KABANATA 32: Isa Kang Tornilyo — Maliit Pero Buhay Ko ang Binubuo Mo
Magkaiba kami ni Jeanine sa maraming bagay.
Ako, maaga gumising.16Please respect copyright.PENANAjBh7M47SLG
Siya, night owl. Tulog pa rin kahit alas-nueve.16Please respect copyright.PENANABWfZ4pHfPX
Ako, mabilis kumain.16Please respect copyright.PENANAePWR6kayE7
Siya, sobrang bagal — parang laging may dinner date kahit tuyo lang ulam.16Please respect copyright.PENANAOxgpfcvQfR
Ako, tamad magligpit ng sapatos.16Please respect copyright.PENANAHHznCoxHoL
Siya, OC to the bones. Kahit tsinelas ko sa banyo, alam niya kung ilang degrees ang pagka-ayos nun.
At sa unang linggo ng pagtira naming magkasama, lahat ng pagkakaibang ‘yon, parang naglaban-laban sa iisang espasyo.
“Love, may kulay ang sinampay mo!”
“Ay sorry! Di ko alam na ayaw mo ng darks sa white section.”
“Eh ‘di sana tinanong mo muna bago ka naglaba.”
“Eh ‘di sana sinabi mo rin na ganyan ka ka-specific!”
Awkward silence.
Pero ang maganda sa’min?
Wala pang sampung minuto, bumibigay na kami pareho.16Please respect copyright.PENANAmRoFjDReoG
Wala kaming pride na mas matigas kaysa sa pagmamahalan namin.
“Sorry love, ginamit ko ‘yung tuwalya mo na may print ng dog. Akala ko pamunas ng sapatos.”
“Okay lang, mahal kita.”16Please respect copyright.PENANA6SRjixSEEY
At bumawi siya ng yakap.
May mga gabi rin na sabay kaming nagluluto. Kung dati puro takeout, ngayon sinusubukan naming lutuin ‘yung favorite naming street food sa condo: fishball, kwek-kwek, isaw.
Minsan naluluto namin.
Madalas nasusunog.
Pero wala kaming pakialam. Dahil pagkatapos ng bawat subo, may halakhak, may yakap, may “I love you kahit lasang uling ‘to.”
Ang pinakamasaya?
Pag ‘di kami nagkakaintindihan, hindi kami agad umaalis.
Walang “I need space” na pa-cool.
May “Teka, ayusin natin ‘to” kahit pa umiiyak na kami pareho.
At sa kalagitnaan ng routine naming magkaibang mundo — ang pagkakaiba naming ‘yon, natutong mag-dance sa iisang rhythm.
Ako ang tagaluto.
Siya ang tagahugas.
Ako ang tagapakain ng itik kapag umuuwi kami sa barrio.
Siya ang tagakuha ng eggs at taglista kung ilan ang na-harvest.
Minsan nag aaway pa kami kung sino mas magaling mag-budget. Pero sa huli, sabay naming kinokompyut lahat habang may milktea sa tabi.
Ganito pala ang pagmamahal kapag hindi lang puso ang magkasama kundi pati bahay, kwarto, at pang-araw-araw na ugali.
ns216.73.216.251da2