright.PENANAkw6cdoVcSW
"Ngayon lang ako ulit nakabili." Nilapag niya sa bandang ulunan ang isang supot na laman ng iba't ibang uri ng kendi. Ang laging paboritong pasalubong ng kapatid mula sa kanya.394Please respect copyright.PENANA98jwm89LNf
394Please respect copyright.PENANA8jLNH22Ui6
Ikiniskis niya ang mga ngipin at walang habas na binunot ang mga nananahimik na damo sa paligid. Naiinis siya sa sarili. Kung saan pa wala na ang kanyang kapatid, ngayon lamang niya nabili ang paboritong pagkain nito.394Please respect copyright.PENANAjZ90eRvFac
394Please respect copyright.PENANAknncPHlR42
Kung, nagawa niya lang nang maayos iyong 'trabaho' niya. Hindi sana tumagal ang pagbigay sa kanya ng sahod. Dapat sana matagal na niya nabili ang mga kendi.394Please respect copyright.PENANA76jkJZBKNI
394Please respect copyright.PENANAFCknrGf3rj
Ngayon, sino na ang dadalhan niya ng pasalubong? Para saan pa ang saysay ng kanyang buhay? Para kanino pa niya ilalaan ang kanyang mga sakripisyo?394Please respect copyright.PENANALf6OhyExGw
394Please respect copyright.PENANAMgXEpb0Fb7
"Ikaw ba si Bazilien?"394Please respect copyright.PENANAEPN7eQmUyo
394Please respect copyright.PENANANdffWFJGlr
Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis pa sa alas-singko siyang tumayo mula sa pagkakaluhod. Patalon siyang umatras palayo mula sa taong ngayon niya lang nakita. Nakatago ang isa niyang kamay sa likod habang nagmamatyag sa susunod na kilos ng bagong dating.394Please respect copyright.PENANALCS4zWIeVR
394Please respect copyright.PENANAfopk0DNj7J
"Sino ka?! Anong ginagawa mo dito?!" Matalas ang kanyang tingin ngayon sa matandang lalaki. Maputi na ang mga buhok at kulobot na ang balat. Tulad ng kanya, pinagtagpi-tagpi din ng iba't ibang tela ang kasuotan nito.394Please respect copyright.PENANAuBvhnV4Nx7
394Please respect copyright.PENANAY5ULA49Zke
"Huminahon ka, iho. Isa lang akong matandang albularyo." Bumaling ang tingin ng lolo sa lupang nakatumpok sa kanilang harapan. Napansin din nito ang supot ng mga kendi sa bandang uluhan ng puntod. "Nakikiramay ako sa iyo. Parang kailan lang noong pumunta siya sa akin-"394Please respect copyright.PENANAIUb8Abt9SC
394Please respect copyright.PENANA3GD9QHZjtL
"Anong ginawa mo sa kapatid ko?!" sigaw ni Bazilien magmula sa kailaliman ng kanyang baga. Kinapa na niya ang patalim na nakatago lamang sa kanyang likod, sa loob ng kanyang damit.394Please respect copyright.PENANAHrEXxoxmkp
394Please respect copyright.PENANAeUCsVQ78Ty
"Kung tungkol lang sa pagpatay, alam mo sa sarili mong marami ka ng kinitil na buhay." May kinuha ang lolo sa loob ng kanyang suot.394Please respect copyright.PENANAZ5qqFWh9w9
394Please respect copyright.PENANAre9QX29fFa
"Huh? Paanong?!" Hindi alam ngayon ni Bazilien kung saan siya magugulat at kung ano ang unang aalamin. Kung paano nasabi ng matanda ang sinabi. O, kung paano hawak nito ngayon ang manikang kuneho.394Please respect copyright.PENANAMYnO9lQJdl
394Please respect copyright.PENANAwQ4jQPtAB5
"Kirarin? Bakit . . . nasayo si-?"394Please respect copyright.PENANAS0iPgWbARN
394Please respect copyright.PENANAV3N0ruFY6o
"Hindi ba? Ikaw din ang pumatay sa sarili mong kapatid!"394Please respect copyright.PENANAMwySUA09Sp
394Please respect copyright.PENANAyk6cbnWIfO
Natigilan siya sa kanyang mga narinig. Nanlalamig ang kanyang mga palad, at nararamdaman niya na ang pagbuo ng mga butil ng pawis sa kanyang noo. 394Please respect copyright.PENANA5kX2x7IXgD
394Please respect copyright.PENANAZbgcSgRtJ4
Anong pinagsasabi ng lolo na ito? Ano ang kanyang pruweba? Nagkakamali lang siya, hindi ba? Gumagawa lang siya ng kwento, tama ba?394Please respect copyright.PENANA5NlC0fdcdu
394Please respect copyright.PENANAh3Nris2zJy
Dahil malinaw pa sa umaga niyang nakita ang malamig na bangkay ng kapatid sa kama. Kabisado niya pa ang alaalang nangyari kanina lamang umaga. Hindi na niya naabutang buhay ang kapatid. Patay na ito pagkarating niya.394Please respect copyright.PENANAsz1iR4BbRF
394Please respect copyright.PENANARd9Qp46lL0
"H-Hindi totoo iyan! Gusto ko siyang gumaling! Gusto ko siyang mabuhay pa nang matagal!" Nasusuntok na ni Bazilien ang hangin sa kanyang pagwasiwas ng kamao. Animo'y hinahawi ang mga ito na nakaharang sa kanyang harapan.394Please respect copyright.PENANA0M3TShTY2G
394Please respect copyright.PENANAMDV9CX7EZ1
"Talaga ba? Hindi mo ba alam na presensya mo lamang ay sadyang nakamamatay na para sa kanya?!" Nagsimula ng lumakad palapit sa kanya ang lolo. Hawak nito ang manikang kuneho na pagmamay-ari ni Herne.394Please respect copyright.PENANAK4D3gym64d
394Please respect copyright.PENANA6i5vy8h1oi
"Sinong nagsabi niyan?" Malalim ang tono ng boses ni Bazilien. Hinigpitan niya ang hawak sa patalim na nasa kanyang likod. Sumisikip na ang kanyang dibdib at dumidilim na din ang kanyang paningin.394Please respect copyright.PENANAXERyoEC1KT
394Please respect copyright.PENANAVIPl5BLBA4
"Si Herne." Iniangat pa ng matanda ang bitbit na manika para matapatan ang mga mata ng binatilyo.394Please respect copyright.PENANAH3NJRk9pSu
394Please respect copyright.PENANAta0qHWACwc
"Hindi iyan totoo!" Sumisigaw na ang kanyang puso at isipan. Nanginginig na din ang kanyang mga buto sa matinding emosyong gusto ng kumawala.394Please respect copyright.PENANAToHV9yMR6i
394Please respect copyright.PENANAo9suHiFM5e
"Ang kapatid mo ang nagsabi sa akin!"394Please respect copyright.PENANAzWGeM3bIMt
394Please respect copyright.PENANA6fS9XTx3Nw
"Tumigil ka na! Hindi 'yan totoo!"394Please respect copyright.PENANAhanwxNQQVQ
394Please respect copyright.PENANALQkLVC96t8
Huli na ang lahat para makaiwas pa ang matanda mula sa nagbabadyang kamatayan. Sinugod siya ni Bazilien hawak ang maduming itak hanggang sa lupa. Nanlaban pa ito para sa sarili niyang buhay, subalit hindi naging sapat ang kanyang lakas.394Please respect copyright.PENANAe0SrFVA45p
394Please respect copyright.PENANAZGe4PMMaOf
"B-Balang araw, pagsi-" Lumunok muna ito saglit. Dumudugo na din ang bibig nito. "-sisihan mong . . . naging kapatid mo siya . . !" Kumapit ang matanda sa isa sa mga braso ni Bazilien. "Dahil sa-sa kanya . . ." Humigop ito ng hininga mula sa ilong. " . . . mabubuhay ka . . . mula ngayon na instrumento lamang . . . at walang ibang nais kundi . . ." Umubo ito ng dugo. ". . . tumago sa dilim!" Tumigil ito saglit para titigan sa mata ang binata. Lumuluha na ito ngayon sa kanyang harapan."Katatakutan mo ang araw ng walang hanggan!"394Please respect copyright.PENANAfM3FlvqaCB
394Please respect copyright.PENANAiYEWIJexgf
Sa kanyang matinding galit, idiniin pa nang husto ni Bazilien ang patalim sa leeg ng matanda.394Please respect copyright.PENANAY4JWa7lYtV
394Please respect copyright.PENANAldVb7khKv9
Sa huli, hindi na ito nakapagsalita pa. Naiwang dilat ang mga namumulang mata. Huminto na din ang paghinga. Hanggang sa umawas na ang malagkit at mainit na likido mula sa napuruhang leeg nito. Mabilis itong kumalat at pinintahan ng kulay pula ang basang lupa.394Please respect copyright.PENANA6pFrTR0gJL
394Please respect copyright.PENANAWAiuFAhyH6
Hindi pa siya nakuntento sa ginawa, tinadtad niya pa ang bangkay ng maraming saksak hanggang sa bumigay na ang sarili niyang braso at kamay. Kasabay ng kanyang pagtigil, ang paghinto din ng mga patak ng ulan.394Please respect copyright.PENANAh4YcM4Uakb
394Please respect copyright.PENANAG0gUhHmnoL
Tuliro at wala sa sarili siyang tumayo. Muli siyang lumapit sa puntod ng kapatid at saka lumuhod. Itinusok ni Bazilien ang itak na naliligo pa sa dugo sa supot mismo ng mga kendi, bago niya tuluyang nilisan ang lugar.394Please respect copyright.PENANAnagUIMLZDh
394Please respect copyright.PENANAUzYUyqg2St
Kasing itim at pula ng mga dugong nakapinta sa kanyang mga kamay ang buong kalangitan noong araw na iyon.394Please respect copyright.PENANA5QQ3D5t0Nn
394Please respect copyright.PENANAW6QZ8KuKDa
|394Please respect copyright.PENANACFVMfCYGN5
394Please respect copyright.PENANANB82ITfeZl
Author: AlienSiOtor 👽394Please respect copyright.PENANAaCekEkAFnU
394Please respect copyright.PENANAEFisicacMa