Warning!360Please respect copyright.PENANAo3I8BamMNG
This story contains themes and scenes about suicide and violence such as verbal, emotional, and physical abuse. If you think your mental health can be affected, please refrain from reading my story. You have been warned! Read at your own risk.360Please respect copyright.PENANA5Jbhlk3KOv
This is still raw and unedited. So expect grammatical and typographical errors along the way. Beware of foul words as well.360Please respect copyright.PENANALfEeYzbAVx
Thank you!360Please respect copyright.PENANA1MhRpI1spX
|360Please respect copyright.PENANAD9GP48neRU
👽360Please respect copyright.PENANAQXXFnvwqm0
360Please respect copyright.PENANA2dLzYYislf
Taong 1900's360Please respect copyright.PENANAVtEUfLLqWO
360Please respect copyright.PENANAJnMhcG1Iof
Maulan na hapon ang bumuhos sa kaninang maaliwalas na tanghali.360Please respect copyright.PENANAJtxZJNUj6C
360Please respect copyright.PENANAbZhGhqzhUH
Maya't maya ay kukulog at susundan naman nang mabibilis at matutulis na kidlat. Malamig at malakas ang hangin na mula sa silangan. Bumabagyo man ang panahon, maraming tao pa din ang nasa kalye. May mga naglalakad na tila namamasyal lang sa parke. May iba namang animo'y nakikipag-unahan sa bawat patak ng ulan.360Please respect copyright.PENANA7KPDNgujQI
360Please respect copyright.PENANAXFZWBLsgLB
Tulad ng iba, nagmamadali din si Herne na makarating sa kanyang pupuntahan. Yakap ang maduming manikang kuneho, hindi niya alintana ang panganib na dala ng panahon. Balot siya ngayon ng kapoteng itim, na sobrang laki para sa kanyang maliit at payat na katawan.360Please respect copyright.PENANAKrhl3ihD9v
360Please respect copyright.PENANAmgKR3vx8oF
*"Sana nandoon pa siya,"* bulong niya sa sarili at saka hinipan ang dalawang palad na kanina pa namumutla. Namumula na ang kanyang noo at pisngi habang buhat ang mga balikat sa bawat paghinga. Gaano na ba katagal siyang tumatakbo? Anong oras na? Kailangan ay nakauwi na siya bago sumapit ang gabi. Hindi dapat malaman ng kanyang kuya na umalis siya ng bahay.360Please respect copyright.PENANApS0P2BagzH
360Please respect copyright.PENANALOtdBaFr3H
"Pisting bata 'to! Hoy!"360Please respect copyright.PENANAu3LW1zP9sS
360Please respect copyright.PENANAkLTOGD4YoK
Nanginginig na bumangon si Herne mula sa pagkakadapa at nilingon ang pinagmulan ng boses. Umupo siya at napayakap nang mahigpit kay Kirarin nang makita ang halimaw sa kanyang likuran. Hindi na niya nagawang tumayo.360Please respect copyright.PENANABAwhCdN0AF
360Please respect copyright.PENANANG8S3VAmaz
Kaaya-aya naman ang pananamit ng matabang ale, kaso napakatapang ng hitsura nito. Makapal ang suot niyang make-up, magkasalubong ang mga kilay, masama ang tingin, at may malaking nunal pa sa gilid ng kaliwang butas ng kanyang ilong.360Please respect copyright.PENANAkksmTlS5qO
360Please respect copyright.PENANATFX0e3A4XS
"Tingnan mo ang ginawa mo!" Tinuro ng ale ang lugar sa kanyang paanan. Nakakalat na ngayon sa tabing kalsada ang kanyang mga pinamili. Matulin ang takbo ni Herne kanina at hindi niya napansin na may masasagi siya.360Please respect copyright.PENANAb4llHjuz9I
360Please respect copyright.PENANAQfiVi97ka3
"Perwisyo kang bata ka!" Mariing napapikit si Herne nang biglang sipain ng ale ang basang sahig. Tumalsik ang mga putik sa suot niyang kapote.360Please respect copyright.PENANAkL84dkE2Ow
360Please respect copyright.PENANAymAQrmXUyM
"P-Pasensya na po! Hindi ko po sinasadya!" mangiyak-ngiyak niyang paumanhin.360Please respect copyright.PENANAPip9yoVkEd
360Please respect copyright.PENANAjlknjTxX8r
Imbis na maawa o magpatawad, mas lalo lamang nainis ang ale. Napisil nito ang hawakan ng pulang payong nang makitang pinupulot na ng bata ang kanyang mga pinamili. Yumuko siya at hinablot ang mga iyon.360Please respect copyright.PENANAV5WnKua6l7
360Please respect copyright.PENANAQyPn8hcNhi
"Umalis ka na! Baka may ibulsa ka pa!" Isa-isang binawi ng ale ang kanyang mga hawak. "Kunwari madadapa, iyon pala may nakakawin. Punyeta! Akala mo hindi ko alam mga galawan ninyo na ganyan?!"360Please respect copyright.PENANAktXxqv9xxO
360Please respect copyright.PENANA72I7bmW4iM
Napalunok nang mapait si Herne. Pinanganak siyang mahirap, pero hindi niya ni minsan naisip magnakaw. Kahit sa ano pang paraan.360Please respect copyright.PENANAgIBtF64Qlq
360Please respect copyright.PENANAw3sQcG9ziS
"Ano pang tinitingin-tingin mo diyan! Alis na! Baka gusto mong tumawag pa ako ng pulis?!" Sumikip ang dibdib niya at tumindig ang kanyang mga balahibo nang marinig ang salitang 'pulis.' Sumagi kaagad sa isipan ni Herne ang kuya at ang kaligtasan nito. *Sana ayos ka lang, Kuya!*360Please respect copyright.PENANAPdtUFFsVrJ
360Please respect copyright.PENANAZSegy8CLTw
Tulad ng pusang hinahabol ng malaking aso, dali-dali siyang umalis sa harapan ng ale habang pinagtitinginan siya ng maraming tao. Hindi niya napigilang maiyak dala ng emosyon at takot na baka tumawag nga ng pulis ang ale. Bagama't sanay na sa ganitong trato, hindi maikakailang siyam na taon pa lamang siya. Sanay man pero hindi ibig sabihin, hindi na siya masasaktan.360Please respect copyright.PENANA8jUMV1Fx7x
360Please respect copyright.PENANAmdoYMUgj1z
Kumatok si Herne sa pinto at nagtanong kung may tao ba sa bahay.360Please respect copyright.PENANAEbajCAOH3m
360Please respect copyright.PENANAgSsrC1iEve
Luma at maliit lamang ang kubo na ito na matatagpuan ilang kilometro ang layo mula sa kanilang bayan. Sinasabing dito daw nakatira ang magaling na albularyo.360Please respect copyright.PENANAWQBjGLRiJX
360Please respect copyright.PENANAmUP46ueVYt
Kwento pa ng mga tsimosa, gumagamit daw ito ng kakaibang mahika sa kanyang panggagamot. Ang albularyo lang naman ang laman ng mga kwentuhan ng kanilang mga kapit-bahay. Nakauwi na ito mula sa mahabang paglalakbay. Nakaugalian na daw kasi ng albularyo na maglakbay at ilang buwan pa bago muli itong babalik.360Please respect copyright.PENANAPpTtZHf3cy
360Please respect copyright.PENANAjtMtTe9MQ0
Kumatok ulit si Herne at muling tumawag. Ngunit tulad kanina, tanging buhos ng ulan lamang ang sumagot sa kanya. Nilingon niya ang buong paligid, nagbabasakaling may makita siyang tao, o iyong albularyo.360Please respect copyright.PENANAOcdzIeDRSG
360Please respect copyright.PENANAH3pRRNb0kC
Sa tapat ng bahay matatagpuan ang rumaragasang ilog at sa itaas naman ang sementadong tulay. Ito ang nagdudugtong sa kanilang bayan patungo sa kasunod pang bayan ilang kilometro ang layo mula dito.360Please respect copyright.PENANArD7MXUERnJ
360Please respect copyright.PENANAhK4lp8fHjb
Patuloy lamang ang pagsama ng panahon. Kahit sariling katawan niya ay hirap ng bigyan siya ng sapat na init. Kanina pa mabigat ang kanyang pakiramdam na kanyang tinitiis. Oras na ba para sumuko na lamang at kalimutan ang kanyang pinunta dito?360Please respect copyright.PENANAZfjEA7rkWK
360Please respect copyright.PENANArY3OeFkRn1
*Hindi pwede! Kailangan kong makita ang albularyo! Baka natutulog lang siya! Lalaksan ko na lamang ang mga katok ko at sigaw!*360Please respect copyright.PENANA0ppKGJS3wu
360Please respect copyright.PENANABwNAEnVu0o
Malakas ang ispirito, ngunit mahina ang katawan ng tao. Hindi na ganoon kalakas ang kanyang bawat bigkas. Paos na siya at mahina na kaysa sa normal niyang boses. Subalit, walang makapipigil sa kanya.360Please respect copyright.PENANAebZw0c4nsH
360Please respect copyright.PENANAs108w1RJ6q
"Tao po! May tao po ba dito?! Tao po! Tao po!" Kinakalampag na niya ang pinto na para bang nakadepende dito ang kanyang buhay.360Please respect copyright.PENANAN8wQf8iZBi
360Please respect copyright.PENANA3cmADIeydW
Hindi niya namamalayan, may isang pares ng paa ang humakbang papalapit sa kanyang likuran. Tumigil ito ilang metro ang layo nang mapansin ang kanyang presensya.360Please respect copyright.PENANArKBaXVhXaV
360Please respect copyright.PENANArir7eSRYGq
"Hoy! Luma na 'yan, sisirain mo pa! May pambayad ka ba para diyan?!"360Please respect copyright.PENANA7wLyNbi4nd
360Please respect copyright.PENANAx4jyUJB0Cy
Napaigtad at napahinto si Herne sa lakas ng boses na narinig. Napa-atras siya at nilingon ang nagsalita. Bumungad sa kanya ang mga nanlilisik na titig ng isang matanda.360Please respect copyright.PENANAw8drithZQm
360Please respect copyright.PENANAqw3dCAdVrr
Maputla at kulubot na ang balat ng lolo. Maputi na din ang kanyang mga buhok mula sa kilay hanggang sa kanyang mahaba at makapal na balbas. Nakabalot ito ng kapoteng itim. Ngunit hindi tulad niya, tamang-tama lamang sa matanda ang sukat nito. Paika-ika itong lumapit sa kanya at sa pinto ng bahay.360Please respect copyright.PENANAQWGMpYp2Fs
360Please respect copyright.PENANAr3kkRfUIke
"Wala akong panahon para sa mga bata. Umalis ka na!" ani ng matanda. Pero hindi nagpatinag sa kanyang takot si Herne. Nanatili siyang nakatayo sa gilid, yakap si Kirarin. Dinig niya mula dito ang kalansing ng bakal. Ngayon lamang niya napansin na nakakandado pala ang pinto.360Please respect copyright.PENANARZsSqrzeog
360Please respect copyright.PENANAIElIJC0DTW
Tumapak na papasok ang lolo at akmang susunod sana si Herne nang harangin siya bigla. Naka-abang ang isang braso nito sa harapan niya. Muling napa-atras si Herne. "Anong kailangan mo? Bingi ka ba?"360Please respect copyright.PENANAaXlTEXIHck
360Please respect copyright.PENANAu56Ec1bYCF
Tumama ang kanilang mga mata at napagmasdan ng lolo ang hitsura ng bata. Walang tigil ang panginginig nito sa kanyang harapan, habang yakap ang asul na manikang kuneho. Sa kabila ng pamumula ng pisngi at noo dala ng malamig na panahon, hindi maitatago ang kakaibang pamumutla ng balat ng bata. Maski ang labi nito ay namumuti na din.360Please respect copyright.PENANAkCGTCAEywu
360Please respect copyright.PENANAOUBFo4Pclc
"May sakit ka." Hindi iyon isang tanong, bagkus isang kumpirmasyon.360Please respect copyright.PENANAnlezrcjCmv
360Please respect copyright.PENANANjsDtx3zZ0
Tumango si Herne. "P-Paano niyo po nalaman?"360Please respect copyright.PENANApM8tM40ror
360Please respect copyright.PENANAzhEJtXR8AG
"Pumasok ka." Binuksan na nang husto ng lolo ang pinto para makapasok siya.360Please respect copyright.PENANAQuI25LfWhG
360Please respect copyright.PENANAktj2tk1sfe
"Kayo na po ba ang albularyo?"360Please respect copyright.PENANAQLmGzDCErr
360Please respect copyright.PENANAvkgHhaGSdh
"Isabit mo ang iyong kapote at umupo ka malapit sa apoy," utos ng matanda matapos niyang sindihan ang kanyang malaking dapugan. Hindi niya sinagot ang tanong, bagkus iniwan niya si Herne sa tapat noon.360Please respect copyright.PENANAqrHkvyP2yi
360Please respect copyright.PENANAYxSF9D7MnJ
Walang imik na sinunod naman ni Herne ang kanyang utos. Sandali lang ay dumating na siya dala ang isang upuang yari sa kahoy at tuyong tuwalya.360Please respect copyright.PENANArtnKBYTWOo
360Please respect copyright.PENANAnj8KnI3tec
Umupo sa upuan si Herne at saka pinunasan ang basang katawan gamit ang tuwalyang inabot nito sa kanya.360Please respect copyright.PENANApM3pmOKQGg
360Please respect copyright.PENANAQv8AqYfkTz
"Batid kong malubha na ang iyong karamdaman. Hindi ko alam kung matutulungan pa kita." Tila isang daang kutsilyo ang muling sumaksak sa kanyang dibdib. Nanlambot ang kanyang mga braso at nanigas ang kanyang panga. Mapait siyang napalunok, pinipigilan ang mga luha. Ito na talaga ang katotohanan, hindi na siya makakatakas pa sa tawag ng kamatayan.360Please respect copyright.PENANAy2XAywRTwu
360Please respect copyright.PENANAB9dV0XHB6h
*Pero si Kuya!*360Please respect copyright.PENANAeJuTP1u04w
360Please respect copyright.PENANA4fjs1JUGa9
Nabuhayan siya ng loob nang maalala ang nakatatandang kapatid. May pag-asa pa para sa kanyang kuya. Naniniwala siya.360Please respect copyright.PENANAXwkuJxX9bh
360Please respect copyright.PENANAhUYS7YTdLj
"Ang kuya ko po! Gusto ko pong pagalingin ninyo ang kuya ko!" Nagmamaka-awa ang kanyang boses. Nakita niya ang albularyo sa lamesa nito, abala sa ginagawa.360Please respect copyright.PENANACT4hjDFdJa
360Please respect copyright.PENANA60wEMnRD6Y
"Wala po siyang karamdaman, subalit . . . " Napasilip sa kanya ang matanda nang bigla na lamang siya tumigil. Nakita siya nitong nakayuko at niyukom ang mga kamay hawak ang puting tuwalya sa itaas ng kanyang mga hita.360Please respect copyright.PENANANY0R3HLY6z
360Please respect copyright.PENANAEj5XpYAp2B
"Hm, bakit?"360Please respect copyright.PENANAFTDAbXXetG
360Please respect copyright.PENANA1zZbRXxGWC
Umiling-iling siya at suminghot. "Hindi ko po alam, pero natatakot na ako kapag kasama ko siya. Lalo na kapag hawak niya ang kutsilyo. Tumatawa siya ng mag-isa at minsan kinakausap niya pa ang sarili."360Please respect copyright.PENANAuCqHkhTLwV
360Please respect copyright.PENANAiugOcmO6aY
Nanatiling tahimik lang ang matanda. Nakikinig.360Please respect copyright.PENANAnP1MrFJKnA
360Please respect copyright.PENANAqD13b0FXLO
"Gabi na siya umuwi at lagi siyang may dala. Kung hindi pagkain, minsan naman pera. Masama po ang kutob ko, may mali sa kanya. Sana po matulungan ninyo ako!"360Please respect copyright.PENANAiserkd6pq0
360Please respect copyright.PENANANYjuKxklRR
Lumapit si Herne sa lamesa at muling nagmaka-awa. Nilapag niya sa harapan ng lolo ang isang maliit na bag. Kumilansing pa ang laman nito sa tablang mesa.360Please respect copyright.PENANAo7atxtyXtV
360Please respect copyright.PENANAMAcB02YZuz
"Sana po ay sapat na ito pambayad."360Please respect copyright.PENANAJUEPT7R30t
360Please respect copyright.PENANAxmklRm59hB
Kinuha ng matanda ang bag at saka sinilip ang loob. Halo-halong barya at perang papel ang laman nito. Nagpasalit-salit ang kanyang tingin sa batang babae at sa pera.360Please respect copyright.PENANASwuTQOAImD
360Please respect copyright.PENANAU906NoAGyA
"Sabihin mo nga, alam ba ng kuya mo-"360Please respect copyright.PENANAKC2rGF3FxE
360Please respect copyright.PENANABrP8fEiFJX
"Hindi niya dapat malaman!" Napasinghap si Herne nang marinig niya ang kanyang sarili. Gulat na napatitig sa kanya ang lolo dahilan para mapayuko siya sa hiya.360Please respect copyright.PENANAgebHBWYc12
360Please respect copyright.PENANAWn8zRXblGG
"Ayaw ko malaman ni Kuya." Sandaling napakagat siya sa labi. Ngayon, kalmado na ang kanyang boses. "Alam kong magagalit siya sa akin 'pag nalaman niyang . . . pinag-iisipan ko siya ng masama. Pero, para din po ito sa kanya!"360Please respect copyright.PENANAiWarR0BXEJ
360Please respect copyright.PENANAyI2f6cq8ky
Nagkaroon ng panandaliang katahimikan. Hanggang sa maramdaman ni Herne ang pagkilos ng lolo. Inangat niya ang ulo at nakita niya ang bag na kanyang binigay kanina. Sinasauli ito ng lolo.360Please respect copyright.PENANAA2oVWduRwF
360Please respect copyright.PENANARXZYmZl3dM
"Hindi ko kailangan ng pera mo." Hindi niya ba siya tutulungan?360Please respect copyright.PENANAf1fdZjBZIM
360Please respect copyright.PENANAmkVdZOG0h5
"Pero-" Nagsimulang magtubig ang mga mata ni Herne. Seryoso at malamig ang tingin ng matanda sa kanya.360Please respect copyright.PENANAAp7Ef7tDwn
360Please respect copyright.PENANAdFV0QYaYFt
"Bago ang lahat, akala ko ba naparito ka para sa iyong karamdaman. Subalit, heto ka, humihingi ng tulong para sa kapatid mong alam mo ay wala namang sakit. Sa tingin mo ba ay matutulungan kita?"360Please respect copyright.PENANADd4qqvsiI9
360Please respect copyright.PENANA4A6Y0w1qag
Humigop ng lakas si Herne. Wala na siyang matatakbuhan. Ito na lang ang kanyang huling pag-asa. Hindi siya susuko. Hindi siya uuwi. Niyukom niya ang mga kamay at binagsak sa taas ng lamesa.360Please respect copyright.PENANA6f2vK9yidA
360Please respect copyright.PENANAvg7WkhWnyB
"Sabi daw po kaya niyo magpagaling gamit ang mahika! Kahit kwentong-kalye lang iyon, naniniwala po ako!"360Please respect copyright.PENANAAkgi1aMYY3
360Please respect copyright.PENANAwlLc8YZur8
"Hindi ba dapat, mas ikaw pa ang nangangailangan ng mahika kaysa sa kuya mo? Ganoon na lamang ba ang takot mo sa kanya at gusto mo siyang magbago?360Please respect copyright.PENANA9jswOqFbpU
360Please respect copyright.PENANATATrWQXvMJ
"Ayaw ko po siya magbago." Mariing napailing si Herne. Nagbabadya na ang kanyang mga luha. "Gusto ko po siyang gumaling!"360Please respect copyright.PENANA0xeruAO9DU
360Please respect copyright.PENANAADfKyaJzjI
"Ikaw na din ang may sabing wala siyang sakit. Hindi ba? Sabihin mo nga sa akin ang totoo, iha. May sakit ba ang kuya mo o wala? Nababaliw na ba siya o hindi? Siya pa rin ba ang kuya mo, o nagbago na siya ng pagkatao? Sabihin mo sa akin, nang maliwanagan ako."360Please respect copyright.PENANAvuS7Yr3f2R
360Please respect copyright.PENANApQTPBBvd5h
Kahit sa lamig ng panahon, hindi ito umobra sa init ng hangin sa pagitan ni Herne at ng matanda. Tumulo na ang mga luha ng bata.360Please respect copyright.PENANAagCNCHu21q
360Please respect copyright.PENANA7CsS6FJAXS
"H-Hindi na po siya ang kuya ko. Gusto ko pong bumalik siya sa dati!" Tuluyan nang nagpakawala ng isang malakas na hagulhol si Herne. Mga emosyon ito na naghalo-halo na at ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataong ilabas lahat.360Please respect copyright.PENANAXU0SWy68xK
360Please respect copyright.PENANA4anFgoAJvF
"Mabuti. Tama 'yan. Ngayon, matutulungan na kita." Tumayo sa kanyang kinauupuan ang lolo at nilahad ang isang kamay sa harap niya. "May gamit ka ba diyan na pagmamay-ari mo?"360Please respect copyright.PENANAboaPqJLSnN
360Please respect copyright.PENANAopeAxq0UBu
Suminghot siya at nagpunas ng mga luha. Pinakita niya ang pinakmamahal na manikang kuneho. "Si Kirarin po?"360Please respect copyright.PENANAvyAhU31V1g
360Please respect copyright.PENANAsoLlTWkvRv
"Pwede na 'yan."360Please respect copyright.PENANAL341uQ5tUQ
360Please respect copyright.PENANAoqeOAZLRuY
Hindi nagtagal, pinauwi na ng albularyo si Herne. Lumabas siya ng bahay nito suot ang kanyang mahabang kapote, bitbit pa ang bag na laman ng pera.360Please respect copyright.PENANApMbAWgYn0B
360Please respect copyright.PENANApcSRyJttZB
Isang hakbang pa lamang siya palayo sa pinto nang mapahinto siya. Nilingon niya ito at saka huminga nang malalim. *Wala ng atrasan!* Pinunasan na niya ang mga natirang luha gamit ang palad.360Please respect copyright.PENANADtjyMBs3Hi
360Please respect copyright.PENANAcGvnFgqw2K
Tumungo na siya paalis, dala ang pag-asang matutupad din ang matagal na niyang nais. Muli niyang sinuong ang masungit na panahon ng mag-isa.360Please respect copyright.PENANANJmqwTALY0
360Please respect copyright.PENANAWSvLT2FRCi
Kahit pa masalimuot ang naging kahapon, hindi imposibleng maging mabuti ang kalalabasan ng bukas. Lahat posibleng mangyari. Walang imposible. Ganoon pa man, hwag din kakalimutan ang pagdating ng mga bagay na hindi inaasahan. Nasa huli ang pagsisisi.360Please respect copyright.PENANAMcPQYjGlwe
360Please respect copyright.PENANA8YlW6MKVBF
Ito ang laging umiikot sa kanyang isipan, lalo na noong naging ulila na sila ng kapatid.360Please respect copyright.PENANA4QsnCB71Pt
360Please respect copyright.PENANAabhvLTKRt7
Batid niya ang lubha ng karamdaman nito. Kahit hindi man ito nagkukwento sa kanya, hindi nagsisinungaling ang mga mata at maging ang mga kinikilos nito.360Please respect copyright.PENANAIeRcwdpjhS
360Please respect copyright.PENANAMCtJy52LzJ
Alam niyang darating ang araw na iiwan na siya ng kapatid, pero hindi niya inaasahang ngayon na ang araw na iyon.360Please respect copyright.PENANAJ02OGsf0qc
360Please respect copyright.PENANAcGPeV187Fc
Hindi siya nakapaghanda. Hindi man lang siya nakapagpaalam. Hindi man lang siya nito hinintay.360Please respect copyright.PENANA9nS3tkAw02
360Please respect copyright.PENANAscSCsiNdxl
"Pasensya ka na, Herne." Lumuhod siya sa harap ng puntod ng kapatid na siya lang ang gumawa. 360Please respect copyright.PENANAFIz8XOqk3A
360Please respect copyright.PENANACvRlTlXUp5
Binalot niya lang sa kumot ang mga labi ng kapatid. Hinukayan ng malilibingan sa lupa, at saka tinabunan ng putik. Lupang tuyo sana ito, kung hindi lang naisip ng langit umulan.360Please respect copyright.PENANAU61y3nCej2
360Please respect copyright.PENANASwaHLnCHIE
"Ngayon lang ako ulit nakabili." Nilapag niya sa bandang ulunan ang isang supot na laman ng iba't ibang uri ng kendi. Ang laging paboritong pasalubong ng kapatid mula sa kanya.360Please respect copyright.PENANAVSb33O3VIH
360Please respect copyright.PENANAfYJI6FHn3j
Ikiniskis niya ang mga ngipin at walang habas na binunot ang mga nananahimik na damo sa paligid. Naiinis siya sa sarili. Kung saan pa wala na ang kanyang kapatid, ngayon lamang niya nabili ang paboritong pagkain nito.360Please respect copyright.PENANAuBYnaQ7x4g
360Please respect copyright.PENANAF86gZ4coD5
Kung, nagawa niya lang nang maayos iyong 'trabaho' niya. Hindi sana tumagal ang pagbigay sa kanya ng sahod. Dapat sana matagal na niya nabili ang mga kendi.360Please respect copyright.PENANAmwrokvvwiQ
360Please respect copyright.PENANAy6vubqNB2h
Ngayon, sino na ang dadalhan niya ng pasalubong? Para saan pa ang saysay ng kanyang buhay? Para kanino pa niya ilalaan ang kanyang mga sakripisyo?360Please respect copyright.PENANAauoZd2yjTY
360Please respect copyright.PENANAmJ6RSWWBE3
"Ikaw ba si Bazilien?"360Please respect copyright.PENANAJYl7bhed4U
360Please respect copyright.PENANAWtPlDX26jt
Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis pa sa alas-singko siyang tumayo mula sa pagkakaluhod. Patalon siyang umatras palayo mula sa taong ngayon niya lang nakita. Nakatago ang isa niyang kamay sa likod habang nagmamatyag sa susunod na kilos ng bagong dating.360Please respect copyright.PENANAlSwtYOt52x
360Please respect copyright.PENANAKz2YCJO43b
"Sino ka?! Anong ginagawa mo dito?!" Matalas ang kanyang tingin ngayon sa matandang lalaki. Maputi na ang mga buhok at kulobot na ang balat. Tulad ng kanya, pinagtagpi-tagpi din ng iba't ibang tela ang kasuotan nito.360Please respect copyright.PENANAq3AMXgF7mq
360Please respect copyright.PENANACwpnx46YCz
"Huminahon ka, iho. Isa lang akong matandang albularyo." Bumaling ang tingin ng lolo sa lupang nakatumpok sa kanilang harapan. Napansin din nito ang supot ng mga kendi sa bandang uluhan ng puntod. "Nakikiramay ako sa iyo. Parang kailan lang noong pumunta siya sa akin-"360Please respect copyright.PENANANLYlnHigkh
360Please respect copyright.PENANAdFHyNToYJZ
"Anong ginawa mo sa kapatid ko?!" sigaw ni Bazilien magmula sa kailaliman ng kanyang baga. Kinapa na niya ang patalim na nakatago lamang sa kanyang likod, sa loob ng kanyang damit.360Please respect copyright.PENANAiGKWwINSJl
360Please respect copyright.PENANAiuazhDkzSi
"Kung tungkol lang sa pagpatay, alam mo sa sarili mong marami ka ng kinitil na buhay." May kinuha ang lolo sa loob ng kanyang suot.360Please respect copyright.PENANAqGZII3iUPF
360Please respect copyright.PENANAjZNWgSIDzT
"Huh? Paanong?!" Hindi alam ngayon ni Bazilien kung saan siya magugulat at kung ano ang unang aalamin. Kung paano nasabi ng matanda ang sinabi. O, kung paano hawak nito ngayon ang manikang kuneho.360Please respect copyright.PENANAWzc9ZQs7eK
360Please respect copyright.PENANAoR1ay4jrRJ
"Kirarin? Bakit . . . nasayo si-?"360Please respect copyright.PENANA1ODkF5qaJ8
360Please respect copyright.PENANAitziLmayLz
"Hindi ba? Ikaw din ang pumatay sa sarili mong kapatid!"360Please respect copyright.PENANAhf9zitMAwc
360Please respect copyright.PENANATVMPkjXLSf
Natigilan siya sa kanyang mga narinig. Nanlalamig ang kanyang mga palad, at nararamdaman niya na ang pagbuo ng mga butil ng pawis sa kanyang noo. 360Please respect copyright.PENANA8IhoM5aQBb
360Please respect copyright.PENANAaXN6BnPqVc
Anong pinagsasabi ng lolo na ito? Ano ang kanyang pruweba? Nagkakamali lang siya, hindi ba? Gumagawa lang siya ng kwento, tama ba?360Please respect copyright.PENANATbx9Hazke5
360Please respect copyright.PENANAS4CDvcdjWd
Dahil malinaw pa sa umaga niyang nakita ang malamig na bangkay ng kapatid sa kama. Kabisado niya pa ang alaalang nangyari kanina lamang umaga. Hindi na niya naabutang buhay ang kapatid. Patay na ito pagkarating niya.360Please respect copyright.PENANAzzYWnLuKPW
360Please respect copyright.PENANAFao87ZSUoX
"H-Hindi totoo iyan! Gusto ko siyang gumaling! Gusto ko siyang mabuhay pa nang matagal!" Nasusuntok na ni Bazilien ang hangin sa kanyang pagwasiwas ng kamao. Animo'y hinahawi ang mga ito na nakaharang sa kanyang harapan.360Please respect copyright.PENANANjY48jEbSK
360Please respect copyright.PENANA4V9IvMwXDn
"Talaga ba? Hindi mo ba alam na presensya mo lamang ay sadyang nakamamatay na para sa kanya?!" Nagsimula ng lumakad palapit sa kanya ang lolo. Hawak nito ang manikang kuneho na pagmamay-ari ni Herne.360Please respect copyright.PENANAZaa9wC6PfP
360Please respect copyright.PENANAvaSh1oe0YZ
"Sinong nagsabi niyan?" Malalim ang tono ng boses ni Bazilien. Hinigpitan niya ang hawak sa patalim na nasa kanyang likod. Sumisikip na ang kanyang dibdib at dumidilim na din ang kanyang paningin.360Please respect copyright.PENANA3VwaGyJ0gv
360Please respect copyright.PENANAIoB37TQ88k
"Si Herne." Iniangat pa ng matanda ang bitbit na manika para matapatan ang mga mata ng binatilyo.360Please respect copyright.PENANAEETerzZqCu
360Please respect copyright.PENANAnhzRzOtEz6
"Hindi iyan totoo!" Sumisigaw na ang kanyang puso at isipan. Nanginginig na din ang kanyang mga buto sa matinding emosyong gusto ng kumawala.360Please respect copyright.PENANAXwGGxnSSK7
360Please respect copyright.PENANAFWBCE046T4
"Ang kapatid mo ang nagsabi sa akin!"360Please respect copyright.PENANA2NYjWumvdc
360Please respect copyright.PENANAXSjQf5KAgT
"Tumigil ka na! Hindi 'yan totoo!"360Please respect copyright.PENANAs6qA9gA1DX
360Please respect copyright.PENANA4cCFl2YrvI
Huli na ang lahat para makaiwas pa ang matanda mula sa nagbabadyang kamatayan. Sinugod siya ni Bazilien hawak ang maduming itak hanggang sa lupa. Nanlaban pa ito para sa sarili niyang buhay, subalit hindi naging sapat ang kanyang lakas.360Please respect copyright.PENANA6OAYCeIzUu
360Please respect copyright.PENANA6m2zbaUPjg
"B-Balang araw, pagsi-" Lumunok muna ito saglit. Dumudugo na din ang bibig nito. "-sisihan mong . . . naging kapatid mo siya . . !" Kumapit ang matanda sa isa sa mga braso ni Bazilien. "Dahil sa-sa kanya . . ." Humigop ito ng hininga mula sa ilong. " . . . mabubuhay ka . . . mula ngayon na instrumento lamang . . . at walang ibang nais kundi . . ." Umubo ito ng dugo. ". . . tumago sa dilim!" Tumigil ito saglit para titigan sa mata ang binata. Lumuluha na ito ngayon sa kanyang harapan."Katatakutan mo ang araw ng walang hanggan!"360Please respect copyright.PENANATnSdV3vfhG
360Please respect copyright.PENANAGe9offe1ST
Sa kanyang matinding galit, idiniin pa nang husto ni Bazilien ang patalim sa leeg ng matanda.360Please respect copyright.PENANALTMw8VQRjT
360Please respect copyright.PENANA7m8a2AkDET
Sa huli, hindi na ito nakapagsalita pa. Naiwang dilat ang mga namumulang mata. Huminto na din ang paghinga. Hanggang sa umawas na ang malagkit at mainit na likido mula sa napuruhang leeg nito. Mabilis itong kumalat at pinintahan ng kulay pula ang basang lupa.360Please respect copyright.PENANAW2SZzwyKnY
360Please respect copyright.PENANAK6Orl8gBON
Hindi pa siya nakuntento sa ginawa, tinadtad niya pa ang bangkay ng maraming saksak hanggang sa bumigay na ang sarili niyang braso at kamay. Kasabay ng kanyang pagtigil, ang paghinto din ng mga patak ng ulan.360Please respect copyright.PENANAKnRlNsqbPg
360Please respect copyright.PENANAacS9UP9MKN
Tuliro at wala sa sarili siyang tumayo. Muli siyang lumapit sa puntod ng kapatid at saka lumuhod. Itinusok ni Bazilien ang itak na naliligo pa sa dugo sa supot mismo ng mga kendi, bago niya tuluyang nilisan ang lugar.360Please respect copyright.PENANARANUGHedOF
360Please respect copyright.PENANA2wrppDJcqq
Kasing itim at pula ng mga dugong nakapinta sa kanyang mga kamay ang buong kalangitan noong araw na iyon.360Please respect copyright.PENANAZG7Eog1cn9
360Please respect copyright.PENANAONAf8mr5YG
|360Please respect copyright.PENANAiV4NJzvAbV
360Please respect copyright.PENANAfa272XDp1S
Author: AlienSiOtor 👽360Please respect copyright.PENANAw4gFAgQ6av
360Please respect copyright.PENANAUbnojSuw0i