KABANATA 3: Sa Gitna ng Bala at Pagbabayad
Mula pagkabata, sanay na si Dominic sa mga simpleng kasiyahan—tawanan sa kanto, barkadahan sa waiting shed, sabayang paglalakad pauwi habang umuulan. Pero ngayong gabing ito, wala ni isa sa mga alaala niyang iyon ang nakapigil sa malamig na katahimikan ng ospital.
Puting-puti ang paligid, pero tila masyado itong malinis para sa maruming konsensyang dinadala niya ngayon.
"Hindi siya dapat ang nando'n. Ako dapat."18Please respect copyright.PENANATqnI2CflN0
Paulit-ulit. Paulit-ulit sa utak ni Dominic ang linyang iyon mula nang gabing iyon sa likod ng eskinita, kung saan isang mapait na pangyayari ang tuluyang bumago ng lahat.
Maganda ang lahat noong una. Oo, magulo ang mundo niya—may barkada, may kapilyuhan, may mga hatinggabi ng alak at sigarilyo sa gilid ng kalsada. Pero may Estella siya. Ang babaeng minahal siya sa kabila ng lahat. Ang babaeng hindi marunong magsinungaling, hindi marunong manakit, hindi marunong manghusga.
Tahimik si Estella, mahinhin. Tipong hindi mo aakalaing pipili ng kagaya ni Dominic—magulo, tamad mag-aral, laging huli sa klase, pero laging una sa listahan ng kalokohan.
Pero mahal siya ni Estella.
At mahal niya rin ito, sa sarili niyang paraang hindi pa buo, hindi pa hinog, hindi pa handa.
Nang sumali si Dominic sa fraternity ng school nila, hindi niya alam kung ano talaga ang pinasok niya. Sa una, katuwaan lang—"brotherhood," ang sabi. Tulungan sa exams, proteksyon kung may gulo sa labas, may pangalan sa campus.
Pero habang lumalalim ang pagkakasangkot niya, lalo rin niyang naramdaman ang bigat ng mundo ng mga frat. May mga away, basagan ng mukha, lihim na engkwentro. Lahat ng iyon, nalalaman ni Estella.
"Dom, hindi ko gusto ‘yan. Lalo na't hindi ko na kilala kung sino ka pag kasama mo na sila."
"Relax ka lang, ‘La. Alam ko ginagawa ko," ang tanging sagot niya noon.
At ngayon, heto siya. Wala nang Estella para pagsabihan siya. Wala nang Estella para kalabitin siya pabalik sa tama. Wala nang Estella—kundi sa larawan, at sa kabaong.
Nang gabing iyon, hindi siya dapat kasama sa eskinita. Tinawagan lang siya ng kaibigan niyang si Ronnel—"Bro, may usapan daw ang kabilang frat. Mag-ingat ka." Pero dahil matigas ang ulo, sumama pa rin siya sa iba pang ‘brods’ niya. Dala ang batuta, peke ang lakas ng loob.
At habang naglalakad siya pauwi, nakita niyang paalis na rin si Estella mula sa library. Pinilit siyang samahan, hindi siya pinayagan. Nag-away pa nga sila dahil doon.
"Dom, please... kung may gulo, bakit kailangan mo pang sumama?"18Please respect copyright.PENANA2mK1tc3Zwe
"Hindi ako ang target. Basta umuwi ka na, ‘La. Baka ma-late ka pa."18Please respect copyright.PENANAiwdlVUfA54
"Pero baka ikaw ang mapahamak..."18Please respect copyright.PENANADhyhCDKIes
"Ako ‘to, remember? Ako ang Dominic na hindi basta-basta napapahamak."
Pero iyon na ang huling beses na maririnig niya ang boses ni Estella.
Bigla na lang silang pinaputukan. Walang pasabi. Walang awa. Dalawang lalaki sa motorsiklo. Hindi na siya nakagalaw agad, nanigas ang katawan. Pero naramdaman na lang niya ang kamay ni Estella sa dibdib niya—tumulak, tila sinubukang iligtas siya.
Pagdilat niya, duguan na ang sahig. Si Estella. Wala nang malay.
Hindi niya ito nasilayan sa ospital. Hindi siya pinayagang makalapit. Ang sabi ng pamilya: "Kung hindi dahil sa ‘yo, buhay pa si Estella."
Ni hindi siya pinayagan sa burol. Tinuring siyang salot, salarin, sanhi ng pagkawala ng dalaga.18Please respect copyright.PENANA6tQVv0uQAk
At sa isang iglap, nawala rin siya sa sarili niyang mundo.
"Umuwi ka na muna sa Bicol, anak. Palamig ka muna ng ulo. Malayo sa gulo," payo ng kanyang ama—hindi sa dugo, pero sa puso.
Hindi na siya nakipagtalo. Umalis siyang walang dala kundi isang backpack, ilang pirasong damit, at ang pinakamasakit sa lahat—ang ‘di natapos na usapan, ang hindi nasabing “patawad,” ang hindi muling nabigkas na “mahal kita.”
Pagbalik niya sa Bicol, hindi kaginhawaan ang sumalubong sa kanya. Bagkus, mas tumambad ang realidad—ang hirap ng buhay. Kung sa Laguna, kahit paano'y may sariling kwarto siya at nakakatikim ng fastfood, dito sa probinsya, gigising siya ng alas-singko ng umaga para mag-igib ng tubig, magtimpla ng kape, tumulong sa taniman.
At bago pa man siya kumain, kailangang may naambag na siya sa bahay. Hindi siya pinalad sa trabaho, kaya minsa'y umaasa lang sila sa ani. Sa ulan. Sa tiyaga.
At sa pananampalataya.
Ngunit kahit sa gitna ng kahirapan, natutunan niyang tumahimik. Unti-unti, tinanggap niya ang kasalanan. Hindi para isisi sa sarili ang lahat, kundi para yakapin ang katotohanan—may mga pagkakamali siyang kailangang bayaran.
Isang araw, habang nakaupo siya sa ilalim ng puno sa gilid ng bukid, kinuha niya ang lumang notepad na naiwan sa bag niya. Galing pa iyon kay Estella—regalo noong monthsary nila. Dito niya unang sinulat ang awit na hindi niya kailanman naiparinig:
“Kung kaya kong ibalik ang kahapon,18Please respect copyright.PENANAAfIhcGA72P
Ipipikit ko ang aking mga mata,18Please respect copyright.PENANALpJKkUR0ty
At hahayaang ikaw ang manatili,18Please respect copyright.PENANA8VlqoXxolF
Sa mundong ‘di dapat naging akin.”
Mula noon, hindi na siya tumigil sa pagsusulat. At sa bawat pahina ng notepad na iyon, isinusumpa niya ang sarili na gagamitin niya ang buhay niya para maging makabuluhan. Para hindi masayang ang buhay na nawala dahil sa kanya. Para, kahit papaano, magkaroon siya ng lakas ng loob na mahalin ulit ang sarili…18Please respect copyright.PENANAc3bj9IpUJU
at marahil, balang araw, mahalin muli ang iba.