KABANATA 20: Grabe Yung Blessings, Sunod-Sunod
Hindi ko alam kung anong klaseng kabutihan ang ginawa ko noon sa buhay para sabay-sabay kong maramdaman lahat ng ito—lahat ng klase ng saya, pasasalamat, at biyaya.
Minsan, habang nasa pwesto ako sa shop ni Kuya Clint, nakatambay sa gilid, pinagmamasdan ko lang yung mga dumadaan, naiisip ko: “Ito na ba yung sinasabing turning point?”
Kasi kung tutuusin, sunod-sunod ang mga dumating.
Unang-una, ‘yung pwesto. Dati rati tambay lang ako doon kay Kuya Clint, ngayon may sarili na akong maliit na espasyo sa gilid ng shop niya. Mga vape products ang tinda, at sa tulong ng asawa ng pinsan ko na nag-aalaga rin ng baboy—stable ang daily sales namin. Siya na ang bahala sa customer service habang ako nasa trabaho.
Speaking of trabaho, naregular na rin ako sa McDo. Oo, fast food crew lang sa mata ng iba, pero para sakin, malaking bagay ito. Hindi lahat nabibigyan ng regularization. Lalo na’t mahigpit ang attendance ko—hindi lang dahil kailangan, kundi dahil gusto ko talaga yung ginagawa ko. May sense of pride sa pagiging parte ng isang team na kahit papaano, nagkakaisa.
Pangatlo, ‘yung baboyan. Anim na ang paanakin ko ngayon. Anim, love. Ilang buwan lang ang lumipas mula nung nagsimula ako sa isa’t kalahating pares. Ngayon, may sarili na akong maliit na pen—isang kubo-style na kulungan sa lupang malapit sa bahay nina Nanay Marites at Tatay Abelardo sa barrio. Minsan dun ako tumutuloy, lalo na pag may kailangang asikasuhin sa mga biik.
At syempre, ang singing app. Hindi ko alam kung paano ko ito maipapaliwanag sa iba nang hindi sila mapapailing o mapapangiwi. Pero totoo, grabe ang kita namin dun. Sa totoo lang, hindi na lang siya libangan—parang negosyo na rin.
Si Jeanine. Parang siya talaga yung lucky charm ko. Nung dumating siya, parang may pihit sa direksyon ng buhay ko. Hindi man siya ang dahilan ng lahat ng tagumpay ko, pero siya yung naging constant habang unti-unti kong tinatahak ang landas na ‘to. Parang siya yung sumindi sa apoy ng sipag at diskarte ko.
One day, habang break time namin sa McDo—dumaan siya gaya ng dati, dala ang paborito niyang brewed coffee at banana pie. Umupo siya sa counter, sinabayan akong kumain.
“May bank account ka ba?” bigla niyang tanong.
Nalaglag ko pa nga yung fries sa bibig ko sa gulat.
“Ha? Wala. Bakit?”
Napakunot ang noo niya, parang hindi makapaniwala. “Wala kang bank account? Saan mo nilalagay yung savings mo?”
“Alkansya,” sagot ko, kaswal lang. “Ayoko kasi ng bangko. Hindi ko sila pinagkakatiwalaan. Sa apartment ko, ako lang naman nakatira, kaya safe ang alkansya ko.”
“Hmm, pero wala kang interest doon,” aniya, parang teacher na nagtuturo ng basic economics.
“Alam ko,” tumawa ako. “Pero at least, kita ko agad, hawak ko agad.”
Tumango siya, pero bakas sa mukha niyang hindi siya kumbinsido. “Try mo Seabank,” sabi niya. “Maganda doon. Interest is calculated and added to your account balance each day.”
Nagkibit-balikat ako. “Talaga? Para kang endorser ah.”
“Hindi, seryoso,” sabay senyas na kunwari may hawak siyang mic at iniinterview. “This episode is brought to you by SeaBank. Ang bankong hindi ka iiwan!”
Natawa ako nang malakas. “Ba’t SeaBank pa talaga? Ikaw ba, dun ka may account?”
“Oo,” sagot niya. “Lahat ng kita ko sa app, simula’t simula, dun ko nilalagay. Naka-auto transfer pa. Every payout, derecho dun.”
Napailing ako. “Eh di ikaw na.”
“Hindi, seryoso. Check mo ‘to ha,” sabay kuha ng phone niya at ipinakita sa’kin yung app. “Look o. 4% per annum for balances up to PHP 400,000, and 3% for exceeding. Daily yung interest.”
Totoo nga. May breakdown pa sa transaction history. Kahit maliit lang, consistent. “Malaki din pala ‘pag pinagsama-sama mo,” sabi ko, hindi na ako makatanggi.
“Eh kasi naman, magaling na ako kumanta, magaling pa mag-budget,” sabay wink niya.
Napatitig ako sa kanya. Yung tipong wala kang masabi kasi ang ganda niyang kausap. Witty. Practical. At hindi lang basta kwento, may numbers na pinapakita.
Dun ako unang napaisip. Baka nga panahon na para sumubok.
Kinabukasan, bago pa magsimula yung shift ko, nagdownload na ako ng SeaBank app. Nilagay ko yung unang 5,000 ko. Sabi ko sa sarili ko, test lang to. Pero habang tinitingnan ko yung dashboard sa phone ko, parang may kakaibang feeling — may peace of mind.
“Salamat ha,” sabi ko sa kanya nung gabi na ‘yon habang nasa broadcast kami. “Tinulungan mo na naman ako.”
“Always,” sabi niya. “Sabi ko naman sa’yo, hindi lang ako pang-duet, pang-disiplina rin.”
Minsan naisip ko, swerte ko talaga kay Jeanine.
Sa dami ng tao sa singing app, sa dinami-dami ng pwedeng makausap, siya pa talaga yung napadpad sa life ko. Hindi ko nga alam kung blessing ba talaga siya, o tinawag siya ng mga dasal ko dati — mga panahong parang ang dilim ng paligid, tapos biglang may liwanag na dumarating.
Alam mo yung masarap na pakiramdam? Yung kahit pagod ka, may ngiti pa rin. Kasi hindi lang trabaho ang meron ka, hindi lang income. May kasama kang naniniwala sa’yo, nagtutulak sa’yo na gumaling, at hindi takot i-celebrate ang mga small wins mo. Kahit simpleng bank account lang ‘yan — sa kanya, milestone na ‘yun.
Sana lang, wag siyang mawala.
Hindi man kami labeled. Wala mang tawag na “kami” sa kung anong meron kami. Pero alam ko. Ramdam ko. Iba siya.
At habang dumarami ang blessings, lalong lumalalim ang takot ko na baka isang araw, magising akong wala na siya sa paligid.
Pero sa ngayon?
Sa ngayon, hawak ko ang phone ko, tinitingnan ang lumalaking interest sa bagong bukas kong account. Sa kabilang tab, bukas ang singing app, may live broadcast na sasalihan namin mamaya.
At sa gilid ng monitor ko, nakasabit ang lanyard na bigay niya — may palamuting maliit na microphone, at keychain na heart-shaped.
Simple lang.
Pero para sa akin?
Simula ‘to ng bagong kabanata.
At kung saan man kami dadalhin ng mga susunod na blessings…handa akong sumabay.
ns216.73.216.208da2