KABANATA 12: Stalker Mode On
Minsan mapapaisip ka rin—paano nga ba nagsisimula ang pagkahumaling mo sa isang tao? ‘Yung tipong hindi mo siya hinahanap pero kusa siyang dumarating sa araw-araw mong routine, tapos unti-unting kinukubkob ang bawat sulok ng isipan mo.
Gano’n si Jeanine para sa akin.
Noong una, katuwaan lang sa singing app. Masaya siyang kausap, matalino, magaling umawit. Pero habang lumalalim ang pag-uusap namin, habang padalas nang padalas ang tambay naming dalawa sa room, pakiramdam ko lumalaki rin ang espasyo niya sa puso ko—kahit hindi ko agad yun maamin. Hindi pa dapat. Ayoko. Kasi alam ko ang sarili ko—palabiro, hindi pa sigurado sa buhay, at higit sa lahat… maraming sablay. Pero siya? Parang perpekto sa lahat ng aspeto.
Kaya naman sinimulan ko siyang kilalanin sa paraang alam kong kaya ko.
Tinake down ko lahat ng mababanggit niyang pahiwatig—‘yung mga casual niyang sagot kapag tinatanong ng grupo kung anong pagkain ang ayaw o gusto niya. Tinandaan ko ‘yung mga kanta na pinipili niyang kantahin kapag wala lang, dahil sabi niya daw, "Pag wala akong ganang mag-isip, kanta na lang ni Adele o ng Paramore.” Lahat ng ‘yon? Nilista ko.
Sa Notes app ko, meron akong isang folder na pinangalanan kong: "Jeanine 101." Hindi naman sa pagiging stalker. Gusto ko lang sigurong maramdaman kahit paano na nag-e-effort ako. Wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko, pero kaya kong kilalanin siya tahimik pero tapat.
Hanggang isang araw—ayun na. Nahanap ko ang kanyang Facebook.
Napadpad ako sa isang mutual friend namin sa singing app. May isang post siyang shinare kung saan tinag si Jeanine. Nakita ko ang pangalan. At napalunok ako. Napindot ko agad ang profile, nanginginig pa ang daliri ko. Kasi parang may ginagawa akong mali, pero hindi ko rin mapigilang magpatuloy.
Hindi naka-private. Public ang profile niya.
Grabe. Ang ganda niya. Hindi lang basta maganda—may dating. ‘Yung tipong effortless sa bawat larawan. May mga selfie siya sa campus nila dati. Tila ba kahit candid, maganda pa rin. May mga photos siyang hawak ang mic habang kumakanta sa isang parang school concert. Naka-black jumpsuit siya roon, naka-pony tail, tapos salamin lang ang accessory niya. Classic look. Walang arte. Pero para akong binaril sa dibdib.
Mas lalo akong napatunayan na hindi lang boses niya ang nakakahumaling—pati buong pagkatao niya.
May isa pa siyang picture doon, sobrang simple. Nakaupo siya sa sofa, hawak ang libro. Wala siyang makeup, wala ring filter. Pero hindi ko makakalimutan ‘yung caption:
"You don’t have to be loud to be strong."
Doon ako tinamaan ng malupit. Sa pagkatahimik niya, naroon ‘yung lakas. Sa mga ngiting tila laging may dahilan, at sa mga mata niyang parang palaging may nililihim. Kaya siguro hindi ko rin siya basta maiwan. Lalo kong gusto siyang intindihin.
Sunod kong pinuntahan ang Instagram niya. Medyo curated ang feed, mostly aesthetics—pastel tones, random photos ng kape, libro, at kwaderno na may sulat-kamay niyang tula. May mga quote rin siyang galing sa mga sikat na psychologist at authors, halatang in line sa course niya—BS Psychology. Doon ko lang din nalaman kung saan siya nag-aral. Catholic school sa Laguna, sikat, at mahal ang tuition. Hindi ko na lang babanggitin dito.
Nag-scroll ako sa comments. Marami siyang kaibigan na supportive. Lalo ‘yung isang comment na tumatak sa akin:
"Baka mapagod ka na kakasalo ng lahat, kahit hindi mo naman obligasyon. Ingat palagi, Nein."15Please respect copyright.PENANAQ8mkwswMha
Tawag nila sa kanya, "Nein." Cute. Jeanine—Nein. Akma.
Pero sa gitna ng lahat ng ‘yon, mas lalo lang akong lumubog. Hindi ko alam kung anong balak ng tadhana, pero tila ba pinakita sa akin ang kabuuan niya, hindi para lang hangaan kundi para mas lalo kong pangarapin. Hindi ko siya pwedeng ligawan, kasi wala naman siyang sinasabi. Hindi ko rin siya pwedeng bastusin sa pamamagitan ng pagiging assuming. Pero gusto ko lang mas mapalapit. Gusto ko siyang maintindihan, makilala pa nang lubusan, at kung papalarin—mahalin, kung papayag siya.
Pero sa ngayon, sapat na ‘yung kilalanin siya.
Kaya kapag may nababanggit siyang libro sa chatroom, hinahanap ko. Binabasa ko rin. Kapag may kanta siyang nirerequest, inaaaral ko para sa susunod, ako na ang kakanta nun para sa kanya. Kapag birthday ng nanay niya, sumasabay akong bumati. At kapag may bagong entry siya sa IG, nilalike ko agad. Pero hindi ako nagcocomment. Gusto ko lang iparamdam na andito lang ako—hindi para mangulit, kundi para sumabay kung kailangan niya ng karamay.
Minsan mahirap, minsan nakakatuwa. Pero sa totoo lang, napakagaan lang ng lahat kapag siya ang iniisip ko.
Sa isang entry niya sa Instagram, may sinulat siyang tula. Short lang. Pero hanggang ngayon, dala ko pa rin sa isip ko:
"Kapag hindi mo alam ang susunod mong hakbang,15Please respect copyright.PENANAkOyOokBRFT
Pikit ka muna—15Please respect copyright.PENANAjyFkgMqVaW
Baka kasi kailangan mo munang pakinggan15Please respect copyright.PENANA0JH3AcKGV8
‘Yung tibok ng puso mo,15Please respect copyright.PENANApYUD6duCMF
Hindi ‘yung bulong ng paligid mo."
Alam ko hindi iyon para sa akin. Pero pakiramdam ko tinamaan pa rin ako. Kasi ilang beses ko na ring hindi alam kung anong hakbang ang susunod kong gagawin. Pero sa tuwing iniisip ko si Jeanine, kahit magulo ang mundo, bigla na lang akong napapatahimik.
Para bang may tahimik din akong pinipiling sundan—ang tibok ng puso kong sa kanya lang palaging bumabaling.
ns216.73.216.251da2