KABANATA 31: Mas Gugustuhin Kong Wala Nang Iba Kundi Siya
Hindi ko na kinaya.
Hindi ko na kayang magpanggap na kaya ko. Na ayos lang ang lahat. Na matapang ako. Na wala akong pakialam kahit pa dumalang na ang messages niya. Kahit hindi na siya nag-a-update kung nasaan siya. Kahit ang daming fans ang nagsasabing perfect match kami sa screen pero ako mismo, hindi ko na maramdaman yung connection naming dalawa sa likod ng camera.
Hindi ko na kayang wala si Jeanine.
Yun ang totoo.
At mas lalo kong napatunayan yun nung nasagot ko ang tawag ni Mama Ellen matapos ang podcast. Akala ko si Jeanine ang may kasalanan. Akala ko she was being petty, immature, pa-victim. Pero yun pala, sinarili niya ang lahat.
Hindi siya nagsumbong.
Hindi niya ako sinulsulan laban sa pamilya ko.
Hindi niya ako ginamit para umangat.
Sa kanya ako natutong mag-ipon.
Sa kanya ako natutong i-manage yung kita ko mula sa Singing App.
Sa kanya ko unang naramdaman na hindi ko kailangang magpabibo para mapansin, dahil kahit tahimik lang ako—pinipili niya pa rin akong pakinggan.
At sa mga panahong hindi ako pinapansin ng sarili kong pamilya, siya yung kasama ko sa gabi habang kumakanta ng "Buwan" o "Tadhana" online. Siya yung taga-harmonize ko, kahit wala sa tono minsan. Siya yung taga-salo ko pag sumasablay ako sa adlib.
Siya yung tahanan ko, sa totoo lang.
Kaya ako na ang lumapit.
Ako na ang unang nag-message.
Hindi na ako nagsimula sa "Kamusta?"13Please respect copyright.PENANAjX1kANUkGy
Hindi ko na rin sinundan ng "Pwede ba tayong mag-usap?"
Simple lang.
“Sorry.”
Yun lang ang unang chat ko.
At ilang minuto pa lang, nag-seen na agad. Online siya.
Nang sumagot siya, ang una niyang tinanong:
“Bakit ka nagsosorry?”
Sabi ko:
“Kasi ako yung naniwala agad. Ako yung nagduda. Ako yung hindi lumaban para sa’yo.”
Tahimik sa kabilang dulo. Baka binabasa niya paulit-ulit yung sinabi ko. Baka hindi siya makapaniwala. O baka iniisip niya kung worth it pa bang pakinggan ako.
Pero sinabi ko pa rin. Kasi sa sobrang dami ng pinigilan ko dati, ngayon ayoko nang pigilin.
“Pwede ba tayong magsimula ulit?”
At sinundan ko agad bago pa siya makatanggi.
“Pero hindi na yung gaya dati.”
“Gusto ko... yung magkasama na talaga tayo.”
Yun ang part na ikinagulat niya.
Hindi siya agad nakasagot.
Nag-“typing…” lang siya ng matagal.
Akala ko magle-left on read na naman.
Pero ilang sandali lang, sinend niya ang tanong:
“Gaano katotoo yung sinabi mo?”
“Yung ‘magkasama na talaga tayo.’ Hindi lang tuwing weekend. Hindi lang sa livestream.”
Sabi ko, "Totoong-totoo."
Sabi ko, "Alokasyon ng sweldo ko, sa bahay natin. Kung gusto mo, dito ka tumira. Kung ayaw mo dito, lilipat ako sayo. Basta gusto ko, pag-uwi ko galing work, ikaw agad yung makikita ko.”
Huminga ako ng malalim bago ko sinend yung huli:
“Sawang-sawa na akong mahalin ka lang sa oras na convenient. Gusto ko… araw-araw.”
Natahimik siya.
Pero naramdaman ko yung shift.
Yung dating malamig na aircon ng pagdududa at distansya — unti-unting nagiging init ng posibilidad.
Bago natapos ang gabing yun, nagreply siya.
“Ayoko sa bahay mo.”
Nalungkot ako saglit. Pero sinundan niya agad.
“Kasi... mas gusto ko tayo ang bumuo ng bahay na para talaga sa ating dalawa.”
Hindi ko napigilan ang ngiti ko.
Sobrang simple ng reply niya pero tumagos.
At yun ang simula ng panibagong kwento namin.
Hindi agad madali. Nagkaroon pa rin kami ng ilang usapan — paano ang schedule namin, paano ang hatian sa gastos, anong city kami lilipat, saan malapit sa work ko at sa taping niya.
Pero hindi na kami nag-aaway sa kung sino ang may kasalanan.
Ang focus namin ngayon: paano magkasya ang dalawang taong may trauma, may pinanggalingan, may sariling rhythm — sa iisang tahanan.
At sa unang gabi ng paglipat niya, wala kaming ginawa kundi humilata sa sahig habang nagbabasa ng instructions sa IKEA bedframe na hindi pa namin mabuo.
Siya yung nagbasa. Ako yung sumasabit ng screwdriver.
Tumatawa siya habang sinasabi:
“Bakit parang mas mahirap to kesa magmahal ng lalaki?”
Sabi ko naman, “Eh kasi ‘to, may instructions. Yung pagmamahal ko sayo… freestyle eh.”
Napahagalpak siya. Napahagikgik ako. Tapos sabay kaming napagod.
Natulog kami sa sahig, gamit lang ang folded blanket. Wala pa kaming mattress.
Pero sa unang pagkakataon, hindi ko naramdaman na kulang.
Kasi kahit wala pa kaming kama…
May kumpletong tahanan na ako.
ns216.73.216.235da2