KABANATA 4:The Breaking Point
Sa loob ng campus, may event ang student council. May pa-picnic sa oval field—music, beanbags, mga booth. Kumpleto ang barkada. Pero si Roni, nasa gilid lang, nakaupo sa damuhan, hawak ang juice na hindi naman niya iniinom.
"Uy, Roni, tara dito. Magpa-paint sila ng name sa likod ng shirt. Cute!" sigaw ng isa sa mga kaklase nila.
"Pass muna," tipid niyang tugon.
Inilagay niya sa bag ang journal na kani-kanina lang ay sinusulatan niya.
"Kung bestfriend lang ako, bakit ganito kasakit?"
Later that afternoon
“Can we talk?” tanong ni Migs. Hindi siya ngumiti, hindi rin siya tumingin diretso kay Roni.
Tumango si Roni. Pero ramdam niya na—ito na ‘yon.
Dinala siya ni Migs sa likod ng covered court. Tahimik. Walang ibang tao. Gusto niyang isipin na baka... baka aamin na rin si Migs ng nararamdaman niya.
Pero iba ang sumunod.
“May sasabihin ako.”
“Hmm?” lakas-loob niyang tanong.
“Roni… gusto ko si Arianne.”
Parang may sumabog sa loob ni Roni, pero hindi niya pinakita. Hindi siya pwedeng magmukhang mahina.
“Wow,” mahinang sabi niya. “Kailan mo pa na-realize?”
“Matagal na siguro. Pero ayokong sabihin agad kasi… baka awkward sa’yo. Kasi kayo yung palaging kasama ko.”
“Bestfriend mo lang naman ako, ‘di ba?” ngiti niya—hindi masaya. “Wala namang masyadong mawawala kung sakali.”
“Roni…”
“Ano?” Napatawa siya, kahit may luha na sa gilid ng mata niya. “Sa totoo lang, proud ako sa’yo. For saying it.”
“Talaga?” parang nagulat si Migs.
“Oo naman. Ang importante, masaya ka.”
“Salamat,” sabi ni Migs. “Alam kong maiintindihan mo ako.”
Tumango si Roni. Pero hindi niya masabi: hindi ko naiintindihan. Hindi kita maintindihan.
That night – sa kwarto ni Roni
Bumuhos na lang ang luha niya.
Tahimik lang sa loob ng kwarto pero sobrang ingay sa puso niya.
Ginusto niyang sumigaw. Lumaban. Sabihin kay Migs, “Ako na lang. Ako na lang, please.”
Pero huli na. Kasi sinabi na ni Migs ang totoo.
At wala siyang choice kundi tanggapin ito, kahit ang kapalit ay ang pagkawala niya sa sarili.
Meanwhile – kay Migs at Lola Milagring
“Uuwi ka na agad?” tanong ng lola niya.
“Opo, ‘La. May gagawin pa po ako sa bahay.”
“Hindi mo ba dadalhin si Roni dito tulad ng dati?”
Ngumiti si Migs. Pilit. “Baka… hindi na po muna.”
“Anak…” Hinawakan siya sa braso ni Lola Milagring. “Pag may nawawala sa tabi mo, hindi agad ibig sabihin ‘nun wala na siya sa puso mo. Baka ikaw lang ang tumalikod.”
ns216.73.216.208da2