|| Two: Getting To Know My Special Friend ||
Ilang araw ko ding kasa-kasama si Camyce. At marami na ring mga weird na tanong ang tinanong niya sa akin na napapaisip din naman ako.
"May alam ka bang something na natutunaw sa mababang temperature at nagfre-freeze naman sa mataas na temperature?" Tanong na naman nito sa akin. Weird nga niya talaga. Pero oo nga no? May bagay kaya na ganyan?
"May sagot ka ba diyan? Hindi ko alam eh. Pero nakaka-curious." Sagot ko sa kanya.
"Wala pa nga eh. Nag reresearch pa ako and im doing experiments."
Nalaman ko din na mayroon siyang kwarto talaga na parang laboratory niya, at doon siya nage-experiment ng mga bagay bagay noong pumunta ako sa bahay nila.
Yung laboratory niyang yun ay puno ng mga gamit talaga ng mga scientists. Scientists kasi yung mga magulang niya. And in fact, magkapatid yung parents niya.
Hindi niya yun sinabi sa akin pero nabasa ko sa mga iniisip niya.
Sabi nila kapag daw kasi magkaroon ng anak ang magkapatid sa inyong pamilya ay mayroong possibilities na ang anak niyo ay magkaroon ng abnormalities at yan siguro ang nangyari kay Camyce. But in a nice way of abnormality.
Nag-iisang anak din si Camyce kaya lahat ng gusto niya ay ibinibigay din sa kanya. Yun nga lang, ang parents niya ay nasa France para mag trabaho, at minsan lang din umuuwi sa bahay nila.
"Mean.." Tawag niya sa akin. Close na kami kaya Mean na din yung tawag niya sa akin. "Alam mo bang nage-experiment ako about sa time of rotation ng earth. at secret lang natin to ah?" Napatango naman ako sa sinabi niya. Secret daw eh.
"Yung earth kasi... Unti-unti nang bumabagal ang pag-ikot nito. At based on my research, delikado dito sa bansa natin dahil malapit tayo sa equator, or should i say, nasa equator tayo."
Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Totoo ba? Eh, ano yung pwede nating gawin? At bakit naman unti-unting bumabagal yung pag ikot ng Earth?"
"Yun pa ang hindi ko alam... Kawawa naman yung Philippines..."
Palaging ganyan ang pag-uusap naming dalawa kapag walang teacher, at magkasama talaga kami sa lahat ng bagay, kasi wala naman akong makakasama dah puro lang naman plastic yung mga kaklase ko at si Camyce lang yung nagiging totoo sa sarili niya.
Natapos yung First Grading Period na si Camyce yung Top First, at ako yung Top Second.
Nagalit naman si Chana sa akin dahil naging Top Third nalang siya sa klase. Sabi daw niya ay dahil daw ito sa nakikipagplastic-an ako kay Camyce. Ha. If she only knew i could read their minds when taking the test.
"Congratulations Mean!" Bati kaagad ni Camyce sa akin pagkalabas namin ng kwarto sabay hug sa akin. Tuwang-tuwa talaga siya.
"Congratulations rin sa'yo!" Bati ko din.
Sabay kami kumain ng pizza pagkatapos para mag celebrate. Minsan daw kasi naiinis din siya kay Chana dahil sa gumagawa lang ito ng mga kwento tungkol sa kanya. Nagpasalamat din siya sa akin dahil daw hindi ako naniniwala sa mga kwento-kwento nila.
"Alam mo bang nag che-cheat si Chana tuwing may test?" Tanong nito sa akin.
"Hindi eh." Pag sisinungaling ko sa kanya. Alang naman sabihin ko sa kanya na 'Oo alam ko kasi nababasa ko mga nasa isip niyo palagi' Edi mag fre-freak out siya. Mag fre-freak out nga ba?
"Wala rin naman siyang makukuha na maganda sa pag che-cheat." Sabi niya sa akin. Wala rin nga naman. Tama siya.
"Mean, what are your thoughts about mind reading?" Napa ubo ako sa sinabi niya.
"Huh?" Tanong ko balik sa kanya at tinignan ng 'Why-ask-that-kind-of-thing' look.
"Wala lang. Parang ang cool kasi eh! Di ba?"
"Cool, pero weird." Sagot ko sa kanya. Sabihin mo na kasi.
"Sabihin ang ano?" Sabi ko sabay sipsip ng sago't gulaman ko.
"Wala naman akong sinabi ah?" Sagot nito. Pero nakangiti siya. Ngiti na parang 'Aminin mo na, kasi alam ko'
"Wait. Wait." Sabi ko na parang naguguluhan. I cant read her mind. Why? Why cant i read her mind?? Waaaah.
I can read minds too.
My eyes grew wider while looking at her eyes. No. Nakakabasa siya? Paano?
Hey, calm down, baka mapagkalaman kang may saltik sa ulo diyan. You look ridiculous right now.
Napailing naman ako sa sinabi niya.
Inborn.
Isip nito habang iniinom ang juice niya.
"Halika Mean, doon tayo sa bahay, doon tayo mag kwentohan." Hila nito sa akin habang tumatawa ng mahina.
Habang nasa sasakyan kami ay tahimik lang siya at wala akong mabasa sa mga iniisip niya. Paano?
"Inborn na 'to sa akin." Sabi niya habang hinila ako pa upo sa kama niya.
"Paano mo nalaman na mind reader ako?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Duuh, I could read your mind kaya." Sagot nito sa akin.
"Eh, bakit hindi mo sinabi sa akin??" Sabi ko na may parang naiinis na tono.
"I was enjoying! You're like narrating your life the whole time! Na para bang may kinakausap ka? Hahahaha!" Napahiga siya sa kama sa kakatawa.
"Eh bakit hindi ko minsan mababasa yung iniisip mo?"
"Sabi ko nga i was born with this, kaya alam ko kung paano controllin ito."
Napanga-nga ako sa sinabi niya. Hoow?!
"Hahahaha! Stop thinking so much! Ilang linggo ko na 'tong pinipigilan ang tawa ko! Hahahaha!" Ay namumula pa siya sa kakatawa sa akin. Yah. Funny. Whatever.
"Namumula ako? Talaga? Ahem. Sorry." Kinuha niya naman ang kamay ko at nagpacute na parang nag sasabi na 'Sorry naaaaa'.
"Oo na, oo na, ano pa ba yung magagawa ko, eh alam mo na." Sagot ko sa kanya.
"Soooo!" Biglang sigaw nito kaya nagulat naman ako.
"I need to teach you some things about mind reading! Obvious naman na wala ka pa talagang alam tungkol sa mga kakayahan natin." Napatawa na naman siya ng mahina.
"Marami rin dito sa Pilipinas ang mayroong kakayahan na ganyan, kaya be careful."
"Mayroon pang iba?? Ilan yung kilala mo?" Pauusisa ko. Hindi ko alam yun ah. Akala ko mag isa lang ako na ganito.
"Syempre hindi mo pa alam. Hindi ba't bago ka lang? At tatlo palang yung kilala ko. Pero alam kong marami tayo." Pag eexplain niya sa akin.
"Ang alam kong mayroong ganito dito sa Pilipinas ay Ikaw, Ako, at si Heiji. Pero si Heiji hindi ko alam kung nasaan. Basta andiyan lang siya sa paligid."
Mayroon pa talaga siyang WhiteBoard na kung saan Nag dro-drawing siya ng tatlong ulo na mayroong pangalan ko, niya at ni Heiji daw.
"Tatlong paraan lang ang pwede para magkaroon ka ng ganitong kakayahan. Una, If both your parents are mind readers. Dalawa, If you had some abnormalities in your gene, like me! Pangatlo, Dahil sa isang aksidente.." Natatawa ako sa mga drawing niya sa white board. Ang kulit niya talaga sobra. At eto naman ako sa kama niya nakikinig na parang estudyante.
"Yung pangatlo ay sa iyo ko lang nalaman.. Kasi akala ko dalawang ways lang 'to pwede mangyari."
"What if you stay over tonight here in my house para ma explain ko sayo yung mga dos and donts mo?"
Pumayag rin naman ako sa suggestion niya dahil wala rin namang klase bukas dahil friday ngayon. This night is going to be very exciting for sure.
——-
Ta-daaaaa! Update na ako kaagad. Ang bilis ko. Wooooh! Thanks for reading!
Question for this Chapter:
Do you believe in MIND READING?? Comment down below! ^^
ns 172.68.245.214da2