KABANATA 2 : Wais na Pasaway
May mga batang mabait.16Please respect copyright.PENANA6vbEqwq4H3
May batang matalino.16Please respect copyright.PENANAGtzsogWbfM
At may batang... tuso.
Ako ‘yung pangatlo.
Hindi ako laging napupuri sa honor roll, pero kilala ako ng buong faculty. Hindi dahil terror ako, kundi dahil lagi akong may pakulo. Kung hindi ako ang pasimuno ng sabayang paglalabas ng papel sa ilalim ng bag tuwing may seatwork, ako ‘yung may kopya ng reviewer ng susunod na quiz — hindi dahil nangongopya ako, kundi dahil napapansin kong pare-pareho lang ang tanong ni Ma’am.
Naalala ko, Grade 5 kami noon. Halos kalahati ng klase ang bumagsak sa Math quiz. May formula si Ma’am na hindi niya masyadong naipaliwanag, tapos ang bilis ng tanong. Ako lang ang nakapasa. Hindi dahil genius ako — kundi dahil tinignan ko ‘yung mga pattern sa dating exams. Sabi ng iba, swerte raw ako. Pero para sa akin, hindi swerte ‘yun. Observasyon ‘yun. Diskarte.
Madalas, sinasabi ni Mama,
“Dominic, hindi lahat ng matalino ay wais. Pero ang mga wais, kadalasan, mas nakaka-survive.”
At mukhang ‘yun talaga ang papel ko sa mundo — ang maging wais. Lalo na sa mga sitwasyong hindi pabor sa’kin.
Noong isang beses, napilitan akong magbenta ng yema sa school. Hindi dahil gusto ko, kundi dahil may project kami at walang pambili ng materials. In short, kung gusto kong makasali, kailangan kong maghanap ng paraan.
Gumawa ako ng 25 piraso. Nilagay sa maliit na lalagyan. Bente isa. Kasi ‘yung apat, tinikman ko muna — for “quality control.” (Siyempre, kailangan kong siguraduhing masarap.)
Sa halip na lumapit sa mga kaklase, tinarget ko ‘yung mga teachers.
“Ma’am, pang-energy po habang nagtuturo.”16Please respect copyright.PENANAz9TZYCCUyu
“Sir, pampatamis ng mood.”16Please respect copyright.PENANA7KSvlfuZdm
“Miss, baka gusto n’yong pang-meryenda ‘yan habang nagche-check kayo ng papers.”
Hindi ako marunong mahiya kapag kailangan.16Please respect copyright.PENANAzvagVv3PHy
Hindi ako palaban, pero hindi rin ako sumusuko.16Please respect copyright.PENANAXREypsp3dh
At ang pinakamatindi: sa bawat ‘pasaway’ kong diskarte, may baong rason.
Naalala ko rin noong Grade 6, naipadala ako sa guidance office. Wala akong sinaktan. Wala rin akong minura. Pero nahuli akong pinapasa ang maliit na papel sa likod ng classroom. Akala ni Teacher, love letter. Akala niya, ako ‘yung nambubuyo. Pero totoo, ‘yun ay sagot sa tanong ni Kenneth kung anong page kami sa Science.
Pagdating sa office, tinanong ako ng guidance counselor,
“Dominic, bakit ka ba pasaway? Mabait ka naman, pero parang may sariling mundo.”
Sinagot ko siya ng totoo:
“Hindi po ako pasaway. Hindi lang po ako palaban sa tamang sagot.”
Tahimik siya.16Please respect copyright.PENANA8mjVR9qPUs
Ngumiti.16Please respect copyright.PENANAO4hsUuZjE0
Sabi niya, “Ikaw ang klase ng batang dapat turuang mangarap. Kasi marunong kang makiramdam. Marunong kang gumalaw.”
At sa loob-loob ko, alam kong hindi niya ako binola. Kasi hindi rin ako nanlilito ng tao. Lahat ng ginagawa ko, may dahilan. Hindi para sa sarili lang. Kundi para makatawid. Para makaraos.
Dumating ang high school — mas matindi ang laban. Mas malaki ang pangarap, pero mas malalim ang kakulangan. Maraming bayarin. Maraming kailangang uniform. Maraming kailangang i-submit. Pero isa lang ang problema: kulang ang budget.
Ang solusyon ko?
Nag-resell ako ng ballpen, pad paper, sticker, kahit candies. Bumibili ako nang maramihan sa divisoria, pinapalit sa sariling packaging gamit ang colored paper at gunting. Sa likod ng notebook ko, may listahan ng mga utang ng kaklase. Kung siningil ko lahat ‘yun, baka nakapagtayo na ako ng mini sari-sari store sa classroom.
Isang araw, tinawag ako ng principal.
“Dominic, nakarating sa amin na nagbebenta ka raw sa loob ng school premises?”
Akala ko suspended na ako. Pero sa halip na sermon, inaya niya akong sumali sa school bazaar. “Gamitin mo ‘yang galing mo. Pero gawin nating legal.”
Doon ako unang natutong magnegosyo nang may permiso.16Please respect copyright.PENANAFGKzDHQaoY
Unang natutong mag-costing.16Please respect copyright.PENANAove0dAFtVb
Unang natutong magbigay ng sukli kahit walang calculator.
Pero higit sa lahat, unang beses kong naranasang pwedeng pagsabayin ang “likas mong talino” at “likas mong diskarte” — basta alam mong wala kang tinatapakan.
Siyempre, hindi lahat ng pasaway ay admirable. Minsan, nasusubok din ako. Naalala ko nung 2nd year ako, napikon ako sa kaklaseng panay ang sabing “ampun ka naman e.” Hindi ko siya sinuntok, pero sinabihan ko siya ng mga salitang... hanggang ngayon, ayokong ulitin.
Umiyak siya. Tinawag ang adviser. Tinawag si Mama.
Pero sa halip na sermon, sabi lang ni Mama:
“Dominic, ang talino mo. Pero gamitin mo ‘yan sa pagbuo ng respeto, hindi sa pagkasira ng tao.”
Masakit, pero totoo.
Doon ko natutunang ang pagiging wais ay hindi lang tungkol sa diskarte sa buhay. Kundi pati diskarte sa puso — kung paano pipiliin ang tama kahit may dahilan kang magkamali. Kung paano mo iingatan ang sarili, pero hindi sasaktan ang iba.
At ang pinakaimportante:16Please respect copyright.PENANA4J7aIzvcBs
Kung paano mo ikakabit ang pangalan mo sa mga bagay na marangal — kahit sabihing "pasaway" ka, alam mong kaya mong ipaglaban ang kabutihan mo.
Ngayon, habang sinusulat ko ‘tong notepad na ‘to, binabalikan ko ang batang Dominic — tuso, palusot, pero buo ang prinsipyo.
Hindi ako naging top 1 sa klase.16Please respect copyright.PENANA74tWbxuJz1
Hindi ako naging president ng student council.16Please respect copyright.PENANA4XFhcP9tLW
Pero ako ‘yung batang pinagkakatiwalaan pag may kailangang ayusin.16Please respect copyright.PENANAtdak4BgkCS
Ako ‘yung tinatawag para mag-host ng programa.16Please respect copyright.PENANAnh2PvsM7kO
Ako ‘yung sinasabihan ng:
“Dominic, ikaw na bahala.”
At hanggang ngayon, dala ko ‘yun.16Please respect copyright.PENANAL0643rDUss
Sa negosyo, sa relasyon, sa buhay — dala ko ang pagiging "wais na pasaway."16Please respect copyright.PENANAGdG9VCtH9V
Yung hindi sumasabay sa agos lang, kundi marunong sumisid pag kinakailangan.16Please respect copyright.PENANAQtWayMT1qO
Yung hindi basta sumusunod, kundi marunong magtanong.
Kasi hindi ko piniling maging mahirap.16Please respect copyright.PENANAOADPkJq8L5
Hindi ko piniling maging ampon.16Please respect copyright.PENANAbSxVgbbK4w
Pero pinili kong maging matalino sa mga paraang hindi laging nasa libro.
Wala man akong medalya,16Please respect copyright.PENANAg91AahdhwA
Pero may mga taong tumatango kapag sinasabi ko ang opinyon ko.16Please respect copyright.PENANAFIx3e4nFdW
May mga batang lumalapit para humingi ng advice.16Please respect copyright.PENANAyBiPhdeGNw
May mga kaibigan na nagsasabing,
“Buti ka pa, Dom. Laging may paraan.”
At doon ako panalo.
Kasi ang tunay na wais, hindi lang basta nakakalusot —16Please respect copyright.PENANAdUaWqdKTUr
Nakakatulong. Nakakapagbigay. Nakakapagturo.
16Please respect copyright.PENANAG219WJL2yp
Hindi ako bayani.
Oo, lumaki akong salat, marunong magsakripisyo, marunong tumanggap. Pero ‘wag kayong palinlang. Ang batang kayang tiisin ang gutom, kayang tiisin din ang konsensya — lalo na kung barkada na ang tumatawag.
Tamad ako. Sa totoo lang, kahit sabihin mong may utak ako, hindi mo rin ‘yan mapapansin sa mga grado ko.
Mas interesado pa ako sa “ano plano mamaya?” kaysa sa lesson plan ng guro naming si Ma’am Sison na kahit secondhand na projector, tinitiis para lang magturo ng maayos.
Pagpasok ng hapon, halos wala akong pake sa lecture. Kung hindi ako nagdo-drawing ng graffiti sa likod ng notebook, kasama ako ng tropa sa gilid ng hallway, nagtatawanan, nag-aasaran, nagbabangkaan. Minsan nga kahit test paper, ginagawa naming papel para sa “bartending” — gamit ang sachet ng kape, milo, at asin. Experimental drinks ng mga bored na tamad.
Hindi kami kriminal. Pero sige, borderline stupid.
At sa mundo naming ‘yon, ako si Dom — makulit, mabilis magpatawa, at kahit papano, may respeto pa rin. Hindi ako siga, pero hindi rin ako pa-cute. ‘Yung tipong “lahat kilala siya” kasi marunong makisama, kahit walang ambag na assignment.
Doon din ako unang nadawit sa fraternity.
San Pedro University may ilan lang ‘yan, pero kilala ‘yung mga brotherhoods sa campus. Hindi ‘yung tipong maangas na pambaliktad ng classroom chairs—mas ‘yung underground na inuman sa rooftop ng annex building. May code names, may initiation, may “kung isa sa amin, isa sa'yo” na mentalidad.
Sa totoo lang, hindi ako dapat mapasama. Pero si Alvin, tropa ko since Grade 5, nagdala sa’kin. Sabi niya:
“Dom, dito ‘yung mga totoong kapatid.”
Hindi ko man sinabing “oo” agad, pero nagpakita ako. Unang beses kong sumama, gabi ng Miyerkules. May tanikala ng ilaw sa likod ng gym, mga bote ng Tanduay, at isang speaker na panay Basshunter.
Pinasalubungan ako ng pulutan at dalawang tanong:16Please respect copyright.PENANAj8ISeyHtEz
“Alam mo bang walang atrasan dito?”16Please respect copyright.PENANAcq3KzNenqr
“Handa ka bang ibigay ang lahat sa mga kapatid mo?”
Sabi ko lang, “Hindi pa ako sigurado kung anong ibig sabihin no’n, pero kung kayang palitan ng samahan ang gutom — edi tara.”
Tawa sila. Tanggap ako.
At doon nagsimula ang isa sa pinakamasayang, pinaka-kalokohang yugto ng buhay ko.
May mga gabing umuuwi ako na hindi ko alam kung paano ako nakalakad. May mga umaga ring wala akong sagot sa tanong ni Nanang kung bakit amoy alak ang hininga ko kahit Biyernes pa lang.
At sa mga gabing ‘yon, isang pangalan ang lagi kong naiisip:16Please respect copyright.PENANAlQqtbgXq8g
Estella.
Kung ako ay usok, siya ang tubig.16Please respect copyright.PENANAUOWo2A2w1Q
Kung ako ay alon, siya ang buhangin.16Please respect copyright.PENANAglnKqTGD46
At kung ako ay perwisyo, siya ‘yung panalangin ng magulang mong sana mabait ang mapangasawa mo.
Estella Corea.
Maputi, maliit, may mahabang buhok at mata na parang laging may iniisip. Tahimik siya. Pero pag nagsalita, parang hindi mo pwedeng kontrahin. Hindi siya mataray. Matino lang. At mahinhin sa level na parang hindi puwedeng sumayaw sa mga school event kasi baka mabastos ang hangin.
Nagkakilala kami dahil pareho kaming nasa journalism club. Siya ang writer. Ako ang “nagpapatawa.” Literal. Kasi binigay lang sa’kin ‘yung posisyon para hindi raw ako mang-gulo sa klase. Pero kahit pa-petiks ako, masipag si Estella — at hindi niya ako sinukuan kahit wala akong ambag.
Ang totoo, hindi ko naman talaga niligawan si Estella. Parang kusa siyang napadikit. O baka siya ‘yung unang nakakita ng kakulangan ko at sinabing: “Sige, kaya pa ‘yan.”
Wala siyang hilig sa frat. Ayaw niya sa barkada ko. At kung siya lang masusunod, dapat nasa library ako tuwing hapon, hindi sa rooftop ng annex.
Pero kahit gano’n, mahal niya ako.
Hindi ko rin alam kung bakit.16Please respect copyright.PENANABTHY6pySUq
Hindi ko rin sinamantala—hindi agad.
Pero si Estella, siya ‘yung unang babaeng hindi ko hiningi pero dumating.
At sa isang gabing hindi inaasahan, siya rin ang unang babaeng naging akin.
Itago natin ang detalye. Hindi ko siya minani. Hindi ko siya pinilit. Hindi ko siya inuto.
Sa murang gulang namin, siguro may kamangmangan, may kabaliwan, may pagka-dramatikong akala mo ‘yon na ang forever. Pero ang totoo—nang hawakan niya ang kamay ko no’ng gabing ‘yon, hindi siya takot.
Siya pa ang nagsabi:16Please respect copyright.PENANA3K1glm4YUV
“Alam kong hindi mo ako hinihingi, pero ito ako. Buo. At sa’yo lang.”
Wala akong planong may mangyari. Walang kandila. Walang plinano. Pero may damdaming mas matindi sa takot, mas malalim sa pagnanasa. At iyon ang pagiging totoo. Wala kaming ibang hawak kundi ang kabataan at damdaming hindi namin lubos maintindihan.
Pagkatapos, tahimik lang kaming magkatabi. Pinapakinggan ang tibok ng puso sa gitna ng dilim.
Sabi niya, “Tandaan mo, Dom. Kahit hindi mo ito hiningi, hindi ko rin ito ibinigay dahil gusto kong suklian. Ibinigay ko ito kasi pinili kita.”
At doon ako tuluyang natakot.
Kasi hindi ko alam kung kaya kong alagaan ang isang regalong hindi ko kayang tumbasan.
Hindi ako tumino agad pagkatapos no’n.
In fact, naging mas tamad ako mag-aral. Mas sumama pa ang attendance ko. At mas napalapit ako sa mga kapatid ko sa frat. Kasi feeling ko, kung wala akong kakayahang maging honor student, baka puwede pa akong maging “legend” sa tropa.
Pero kahit anong kalokohan ang gawin ko, palaging nando’n si Estella. Tahimik pero present. Hindi umiiyak. Hindi nangungulit. Pero sa mga mata niya, laging may tanong:
“Hanggang kailan mo tatakasan ang sarili mo?”
Hindi ko pa alam ang sagot noon. Ayokong sagutin. Kasi kung aaminin ko na may halaga ako, kailangan kong panindigan. At kung paninindigan ko, kailangan kong magbagong buhay.
At hindi pa ako handa.
16Please respect copyright.PENANAevNaPvZCRz