KABANATA 33: Hindi Lang Pag-ibig, Kundi Buhay Na Magkasama
Dati-rati, magkasama lang kami ni Jeanine sa screen.
Ngayon, magkasama na kami sa buhay.
At hindi lang basta-basta—kundi sa mga malalaki’t seryosong bagay na minsan, ‘di ko rin akalaing kayang pasukin ng isang dating crew sa McDo na tulad ko.
Ako pa rin naman yun.
Nagsusuot pa rin ng apron tuwing gabi shift.
Nagwi-wipe ng tray, nagtatanong ng “Fries po ba sir? Large?”
Pero habang ginagawa ko yun, alam ko sa labas ng branch namin—meron akong sariling branch ng Potato Corner, Turks Shawarma, at Happy Cup.
Alam kong sa hapon bago ako pumasok, nagpapa-kain ako ng 20 na manok na 45 days, isang kambing, at dalawampung itik.
At sa mga rest day ko, sinusubaybayan ko yung babuyan sa barrio.
Hindi ko ‘to naabot mag-isa.
Kasama ko si Jeanine.
Siya ang nagsasabing,13Please respect copyright.PENANAdMzu0q6AMP
“Huwag ka munang pumirma, basahin ko muna.”13Please respect copyright.PENANAL74JC80M8n
nung dumating yung mga kontrata.
Siya rin ang naglakad ng mga permits sa city hall nung hindi ko alam kung saan pipila.
“Hayaan mo na akong magdrive. Tumulog ka muna, ikaw pa may shift mamaya.”
“’Wag mong pirmahan ‘yan, mahal masyado ang rent. Maghanap pa tayo.”
Si Jeanine ang partner ko—hindi lang sa relasyon, kundi sa negosyo, sa diskarte, at sa lakas ng loob.
May sarili siyang mundo, totoo.
Kaharap niya ang malalaking brands. May endorsements siya, nagka-commercial sa sabon, at may dalawa na siyang acting offers.
Pero kahit anong gulo ng schedule niya…
Pag sinabing “Hatid mo ko sa McDo?”
Nandun siya.
Pag sinabing “Sama ka sa check-up ng baboy bukas?”
Naka-rubber shoes na siya.
Dumating ang point na dumami na rin ang supporters namin.
Nagbukas kami ng YouTube channel. Hindi para magpakilig. Pero para ipakita kung ano na kami after ng singing app, ng podcast, ng lahat ng drama.
“Real love, real life.”13Please respect copyright.PENANAh2ySlc6ObH
Yun ang description ng channel namin.
At totoo nga.
Nagvi-vlog kami habang nag-uukay.13Please respect copyright.PENANAdLjPdo0ziC
Habang nagtatalo kung sinong mas magaling mag-adobo.13Please respect copyright.PENANAvE2S43gCbP
Habang sinasabi ni Jeanine,13Please respect copyright.PENANA3lWPu4RYxz
“Bakit ba ayaw mong gumamit ng sunscreen?!”13Please respect copyright.PENANAFlirGriCxu
at ako naman,13Please respect copyright.PENANA2YdMyYs8qN
“Eh lalake ako, ‘di ako nasusunog!”
Minsan, naiimbitahan na rin kami sa mga events ng mayayamang tao — kasal ng artista, ribbon-cutting ng bagong resto, panel guest sa seminar on relationships and business.
Pero kahit nasa stage kami, hawak niya pa rin kamay ko.
At pag nagpapakilala siya, hindi niya sinasabing “influencer” lang siya.
Sasabihin niya:
“Girlfriend ng crew sa McDo na may baboy at itik.”
At proud siya doon.
Proud siya sa akin.
Kaya ako? Walang araw na ‘di ko siya pinasasalamatan.
At sa lahat ng naabot namin—
Ang pinakapaborito ko pa rin…
…ay ‘yung umuuwi kami ng sabay sa gabi, pagod, gutom, nakangiti—
At habang nakahiga kami sa kalmadong gulo ng buhay…
Nagkakatinginan kami ng parang,13Please respect copyright.PENANAXgI4mBVQjV
“Oo. Buhay na ‘to.”