Sweet little moment
"Humayo kayo sa kapayapaan upang mahalin at paglingkuran ang Panginoon."
"Salamat sa Diyos!" Tinugtog ng choir ang solemneng awit sa paghayo, kasabay ng paglisan ng marami.
Nakasanayan ko nang um-attend ng misa tuwing Linggo. May mga pagkakataon na kasama ko si Chelzie, minsan si Margarette, pero madalas ay mag-isa ako. But this day is otherwise different. Si Annie at Aling Sienna ang kasama ko, nakasalubong ko sila kanina sa porch.
Himbes na lumabas ay na-stuck ako sa loob ng simbahan. Pa'no ba naman kasi, himbes na sumama sa mga kap'wa sakristan niya, nanggulo sa amin si Jehoram. Wala tuloy akong choice kung 'di sanggain lahat ng pambu-b'wisit niya sa umaga.
"Good morning!" He even had the audacity to pinch the tip of my nose!
Sa inis, marahas kong pinalis ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.
"Ano ba!"
He guffawed. "Kakatapos mo lang magsimba, nagsusungit ka na? Chill! Palipas ka naman muna ng 1 hour."
"Ikaw nga 'e! Naka-sutana ka pa, nang-aasar ka na. Alam mo kung anong impression ko sa mga sakristan? Meek. Reticent. Tahimik. Parang Evan!"
Natunaw ang tawa niya, nagsalubong ang makakapal na kilay. Nakuha pa niyang mag-squat sa gilid ko at titigan ang mukha ko.
"Ba't? Crush mo si Evan?"
I rolled my eyes. "Wala akong sinabi!" I pushed his face away.
Aling Sienna laughed. "Ano naman ngayon kung crush niya si Evan?"
"Nay!" He stood straightly, ngumisi nang malawak sa nanay niya. "Kumain na kayo?"
"Libre mo kami, Kuya?" natatawang panunuya ni Annie.
"Gutom ka na ba?"
"Hindi ah! Ang daming pinainom na salabat ni Auntie Tessie kanina. Masakit na masakit pa ang tiyan ko." She tapped her small tummy, I chuckled and gently pinched her cheek.
"Mauna na kayong kumain. Pinapatawag pa kami ni Father Roland 'e. May announcement daw."
Nagliwanag naman ang mukha ni Annie. Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa kuya niya. "Nand'yan ba si Ate Daisy? Pakilala ko siya kay Ate Blaire!"
Jehoram laughed, ginulo ang buhok ni Annie. Natamaan niya ang batok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tinawanan niya lang ako. Wala talagang gentleness!
"Next time na lang, bunso. Busy si Ate Daisy 'e. Tumutulong kay Kuya Migs."
"Ay, sayang naman." Annie's lips protruded.
"Ram!"
Our eyes altered to the approaching man. 'Di tulad ni Jehoram, naka-casual wear na si Evan. Puting t-shirt at khinos. Umakbay ito kay Jehoram nang makalapit.
"Bro, kanina ka pa hinahanap ni Miguel. Bakit 'di ka pa nagbibihis?"
"Kinausap ko lang saglit sina Nanay."
Napalingon tuloy sa 'min si Evan. His lips stretched wider when our eyes met.
"Hi, Blaire!"
Jehoram made a face. "Blaire lang?"
"Ako nagsabi." I rolled my eyes at him.
Totoo naman, ako ang nagsabi kay Evan na i-address na lang ako sa pangalan ko. It wasn't as if employee ko siya. I already told Jehoram once na 'wag na akong tawaging ma'am, ewan ko ba kung ba't ang kulit niya.
"Anyway, bilisan mo. Baka maunahan ka pa ni Father Roland. Yari ka kay Migs." Evan tapped Jehoram's shoulder.
"Mukhang napaka-importante ng pag-uusapan niyo, ah?"
Napalingon si Evan kay Aling Sienna, matapos ay tumango.
"Nag-donate po kasi ng napakalaki 'yung mga Tianco. Ayaw naman solohin ni Father. I think, we'll talk about the trip in Batangas."
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. The name didn't really sound nice to my ears.
"Pupunta kayong Batangas, Kuya?"
Jehoram shrugged. "Hindi pa sure. Pag-uusapan pa lang namin kung sino ang mga kasama. Tsaka hindi naman 'yon trip-trip lang. May orphanage kasi na pag-aari do'n ang pamilya ni Father Roland. Baka i-a-allocate sa kanila ang kalahati ng donation."
"Sama ka, Blaire?" Agad na siniko ni Jehoram ang t'yan ni Evan. I flinched. "Aray!"
Tignan mo 'to. Napakasama talaga!
"Tara na." Inakbayan ni Jehoram si Evan sa leeg. Halos matalisod pa ito nang hatakin siya ni Jehoram palayo, wala nang nagawa kung 'di magpatianod.
Naiwan akong umiirap kay Jehoram patalikod, kasama si Annie at Aling Sienna na natatawa. They looked so amused! Tuwang-tuwa talaga sila kapag bina-badtrip ako ng Jehoram na 'yon. Pasalamat siya, nasa loob kami ng simbahan.
Annie and I stayed inside the church. Lumabas kasi saglit si Aling Sienna, bibili lang daw ng inumin. They were planning to wait for Jehoram. Nakiusap naman siya na bantayan ko muna si Annie habang wala siya.
"Kay Kuya Ram ba 'to?"
Napapitlag ako nang hawakan ni Annie ang wrist ko. Nakapulupot pa rin doon ang rosary bracelet ni Jehoram. That was what he gave me noon sa ospital, the day when I had a rumpus with Madame.
"Uhm... Oo. Binigay niya sa 'kin sa garden ng St. Joseph-"
"Binigay niya lang?" She seemed surprised.
Nagtaka naman ako sa reaksyon niya. I formed pleats between my forehead, tumango nang marahan. Nakakagulat ba 'yon?
"Pero bakit?" hindi mapalagay na tanong ni Annie.
Mas lalo akong nagtaka. "Bakit? Anong bakit? Bawal ba?"
She took a deep sigh, binitiwan ang palapulsuhan ko at sumandal. "Hindi naman. Pero super tagal na kasi kay Kuya Ram 'yan 'e. Hindi niya ata hinuhubad. Kilala mo ba kung sinong nagbigay niyan?"
I shook my head, nakakunot pa rin ang noo. "Sino?"
"Si Father Antonio." It just confused me more. Bagong pangalan na naman. Dahil talaga sa magkapatid na 'to, dumarami ang acquaintances ko. Mga taong kilala ko na hindi naman ako kilala. "Sakristan na kasi si Kuya dati pa lang, sa Ilocos pa kami nakatira. Si Father Antonio, parang tatay niya na 'yon. Alagang-alaga siya. Kaso may brain tumor 'yon 'e. Bago siya mamatay, binigay niya 'yan kay Kuya. Tapos ang sabi niya, 'wag daw kakalimutan ni Kuya na palagi siyang may kasama. Si Papa God! Tapos 'yon. Palagi ng suot ni Kuya 'yan. Feeling niya, secured siya dahil sa bracelet na 'yan."
Ngumuso ako. "Gano'n..."
If it really holds a special place in his heart, bakit niya binigay sa 'kin? He should not! Ano naman kayang tumatakbo sa isip no'n? Hindi dapat niya basta-basta pinamimigay ang mga bagay na may sentimental value sa kaniya.
I emitted a deep breath. "Gaano na ba katagal na sakristan ang kuya mo?"
"Since..." Sumingkit ang mga mata niya, inaalala ang sagot sa tanong ko. "Elementary? Hindi ako sigurado 'e. Ang sabi ni Nanay, bata pa lang daw, nagpupumilit na si Kuya na ipasok siya sa simbahan. Na-impluwensyahan ni Father Antonio. Kahit noong nag-high school si Kuya, humahanap pa rin siya ng time para makapagserbisyo. 'Yun nga lang, medyo nalugi ang gulayan ni Nanay sa palengke. Nagtaas kasi ang renta. Kailangang kumayod ni Kuya para sa medication ko. Kaya 'yon, nagkahati-hati ang oras niya," mahabang paliwanag niya. She breathed, binagsak ang balikat at niyuko ang ulo. "Mabuti na nga lang mabait ang mga naging Fathers ni Kuya 'e. Si Father Antonio tsaka si Father Roland. Gets nila si Kuya."
I wasn't sure if it was really remorse that I was seeing in her eyes. Parang sa isang iglap, bumagsak ang mood niya. She's fondling the hem of her blouse, pinahaba ang nguso.
"Badtrip kasing Progeria 'to 'e. Ang daming pinapahirapan. Kung tutuusin, ako lang naman 'yung may sakit. Pero mas napeperwisyo 'yung mga tao sa paligid ko."
Nanlaki ang mga mata ko, kulang na lang, itulak siya dahil sa sinabi niya. "Ano ka ba! It wasn't your fault! Hindi mo kailangang mag-sorry sa mga bagay na hindi mo naman ginusto, at hindi mo kontrolado! Kasalanan mo ba na nagka-Progeria ka? Besides, you can't blame the people around you. Mahal ka nila. Sobra. Kaya gusto nila na maging okay ka at bumuti ang kalagayan mo."
Na-ii-stress ako sa batang 'to. Ano bang iniisip niya? Na kasalanan niya? Of course not! Wala namang may gustong magkasakit!
"Hindi ko lang talaga maiwasang ma-guilty, Ate. Si Nanay kasi 'e. Halos walang pahinga. Sa umaga at tanghali, busy sa karinderya. Sa hapon, naglalako ng kakanin. 'Yung mga kinikita ni Auntie Tessie sa paglalako ng Sampaguita, sa upa ng bahay namin napupunta. Si Tatay naman, halos hindi na namin makasama. Lalo naman si Kuya! Hindi lang siya nagrereklamo, pero alam kong napapagod din 'yon. Tapos alam mo ba? Noong nakaraang taon? Sina Ate Daisy at Ate Christine, binenta ang ilan sa mga gamit nila para makatulong sa 'min."
Sa dami ng sinabi niya, 'yung huling sentence lang ang pumasok sa isip ko. Si Daisy at Christine? Sa totoo lang, wala sa personality ni Christine 'yon- based on my impression of her noong una naming pagkikita. But who knows? You can't really a judge a person right away. Si Daisy naman... well, I've been hearing a lot of good things about her. Napakabuti niya talaga sigurong tao. 'Yung tipong, mahuhuli ang puso ng kahit sino. And... choir member, huh? Singer. Talented din. 'E 'di siya na ang gifted! Complete package!
"Buti na nga lang, nand'yan si Tita Amelia 'e..."
I almost choked, sa sarili ko pang laway. If I wasn't mistaken, siya 'yung babaeng nagpunta noon sa ospital at... pinatawag si Jehoram.
'Yung matandang babae sa parking lot.
"Tita Amelia?" Nag-uumpisa na naman akong ma-intriga.
Tumango si Annie. "Siya ang tumutulong sa 'min sa pagpapagamot. Pati mga gastusin sa ospital kapag inaatake ako, siya ang nagbabayad. Kulang na nga lang magpadala siya araw-araw ng pagkain sa bahay. Nahihiya lang talaga si Kuya. Kahit naman ako."
Tumango-tango ako, tinatant'ya ang mga dapat itanong. "Relative niyo ba siya?"
"Hindi ah! Sadyang mabuti lang talaga siyang tao."
"Feeling ko nga..."
Hindi relative. Pero napakalaki ng ambag sa pamilya ni Jehoram. Nagbabayad ng hospital bills, tumutulong sa therapy, halos magpadala ng pagkain araw-araw. Ano ba talaga siya? Matandang dalaga na naghahanap ng kalinga?
"Pero ayaw naman namin na umasa na lang sa kaniya. Kahit 'di niya sabihin, alam kong nagtatalo sila ng asawa niya dahil do'n. Ayoko namang makasira ng pamilya."
Halos lumuwa ang mga mata ko. Napatuwid pa ako ng upo at natuliro sa mukha ni Annie. Nakangiwi siya sa 'kin, nagtaka sa kilos ko. Napahimas ako sa neckline ng blouse ko, sinubukang ibuka ang bibig, pero tinakasan ako ng mga traydor na salita!
"Bakit?"
"May..." I can't even complete the sentence! "May asawa na siya?"
First time kong nakita ang pag-irap ni Annie. "May asawa't anak na si Tita Amelia. Kaya nga mas nakakahiya 'e. Himbes na pamilya niya na lang iniintindi niya, kargo niya pa kami. Hindi niya naman kami kamag-anak!"
Hindi pa rin ako maka-move-on. Hanggang sa makauwi ako, iniisip ko pa rin 'yon. Sinubukan kong libangin ang sarili ko. Kahit hindi ako marunong magluto, tumulong ako kay Manang Beth sa kusina. Ang ending, nagkalat lang ako ng mga ingredients.
I was too preoccupied by the thought, hindi ko alam kung bakit sobrang indulged ako sa buhay nila. At sa buhay ng babaeng 'yon.
May asawa siya.
May anak na rin.
Tapos... pinagkamalan ko siyang sugar mommy!
My God! Ang judgmental ko talaga!
Paulit-ulit akong nagsorry sa kaniya sa isip ko. Even in my prayers, sinasama ko siya at ang paghingi ko ng tawad. Bakit ba naman kasi ganito ako mag-isip? Hindi naman ako pinalaking mapanghusga. Nakakahiya naman. Hindi pa nga kami nagkikita noong tao, may kasalanan na kaagad ako sa kaniya!
After that Sunday, naging textmates kami ni Annie. Pero hindi naman palagi. For sure, bantay-sarado rin iyon. Kung hindi ni Aling Sienna, malamang ni Jehoram. Madalas din kaming nagkikita. I've never been to their house, ayaw raw ng maarteng kuya niya. Dalawang beses na kaming nagkita sa park, 'yung malapit lang sa simbahan. Gusto kasi ng kuya, malapit lang sa kaniya. Ang OA. Akala niya naman, may balak akong kidnap-in ang kapatid niya.
"Oo nga Kuya, hindi ako maglilikot! Naka-wheelchair nga ako oh!"
Today was the go signal of Annie's doctor. Finally, pinayagan na rin siyang bum'yahe. Hindi naman malayo ang pupuntahan namin. Paranoid pa rin kasi si Jehoram. And yes, he was with us. Nasa labas kami ngayon ng mansyon, hinihintay si Mang Diego. Good thing, Mom allowed us to use the Chevro.
"Sure ka ha? 'Pag naglikot ka ro'n, uuwi tayo."
Annie did a salute pose. "Aye aye, Captain!"
"Kumpleto ba lahat ng medicine sa bag?"
"Yes! Si Nanay pa, segurista kaya 'yon!
But of course, mas segurista si Jehoram. He wasn't satisfied sa sinabi ni Annie. He still did a double check if her medicines was really complete inside the backpack. Mahina akong natawa at lumapit sa kanila.
"Baka naman masakal na nang sobra si Annie niyan."
Nakangiwi siya habang sinasara ang zipper ng bag. "Masakal ka diyan. Gusto ko lang makasiguro. Nangako sa 'kin si Annie na hindi na kami babalik sa ospital. 'Di ba?"
Annie and I shrugged. Paranoid nga talaga ang Kuya niya, wala na kaming magagawa.
"'Nak, ayos na!" Napalingon kami sa gawi ni Mang Diego. Nagpapagpag siya ng kamay, handang-handa nang gumayak. "Ready na kayo?"
"Kanina pa, Tay!" Annie clapped her hands. She was so excited that her brother had to remind her again.
Ang puso niya raw.
As expected, Mang Diego was the assigned driver. As much as we want him to join us, kailangan pa niyang bumalik mamaya. May appointment na naman kasi si Mommy sa Marikina. She will be needing the Chevro and of course, si Mang Diego.
While we were on our way, pinatugtog ni Mang Diego ang stereo. This must be the first time that I wasn't stressed dahil sa traffic. Napakaingay nila sa sasakyan. Si Jehoram at Annie... nakakawala sila ng poise. Kaya nang tumugtog ang isang song na may up-beat, we couldn't help but sing along while snapping our fingers.
"So why do you build me up?"
"Build me up," Annie echoed and chuckled.
"Buttercup, baby, just to let me down," sumabay na rin si Mang Diego.
"Let me down," Annie constantly echoed every last word of the sentence. We'll just laugh whenever she did.
"And mess me around when the worse of all."
"Worse of all." Jehoram tickled Annie's tummy, sumabay kami sa halakhak niya.
"You never called baby when you say you will."
"Say you will."
"But I love you, still. I need you."
"I need you!" Annie shouted the line, tinuro pa nila ni Jehoram ang isa't isa.
"More than anyone darlin'. You know that I have from the start. So build me up."
"Build me up."
"Buttercup, don't break my heart."
Dumaan ang maraming song at hindi naman 'yon pinatawad. We murdered them all! Hindi na namin napansin ang maliliit na pag-usad ng mga sasakyan. Bago pa kami makarating sa pupuntahan, feeling ko, exhausted na kami. Kaya naman fifteen minutes before we reach the destination, I told Jehoram na patulugin muna si Annie. And she did. Mabilis pala talagang mapagod. Kahit noong binuhat namin siya para pasakayin sa wheelchair, nakapikit pa rin ang mga mata niya. We just woke her up nang nasa loob na kami ng building.
"Wow, parang Italy!"
Our eyes wandered around the majestic place. We were at the Venice Grand Canal- Taguig version. Nasa labas kami ng mall at nakadungaw sa barandilya, pinapanood ang paggalaw ng tubig at nililibot ang mga mata sa iba't ibang attractions.
Sa paligid ng tinatawag nilang grand canal, may matatayog na building. Like some sort of your typical malls, there were tons of fabulous eateries, shopping centers, and Instagramable-friendly spots. May mga stalls din na madadaanan sa gilid ng grand canal. We even saw a gondola sailing smoothly above the water! P'wede kayang sumakay do'n?
"Parang Italy nga." Sumulyap sa akin si Jehoram. "First time mo rito?"
I nodded. "Hindi naman kasi kami mahilig mamasyal. Minsan, nahahatak ni Chelzie. But we've never been here."
"Oo nga pala, 'yung mga pasyal sa inyo, outside the country."
I frowned at his remark at sinuntok siya sa braso. "Hindi naman!"
He laughed.
"Pasok tayo sa loob, Kuya!"
Sinunod namin ang gusto ni Annie. Pumasok kami sa loob at hinayaan siya sa kung saan man niya gustong magpunta. There were times na ayaw na niyang magpatulak kay Jehoram, siya na mismo ang nagpapaandar sa sariling wheelchair niya. At first, I felt conscious dahil pinagtitinginan kami ng mga tao, or specifically, si Annie. Kaso parang wala na lang naman 'yon sa magkakapatid. Afterwards, I've learned how to just ignore them.
Walang kapaguran si Annie. Jehoram was keen to stop her. Pero kahit ilang minutong pahinga, ayaw ng bata. Palagi siyang may nakahandang rebut kay Jehoram. I couldn't just refrain myself from laughing. Hindi na ata nanalo si Jehoram sa argumento nilang dalawa.
"Nagiging stubborn na si Annie. Kunsintidor ka kasi." Inirapan niya ako.
"What? Ba't kasalanan ko?" I pointed myself, namamanghang pinanlalakihan siya ng mga mata."Tsaka pwede ba, this is her day! Happiness only comes in a sweet little moment, hayaan mo na siyang mag-enjoy!"
Annie raised her hand, showing me her palm. Nang makuha ko ang gusto niyang mangyari, pinagbigyan ko siya. Tumunog ang mga palad namin nang maghampas. We laughed at synch. Napailing si Jehoram, may multo ng ngiti sa labi.
Doon ko lang napansin na kanina pa pala ako nakangiti.
The day just felt so good.
Gaya ng sinabi ko, happiness only comes in a sweet little moment. Walang definite expiration. But if there's one thing I was certain of, hindi 'yon nagtatagal. Magigising ka na lang isang araw, wala na, expired na. So when life gave you chance to be happy, grab it, ikulong mo sa mga palad mo. Make every second of it worthwhile. Happiness was made to paint ourlives brighter so when a catastrophe came, that sweet little moment we used to treasure in our hearts will keep us on fighting.
Right. It only takes a sweet little moment to make ourlives worth fighting for.
At sisiguraduhin ko na ang araw na 'to, isa sa sweet little moments ko.
"Ang daming photobomber!" I whined after taking them piles of picture.
Hindi ako makuntento! Ang dami kasing nakikisingit, hindi tuloy makita ang ganda ng lugar.
"Hayaan mo na. Maraming tao 'e." Jehoram shrugged, hiding his hands inside his pockets.
Kinuha ni Annie ang DSLR. Nakanguso ako, hindi satisfied sa kinalabasan ng shot. Kanina ko pa sila pinag-e-eksperimentuhan, pero wala talaga akong makitang magandang shot!
"Kayo naman, Ate!" Tinulak ako ni Annie palapit sa kuya niya.
"Ha? Bakit? Babysitter lang naman ang Kuya mo, Annie! Tayo na lang!"
"Bakit? Masama bang magpicture ang babysitter at ang bini-babysit niya?"
"Excuse me! Hindi ako ang bini-babysit ng kuya mo ha! Ikaw!"
"Honestly, mas mahirap kang bantayan kaysa kay Annie," sabi ni Jehoram sa likod.
Pairap akong lumingon sa kaniya. "Sino bang nagsabi sa 'yong bantayan mo 'ko?"
"Malamang! Kung saan-saan ka kaya sumasampa! Nakikita mo 'yon?" Tinuro niya 'yung railings sa pinakataas na floor. "Kulang na lang tumalon ka diyan kanina! First time mo ba sa mall?"
I seethe. "Ikaw." Hinubad ko ang sling bag sa katawan ko. He crossed his arms at hinarang 'yon sa mukha niya. I was about to hit him hard nang may tumamang liwanag sa amin.
"Akalain mo 'yon, Kuya. Marunong pala ako nito."
Napalingon kami kay Annie. Halos mapunit ang mga labi niya. She was looking at my DSLR, tinitignan ang bawat anggulo ng screen.
"Ang cute niyo!"
Ibinalik ko ang sling bag sa katawan ko, pinapatay si Jehoram sa tingin habang lumalapit siya kay Annie. He took a look at our picture, malapad ang ngisi habang sinusuri iyon.
Winagayway niya sa 'kin ang camera. "Tignan mo. Kitang-kita kung ga'no ka ka-amazona rito."
Halos patayin ko siya sa mga matatalas kong tingin.
I swore to myself na hindi ko hahayaang masira ang araw na 'to. True enough, it went nice kahit pa maraming tao. Jehoram couldn't just stop himself from pissing me off. Pero hindi ko maitatangging masaya ako. Sobra. Everything inside was just so light. I couldn't remember the last time I felt like this. 'Yung parang walang problema. Kahit alam kong marami pa akong dapat isipin, sobrang panatag ng kalooban ko. At least in this short moment. Peace of mind. Maybe that's how I'll call it. Kahit temporary lang, kuntento na ako. Tulad nga ng sabi ko, temporary happiness is happiness too.
We spent the whole day taking piles of picture, kahit maraming photobombers. We also went to Venice Piazza to catch the live performance of a popular band, and watched Wonder Woman in Venice Cineplex. Bago matapos ang araw, kumain kami sa Grand Cafe Lavena, giving us a chance to dine near the sublime grand canal. Hindi maampat ang pagngiti ko buong araw. Kung saan-saang bansa pa ako nagtravel noon. Sinong mag-aakalang dito lang pala ako magiging sobrang saya?
"Oy, Ma'am Blaire," pagtawag sa 'kin ni Jehoram.
At last, we tried to ride a gondola- isang bangka na flat ang ilalim at paturok ang magkabilang dulo. Nagsisiksikan kaming tatlo sa seat, nasa gitna namin si Annie. Madilim na at sa tingin ko, tama lang ang oras na napili namin. The night lights and the gleaming stars made the experience more astonishing.
"Blaire nga," I corrected him.
"Bahala ka diyan."
Sinulyapan ko siya. Tulad ko, sa mga ulap din siya nakatunghay. "Why?"
"Thank you..."
Napangiti ako. If being extremely happy was deadly, I might be the next one to bury. Hindi naman na bago sa 'kin ang salitang thank you. Sa t'wing may meeting ako with a business tycoon, naririnig ko 'yan. Madalas din sa mga employee namin. Pero iba pa rin pala ang pakiramdam kapag sa ibang tao nanggaling. 'Yung alam mong genuine. 'Yung feeling na for once, may nagawa ka ring mabuti para sa iba.
For once, hindi ako disappointment.
"For what?" Hindi ko maitago ang galak sa boses ko.
"Kasi napasaya mo si Annie?"
I chuckled. "See! Ang OA mo pa no'n. Ayaw mo pa siyang ipasama sa 'kin."
Napabaling na rin siya sa 'kin. "'Di naman sa gano'n! Worried lang, baka kasi mabinat. Ang gulo-gulo kaya nitong bata," aniya at hinalikan ang bonet na suot ni Annie.
Parang may kamay na humaplos sa puso ko. I pursed my lips, binalik ang mga mata sa kaulapan.
Hanga talaga ako sa kanilang magkapatid. Sobrang solid ng bonding nila. I was wondering kung paano nila nagagawa 'yon. Busy si Jehoram, palagi lang nakakulong sa bahay si Annie. Sabi nga nila, bihira lang silang mamasyal at kumain sa labas. Pero paanong sobrang lapit nila sa isa't isa? Kung tutuusin, kumpara kay Jehoram at Annie, mas malalapit ang age gap namin nina Kuya at Bailey. We're supposed to be reconciling at so many things. Maraming beses pa kaming nag-out-of-town para raw makapagbonding kaming pamilya. Pero hindi talaga kami naging sobrang lapit sa isa't isa.
Ang awkward nga sa pakiramdam kapag naiiwan kaming tatlo sa isang enclosed na lugar.
"Seriously, thank you talaga," pag-uulit ni Jehoram, mas mahinahon this time. Mas sincere.
Ngumiti ako at tumango, inayos ang pagkakasuot ng bonet ni Annie. Medyo malamig na rin kasi ang simoy ng hangin.
"Wala 'yun. Nag-enjoy rin naman ako. Tsaka... napakaliit na favor lang naman nito. Masaya akong masaya si Annie."
He didn't utter anything as a reply. Pinagmasdan niya lang si Annie. Ako naman, nakamasid sa kanila. Annie was making herself busy counting the stars. Paulit-ulit niya pang sinabi sa 'min na sinusundan daw kami ng moon. Kahit madilim, kita ko ang saya sa mga mata ni Jehoram. He really was happy for Annie. Hindi maalis ang tingin niya sa kapatid, akala mo naman bigla siyang puputok na parang bula.
Natawa ako sa naisip.
"S'werte ni Annie sa 'yo."
He looked at me, amused. "Tingin mo?"
I smiled at him and nodded. Mas lumapad ang ngiti niya. Sumasakit na ang pisngi ko pero okay lang. 'Di bale nang mangalay kung pagngiti naman ang dahilan. We can never tell what will happen tomorrow. Hindi natin masasabi kung hanggang kailan tayo masaya, at kung kailan tayo ulit sasaya. Gusto ko lang sulitin 'tong araw na 'to. Hindi ko man kayang ihinto ang oras, at least, just let me cherish the moment.
Nagulat ako nang biglang kuhain ni Annie ang kanang kamay ko. She placed it above her lap. At mas kinagulat ko ang pagpatong niya ng kamay ni Jehoram sa ibabaw ng kamay ko. She held both of our hand with hers, nakatunghay pa rin sa kalangitan.
"Sobrang s'werte ko nga..."
Pinakiramdaman ko ang tibok ng puso ko. It was like... burning rubber inside my chest. Nagwawala. Nagkukumahog. Like a knocking fist and a sprinting horse... like a mad tiger. Sinulyapan ko si Jehoram. He was also staring at me, pinapanood ang reaksyon ko. Pinagsisihan ko kaagad na tumingin ako sa mga mata niya. The sensation was unhealthy for my heart. Para itong uod na binubudburan ng asin. Malikot. And the feeling was... suffocating.
I just... couldn't breathe.
We stayed in that position for quite long. Or say, throughout the whole ride. Hindi ako makatingin ng deretso sa gawi ng Jehoram. Para akong pinagkakaitan ng hangin sa t'wing naiisip ko ang mainit na palad niya sa ibabaw ng kamay ko.
After riding the gondola, we decided to go home. Nagtext na rin kasi si Mang Diego, nasa parking lot na siya at naghihintay. Lampas na nga kami sa curfew ni Aling Sienna. Mabuti na lang, good mood siya dahil malaki ang kita sa karinderya.
"Blaire?"
Isang pamilyar na babae ang tumawag sa atensyon ko. We halted. Nasa likuran ko si Jehoram, tinutulak ang wheelchair ni Annie na mahimbing na ngayon ang pagtulog.
Pinagmasdan ko ang babae. Pinaliit ko ang mga mata ko habang inaalala kung sino siya. Her face was familiar, pero hindi ko matandaan kung saan at kailan ko siya nakita.
She laughed, may pagka-demure. "I knew it, hindi mo 'ko maalala!" Malapad pa rin ang ngiti niya. "By the way, I'm Rianne Ramos. Schoolmates tayo noong high school. Costello Academy, right? Member din ako ng glee club."
"Oh!" My eyes enlarged nang maalala kung sino siya. "Rianne! I'm sorry, nagiging makakalimutan na. A lot of things happened after we graduated." Napakamot ako sa kilay ko.
Muli siyang tumawa habang tumatango. "Yeah, I think so. And a lot of things had changed as well, huh?" May panunuya sa tono ng pananalita niya. "From friends to lovers and now? You're engaged! Grabe! Sabi ko na nga ba, kayo rin ni Levi ang magkakatuluyan!"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Parang biglang... gusto kong tumakbo at hatakin palayo sina Jehoram at Annie. I couldn't understand where it was all coming from. Pinakalma ko ang sarili ko at paulit-ulit na sinabi sa isip ko na walang mali. I've been trying to tell it to him noon pa pero palaging may humahadlang. Ano ngayon kung malaman niyang ikakasal na ako?
No big deal.
"I'm sorry for being snoopy. I was just really thrilled to see you again. Tsaka... nalaman ko lang kay George na ikakasal na kayo. Nagulat nga 'ko kasi... may kumakalat na chismis. Sila raw ni Thaliya? Well, only few were aware what's really going on. Kumusta na ba siya?"
I pursed my lips and forced out a smile. Of course, malalaman nila ang engagement! Kung hindi lang naman dahil sa mga palabas ni Madame Eliza, hindi nila iisiping si Levi at Thaliya! They were public figures too! Sino ba naman ako? I wasn't even good enough to be an Altaluna!
Pero ang engagement... hindi sikreto 'yon. Stop acting like it was, Blaire. Umayos ka nga!
"He's... he's still in a coma. For more than a month na..."
She took a deep sigh. "I've never foreseen this. He used to be a happy go lucky guy before. Madalas pa nga siyang spotted sa mga club kaya akala ko, maayos talaga ang lagay niya," she said. "Anyway, it's already late. Kailangan ko na atang umalis. It's nice to see you again, Blairey. Send my regards to your fiancee, okay?" She touched her cheeks on mine bago muling ngumiti at umalis.
I could feel my heavy breathing the moment she's totally gone out of my sight. Mariin akong pumikit, huminga nang malalim at tumalikod. Una kong binalingan si Annie. She yawned, sandaling minulat ang mga mata niya. She smiled a bit and closed her eyes again. I bit my lower lip before averting my eyes to him. I swallowed hard nang mapukol ang mga mata ko sa kaniya.
He looked... dumbfounded.
Pumungay ang mga mata niya, pinadausdos ang tingin pababa sa kaliwang kamay ko. His eyes lingered to my ring finger- kung saan nakasuot ang diamond ring na binigay ni Levi.
"Jehoram..."
He, again, averted his eyes back to me. He smiled... but it was million ways different from his smiles earlier.
"Ikakasal ka na?" It was almost a whisper.
Ramdam ko ang pagbabara ng kung ano sa lalamunan ko. Unti-unti akong tumango, placing some strand of my hair at the back of my ear. Bumaling ako kay Annie para iiwas sa kaniya ang mga mata ko.
"Oo 'e... I was just... waiting for him to wake up."
Humigpit ang kapit ko sa strap ng sling bag. He didn't speak for some while. Nakatingin lang ako kay Annie. I was silently praying na magising siya. We need her noise. Kahit pa maingay ang mga tao sa paligid, hindi napawi no'n ang awkwardness na nararamdaman ko.
"'Di ba may promise ako sa 'yo?"
Hindi ko man lang magawang lingunin siya. Napayuko ako. Ayoko ng ganito. I've never felt this awkward around him. Mas gusto kong nag-aasaran kami. 'Yung tipong susuntukin ko siya sa braso, kukurutin sa tagiliran, sisikuhin, tapos tatawanan niya lang ako.
"Sabi ko... ipagdarasal ko 'yung tao na palagi mong binibisita sa ospital... Fiancee mo pala 'yon?"
Tango lang ang naging sagot ko, hindi pa rin makatingin sa kaniya. I didn't want to look at his eyes. Hindi ko man mabasa kung anong nararamdaman niya, pero hindi ako bulag. It was different. I could see the difference.
"'E 'di dapat pala... mas kulitin ko pa si Lord?" He chuckled.
I smiled, trying to hide the uneasiness inside me. Kung kaya niyang tumawa, dapat ako rin. So I did. I collected all the courage I had and put them in a jar. Tumingin ako sa kaniya... sa mapupungay na mga mata niya.
"Baka makulitan na Siya nang sobra. Sa 'kin pa lang 'e. Pa'no pa kung magjoin forces tayo?"
He shook his head, trying hard to keep that gorgeous smile. "Tinulungan mo ko kay Annie. Tutulungan din kita sa fiancee mo. Tulad ng promise natin, magkasama tayo. Haharapin natin 'yung hirap nang sabay. Ipagdarasal natin sila nang sabay."
He smiled timidly, hindi man lang umabot sa mga mata niya.
"Promise 'yan 'di ba?"
Hindi ako nakasagot. I just tightened my grip to the strap of my bag. I inclined my head down, halos magdugo ang labi ko sa labis na pagkakakagat ko rito.
That's what I was telling you a while ago...
Happiness will only happen in a sweet little moment and will end in no definite period of time.
As the sand goes down in the narrow neck of the glass, the invisible arm of the clock will take ahold of your happiness. As time goes by, your feet will move forward but your sweet little moment will be left behind and the only thing you could bring is the memories of yesterday.
***
427Please respect copyright.PENANA8koITtPXjx
427Please respect copyright.PENANAT0OweFGL64
427Please respect copyright.PENANAfNJOqeLnmp
427Please respect copyright.PENANAQis9FFVfFT
427Please respect copyright.PENANAv2b4tYZgFv
427Please respect copyright.PENANAvFuwx59bXN
427Please respect copyright.PENANA0LScOUUrMn
427Please respect copyright.PENANAyJJGSIkd0g
427Please respect copyright.PENANAJfcFR4pLnu
427Please respect copyright.PENANApRSRZYPqHO
427Please respect copyright.PENANAFNrYPrAnwk
427Please respect copyright.PENANAPkYIwJDTSx
427Please respect copyright.PENANAD4QiYfiDlr
427Please respect copyright.PENANALXBXvSHJBO
427Please respect copyright.PENANAp43jmA71hY
427Please respect copyright.PENANA6y8tLro7CH
427Please respect copyright.PENANAWdSunAC0g2
427Please respect copyright.PENANAkuSSqjOMe7
427Please respect copyright.PENANASWKN6dmaK9
427Please respect copyright.PENANAHqfsAMRHYe
427Please respect copyright.PENANAIQaN6foAmm
427Please respect copyright.PENANAIb9jYTroNr
427Please respect copyright.PENANAfXNzySZRaI
427Please respect copyright.PENANAeyXMZVdAuU
427Please respect copyright.PENANAvSRF9ecTYC
427Please respect copyright.PENANAxEGJRrLxZr
427Please respect copyright.PENANAFiUR8NFHcf
427Please respect copyright.PENANA2TSnXgUv1Z
427Please respect copyright.PENANAu65k2omZZJ
427Please respect copyright.PENANAeqjW8ERa3c
427Please respect copyright.PENANA5Vqr8TBUeC
427Please respect copyright.PENANAkGAXnag4dY
427Please respect copyright.PENANAGQO1qCswtk
427Please respect copyright.PENANAfGIot3CUwc
427Please respect copyright.PENANANRTJe2QxYw
427Please respect copyright.PENANA1sMQ49GDsO
427Please respect copyright.PENANAPiHxuk0Gy2
427Please respect copyright.PENANASgmKcNqf5C
427Please respect copyright.PENANAw5LVdYaYnR
427Please respect copyright.PENANAsKLSdw4UmW
427Please respect copyright.PENANAf2V9ebtJuX
427Please respect copyright.PENANA0wPpwA6uWz
427Please respect copyright.PENANANUXNk1iYaV
427Please respect copyright.PENANAQE6yfQKpAa
427Please respect copyright.PENANAJARutpqqGd
427Please respect copyright.PENANALDQOAZprtr
427Please respect copyright.PENANAFBZiu6BhXQ
427Please respect copyright.PENANAq0AfLxp8Un
427Please respect copyright.PENANAHwKz40NU5T
427Please respect copyright.PENANAhwwgj3BSy7
427Please respect copyright.PENANATo1esMNS7v
427Please respect copyright.PENANAUgktSIxrxX
427Please respect copyright.PENANA34nFSbaCiG
427Please respect copyright.PENANAGZcGXSEez1
427Please respect copyright.PENANABc7v1NaIU5
427Please respect copyright.PENANA1cdbJgPe6W
427Please respect copyright.PENANAcxmhxCYurt
427Please respect copyright.PENANAaCZXfTB7ZW
427Please respect copyright.PENANAIWOa2TWsR3
427Please respect copyright.PENANAKAbaNmRtZI
427Please respect copyright.PENANA5bGjDQMDDv
427Please respect copyright.PENANAAk0tjZdi98
427Please respect copyright.PENANAk62glsDpHt
427Please respect copyright.PENANANwKfw2dzsB
427Please respect copyright.PENANAzlL96qGhrO
427Please respect copyright.PENANA9k3YRbeCbF
427Please respect copyright.PENANA1Ib40JuCLb
427Please respect copyright.PENANAahFCFwWUdE
427Please respect copyright.PENANAij95hEYmMW
427Please respect copyright.PENANAYbVJO04scZ
427Please respect copyright.PENANAq6KfNhvmCe
427Please respect copyright.PENANA3Tcqh3YWMo
427Please respect copyright.PENANAPPS3hIkBIy
427Please respect copyright.PENANAIoDXGST1Ne
427Please respect copyright.PENANAKDdMVuQ1Fx
427Please respect copyright.PENANAwVLMP20wbt
427Please respect copyright.PENANADiRDPqkSfF
427Please respect copyright.PENANAjA5sEGIJJD
427Please respect copyright.PENANA7xxK5yuho4
427Please respect copyright.PENANA6VFNbRRsKJ
427Please respect copyright.PENANARVmLVj2GKE
427Please respect copyright.PENANA5aiAgirvQ6
427Please respect copyright.PENANA5MXNU4FxJm
427Please respect copyright.PENANAIEkYuaJhlU
427Please respect copyright.PENANACFvCZynior
427Please respect copyright.PENANAs2QFnyYweB
427Please respect copyright.PENANAyRM6q51lVq
427Please respect copyright.PENANAErKFbtm79y
427Please respect copyright.PENANAmRiiyHOGu3
427Please respect copyright.PENANAsYzrquy5mR
427Please respect copyright.PENANAemGxNc7K3N
427Please respect copyright.PENANArav5YouqGx
427Please respect copyright.PENANASHslA7Lt8o
427Please respect copyright.PENANABfglFKd4dW
427Please respect copyright.PENANAUf2OAUsPJS
427Please respect copyright.PENANAphSktxvnRH
427Please respect copyright.PENANAGncolCw3T9
427Please respect copyright.PENANABKVEiayhLu
427Please respect copyright.PENANAKEQIxxaLMd
427Please respect copyright.PENANA7VSzx2w4tE
427Please respect copyright.PENANAJEckGJjAXK
427Please respect copyright.PENANAp37kQ5sYNn
427Please respect copyright.PENANABqj0QJ4gQG
427Please respect copyright.PENANALYuKaHzbY6
427Please respect copyright.PENANAlGui9sq2gk
427Please respect copyright.PENANAWpHLxIUmUq
427Please respect copyright.PENANAo42KwJ8N9x
427Please respect copyright.PENANAtJvVfpJwwn
427Please respect copyright.PENANAXvnP9jJ7xn
427Please respect copyright.PENANAf8XeYgTa3X
427Please respect copyright.PENANAZ5ulpfWias
427Please respect copyright.PENANAyYLA0XxU8z
427Please respect copyright.PENANA0d5Ll1Txfx
427Please respect copyright.PENANAJ5NjIfJB4V
427Please respect copyright.PENANAT0mN6GBGAC
427Please respect copyright.PENANA0GE35uM0Sf
427Please respect copyright.PENANAB3D2X8Cdgl
427Please respect copyright.PENANAzV7N02gsGY
427Please respect copyright.PENANA59A4cv4uMy
427Please respect copyright.PENANAUx5LVLYv86
427Please respect copyright.PENANAC6PrMFtcn5
427Please respect copyright.PENANAV2NpsMdGuo
427Please respect copyright.PENANANYli2Me4Sq
427Please respect copyright.PENANAoYvJhDcH9Q
427Please respect copyright.PENANA7BdQOqm53A
427Please respect copyright.PENANAgqDgaFGQg2
427Please respect copyright.PENANA9WpQd06ePf
427Please respect copyright.PENANADqzrpjpAnC
427Please respect copyright.PENANAzF91x6Iv15
427Please respect copyright.PENANAbeofPaf56B
427Please respect copyright.PENANA1VQc2iEeVO
427Please respect copyright.PENANAQORZHXYRoX
427Please respect copyright.PENANAs8HpnTEJIY
427Please respect copyright.PENANA48kfvdVCOb
427Please respect copyright.PENANAXkoVQVyChO
427Please respect copyright.PENANAJ0kA7ZmqGp
427Please respect copyright.PENANAFuvYoHkMMR
427Please respect copyright.PENANApzSVswAiFr
427Please respect copyright.PENANAxli9zN6hIL
427Please respect copyright.PENANALkzRCtWFL6
427Please respect copyright.PENANAd4YHFfylde
427Please respect copyright.PENANADbLQ1bMpf6
427Please respect copyright.PENANAwnbKYbYlv0
427Please respect copyright.PENANA2m8eJNv8Yo
427Please respect copyright.PENANA4LuNDmkN92
427Please respect copyright.PENANAyjnzmx2H2A
427Please respect copyright.PENANA0Ax9TE52ka
427Please respect copyright.PENANAuhWdXbqIp2
427Please respect copyright.PENANAHG0mZbgirE
427Please respect copyright.PENANA7d0DtMLlgv
427Please respect copyright.PENANAFblwq7O1hR
427Please respect copyright.PENANAFZ53HbPaKZ
427Please respect copyright.PENANAcv8OPlTYPf
427Please respect copyright.PENANAYviivhKI1r
427Please respect copyright.PENANA8Is5Wgq5BD
427Please respect copyright.PENANA2h8rGbQcSu
427Please respect copyright.PENANANl2AGjVT4e
427Please respect copyright.PENANAlwMgD3iA99
427Please respect copyright.PENANAl0BsN0huGg
427Please respect copyright.PENANA2t3GGFKfFF
427Please respect copyright.PENANAsA4uI9oJXH
427Please respect copyright.PENANAi3lh5AfpPB
427Please respect copyright.PENANAhk6q512iZr
427Please respect copyright.PENANAjVb6wtEUYh
427Please respect copyright.PENANADpHZTjFUFK
427Please respect copyright.PENANAhOfT2vgohc
427Please respect copyright.PENANAof8kaX0VYM
427Please respect copyright.PENANAvcGtZOMMox
427Please respect copyright.PENANA55d0QZhp4r
427Please respect copyright.PENANAFCCSjIzRt1
427Please respect copyright.PENANADRTsfMymJA
427Please respect copyright.PENANAX2thyfHeHf
427Please respect copyright.PENANApkrVTVpc8N
427Please respect copyright.PENANA76vRjuFfq3
427Please respect copyright.PENANAdIVfa1TW43
427Please respect copyright.PENANATKCxetHSi7
427Please respect copyright.PENANAemNRl4DTkC
427Please respect copyright.PENANASwewCs0uS2
427Please respect copyright.PENANAo3ifKa62wd
427Please respect copyright.PENANAsD5zYhctUG
427Please respect copyright.PENANAlNfKeZnPqR
427Please respect copyright.PENANAi5qTPjZE9W
427Please respect copyright.PENANA2rlyKVtkJ0
427Please respect copyright.PENANAXvlogFxYiN
427Please respect copyright.PENANAHTPPl2gIYx
427Please respect copyright.PENANAmfr95nx83L
427Please respect copyright.PENANAUkkLB45D07
427Please respect copyright.PENANAVQAEls4zkL
427Please respect copyright.PENANAdI2AcuakfX
427Please respect copyright.PENANAqHTMDbBDyR
427Please respect copyright.PENANAVSx8rWtugw
427Please respect copyright.PENANAIziSdcVVPA
427Please respect copyright.PENANAmCdgKtV6Ne
427Please respect copyright.PENANAu7mWjtOl2e
427Please respect copyright.PENANAfCZz1ABOcA
427Please respect copyright.PENANAxbTzKyaibl
427Please respect copyright.PENANA5AtCKNEHqX
427Please respect copyright.PENANAW1kP7OVHLR
427Please respect copyright.PENANAPhxRLMXDdN
427Please respect copyright.PENANAoMSATifDSI
427Please respect copyright.PENANA3NRS5LjfwU
427Please respect copyright.PENANAQIFmpgKpEP
427Please respect copyright.PENANAf4ozomSjTR
427Please respect copyright.PENANAYLOSFNNPVy
427Please respect copyright.PENANAZB1eg5cJNm
427Please respect copyright.PENANAr3SVYoQi0N
427Please respect copyright.PENANAwlLrDtSM0j
427Please respect copyright.PENANAIsYERBffif
427Please respect copyright.PENANA0lSSYnBjCa
427Please respect copyright.PENANAA4rJgV2O3h
427Please respect copyright.PENANAjcDlmfr4Qf
427Please respect copyright.PENANAFfkRid0zXp
427Please respect copyright.PENANAKUfEtVSJbc
427Please respect copyright.PENANAWzItGPCu3O
427Please respect copyright.PENANAbizbRka3Pz
427Please respect copyright.PENANAteQX7iHP4s
427Please respect copyright.PENANA5sKQHGPlNw
427Please respect copyright.PENANAvPfTfeJzvQ
427Please respect copyright.PENANA3nc7zWKEiB
427Please respect copyright.PENANAk7dYcHEGJ2
Psalm 118:24 ||427Please respect copyright.PENANAmMk1rkVOpF
427Please respect copyright.PENANA9J6FvF5eih
This is the day the Lord has made; we will rejoice and be glad in it.