KABANATA 7 : Kung Kailan Tahimik ang Mundo
Dalawang linggo.
Labing-apat na gabi nang hindi nagpaparamdam si Jeanine sa singing app.
Walang notification ng “Jeanine has entered the room.”57Please respect copyright.PENANAxDIFFgAWEj
Walang kalabit ng boses niyang masarap sabayan kahit nakapikit.57Please respect copyright.PENANA3z2HMcB0dx
Walang sarkastikong hirit. Walang pang-asar. Walang awitin.
Tahimik.
At sa mundo ni Dominic, ang katahimikan ni Jeanine…57Please respect copyright.PENANApvmLQypP3T
mas malakas pa sa bagyong dumaan.
Noong una, inisip niya baka abala lang.57Please respect copyright.PENANAaxXwAgWwIw
Baka may family gathering, o kaya’y overloaded sa work.57Please respect copyright.PENANAH1TUh0vgyV
O baka… sadyang nagpa-pahinga lang sa online life.
Pero pagkalipas ng anim, pito, walong araw—hindi na siya mapakali.
Ilang beses na siyang nag-PM.57Please respect copyright.PENANALBdOCosnxW
"Hey, Jeanine. Hope you're okay."57Please respect copyright.PENANABQXDFGQ7iK
"Namimiss ka na ng mic."57Please respect copyright.PENANAmJGHQXwK1Z
"Sabihin mo lang kung gusto mong tumahimik. Pero sana wag ka sanang mawala."
Walang reply.
Kahit “seen,” wala.
Naisip niyang i-check ang private support group ng mga dating finalist sa app, kung saan parehong member sila. Doon niya nakita ang isang simpleng update mula sa co-admin:
“Please send strength kay Jeanine. Naka-schedule ang chemo niya today.”
Chemo.
Parang tinamaan si Dominic ng saksak sa dibdib.
Hindi siya agad nakagalaw.57Please respect copyright.PENANAUTq8ErpNtR
Hindi rin siya agad nakapagsalita.
Leukemia.
Stage 1 daw, ayon sa update.57Please respect copyright.PENANA1Qh04Wvfgd
Namamana raw sa pamilya nila. Matagal nang alam ni Jeanine. Pero itinago.
Walang pa-blind item. Walang drama. Walang “pity post.”
Tahimik.
Gano’n kabigat, gano’n kababae.
Hindi na siya nagtanong.57Please respect copyright.PENANAOqHU2NXvUx
Hindi siya nagpilit ng kwento.
Ang ginawa ni Dominic?57Please respect copyright.PENANAODI32wCIg5
Araw-araw siyang nag-record ng kanta para kay Jeanine.57Please respect copyright.PENANA7eEiJKBwMW
Isinend niya privately sa PM kahit walang reply.
Minsan acoustic.57Please respect copyright.PENANAiY3JvRCjQ5
Minsan lullaby.57Please respect copyright.PENANAqwkAexou2A
Minsan spoken poetry lang, gamit ang sariling boses.
Pero may isa lang siyang message lagi sa dulo ng recordings niya:57Please respect copyright.PENANA6DCD7iWrgn
“Di mo ako kayang i-mute, Jeanine.”
Pagkalipas ng halos dalawa’t kalahating linggo, isang gabi, bigla na lang siyang nagulat sa isang notification:
“Jeanine has entered the room.”
“DOMS. May utang ka sa’kin na kanta.”57Please respect copyright.PENANAVeluPeYq0N
Sambit ni Jeanine—live na live, same sarcastic tone, parang walang nangyari.
Napangiti si Dominic sa sarili niya habang nanlalamig ang mga palad niya.
She’s back.
Pero mas higit pa sa pagiging masaya…57Please respect copyright.PENANAeiCU8GxafT
nabigla siya.
Kasi pagpasok ni Jeanine sa stream, parang wala talagang pinagdadaanan.
Hindi mo makikita sa mga mata niya ang pagod.57Please respect copyright.PENANAGkpW5SwSlb
Hindi mo maririnig sa boses niya ang lungkot.57Please respect copyright.PENANA9EZekfYAts
Walang bakas ng hirap, kahit pa kakatapos lang daw ng cycle ng chemo therapy.
Kumanta siya ng “Rise Up” by Andra Day.
At sa bawat linya, damang-dama ni Dominic ang tahimik na sigaw ng kaluluwa ng isang babaeng nilalabanan ang sakit sa pamamagitan ng musika.
“I'll rise up, I'll rise like the day57Please respect copyright.PENANAp4aDRwRBdH
I'll rise up, in spite of the ache…”
Hindi siya nag-break.57Please respect copyright.PENANAffcs7kMRjH
Hindi siya naupo sa kalungkutan.57Please respect copyright.PENANAhfBoUZPoaq
Walang kahit anong emosyon ang bumara sa boses niya.
Perpekto.
Pagkatapos ng kanta, nagulat ang lahat nang ngumiti siya sa camera.
“Okay. Next song tayo. Pero uminom lang muna ako ng meds. Pampalakas boses.”
Tawa ang lahat.
Pero sa gitna ng mga komento, may isang nagtanong:
“Ate Jeanine, totoo po ba yung sinabi sa group na may sakit ka?”
Biglang natahimik ang stream.
Si Dominic, hinintay ang sagot habang nakapikit.
Tumingin si Jeanine sa camera. Hindi nakangiti. Hindi rin umiwas ng tingin.
“Stage 1 leukemia. Pamilya namin, may lahi raw talaga. Swerte ko at maaga nahuli.”
Tahimik.
“Pero wag kayong mag-alala,” dagdag niya,57Please respect copyright.PENANAJorzZfuk67
“Hindi ako papatumba nang walang laban. At definitely, hindi ako aalis sa app na ‘to na walang farewell concert. Kaya chill lang kayo. Mas matagal pa akong kumanta kaysa sa sakit na ‘yan.”
Umulan ng mga heart reacts at "laban" comments.57Please respect copyright.PENANA0Fvt1x6v9Z
Pero si Dominic?
Tahimik lang siyang nakatitig sa screen, pilit nilulunok ang buhol sa lalamunan niya.
Makalipas ang stream, sinubukan niyang tawagan si Jeanine privately.57Please respect copyright.PENANAbmzjHKEpbA
Nagulat siya nang sinagot ito sa unang ring.
“Oh, the admin is alive!”57Please respect copyright.PENANAwY1Kv7A29H
bati ni Jeanine.
“And you—di mo man lang sinabi. Two weeks, Jeanine.”
“Doms…”57Please respect copyright.PENANAU9NTViQihg
Seryoso ang tinig ni Jeanine. “Anong gusto mong marinig? Na natakot ako? Oo. Na nahirapan ako? Oo rin. Pero ano ba, magpaawa ako sa’yo sa chat?”
“Hindi. Pero sana pinaalam mo. Sa akin lang.”
May katahimikan.
Saka siya sinagot ni Jeanine:57Please respect copyright.PENANAb1nlI892NN
“Ikaw lang talaga ang may karapatan sa ganon?”
Hindi niya alam kung paano sumagot.57Please respect copyright.PENANAIYJa1ATxd4
Pero ramdam niya ang sakit sa tinig nito.
Pagkaraan ng ilang segundo, muling nagsalita si Jeanine.
“Doms, ayoko ng pity. Ayoko rin ng silence. Kaya bumalik ako. Kasi gusto kong maramdaman na hindi lang ako may sakit—kundi isa pa rin akong singer. Isa pa rin akong ako.”
At doon, tuluyang bumagsak ang mga luha ni Dominic—tahimik, hindi drama. Hindi dahil sa awa.57Please respect copyright.PENANAeWbQB4mX8T
Kundi dahil sa paghanga. Sa lalim. Sa tapang.
“Alam mo,” sambit niya,57Please respect copyright.PENANAwHBetk1f4j
“ikaw ang pinakamasayang malungkot na taong nakilala ko.”
Tumawa si Jeanine.
“At ikaw ang pinaka-praning na admin.”
Nagsimula silang tumawa.
Sa gitna ng mga luha at tawa, natahimik ulit si Dominic.
“Pwede bang ako na lang ang maging lakas mo kung sakaling mapagod ka?”
“Doms…”
“Wala lang. Tanong lang. Di mo naman kailangang sagutin ngayon.”
Sa kabilang linya, maririnig mo lang ang hinga ni Jeanine. Mabagal. Malalim.
Saka siya bumulong:
“Sige. Pero pakisigurong hindi ka madaling mapagod, ha?”
At sa gabing ‘yon, habang pinapakinggan niya ulit ang last recording ni Jeanine,57Please respect copyright.PENANAvJeqxNFZY2
alam na niya—
Sa bawat nota ng sakit,57Please respect copyright.PENANAkk2r06hP5j
nandoon ang himig ng pag-asa.57Please respect copyright.PENANASdeQMX3Xv9
At ang pangalan ng kanta… ay Jeanine.