15Please respect copyright.PENANA49doCpYWpC
Nakaupo si Bentong sa gilid ng entablado ng isang lumang comedy bar sa Timog. Suot pa rin niya ang faded na Hawaiian shirt na dating palatandaan ng kanyang kasikatan. Noon, sapat na ang itsura niyang ito para mapatawa ang mga tao. Pero ngayon, kahit mukhang tanga na siya sa kakakaway at kakakurap ng mata, walang tumawa.
“Bakit hindi na kayo tumatawa?” tanong niyang may pilit na ngiti. “Hindi naman ako nagbago, kayo lang ‘yung tumanda!”
Tahimik.
Ilang hikbi ng tawa ang maririnig mula sa isang lasing na babae sa likod. Pero bukod doon, ang natitirang audience ay abala sa kani-kanilang cellphone. Isa pa ngang lalaki ang naglakad palabas.
“Alam n’yo ba ‘yung joke ko dati tungkol sa asawa kong may amnesia? Hindi ko rin maalala! HAHA—”
Tahimik pa rin.
Napasinghap si Bentong. Sanay siyang pinagtatawanan. Pero hindi sa katahimikan.
Humigop siya ng tubig mula sa plastik na baso, pilit pinanatili ang anyong komedyante kahit ramdam niyang tinutulak na siya ng panahon palayo sa spotlight.
“Bentong, wrap up ka na. Ten minutes nalang,” bulong ng stage manager sa likod, habang bahagyang inaangat ang kurtina.
“Ten minutes? Sampung minutong katahimikan?” bulong ni Bentong sa sarili. Tumikhim siya at ngumiti ulit.
“Alam n’yo, noong sumikat ako, kahit jokes ko sa paminta, pinagtatawanan n’yo. Ngayon kahit isawsaw ko pa sarili ko sa mantika, wala pa rin?”
May umubo sa audience. Hindi sa tawa. Sa ubo lang.
Pagtapos ng set niya, bumalik siya sa dressing room na amoy pawis at expired na pabango. Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin—may puti na sa kanyang kilay, may guhit na ang noo, at ang dating mata na puno ng ningning ay parang kandilang nauupos.
Pumasok ang assistant manager, dala ang sobre.
“Boss Bentong, eto po talent fee n’yo,” sabay abot ng manipis na sobre.
Hindi na siya nagtanong kung magkano. Baka lalo lang siyang masaktan. Tanggap niya—wala na siya sa kasikatan.
Sa labas ng bar, nag-aabang si Martha. Nakatayo sa ilalim ng poste ng ilaw, suot ang lumang jacket ni Bentong. Malamig ang gabi pero mas malamig ang katahimikan nila.
“Wala pa rin?” tanong ni Martha habang sabay silang naglakad pauwi.
“Meron. Tumawa ‘yung waiter. Pero hindi ko sure kung ako ‘yung dahilan o ‘yung utot ng katabi niya.”
“Bentong…”
“Alam ko na. Tama ka. Tapos na ‘to. Wala nang punchline. Wala nang audience.”
Tahimik lang si Martha. Hawak niya ang braso ng asawa pero naramdaman niyang parang hindi na ito kayang tumayo nang diretso.
Pagdating nila sa bahay, sinalubong sila ni Marissa, ang kapatid ni Bentong.
“Ate Marti, Kuya! May sinulat akong tula!” sigaw ni Marissa habang kumakaway, hawak ang papel.
Ngumiti si Bentong at pinilit tumango. Si Marissa, kahit may autism, ay walang kapantay na saya sa tuwing kasama nila. Siya na lang yata ang natitirang tagahanga ni Bentong.
“Basahin mo nga,” sabi ni Martha.
“Okay! Eto po:15Please respect copyright.PENANACTyYNCn2Ir
‘Si Kuya ay parang araw,15Please respect copyright.PENANAis1MIRcLES
Kahit tag-ulan, siya’y sumisilip.15Please respect copyright.PENANAi0oYZL5U9G
Kahit tahimik ang mundo,15Please respect copyright.PENANAYuKsCzSZS1
Sa puso ko, siya’y malakas pa rin ang halakhak.’”
Hindi na napigilan ni Bentong ang mapaluha. Tumawa si Marissa. “Ba’t ka umiiyak, Kuya? Nakakatawa naman ‘di ba?”
Tumango si Bentong. “Oo, sobrang nakakatawa... kaya siguro naiiyak ako.”
Kinabukasan, tinignan niya ang mga lumang video sa YouTube ng kanyang mga comedy skit. Libo-libong views. Komento ng mga tao: “Nakakamiss si Bentong!” “Walang katulad ang tawa niya!” “No filter, pure comedy!”
Pero puro nakaraan.
Tumunog ang cellphone niya. Text mula sa anak niyang si Caloy:15Please respect copyright.PENANAafdgFZjLHK
“Pa, may pasok ako ‘til late. Wag mo na akong sunduin. Love you.”
Napangiti siya. Iyon lang. Minsan sapat na.
Kinagabihan, muling tinawagan siya ng manager.
“Sir Bentong, pasensya na po ha. Last na po siguro ‘yung gig kahapon. Medyo… ‘di na po tayo pasok sa listahan ng bookings.”
Tahimik si Bentong. Alam na niya ‘yon. Wala nang venue. Wala nang mic. Wala na ang liwanag ng entablado.
Pero bago matapos ang tawag, tinanong niya ang sarili, “Kung wala na ang spotlight… pwede pa ba akong maging liwanag para sa iba?”
ns216.73.216.251da2