10Please respect copyright.PENANAXSr3pcOK7X
POV ni Chester
Paulit-ulit kong binasa 'yung huling mensaheng iniwan niya bago niya ako binlock. Maikli lang. Walang emote. Walang init. Wala nang Kyla na nakilala ko.
“Tama na, Chester. Huwag mo na akong guluhin.”
Sa screen ng phone ko, nakalagay ang "User not found". Binura niya ako. Hindi lang sa feed, kundi sa buhay niya. Parang binunot niya ako sa puso niya—walang paalam, walang ingay. Tahimik pero wasak.
Tumawag ako sa lahat ng pwedeng makausap. Sa mga kaibigan namin. Kay Ian, kay Melissa. Lahat sila walang alam kung nasaan siya. Lahat sila ayaw makisawsaw.
Nagmakaawa ako sa chat, sa bagong account na ginawa ko, sa dummy, kahit saan. Umabot pa ako sa office niya. Tinawag akong "walang hiya" ng mga katrabaho niya. Pero di ako tumigil. Nag-iwan ako ng sulat sa reception, naghintay sa parking lot. Wala. Wala talaga.
Bumalik ako ng bahay—at dun ko pinakawalan lahat ng galit.
"Ano bang gusto mong mangyari, Evelyn!" sigaw ko sa asawa kong parang mas lalong ginusto pang wasakin ako.
Nasa kusina siya, bitbit ang anak naming bunso. Wala siyang imik. Matagal na kaming walang matinong usapan, pero ngayon... ngayong nawala si Kyla, para bang lahat ng inis ko ay sa kanya bumagsak.
"Ikaw ‘tong nagpost, diba? Ikaw ‘tong nanira sa social media!"
Hindi siya sumagot. Tumalikod siya, parang wala lang.
At dun, nawala na ‘ko.
Hindi ko namalayan kung paanong bumagsak ang baso sa pader, kung paanong tumaas ang boses ko, kung paanong napasigaw ang panganay naming anak—si Gio.
"Tama na, Papa! Ano bang problema mo!" umiiyak siyang pumasok sa pagitan naming mag-asawa.
Napatigil ako. Dun lang. Sa gitna ng lahat, habang hawak ni Evelyn ang braso niya’t si Gio ay umiiyak—napagtanto ko kung gaano kabasag ang lahat.
"Anak…" bulong ko. Pero hindi siya tumingin. Ang mga mata niya—galit, luha, takot. Lahat nandoon.
"Wala na talaga kayong pagmamahalan ni Mama?"
Ang sakit. Dahil totoo. Dahil kahit kailan, di ko na muling minahal si Evelyn. Wala nang damdaming natira.
"Wala na anak. Matagal na. Matagal na kaming patay ng Mama mo."
Umiiyak si Evelyn sa tabi. Hindi na ako makalapit. Wala akong karapatang damayan siya. Hindi ako ang asawa niya ngayon. Isa akong multo ng pagkakamali. Isa akong kasalanang tinanggap niya pero hindi na niya kayang itama.
"Kay Kyla lang ako sumaya." bulong ko.
"Masama na akong ama kung masama ang magmahal ng totoo. Pero wala na akong pakialam kung anong tingin niyo. Siya lang ang nagparamdam sa akin na tao pa ako. Na may halaga ako."
Tahimik si Evelyn. Tahimik ang anak ko.
Tahimik din ang buong bahay—pero ang mga pader, nagsisigawan.
POV ni Kyla
Tatlong araw akong hindi lumalabas ng bahay. Parang bangungot na hindi matapos. Mula sa paglabas ng post ni Evelyn, sa pagkakalat ng screenshots ng conversations naming dalawa ni Chester, hanggang sa paglalait sa akin online.
“Kab*it.”10Please respect copyright.PENANALnEE07DueX
“Wala kang respeto.”10Please respect copyright.PENANAndk4c416z1
“Pamilya ang sinira mo.”
Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong umiyak habang binabasa ‘yon. Hindi ako makalaban. Kahit gusto kong ipaliwanag, lahat ay may hatol na.
Pati parents ko, hindi na tumigil kakatawag.
“Anak, pupunta tayo sa piskalya. Hindi na ‘to pwede. Sobrang libelo na ‘to. Pati pangalan natin nadadamay.” – Mama
“Anak, kung may mali man, may proseso. Hindi sila pwede basta na lang manira.” – Papa
Pero ang totoo… hindi lang sila ang nasaktan. Ako rin.
Sinira rin ni Chester ang tiwala ko. Hindi dahil sa minahal ko siya—kundi dahil hindi niya sinabi ang buong katotohanan.
Ginawa niya akong tau-tauhan sa isang istoryang alam na pala ng lahat maliban sa akin. Parang palabas na ako ang pinakahuling nanood. Ako ang tanga.
Naiyak ako habang nililinis ang lumang helmet na iniwan niya sa bahay. Hindi ko ‘to maitapon. Lahat ng galit ko, sa loob ko lang binubuhos. Kasi sa kabila ng lahat…
Minahal ko siya.
POV ni Chester (Ulit)
Nasa loob ako ng kotse, kaharap ang gate ng bahay nila Kyla. Hindi na ako bumaba. Wala na akong lakas ng loob. Nasa bulsa ko ang sulat. Isang pahina lang. Puno ng paumanhin.
"Sorry kasi minahal kita nang hindi pa ako malaya.10Please respect copyright.PENANAtNBvJKAEoX
Sorry kasi pinalaya kita nang wala akong tapang panindigan ka."
Gusto ko sanang ibigay. Pero paano? Wala na ‘ko sa mundo niya. Pinili niya nang kalimutan ako.
Isang huling tingin sa gate. Isang buntong hininga.
"Kyla... kung mababasa mo man ‘to kahit kailan, sana maalala mong totoo lahat ng ngiti ko. Lahat ng halik. Lahat ng lambing. Ikaw lang ang laman ng bawat salitang ‘mahal kita.’ Pero hindi lahat ng pagmamahal… sapat para matawag na tama."
POV ni Evelyn
Tatlong araw akong hindi makatulog. Walang gana. Walang galit. Wala na. Siguro dahil sa wakas, lumabas na ang lahat. Wala nang tinatago. Pero hindi ibig sabihin ay wala nang sakit.
Sinubukan kong maging asawa. Sinubukan kong maging ina. Pero minsan, kahit anong pilit mong ikapit ang wasak na baso… hindi na ito magiging buo.
Hindi na ako umaasa. Hindi na ako lumalaban.
Kung totoo ngang si Kyla lang ang nagpapasaya sa kanya… siguro… panahon na ring palayain ko ang sarili ko.
At ang tanong sa sarili ko: “Ano na lang ang natira sa isang babaeng binura ng asawa niya?”
ns216.73.216.79da2