Chapter 5 – Too Late
Narration:
Magsimula tayo sa kung kailan lahat ay naging malinaw—pero huli na ang lahat. Kung kailan siya ang nasa tabi mo, pero hindi na para sa’yo.
Scene: School Grounds. Lunch Break.
Masayang nakaupo sina Roni, Migs, at Arianne sa lilim ng punong acacia sa tabi ng school oval. Si Migs, nakaakbay kay Arianne habang pinapasadahan ng tingin ang modules nila. Si Roni, tahimik lang. Kumakain ng paborito niyang pancit malabon na parang wala lang. Pero sa bawat subo, para siyang nilulunok ng damdaming ayaw na niyang kilalanin.
Migs (nakangiti):10Please respect copyright.PENANA4w3Ys29Y3q
“Arianne, tikman mo ‘to. Specialty ng canteen ‘to ni Roni—Pancit Malabon with extra kikiam. Swear.”
Arianne (mahinhing tumango):10Please respect copyright.PENANALRaVRpfrTw
“Wow, Roni. Favorite mo ‘to?”
Roni (forced na ngiti):10Please respect copyright.PENANAhUFMTnRRDW
“Simula Grade 7 pa lang.”
Sabay kurot sa puso. Dati si Migs ang nagsusubo sa kanya habang nagtatawanan sila. Ngayon, siya na lang ang nagmamasid.
Flashback: Roni’s Journal, That Night10Please respect copyright.PENANAhQxkg3x09B
“Hindi ako galit. Pero bakit parang ako ‘yung nawala, kahit ako ‘yung nauna?”
Scene: Lola Milagring’s House – That Weekend
Si Migs, hawak ang kamay ni Arianne habang ipinakikilala sa lola niya.
Lola Milagring (ngiting-ngiti pero may laman):10Please respect copyright.PENANAf7h8WNz60G
“Maganda siya, apo. Pero iba talaga si Roni. Parang anak na rin siya dito, ‘no?”
Migs (napakamot sa batok):10Please respect copyright.PENANACXy3kEt2dm
“Opo, La. Pero… iba na rin kasi ngayon.”
Sa sulok ng bahay, may picture frame silang tatlo: Migs, Roni, at si Lola. Nakangiti silang lahat noon. Ngayon, parang siya lang ang natirang nakangiti sa alaala.
Scene: Roni’s House – Kitchen
Si Roni, naglalatag ng pinggan. Kasama ang mama at papa niya. Tahimik.
Mama (nagbubukas ng softdrink):10Please respect copyright.PENANA0W1395iOcL
“Kumusta na si Migs at si Arianne, anak?”
Roni (pilit na ngiti):10Please respect copyright.PENANALfIpUTZd3u
“Masaya sila.”
Papa:10Please respect copyright.PENANA9tgwEr6iha
“Akala ko kayo na talaga ni Migs balang araw.”
Roni:10Please respect copyright.PENANAd668xVOGWc
“Hindi lahat ng akala, totoo.”
Tumalikod siya at nagkunwaring busy sa hugasin.
Scene: School – Hallway, After Class
Migs (nakahawak sa balikat ni Roni):10Please respect copyright.PENANADjqcK7aBG8
“Thank you, ha. Kasi suportado mo pa rin ako.”
Roni:10Please respect copyright.PENANA48jtmi2kCH
“Bestfriend mo ko, ‘di ba? Sa huli, ‘yun lang naman ako.”
Migs (nakakunot-noo):10Please respect copyright.PENANAdVNZt0sks8
“‘Lang’? Eh ikaw nga ‘yung…”
Roni (sabay putol):10Please respect copyright.PENANAjy48xzChRS
“‘Yung nauna. Oo. Pero minsan, hindi naman ang nauna ang pinipili.”
Tahimik. Tumingin si Migs sa mata niya. May gustong sabihin pero hindi niya mabuo. Hanggang sa binawi niya ang tingin at lumakad palayo, pabalik kay Arianne.
Narration:
Sa bawat tawanan nila, ako ang may pinakamalalim na lungkot. Sa bawat yakap niya sa iba, ako ‘yung unti-unting nawawala.10Please respect copyright.PENANAnMCaTsN291
Sabi nila, masakit mawalan. Pero mas masakit palang hindi ka kailanman naging sa kanya.
Closing Journal Entry ni Roni:
“Kung kailan ko na-realize na mahal kita, saka mo naman piniling mahalin siya. Kung kailan handa na akong lumaban, saka ka nawala. Kung kailan may spark na, saka mo sinabi: Too late.”
ns216.73.216.208da2