KABANATA 27: Tahimik na Paglayo
Mula nang makausap ni Jeanine si Mama sa video call, may nabago.
Hindi agad halata. Hindi blunt. Hindi dramatic.
Pero ramdam.
Parang malamig na hangin sa loob ng kwarto na hindi mo makita, pero unti-unting tumatagos sa buto mo. Hindi siya biglang nawala. Pero unti-unting dumalang ang lahat ng dati’y araw-araw naming ginagawa.
Noong una, hindi ko pa masyadong napapansin. Akala ko busy lang siya. Akala ko normal lang, kasi minsan talaga sabay-sabay ang stress sa buhay.
Pero nang ilang araw na siyang hindi dumadalaw sa McDo kung saan ako nagtatrabaho, doon ko na naramdaman ang kirot.
Dati kasi, kahit wala siyang bibilhin, dadalaw siya sa break time ko. Minsan bitbit niya pa ako ng yakult o fries, minsan siya pa nga nagbabak ng uniform ko kung tamad na ko.
Ngayon? Wala. Ni anino, ni boses, ni message sa messenger—wala.
Kapag ako na ‘yung magme-message, saka lang siya sasagot. At kapag nagtanong ako:
“Tayo pa ba?”
Isa lang ang sagot niya.
“Oo naman, tayo pa.”
Pero bakit parang hindi?
🎙️ Walang Tinig sa App
Kahit sa singing app, na dati naming tambayan, parang nawalan siya ng boses. Hindi na siya umaakyat sa live room ko kapag ako ang nakasalang. Kahit busy ako sa trabaho, sinisigurado ko dati na may oras kami doon—kahit isang kanta, kahit isang duet. Pero siya?
Madalang na.
Minsan sasabihin niyang inaantok na siya, pagod, may shoot kinabukasan. At ako? Pilit umuunawa. Pilit lumalaban sa iniisip na baka, baka lang... ako na lang ang pumipilit.
Hindi ko alam kung nagiging paranoid lang ako, o kung totoo ‘tong nararamdaman kong dahan-dahang paglayo.
Every time I’d ask:
“Okay pa ba tayo?”
She’d reply the same:
“Okay lang tayo.”
Pero may tonong hindi ko maipaliwanag.
Hindi malamig, pero hindi rin mainit.
Hindi siya galit, pero hindi rin masaya.
Parang... obligasyon na lang ang sagot.
At minsan, iniisip ko... baka ginagawa niya ‘yun para ako na lang ang kusang bumitaw.
Pero laging may mga valid na alibi.
📸 Ang Pag-angat ni Jeanine
Isa sa mga dahilan ng pagiging abala niya ay ang tuluy-tuloy na pagtaas ng career niya.
After months of chemo, bigla siyang nagkaroon ng massive breakthrough.
Nagviral ang vlog niya tungkol sa paggamit ng paragis sa buong recovery niya sa stage 1 leukemia. Wala na siyang chemo ngayon. Hindi na rin siya maputla. Nagbalik ang natural glow niya. At higit sa lahat, hindi na nalalagas ang buhok niya.
Miracle? Maybe.
Pero mas totoo, naging inspirasyon siya sa marami. At kasama noon, dumagsa ang blessings.
Kinuha siya bilang brand ambassador ng Paragis.
Isang photoshoot lang ang nakita ko sa FB niya, pero maya’t maya may bagong post, bagong collab, bagong video.
Hindi nagtagal, may mga big brands na ring kumuha sa kanya.
Jeanine, the girl who once quietly battled leukemia behind a camera, was now the face of hope.
She was featured in campaigns for:
A rejuvenating set brand
Lucky Me! Pancit Canton
Whisper With Wings napkin
Mountain Dew softdrinks
Sa totoo lang, proud ako sa kanya.
Masaya akong makitang buhay na buhay na siya. Na magaling na siya.
Pero habang umaakyat siya sa tagumpay, pakiramdam ko naiwan ako sa ground floor.
Ako pa rin itong crew sa McDo, nagpapakarga ng load, naghahanap ng free WiFi para makapag-live, sumasahod tuwing kinsenas para lang may maipadala sa real mom ko sa barrio at sa adoptive parents kong tumulong bumuo sa’kin.
Samantalang siya?
Lumalaban na ng commercials, bumibida sa mga presscon, at nilalapitan na ng talent agencies.
Bigla kong natanong sa sarili ko...
Kasya pa ba ako sa mundo niya?
💭 Laban ng Loob at Pag-aalinlangan
Pinipilit kong maging secure. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko: “Mahal ka niya. Hindi siya ‘yung tipong iiwan ka.”
Pero kahit anong ganda ng alibi—kahit gaano pa ka-legit—ramdam mo pa rin ‘pag hindi na ikaw ang prioridad.
Na para bang nagsimula ang relasyon bilang pantay, pero ngayon, siya na ‘yung tumatakbo at ako, naiwan sa starting line.
Ayoko siyang hatakin pababa. Ayoko ring manghingi ng atensyon kung ubos na siya.
Pero hindi ko rin alam kung saan ako lulugar.
Dati, siya ‘yung laging nauunang magsabi ng “I miss you.”13Please respect copyright.PENANAGPpRWWf8fc
Ngayon, ako na lang.
Dati, siya ‘yung gumagawa ng paraan para magkita kami kahit pagod.13Please respect copyright.PENANASSecVcFKI7
Ngayon, puro “next time” na lang.
Dati, kahit may photoshoot siya, magla-live pa rin siya sa Singing App kahit late na.13Please respect copyright.PENANAEiqhxnmZb7
Ngayon, di na siya nagpaparamdam kahit may weekend collab kami.
Kaya’t kahit hindi niya sinasabi, nararamdaman kong may binabago siya.
At siguro, kasama ako sa mga ‘yon.
Pero hindi pa rin ako bumitaw.
Kasi kung ako ‘yung tipo ng tao na madaling bumitaw sa oras na hindi na ako komportable, hindi ako magiging ako.
Hindi ko siya minahal para lang sa mga araw na madali.
Minahal ko siya pati sa panahong pinili niyang manahimik.13Please respect copyright.PENANAQZeXG6aGOg
Minahal ko siya kahit sa gitna ng hindi niya pagdalo, ng hindi niya pag-akyat, ng hindi niya pagtawag.
Pero kung ang distansya na ‘to ay hindi lang bunga ng pagiging busy...
Kung ito ay paunti-unting pamamaalam...
Hindi ko alam kung kakayanin ko.
ns216.73.216.235da2