Chester’s POV
Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang ganito. Basta isang araw, pagmulat ko, hindi na lang si Kyla ang nagpapasaya sa akin—siya na rin ang dahilan kung bakit parang ayoko nang umalis sa mundong nilikha namin. Kung saan walang ingay ng mga batang nagtatalo. Walang asawa kong walang ginawa kundi magbilang ng mali ko. Kung saan ako ay ako, at siya—siya ang kalayaan ko.
Nagsimula lahat sa ride namin papuntang Coastal Roads of Batangas pagkatapos ng birthday ko. Gabi na 'nun, malamig ang hangin, pero mainit ang mga palad niya sa beywang ko habang nakayakap sa likod habang nakaangkas sa NMAX. Pagdating namin sa resort, hindi na kami nag-aksaya ng oras. Pinaghalo ang pagod at sabik—isang pagsabog ng mga halik, lambing, at ungol. Doon ko unang naramdaman kung paano magmahal ang babaeng tunay na malaya. Wala siyang itinatago. Wala siyang iniipit. Lahat binubuhos niya.
Pagkatapos nun, sumunod na ang Cavite-Tagaytay loop. Ibang vibe naman 'to—panay ang lambing niya habang kumakain kami ng bulalo sa may ridge. Para kaming mag-asawa. Nakapatong pa nga ang mga paa niya sa tuhod ko habang nagpapainit ng kape. At nang makabalik kami sa tinuluyan naming hotel, alam na namin ang kasunod—walang salita. Katawan lang ang nag-uusap.
Pag dumadating sa puntong ganon, parang nawawala ako. Nababaliw sa bawat ungol niya. Parang musika sa tenga ko 'pag sinasabi niyang, "Chester, sa’yo lang ako." Kaya sa bawat pagkakataon, sinisigurado kong mapapaulit niya yun—dahil ginagawa ko lahat para maramdaman niyang hindi lang siya minamahal… kundi sinasamba.
Sunod naman ang Marilaque loop. Masaya yung ride na ‘yun dahil kasama ang buong grupo. Pero kahit may ibang tao, hindi kami nawawalan ng moment. Pinilit kong makakuha ng solo room—at siya naman, parang laging handa. Sa tuwing sinasara ko ang pinto, parang isang mundo agad ang bumubukas para lang sa aming dalawa. At sa loob ng kwartong ‘yun, hindi ako Chester na may limang anak. Ako lang ang lalaking minamahal niya.
Naglapat ang mga labi namin. Mainit. Mabigat. Matindi. Sa bawat beses na pinapahiga niya ako at pinapaikot ang balakang niya, nararamdaman kong bumabagsak ang lahat ng guilt na dapat ay meron ako. Pero wala. Kasi sa piling niya, pakiramdam ko, tama ako.
Minsan, binibigyan niya ako ng lap dance. Akala ko sa mga pelikula lang 'yun. Pero kay Kyla, parang natural. Senswal. Tuksong hindi ko kayang tanggihan. Habang gumigiling siya sa kandungan ko, napapikit na lang ako at napapamura sa sarap. Siya ang kalayaan at kasalanan ko—sabay.
At sa bawat gabi ng ganon, hindi ko na halos maisuot ang condom. Gusto man niya, pero ako ang tumatanggi. Kasi gusto ko siyang mabuntis. Gusto ko siyang makulong sa mundong pinili kong itago. Gusto kong kahit iwan niya ako balang araw, may parte pa rin ako sa kanya—isang anak, isang buhay, isang marka na kahit kailan, hindi niya mabubura.
Sinasadya kong umangkas siya palagi. Para maramdaman ko siyang nakadikit sa likod ko. Kapag humihigpit ang yakap niya habang binabagtas namin ang highway, nararamdaman kong ako ang tahanan niya. Ako ang lalaking pinili niya, kahit hindi ako pwede.
Minsan sa isang inn sa may Antipolo, sinasabi niya sa akin habang nakahiga kami sa kama na gusto raw niyang lumayo. Doon daw kami sa lugar na walang may kakilala sa amin. Pero laging may “pero.” At ako, kahit hindi ko sinasabi, alam kong darating din ang panahon na hindi ko na siya mahahawakan.
Kaya pinipilit kong sulitin ang bawat gabi. Ang bawat halik. Ang bawat ungol at iyak ng ligaya. Gusto ko siyang alalahanin habang buhay—lalo na sa mga gabing kagaya ng huli naming ride.
Wala kaming kasama noon. Kami lang dalawa. Umulan pa habang binabaybay namin ang kalye. Basa kami pareho pagdating sa tinuluyan naming transient house. Pero hindi namin ininda. Sinalubong ko siya ng halik at binitbit sa kama. Wala ng paligoy-ligoy. Walang sinayang na segundo.
“Chester… ang sarap mong magmahal,” bulong niya habang magkadikit ang mga katawan namin.
Gusto ko sanang sumagot ng “ikaw rin,” pero natatakot ako. Baka masyado akong mahulog. Baka isipin niyang sobra akong attached. Kaya binulungan ko siya ng ibang bagay.
“Buntisin na kaya kita?” pilyo kong bulong habang pinipisil ang beywang niya.
Napakagat siya sa labi. Tumawa. “Loko ka talaga.” Pero hindi siya umangal.
At kahit hindi kami sigurado kung may nangyari nga nung gabing 'yun, umasa ako. Umasa akong baka sakaling 'yun na ‘yung gabing magbabago ng lahat.
Hindi ko alam kung bakit gusto kong magkaroon kami ng anak. Siguro dahil alam kong pag may anak kami, hindi na niya ako iiwan. Pagod na akong iwan. Pagod na akong habulin ng takot na baka isang araw, magising siya at maisip na mali pala akong mahalin.
Kasi sa totoo lang, ako ang may utang sa kanya. Sa bawat sandaling ipinagkaloob niya. Sa bawat halik at lambing. Sa bawat pag-unawa niya tuwing hindi ko siya matawagan agad. Sa bawat gabing tinanggap niya ang buong ako—kasama ng lahat ng kasinungalingan ko.
Minsan naiisip ko, paano kung wala akong pamilya? Paano kung si Kyla ang una at huli kong minahal? Siguro wala ng guilt. Siguro wala ng takot. Pero hindi ‘yun ang totoo ko.
Kaya sa ngayon, habang pinapakinggan ko siyang matulog sa tabi ko—habang pinagmamasdan ko ang mukha niyang payapa, iniisip ko na lang na baka ito na ‘yun. Baka ito na ang rurok ng lahat. Walang kasunod. Walang “forever.” Pero kahit saglit lang, kahit sa mga hotel na may tanawin ng bundok o dagat, siya ang langit ko.
At habang pinipisil ko ang kamay niyang mahigpit na nakayakap sa braso ko, bumulong ako, “Kyla… sana kahit masama ako, mahalin mo pa rin ako.”
ns216.73.216.79da2