KABANATA 3: New Chemistry
Dalawang araw mula nang hindi na sila nag-uusap nang maayos, si Roni at Migs ay para na lang magkaklase, hindi na mag-bestfriend.
Hindi siya sanay. At mas masakit 'yung parte na parang... okay lang kay Migs.
Nakatunganga si Roni sa harap ng Chemistry lab setup nila. May mga beaker, test tube, at alcohol lamp. Group activity. At ayun na nga—sinwerte pa siya.
Groupmates nila si Marianne.
“Hi, partner,” masayang bati ni Marianne habang kinikiskis ang kamay. “Looks like magkakampi tayo ngayon.”
Sumulyap si Roni kay Migs, pero abala ito sa paghahanda ng materials. Hindi man lang siya tiningnan.
“Okay lang ba ako na lang sa flame?” tanong ni Marianne kay Migs.
“Sure,” sagot ni Migs, kahit hindi pa rin nakatingin kay Roni.
Ngunit sa ilang sandali lang, napatigil si Migs sa ginagawa niya. Napansin niya—tahimik si Roni. Hindi gaya ng dati.
“Okay ka lang?” tanong niya, halos pabulong.
Roni didn’t answer.
“Uy,” sabay kurot niya sa gilid ni Roni, gaya ng dati nilang biruan.
Pero hindi na ‘yon nakakatawa.
“Don’t,” mahina pero matalim na tugon ni Roni.
Natigilan si Migs. Parang tinablan sa kaibuturan.
After Class
Habang naglalakad papunta sa gate, lumapit si Marianne kay Migs.
“Hey, may tanong ako.”
“Hm?”
“Bestfriends kayo ni Roni, ‘di ba?”
“Yeah.”
“But… have you ever wondered kung ‘friend’ lang ba talaga ‘yung nararamdaman mo para sa kanya?”
Natigilan si Migs.
“Bakit mo natanong?”
“Wala. Curious lang. Kasi ‘yung way mo tumingin sa kanya… para kang laging may gustong sabihin pero takot kang umamin.”
Hindi nakasagot si Migs. Kinamot lang niya ang batok niya.
“But it’s fine,” tuloy ni Marianne, ngumiti. “If ever na hindi mo siya gusto… baka may ibang pwedeng umagaw ng atensyon mo.”
Nagkatinginan sila.
Ngunit sa likod ni Marianne, nakita niya si Roni. Naglalakad mag-isa, may hawak na pancake sa tissue—yung paborito nila dati kapag hindi nila afford ang combo meal.
At ang masakit? Hindi siya pinansin ni Roni.
At Lola Milagring’s house
“Anong problema?” tanong ni Lola habang nilalagyan ng Vicks si Migs sa likod.
“Wala po,” sagot ni Migs, nakatalikod.
“May Marianne ba dito sa picture na ‘to?” sabay pakita ni Lola ng lumang polaroid nila ni Roni, kasama sa tagpuan nila sa school fair.
Napatawa si Migs. “Wala po.”
“Eh bakit parang pinapalitan mo ‘yung may laman na ang puso mo?”
“Hindi ko naman pinapalitan, ‘La.”
“Eh bakit parang sinusubukan mong kalimutan ‘yung totoo sa puso mo?”
HIndi rin sya nakasagot sa tanong na iyon ng matanda.
Meanwhile – Bahay ni Roni
“Anak, kakain ka ba?”
“Busog pa po, Ma,” sagot niya habang hawak-hawak ang pancake na binili pero hindi niya kinain.
“Nandito si Migs sa labas. Gusto kang kausapin.”
Natigilan si Roni.
“Sabihin mo po… bukas na lang. Hindi pa ako handa.”
Kinabukasan sa School
“Good morning, partner!” masiglang bati ni Marianne kay Migs habang abot ang kape.
“Para saan ‘to?” tanong ni Migs, kunot ang noo.
“Para sa’yo. Wala lang.”
Ngunit bago pa niya matanggap, dumaan si Roni. At narinig niya ang buong eksena.
“Wow, sweet,” mahinang sabi ni Roni. “Baka bestfriend din kayo niyan balang araw.”
Napatayo si Migs.
“Roni, teka—”
Pero naglakad na lang si Roni palayo. Hindi dahil galit siya.
Dahil nasasaktan siya. At hindi na niya kayang itago.
ns216.73.216.251da2