7Please respect copyright.PENANAqCYaaHiItR
Makalipas ang ilang araw matapos ang ospital, biglang nagpakita si Chester sa labas ng opisina ni Kyla. Nakaupo sa harap ng paborito nitong coffee shop, hawak ang dalawang kapeng may pangalan nila sa baso.
Parang luma na’t paulit-ulit na eksena.
Pero si Kyla ngayon? Hindi na siya ang babaeng dati.
“Puwede ka bang makausap?” tanong nito, nag-aalangan.
Hindi niya sinagot. Umupo na lang. Curious. Tahimik. Pero walang emosyon.
“Si Evelyn… wala na kami,” panimula ni Chester. “Matagal na pala siyang handang bumitaw. Ako lang ang matagal. Kasi nga… hindi ko alam kung paano haharapin ang sarili kong kasalanan.”
Tahimik si Kyla.
“Kung papayag ka… gusto kong itama lahat. Gusto kong bumalik sa’yo. Ayusin 'to. Simulan ulit.”
Napangiti si Kyla. Pero hindi dahil sa kilig.
Napangiti siya sa irony.
“Chester…” sabay inom ng kape. “Bago mo sana ako inalok ng ‘bagong simula,’ dapat iniwan mo muna ‘yung mga kasinungalingan.”
Napakamot sa batok si Chester.
“Kasi kahit iwan mo man si Evelyn, dala mo pa rin ‘yung putik na nilubluban mo. Gusto mong sumama ako sa’yo, pero ang totoo… ikaw pa rin ‘yung lalaking nagtago, nagsinungaling, at nagpanggap.”
“Magbabago ako,” anito, halos pabulong. “Para sa’yo.”
Umiling si Kyla.
“Hindi ako gantimpala sa pagbabago mong huli na. Hindi mo ako second chance. Hindi mo ako last resort.”
Tumayo siya. Isang pitik ng buhok, isang hinga ng lakas.
“Hindi na ako naghahanap ng pag-ibig. Pero kung darating man siya, hinding-hindi na siya darating sa anyo ng dati kong pagkawasak.”
Wala nang masabi si Chester.
At si Kyla, tumalikod na muli—pero ngayon, hindi para takasan ang sakit.
Kundi para yakapin ang sarili niyang katotohanan.
ns216.73.216.238da2