23Please respect copyright.PENANAmLOUeujM6L
“Hindi ko siya minahal kasi babae siya. Minahal ko siya kasi siya ang nagpapaalala sa’kin kung sino ako.”
Hindi siya dumating na parang bagyo.
Wala siyang pasabog. Wala siyang grand entrance. Pero kung paanong dumarating ang araw pagkatapos ng isang bagyong halos ikawasak mo na, ganun siya dumating sa buhay ko.
Tahimik. Banayad. Totoo.
Hindi ako sigurado kung kailan nagsimulang lumambot ang tingin ko sa kanya. Kung kailan naging mas natural ang paghawak ko sa kamay niya kaysa sa pag-iwas. Kung kailan naging mas ligtas ang katahimikan naming dalawa kaysa sa kahit anong sigawan sa mga dati kong relasyon.
Basta ang alam ko, hindi siya babae sa paningin ko.23Please respect copyright.PENANAneOCvUF87Y
Siya ang tahanan ko.
Hindi ako nahulog sa kanya dahil may abs siya o perfect yung winged eyeliner niya.23Please respect copyright.PENANAtpmqlcaihS
Hindi ko siya minahal dahil "iba" siya.23Please respect copyright.PENANAOgmfC8RlBH
Minahal ko siya kasi sa bawat galaw niya, pinapaalala niya kung sino ako.
Ako na hindi kailangang magpanggap.23Please respect copyright.PENANAb4CtVZ2gf5
Ako na hindi kailangang itama o ikahon.23Please respect copyright.PENANAmIcMcSeuMJ
Ako na puwedeng maging buo kahit wasak.23Please respect copyright.PENANAC9FLropvJD
Ako na puwedeng umiyak nang walang kahihiyan.23Please respect copyright.PENANAd8eM7TMSKF
Ako na mahal niya, hindi sa kabila ng lahat—kundi kasama ang lahat.
Sabi nila, makikita mo ang para sa’yo sa oras na tanggap mo na ang sarili mo.23Please respect copyright.PENANAZN9AabI3zx
Pero minsan, kailangan mo munang makilala ang taong handang tumanggap sa’yo habang hindi mo pa kilala ang sarili mo.
At si IO, siya ‘yun.
Siya ‘yung hindi natakot sa kwento ko.23Please respect copyright.PENANAWhGrzQYG6Y
Hindi siya umatras sa bigat ng mga pinagdaanan ko.23Please respect copyright.PENANAGH2os1j6sC
Hindi siya nagdalawang-isip kahit alam niyang maraming mata ang titingin sa’min na parang kasalanan ang pagmamahalan namin.
Sabay kami naglakad sa mundong laging may tanong.23Please respect copyright.PENANAeB5WAaGe6K
Sabay naming tinanggap ang mga titig, ang mga bulong, ang mga “bakit babae?”23Please respect copyright.PENANAa8rqLyX4SA
At ang sagot ko?
Hindi ko siya minahal kasi babae siya. Minahal ko siya kasi siya ang nagpapaalala sa’kin kung sino ako.
Masarap magmahal. Pero mas masarap magmahal ng tama.23Please respect copyright.PENANAAg0YXxSxs6
Ng walang takot.23Please respect copyright.PENANAVaJIR3kUnL
Ng walang guilt.23Please respect copyright.PENANAdIMd4SQqoJ
Ng walang kahon.
IO,23Please respect copyright.PENANAp4ojPZHFaJ
Ikaw ang pahinga ko.23Please respect copyright.PENANAyi5EOMjKZJ
Ikaw ang huminga para sa’kin nung hindi ko na kaya.23Please respect copyright.PENANAIJCKLWPhoA
At ngayon, kaya ko nang huminga…23Please respect copyright.PENANAksqbapMaAL
Dahil nandito ka.
Mula noon hanggang ngayon, sa mundong paulit-ulit tayong pinagdududahan,23Please respect copyright.PENANABCUe8y9rkh
sa’yo lang ako naniwalang puwedeng mangyari ang totoong “forever.”
Kaya kung ito ang dulo ng istoryang dating puro luha,23Please respect copyright.PENANAyFe5CUT2yt
Salamat.23Please respect copyright.PENANASz6TGBzvx4
Kasi ikaw ang naging huling pahina—23Please respect copyright.PENANA46pD0VRiRK
hindi dahil dito natapos ang lahat...23Please respect copyright.PENANAv0kMR1Y9jJ
Kundi dahil dito nagsimula ang tahanan.
– Rax
ns216.73.216.238da2