10Please respect copyright.PENANAWfucHsXtvx
“Ano ‘to?” tanong ni Martha, hawak ang cellphone habang natulala sa trending video.
Nasa screen si Bentong—kumikindat, nagbibiro sa harap ng kariton. Sa unang 10 segundo, parang normal lang. Pero biglang nag-shift—cut ng video, may subtitle na: “LAOS NA COMEDIAN TRYING HARD 😂”
May laugh track. May edits. May zoom-in sa kulubot niyang mukha.
“Ang daming shares, Tay...” bulong ni Caloy. “Grabe, nasa 1.5 million views na. Pero puro negative.”
Binuksan ni Bentong ang Facebook account niya, at doon niya nakita ang mga comments:
“Kawawa naman. Tumanda sa kakabola.”10Please respect copyright.PENANArWq76HY3O5
“Nakakatawa dati, ngayon nakakaawa na.”10Please respect copyright.PENANALt1ajkpumP
“This is why you need to quit while you’re still on top.”
Hindi niya alam kung ano'ng mas masakit—ang mismong video, o ang katotohanang may mga tao palang ganyan kabagsik.
“Tay, may nagsabi rin—‘Dapat siya na lang gumawa ng TikTok parody. Baka sakaling sumikat ulit, kahit bilang clown.’”
Hindi siya umimik. Tumayo siya, pumasok sa kwarto, at isinara ang pinto.
Sa loob, binuksan niya ang lumang laptop. Pinanood niya ang isa sa mga lumang segment niya sa variety show.
“Kung hindi ka natawa sa joke ko, baka pusong bato ka!” sabay tawa, sabay sigawan ng audience.
Pinikit niya ang mata. Parang nilamon siya ng kontradiksyon. Noon, palakpakan. Ngayon, halakhak—pero sa kabaligtarang dahilan.
ns216.73.216.251da2