12Please respect copyright.PENANA5ZE4xxEKkz
Tahimik ang gabi sa kanilang bahay. Sa isang sulok ng maliit nilang sala, may isang ilaw lamang na bukas—ang desk lamp ni Caloy. Nakatungo siya, hawak ang lapis at gumuguhit. Pawis na pawis na ang kamay niya kahit malamig ang simoy ng hangin mula sa bentilador.
Sa bawat linya ng kanyang lapis, isang alaala ang isinusulat sa papel.
Larawan ni Bentong noong bata pa si Caloy—nagtutulak ng kariton ng gulay, may suot na pekeng sombrero, tinatawanan ang sarili habang pinapasaya ang anak. Sa kasunod na panel, ang eksena noong una niyang nakita si Bentong sa lumang TV, kasama sina komedyante sa noontime show, at ang ngiting tila kay saya, pero sa mata ni Caloy noon pa man ay may lungkot.
Hindi ito para sa assignment. Hindi ito para sa school project. Ito'y para sa isang online comic contest na may temang:12Please respect copyright.PENANASVTangm8yT
“Buhay ng Bayani: Kuwento ng Totoong Tatag.”
Bayani?12Please respect copyright.PENANAnCtBMBLVXU
Naisip ni Caloy, hindi sundalo ang tatay niya. Hindi politiko. Hindi doktor.
Pero sa puso niya, bayani si Bentong. Isang bayani ng pagtitiis. Bayani ng tawanan na ginawang sandata ang jokes para takpan ang sakit.
Ilang araw na niyang tinatapos ang komiks na ito sa lihim. Bawat pahina, may caption sa ibaba:
“Ang Tatay kong si Bentong – hindi niya alam, pero siya ang dahilan kung bakit ako muling tumayo.”
“Kapag wala nang tawa, siya pa rin ang nagpapalakas sa amin.”
“Hindi lahat ng bayani may espada. Minsan, mikropono lang at malaking puso.”
Habang gumuguhit, naalala ni Caloy ang isang gabi sa ospital. Halos hindi makatulog si Bentong, kaya kinausap niya ito habang si Martha ay naiidlip sa tabi.
“Pa… naiisip mo ba kung sayang ang buhay mo?” tanong niya noon.
“Lahat naman ng buhay sayang kung hindi mo pinili ang mahalaga,” sagot ni Bentong. “Hindi ako perpekto, anak. Pero sa gitna ng lahat, pinili kong magpatawa—kahit ako mismo, hindi natatawa.”
Hindi na iyon mabura sa isip ni Caloy.
“Anong ginagawa mo diyan?” tanong ni Marissa kinabukasan, habang dumungaw sa mesa ng kuya niya.
“Wala,” mabilis niyang tinakpan ang sketchpad.
Ngumiti si Marissa. “Kuya, alam kong may ginagawa kang matindi kapag ganyan ka katahimik.”
“Secret, ‘k?” sagot niya.
“Contest?” hula ni Marissa.
Napakunot-noo si Caloy, “Sino nagsabi sa’yo?”
“Tingin mo hindi ko kilala ‘yang aura mo? ‘Pag may gusto kang patunayan, bigla kang nagiging tahimik, seryoso, at di na kumakain ng tamang oras.”
“Basta huwag mong sabihin kay Mama,” pakiusap niya.
Tumango si Marissa. “Promise. Pero sana manalo ka.”
Nang matapos niya ang huling panel—isang drawing ni Bentong na nakaupo sa entablado habang yakap si Caloy at Marissa—napaluha siya.
Hindi niya alam kung anong mas malakas: ang takot na hindi maintindihan ng mundo ang mensahe niya, o ang pag-asang sa wakas, maririnig na ng lahat ang hindi kayang isigaw ng tatay niya.
Isinave niya ang PDF file, inattach sa email, at pinindot ang SEND.12Please respect copyright.PENANARaxHFAvIHG
Deadline ng submission: ngayong gabi. Naipasa niya bago mag-hatinggabi.
Makaraan ang ilang araw.
“Anak, ano’ng pinagkakaabalahan mo nitong mga araw?” tanong ni Martha habang nililigpit ang mga plato.
“Wala lang, Ma,” iwas ni Caloy. “Nagdo-drawing lang. Trip.”
“Namimiss ka ng tatay mo sa ospital, ha. Huwag mo sanang pabayaan.”
Tumango si Caloy. Pero sa puso niya, alam niyang ginagawa niya ito hindi para umiwas—kundi para itaguyod.
Ilang linggo ang lumipas.
Isang gabi, habang nanonood si Martha ng balita, biglang lumabas sa screen ang anchor:
“Sa ating segment ngayong gabi: ang kwento ng isang anak na ginamit ang sining para iguhit ang kabayanihan ng kanyang ama—isang dating komedyante na ngayo’y lumalaban sa katahimikan.”
Nanlaki ang mata ni Martha.
“Si… si Bentong ba ‘to?”
Pagkatapos ay pinakita sa TV ang animation ng ilang panel mula sa komiks ni Caloy. May background narration:
“Sa mata ng kanyang anak, si Bentong ay hindi lang nakakatawang mukha sa TV. Isa siyang sundalo ng araw-araw na buhay, isang ama na kahit sugatan, ay piniling palakasin ang kanyang pamilya sa halakhak, kahit siya mismo ay walang masandalan…”
Napaluha si Martha.
Tumakbo siya sa kwarto ni Caloy. “Anak… ikaw ba ‘yon?”
Tahimik lang si Caloy. Pero sa mata niya, umagos ang katotohanan.
“Pasensya na kung hindi ko agad sinabi…”
Ni yakap siya ng mahigpit ni Martha.
“Huwag kang humingi ng tawad,” bulong nito. “Salamat, anak. Ginawa mong hindi malilimutan ang tatay mo.”
Kinabukasan, nag-viral ang balita. Sa ospital, may nurse na lumapit kay Bentong.
“Sir, trending po kayo. Komiks po ng anak n’yo. Grabe. Naiyak ako.”
“Ha? Komiks?”
Nang ipakita kay Bentong ang buong comic strip sa tablet, tahimik siyang napatingin sa bawat pahina.
Sa huli, tinakpan niya ang bibig, hindi dahil natawa—kundi dahil hindi niya akalaing may ganito palang lalim ang pagmamahal ng anak niya.
“Ginawa niya ‘to… para sa’kin?” tanong niya.
Tumango si Martha. “Oo, Ben. Hindi mo na kailangang habulin ang mundo. Kasi sa anak mo, ikaw na ang mundo.”
ns216.73.216.251da2