×

Penana
search
Loginarrow_drop_down
Registerarrow_drop_down
Please use Chrome or Firefox for better user experience!
Trending New Updates New Stories tune
Children
Fantasy
Adventure
3 ISSUES
Ang mga Elgandre at ang Auramus

Nag-umpisa ang kuwento sa magpinsang sina Mathivin Demurea at Henoris Fortis na naniniwalang ang ating mga panaginip ay hindi lang isang simpleng panaginip; ito ay isang palaisipan na kapag naungkat, isang bagay na higit pa sa ating iniisip ang mangyayari.Dahil sa paniniwalang iyon, dadalhin sila ng kanilang mga paa sa isang lugar na tinatawag na Horthia (isang lupain sa mundong ang pangalan ay Kwartlen).Sa hindi inaasahan, matutuklasan nilang sila ay hindi isang taong pangkaraniwan, sa halip ay isang Elgandre—ang mga taong mula sa ating mundo na nakatadhanang magiging bayani sa Kwartlen, o maging matinding kaaway ng iba't-ibang lahi sa naturang mundo; at mga taong nabuhay noon sa ibang mundo.Isang pakikipagsapalaran ang kanilang tatahakin upang pigilan ang hindi matukoy na salaring Mallum (makasaysayang kaaway ng lahing Kribbel na karaniwang nagmula sa lahi ng mga Moggort) sa pag-agaw sa kayamanang pagmamay-ari ng mga Kribbel (ang lahi ng mga tao na nagmula sa lupain ng Horthia, Cubshyre, Garzarico, at iba pang siyudad sa mundo ng Kwartlen). At ang kayamanang iyon ay ang Auramus na sinasabing kung sinuman ang napili nitong maging Tagapangalaga ay magiging higit pa sa pagiging makapangyarihan.Magiging matagumpay kaya ang magpinsang Elgandre na sina Mathivin Demurea at Henoris Fortis? Paano kung mayroong isang kakatwang sandata ang kaaway na maaaring kumitil sa kanilang buhay?

PG
3
185
0