Segunda: Ang sentro ng aking pag-ibig
10Please respect copyright.PENANA47R2pqsAN4
Kung bumitaw ma’y patuloy na ika’y susuyuin~
Iyan ang katagang iniwan ko sa huling bahagi ng aking sulatin. At habambuhay panghahawakan ang aking pangako.
Hindi ko mawari at nalilito ngunit ang pagmamahal ko’y hindi nangangahulugang pag angkin. Hindi ko pagmamay-ari ang ninuman maging si Segunda.
Natatakot ako, ngunit buo ang pagmamahal at nais na ika’y maglakad sa mundo. Nais kong makita mo ito. At ayaw kitang ikulong, ipagkait, at baguhin. Nais kitang maging malaya.
Malayang umibig sa mundo.
Hinding hindi magiging madali ang pag-ibig, ngunit hindi rin ibigsabihin nito na ika’y nararapat pahirapan. Mag ingat sana at huwag ipahamak ang iyong sarili, ngunit kung magkagayon ma’y hindi magsasawang halikan ang iyong mga sugat. Dahil ang mga sugat mo’y sugat nating dalawa. Huwag ka ring mag-alala, ako’y nasa tabi at kung hindi mo man ako kita, mararamdaman mo ako sa bawat tibok ng iyong puso.
10Please respect copyright.PENANAOUTWr1szOD