KABANATA 22: The Duet That Started It All
Minsan talaga, may mga biglaang pangyayari na parang sinadyang i-orchestrate ng tadhana. Ganon ‘yung feeling ko nung naanyayahan kami ni Jeanine para sa isang Dating Game Event ng singing app—isang malaking virtual gathering kung saan may mga games, live interaction, at syempre, kantahan. Initially, ang role lang talaga namin ay guest performers. Wala kaming ideya kung gaano kabigat ang magiging impact ng gabing ‘yon.
“Theme nila: Love at First Song,” tawa ni Jeanine habang binabasa niya ‘yung event description. “Sakto sa’yo ‘yan, baka maka-score ka ng jowa.”
“Ngek, no thanks. Ikaw lang duet ko, okay na ‘ko.”
“Grabe ka, clingy mo,” natatawa niyang sagot, pero hindi siya tumutol. At sa simpleng biro ko na ‘yun, nagsimula ang isang performance na hindi ko malilimutan habang buhay.
Apat kaming guest singers—dalawang lalaki, dalawang babae. Pero dahil kami ni Jeanine ang pinakakilala sa batch na ‘yon, sa amin naka-focus halos lahat ng attention. Hindi kami host, pero parang kami ‘yung main event. Lalo na nang i-request ng isa sa mga game moderators na mag-duet kami.
“By request ito from the audience and fans ng ‘Team J²’,” sabi ng host. “Let’s welcome back Jeanine and Love ni Jeanine!”
Ngumiti lang ako. Sa totoo lang, kinakabahan ako. ‘Di kami prepared, pero sanay na kami ni Jeanine sa biglaan. Tinanong niya ako sa PM, “Kaya mo ‘to? ‘Forever’ by Regine and Martin. Oldie but goldie.”
“Let’s do it,” sagot ko agad.
The moment na tumugtog ang piano intro ng Forever, bumigat ang hangin sa paligid ko. Kahit virtual lang ang lahat, kahit nasa harap lang kami ng microphones at screens, parang may spotlight na nakatutok sa amin. Lahat tumahimik. Lahat naghihintay.
Ako ang unang pumasok—deep, relaxed tone, diretso sa “We've come so far15Please respect copyright.PENANAobYpFtT8cE
To leave it all behind....I wonder why…”
Sinundan niya ako, smooth and serene, “Why did you go away?15Please respect copyright.PENANAt2sE8r1V4t
You left me all alone15Please respect copyright.PENANAKTiaItcqts
No words can say15Please respect copyright.PENANAsHzrakBgjx
My love, please, stay.”
Habang palalim nang palalim ang kanta, nararamdaman ko ‘yung emotions na nilalagay ni Jeanine sa bawat linya. Hindi siya nag-aacting. She was feeling the song, and I couldn’t help but mirror that emotion. Napatingin ako sa screen, nakatitig lang siya, naka-headset, pero para kaming nasa iisang stage. Para kaming sinasadya ng awitin.
Pagpasok ng chorus—“You and I15Please respect copyright.PENANAw1FijXTNx6
We have moments left to share15Please respect copyright.PENANAIBBMknLfKZ
You and I15Please respect copyright.PENANAvRLAxkDdhm
We can make it anywhere
You and I15Please respect copyright.PENANAGxsj3XHAEP
We belong in each other's arms15Please respect copyright.PENANAsgd5cL8ZGu
There can be no other love15Please respect copyright.PENANAZEac9Ew9mH
Now, I know we can have it all15Please respect copyright.PENANAF8ATTsQwMH
Forever…”—nagkasabay kami nang sakto sa harmony. Walang off pitch. Walang sablay. Parang hinubog ng eksena ang buong timing namin. Pati ako, kinilabutan.
At pagdating sa huling big note—“Now, I know we can have it all15Please respect copyright.PENANAo5YD4c7HX0
Forever15Please respect copyright.PENANAplDKrXxPyg
Now, I know we can have it all15Please respect copyright.PENANAJwtB8tbSEp
Forever.....”—sabay kaming pumiyok. Tumigil ang mundo.
Pagbagsak ng huling nota, tahimik ang screen sa loob ng ilang segundo. Tapos bigla, BOOM—bagsak ng claps, comments, emojis, hearts, halos sunod-sunod na tip sounds at gift notifications.
“GRABE!!!”
“Sino ‘tong dalawa? Solid ng harmony!”
“Kinilabutan ako, promise.”
“Replay please! Kahit triple!”
“Ikakasal ba kayo after this???”
Jeanine laughed, hawak ‘yung headphones niya. “Ang intense nun, Doms! Di ako makahinga!”
“Grabe ka rin. That wasn’t just a song, Jeanine. That was... something else.”
Sa totoo lang, gusto ko pa sanang magsabi ng iba. Gusto ko siyang tanungin kung naramdaman din ba niya ‘yung kilig sa bawat linya. Pero natabunan na ako ng sunod-sunod na congratulations at reaction ng fans.
Nag-trending agad ‘yung duet namin sa mismong event thread. May gumawa ng video snippet at in-upload sa community channel. Pagkalipas ng isang oras, nasa Top 1 trending performance na kami sa event.
At ang mga gifts? Grabe. Akala ko sa movies lang ‘yung ganun. May mga nagpadala ng virtual crowns, VIP badges, pati diamond stars—lahat ‘yun may katumbas na pera. Sa isang performance lang, naka-₱7,000+ worth of tips kami agad. Tapos sunod-sunod pa ‘yung messages.
Pero ang pinaka-nakataba ng puso?
May mga OFWs na sumali sa comment thread. Nagpakilala sila—isa sa Singapore, isa sa Dubai.
“Please send us your address,” sabi ng isa. “Sobrang nainspire kami sa duet n’yong dalawa. I know it’s just virtual, but we felt it from here. Parang napawi ‘yung homesickness ko.”
At true enough, after a week—dumating ‘yung mga package sa bahay ni Jeanine. Tuwang-tuwa siya sa call. “Doms, tignan mo ‘to! May keychains, ref magnets, beauty kits from SG, tapos ito pa—isang kahon ng Toblerone, Cadbury, at Kisses!”
Pinakita niya sa camera habang nagla-live kami. Napuno ‘yung comment section ng “Wow”, “Sana all”, at “Deserve nyo yan!”
Pinadala niya rin sa akin ang kalahati ng package. Sinabihan niya ako, “Wala ‘to kung wala ka. Di ako magbu-bloom ng ganito kung hindi kita kasama sa growth ko.”
Tahimik lang ako. Kasi habang hawak ko ‘yung isang ref magnet na may lion design at ‘Singapore’ label, naramdaman kong hindi lang siya basta souvenir. Para siyang simbolo ng journey namin—mula sa simpleng pagkanta, hanggang sa unti-unting pagiging tandem na hinahanap-hanap ng mga tao.
And more than the applause, more than the virtual riches, mas importante sakin ang isang bagay:
Kumanta kami ng “Forever”… at parang sa sandaling ‘yon, may konting bahagi sa’kin na naniwala.
Maybe… maybe this is it.
Maybe this is something that can last.
ns216.73.216.251da2