18Please respect copyright.PENANABmLLWtb1lN
Kinabukasan, tahimik ang bahay. Wala si Bentong. Wala ring kaingay-ingay sa kariton.
Si Caloy, tahimik na tinapon ang cellphone sa kama. Pagkabukas niya ng social media, lumabas ulit ang viral video ng ama niya—ngayon may duet reactions na rin. May tumatawa. May umiiwas ng tingin sa camera habang nagsasabing: “Sino ‘to? Cringe.”
Sa tabi niya, si Marissa ay nakatayo, hawak ang kanyang bagong gawaing art—isang painting ng mukha ni Kuya Bentong, nakangiti, may hawak na lumpia, pero ang background ay ilaw ng entablado, hindi kalsada.
“Ganda,” sabi ni Caloy. “Kay Tay ‘yan?”
Tumango si Marissa. “Tay... happy,” sambit niya, dahan-dahan pero buo ang intensyon.
Dinala ni Marissa ang artwork sa kariton. Isinabit sa gilid. Lahat ng dumadaan, napapatingin.
“Uy, ‘di ba ito ‘yung nasa viral video?”
“Pero parang... iba rito. Mas dignified, mas totoo.”
Nang makauwi si Bentong, nagulat siya sa nakita—may ilang mga bata sa kariton, nagpipicturan sa harap ng painting. Si Martha, nag-aalok ng lumpia. Si Caloy, nag-aayos ng drinks. At si Marissa, hawak ang sketchpad habang nakaupo sa tabi, parang muse sa sarili niyang sining.
“Anong meron?” tanong niya.
Lumapit si Caloy, bitbit ang hawak na phone. “Tay, ako na gumawa ng bagong video. Pinakita ko kung sino ka talaga. Walang edits. Walang mockery. Puro tawa, totoo. At ‘to—comment ni Tricia: ‘Ang totoong nakakatawa, ‘di kailangang mag-viral. Kasi may mga taong hindi nakakalimot sa puso ng komedya.’”
Hindi man lubos na naibalik ang kinang ng spotlight, pero sa araw na iyon, sa gitna ng mga taong may malasakit at lakas ng loob—bumalik ang liwanag.
Kahit paunti-unti.
ns216.73.216.79da2