KABANATA 28: Podcast About Belief
Weekend noon.
Sabi niya, “Live podcast tayo?”
Nagulat ako. Hindi na siya madalas magparamdam. Pero eto, may kusa. Kaya kahit gulat ako, kahit medyo nanghihinayang ako sa huling oras ng pahinga bago ang shift ko kinabukasan, pumayag ako.
Gusto ko na lang siyang marinig. Kahit sa loob ng isang screen. Kahit sa gitna ng mga audio waves.
Ang akala ko, usapang music. O kaya tungkol sa healing. Maybe mental health. Relationships. Love. Kasi ‘yun ang madalas naming topics noon.
Pero hindi.
Pagka-on air ng mic niya, bumungad agad ang tanong:
“Do you believe in God?”
Napalingon ako sa sarili kong camera, parang kinuryente.
Tahimik akong ngumiti.
“Yeah,” sagot ko, bagamat may bahid ng kaba sa dibdib.
“Let’s talk about faith, then,” sabi niya. Calm. Confident. Almost too composed.
Hindi ko alam kung san galing ang lakas ng loob niya para bigla na lang isalang ang ganung topic sa live podcast na walang rehearsal, walang cue. Pero siguro, matagal na niya nang gustong sabihin lahat ‘to.
At ako?
Na-trap ako sa broadcast.
📖 When a Non-Believer Knows the Bible Too Well
Sa totoo lang, hindi siya mukhang atheist. Hindi rin agnostic. Pero alam kong hindi siya believer.
Pero ang nakakagulat? Ang dami niyang alam sa Biblia.
Sabi nga niya, “Just because I don’t believe, doesn’t mean I haven’t read.”
At dun ko naalala—graduate siya ng Psychology sa isang prestihiyosong Catholic university. For four years, exposed siya sa Theology classes, retreats, spiritual reflections, formation.
At ngayong nagsasalita siya, para siyang theologian.
Binanggit niya ang Hebrews 11:6:
“And without faith it is impossible to please God, because anyone who comes to him must believe that he exists…”
Tapos sinundan niya ng Romans 1:20:
“For since the creation of the world God’s invisible qualities—his eternal power and divine nature—have been clearly seen…”
Pero hindi niya iyon ginamit to uplift belief.
Ginamit niya iyon... to deconstruct it.
😔 Faith Through Fire or Faith Through Fear?
Ang punto niya?
“Kung totoo si God, bakit kailangan laging may test? Bakit ang laging tanong ay, ‘Did you endure?’ Para bang pinapanood Niya tayong mahulog, masaktan, mawalan, mapagod. Tapos kapag bumigay tayo, hell agad?”
Sa boses niya may humor, pero may latay.
Parang nagtatawa, pero galit.
“Bakit lahat ng biblical characters na pinasikat—yung matitino ha, hindi yung kontrabida—lahat sila nabaliw sa tanong na ‘Bakit?’”
Binanggit niya si Job.
Si Moses.
Si Habakkuk. Si David. Si Gideon.
“They all questioned God,” aniya. “At hindi sila pinagalitan agad. Pero bakit tayo, sa oras na magduda tayo, parang kasalanang hindi mapapatawad?”
Tahimik lang ako. Pinakikinggan ko siya, pero sa loob-loob ko, nanginginig na ako.
Lalo na nung sinimulan na niya ang mga rhetorical reflections:
“Kung totoo ang Diyos, bakit ‘good people’ suffer the worst kind of pain?”
“Kung loving talaga siya, bakit parang gusto Niya tayong sirain una bago tayo mahalin?”
“Gusto ba talaga Niya ng faith? O gusto Niya ng blind obedience?”
“O baka naman gusto Niya lang makita kung kailan tayo susuko, para may rason Siyang itapon tayo sa impyerno?”
Sa bibig niya, tunog philosophical. Para bang simpleng tanong sa klase, open-ended, hypothetical.
Pero ako?
Alam ko kung sino talaga ang pinapatamaan niya.
💔 Hindi Diyos ang Target—Si Mama
Habang nagsasalita siya, unti-unting nabuo sa utak ko ang buong script sa likod ng podcast na ‘to.
Hindi ‘to tungkol sa Diyos.13Please respect copyright.PENANAsESn7MJdHk
Hindi ‘to tungkol sa faith.13Please respect copyright.PENANAaxKN3gtfjM
Hindi ‘to tungkol sa Bible.
Ito ay patama.
Kay Mama.
Sa pananampalataya ni Mama.
Sa mga paniniwalang pinamuhay ni Mama kahit pa sobrang higpit, sobrang judgmental, sobrang bigat. Yung tipong lahat ng bagay, may kasalanan. Lahat ng bawal, may eternal consequence. Lahat ng mali, dapat pagdusahan.
Yun ang Diyos na pinalaki ako ni Mama. At yun din ang Diyos na kinamuhian ni Jeanine.
Bigla ko tuloy naalala ang sinabi niya dati, noong una pa lang naming usapan tungkol sa religion:
“Your mom weaponizes God. Don’t you see that?”
Ngayon, sa harap ng daan-daang nanonood at nakikinig, ginawa niya itong protest speech disguised as podcast.
Hindi ko siya sinaway.13Please respect copyright.PENANAMakaGnh03T
Hindi ko siya pinatulan.13Please respect copyright.PENANAyvkgaoi4vd
At lalong hindi ko siya pinahiya.
Pero sa loob ko, ramdam ko—hindi na kami nag-uusap. Nagsasalita na lang siya. At ako? Ako ‘yung tahimik na target ng galit na ayaw niyang i-direct sa’kin.
Maybe that’s what made it worse.
Hindi niya sinabi, “Ang nanay mo...”13Please respect copyright.PENANA18ShO5alJD
Pero lahat ng sinabi niya, saktong-sakto.
Para akong binalot ng guilt and shame at the same time—kasi mahal ko si Jeanine, pero hindi ko rin kayang itapon ang paniniwala ko.
At mas lalo akong nalito kung sino ba talaga ang pinipilit pa niyang patunayan ang sarili sa relasyon na ‘to—ako ba, o siya?
ns216.73.216.235da2