Chapter 6 – The Distance Between Us
Narration:
Hindi agad-agad nawawala ang isang taong naging parte ng bawat araw mo. Minsan nga, mas nararamdaman mo pa siya kapag wala na siya. Hindi dahil andiyan pa… kundi dahil biglang may kulang.
Scene: School – Computer Room
Maagang dumating si Migs. Gusto sana niyang i-reserve ang spot nila ni Roni. Yung usual nilang computer sa dulo, harap ng bintana. Pero pagdating niya roon, may ibang nakaupo.
Tumingin siya sa paligid—wala si Roni.
Hinugot niya ang phone, nag-type.
Text to Roni:9Please respect copyright.PENANAnZaN5PiPXq
“San ka? Di ka papasok?”
Walang reply. Ikinibit-balikat niya, pero sa totoo lang… parang may kumirot.
Scene: Canteen
Magkasama sina Migs at Arianne. Tahimik silang kumakain. Wala ang usual energy ni Migs. Parang may hinahanap.
Arianne (naka-kunot ang noo):9Please respect copyright.PENANAL2nSYjxDXM
“Okay ka lang ba, Migs?”
Migs (ngiti-ngiting pilit):9Please respect copyright.PENANA2mmfMRvOGd
“Oo naman. Medyo puyat lang.”
Tiningnan niya ang tray niya. Pancit canton at burger steak. Iba. Hindi yung usual nila ni Roni—Pancit Malabon at kikiam.
Napansin ni Arianne ang tingin niya.
Arianne:9Please respect copyright.PENANArSjt99Lfg7
“Miss mo siya, ‘no?”
Migs (nagulantang):9Please respect copyright.PENANAiCOtrMfG9T
“Ha? Si Roni? Hindi, ano ka ba—”
Arianne (mahinahong ngiti):9Please respect copyright.PENANA331LOyMGHQ
“Migs, okay lang. Hindi ako threatened. Pero sana... maging totoo ka rin sa sarili mo.”
Hindi nakasagot si Migs.
Scene: Roni’s Room – That Night
Roni’s Journal Entry:9Please respect copyright.PENANAmnlIItpt2U
“Mas madaling iwasan kaysa ipaglaban. Pero minsan, kahit umiwas ka, hindi naman talaga nawawala yung sakit.”
Hindi siya pumapasok buong linggo. Hindi siya nagpapakita kay Migs. Pero hindi rin siya tumitigil kakatingin sa kanya mula sa bintana kapag nadaan ang binata pauwi.
Scene: Miguel, With Lola Milagring
Nasa terrace si Migs. Tahimik. May dalang lumang photo album—puno ng pictures nila ni Roni: noong mga bata pa, noong JS prom, noong nanalo sila sa duet sa Linggo ng Wika.
Lola Milagring:9Please respect copyright.PENANAcvWuNDgwfi
“Apo… bakit parang wala na si Roni sa paligid mo?”
Migs:9Please respect copyright.PENANAslGaQf6PWr
“Busy lang po siguro sa school.”
Lola Milagring:9Please respect copyright.PENANAUSNtQbeZce
“Hindi siya nawawala dati kahit gaano siya ka-busy. Ngayon lang yan nangyari.”
Tahimik si Migs. Walang maisagot.
Lola Milagring (mahinahong boses):9Please respect copyright.PENANAP0774mPBfg
“Baka kasi may bago ka nang pinaglalaanan ng oras, kaya siya na ang bumitiw.”
Migs:9Please respect copyright.PENANATaBUND6oI6
“Pero siya pa rin po ‘yung iniisip ko.”
Lola:9Please respect copyright.PENANAwCUW61v44s
“E ‘yun naman pala, eh. Bakit hindi mo sabihin?”
Migs (mahina):9Please respect copyright.PENANALWzo58dVlF
“Kasi baka huli na.”
Scene: Rooftop – School, Next Week
Muli silang nagkita. Hindi sinasadya. Si Roni, nagpapahangin. Si Migs, umiwas sa crowd.
Nagkatitigan.
Migs:9Please respect copyright.PENANArBxapQ66e2
“Akala ko busy ka.”
Roni:9Please respect copyright.PENANAjSJHjucrXM
“Akala ko rin di mo mapapansin.”
Tahimik. Walang salita. Hangin lang. At tibok ng pusong parehong hindi marunong umamin.
Migs:9Please respect copyright.PENANAYwMa3rhpE6
“Namiss kita.”
Roni (mahina):9Please respect copyright.PENANAUTsW70dlpl
“Pero hindi sapat ‘yung ‘namiss kita’ para bawiin lahat, ‘di ba?”
Migs:9Please respect copyright.PENANAwiFHI6Yg1N
“Gusto ko lang sabihin… hindi kita nakakalimutan.”
Roni:9Please respect copyright.PENANAaOwQWeJhKR
“Eh bakit parang ako na lang ‘yung palaging may ‘hindi pwede’ sa kwento natin?”
Tumalikod si Roni. Si Migs, hindi na sinundan.
Narration:
May mga tao talagang kahit anong pilit mong hawakan, unti-unting dumudulas sa palad mo. Hindi dahil hindi mo sila mahal… kundi dahil huli mo na silang pinili.
ns216.73.216.208da2